Share

Chapter 5

Daniexsa's POV

SA sobrang excited kong makapasok ay literal napaaga ako rito sa opisina. May mangilan-ngilang empleyado na rin namang nandito at patuloy pa rin ang imbestigasyon sa parking lot.

Napag-alamang hindi naman pala parte ng kompanya ang babaeng namatay kahapon, ngunit ang nakakapagtaka lang ay bakit naman namatay ang dalawang lalaki sa control room?

Napabuga na lamang ako ng hangin mula sa aking bibig bago pinakatitigan ang mga tambak na papeles sa aking harapan. Inisa-isa ko lamang ito at pirma pala ni Mr. Riego ang kailangan para sa mga papeles na ito.

      "You are?"

Halos mapatalon ako sa aking kinauupan nang marinig ang boses ng isang lalaki. Awtomatiko akong napatingin rito at agad naman itong ngumiti. Mahina itong natawa marahil sa naging reaksyon ko at agad na lumapit sa akin.

       "I'm sorry, hindi ko ginustong gulatin ka.," Natatawa pa nitong paumanhin kaya naman hindi ko malaman kung ano ba'ng dapat na maging reaksyon. "I am Wayden Briones, nice meeting you?"

Nag aalangan man ay nakuha ko pa ring makipagkamay rito bilang tanda ng pagrespeto. Ayoko namang unang araw pa lang ng trabaho ko ay may kaaway na kaagad ako.

      "I'm Daniexsa Alcantara." Pormal kong pagpapakilala at mas lumawak pa ang mga ngiti nito.

Maputi ang balat nito at makinis. Maayos at malinis itong tingnan sa gupit n'yang low faded kung hindi ako nagkakamali. Matangos ang ilong, at medyo singkit ang mga mata at higit sa lahat ay matangkad.

Kung tutuusin ay maaari na itong maging isang modelo dahil sa angking kaguwapuhan. Sa tindig at porma pa lang nito, mahihinuha mo nang hindi lamang ito basta-bastang empleyado ng kompanya.

      "So, you're the new secretary." Pahayag nito nang bitawan na nito ang aking kamay. Naiilang ako sa bawat titig nito dahil pakiramdam ko ay buong pagkatao ko na ata ang nakikita n'ya. "Welcome to the Maxsteel Corporation Daniexsa, I thought hindi na sila makakahanap nang panibagong sikretarya." Makahulugan nitong sambit bago muling lumabas sa aking opisina.

Hindi naman nakaligtas sa aking paningin ang lihim nitong pagngiti kaya mas naging palaisipan iyon sa akin.

Nang makalabas ito ay saka naman dumating si Mrs. Sison at napangiti ito nang makita ako sa loob ng opisina. Mukha itong nabunutan ng tinik sa kaniyang lalamunan nang magkasalubong ang aming mga tingin.

      "Oh, thank God! I thought I've never seen you here, Miss Alcantara!" Punong-puno nang excitement sa boses nito kaya naman wala akong ibang naging reaksyon kung hindi ang mapangiti.

Wala naman kaming inaksayang oras at isa-isa n'yang ipinaliwanag sa akin ang mga importante kong dapat gawin sa oras na may mga meeting si Mr. Riego.

      "Si Mr. Riego na ang may sabi, you'll go with him... Especially sa mga meeting o kung ano pa mang mga nakaschedule na dapat n'yang gawin."

Napahinto ako sa aking narinig at napatitig sa mga mata ni Mrs. Sison kung tama ba ang aking narinig. Ang akala ko ba'y hindi ko-

Bago pa man ako makapagsalita, nabaling naman ang aming atensyon kay Mr. Feliciano. Kung hindi ako nagkakamali ay mukhang kami talaga ang sinadya n'ya rito.

Lihim akong napalunok nang magtagpo ang aming mga mata saka nito ibinaling ang atensyon kay Mrs. Sison na nasa aking tabi lamang.

      "Miss Alcantara, will you please get the important paper I'd left in the control room?" sandali akong natigilan nang marinig ang inuutos nito at saka naman ako napatingin kay Mrs. Sison, isang tango naman ang ibinigay nito sa akin bilang pahintulot kaya naman agad akong tumalima.

Sa tingin ko ay may importanteng sasabihin si Mr. Feliciano kaya idinahilan na lamang rin n'ya ang pag-utos sa akin. Mukhang confidential ang sasabihin nito.

Wala na akong nagawa kundi ang pumunta sa control room. Nang makapasok ako ay naaamoy ko pa ang isang pamilyar na pabango ngunit isanawalang bahala ko na lamang iyon at agad na inilibot ang aking mata sa kabuuan ng paligid. 

Sa pinakasentro ay naroon ang napakalaking screen kung saan nakamonitor ang bawat CCTV camera na nakalagay sa buong kompanya. Sa lawak at laki nito ay halos maliit na ang bawat footage kaya kinakailangan matiyaga ka sa pagmonitor at aktibo ang mga mata. 

Hindi ko na pinakialaman pa ang ibang gamit dahil dito nangyari ang crimes scene, isa pa ay may alibi naman ako kung bakit ako narito sa mga oras na ito. Agad na nahagip ng aking mga mata ang isang papel na nakapatong malapit lamang sa isang kompyuter kaya dahan-dahan akong naglakad upang kunin ang papel. 

Nang madampot ko na ang papel na naglalaman ng ilang impormasyon patungkol sa mga empleyado na parte ng kompanya ay isa-isa ko namang sinipat ang bawat bukas na drawer kaya bahagyang nangunot ang aking noo. 

Bakit naman kaya hinayaan nilang ganito kagulo ang control room? Posible kayang bukod kay officer Feliciano at sa akin na kakarating lamang ngayon ay may iba pang pumasok rito? Napailing na lamang ako sa aking naisip saka dinampot ang papel na pinapakuha sa akin ni Officer Feliciano, ngunit sa hindi inaasahan ay may nalaglag na maliit na kapirasong papel at napunta pa ito sa ilalim na bahagi ng lamesa. 

Napabuntong hininga na lamang ako dahil isang pencil skirt ang aking suot at inis na yumuko upang abutin iyon. Madilim ang bahagi ng lamesa at talagang hindi mo mapapansin kung ano man ang mayroon doon. Kasabay ng pagdampot ko sa papel ay sa ilalim naman nito ang isang kulay itim na butones. 

Napaawang ang aking bibig at agad na dinukot sa aking suot na pang ilalim na damit ang nakatagong gloves at dali-daling sinuot sa aking kanang kamay. Nang madampot ko ito ay agad akong tumayo at pinakatitigan itong maigi. Halos kalahati ng butones ay may mantsa ng kulay pulang likido. 

Marahan kong inilapit ito sa aking ilong upang makumpirma ang isang bagay at hindi nga ako nagkamali. Dugo ang mantsang nakadikit sa butones na ito! Kinuha ko ang isang maliit na ziplock at doon inilagay ang itim na butones na aking nakita. 

Inayos ko ang aking sarili bago ako tuluyang lumabas ng control room hawak ang papeles na iniutos sa akin ni Officer Feliciano, habang nakatago sa aking bewang ang isang mahalagang bagay na sa tingin ko ay konektado sa kaso. 

Naabutan ko pa rin sina Officer Feliciano at Mrs. Sison na magkasama, bahagya silang napapitlag nang mapansing nakalapit na pala ako sa kanila at mukhang nagtatalo pa ang mga ito patungkol sa imbestigasyon. 

      "Heto na po ang papeles, Officer Feliciano!" Ngumiti ako ng bahagya rito at marahan naman itong tumango at kinuha ang papeles na aking hawak. 

     "Salamat, Miss Alcantara." Aniya at makikita sa malamlam nitong mga mata ang pagod. Mukhang hindi pa ito natutulog at mukhang wala atang planong magpahinga. "I'm telling you, Mrs. Sison, there's a missing piece into this case. If I were you, mas mainam na personal kong makausap si Mr. Riego-"

      "Mr. Riego has nothing to do with the investigation, Officer. Wala s'ya noong naganap ang krimen, bakit pa pilit mong ipinagdidiinan ang bagay na 'yan?!" Mahahalata ang inis sa pananalita ni Mrs. Sison at mukhang hindi na ito makapagtimpi pa dahil sa mga katagang binitawan ni Officer Feliciano. 

Para akong nanunuod ng isang palabas kung saan nagtatalo ang bida at kontrabida patungkol sa isang bagay. May mga mabigat silang rason at pinanggahawakan. May mga kani-kaniya silang pinoprotektahan. 

Masasabi kong nakatuon si Officer Feliciano sa kanyang trabaho at tapat naman na tauhan ni Mr. Riego si Mrs. Sison, kaya nga ganoon kalaki ang tiwala n'ya rito. Now, all I want to do is to be part of this picture, kailangan ko ring makuha ang loob nila upang malaya akong makagalaw. 

      "Kung hindi s'ya magpapakita sa mga susunod pang mga araw, walang kaso na uusad." Malamig na katagang binitawan ni Officer Feliciano bago ito tuluyang umalis dala ang mga papeles na kinuha nito sa akin. 

Saka lamang nawala ang tensyon na namuo sa paligid. Maging ang ilang empleyado ay panaka-naka nang tingin sa aming kinaroroonan ngunit ipinagsawalang bahala na lamang iyon ni Mrs. Sison. 

      "Just wait when he arrived, you'll meet him sooner than you expected.." bulong pang saad ni Mrs. Sison habang nakatingin sa direksyon na tinahak ni Officer Feliciano. Agad s'yang bumaling sa akin at nakaarko pa ang kilay, huling-huli kasi ako nitong nakatingin sa kanya saka bumuntong hininga sa aking harapan. "That old hag stressing me out, how dare him! Anyway, let's continue to our business.." 

Muli kong namataan ang lalaking nakilala ko kanina, at abala itong kausap ang isang empleyado. Sumulyap pa ito sa aming direksyon at saka muling itinuon ang atensyon sa kaniyang kausap. Habang si Mrs. Sison naman ay abalang ipaliwanag sa akin ang iba pang bagay na dapat kong malaman patungkol sa aking mga dapat gawin. 

May mangilan-ngilan ring bumabati sa amin, at tanging tango lamang ang tugon ni Mrs. Sison habang nililibot namin ang kompanya upang maging pamilyar ako rito. Habang ako naman ay nahahati ang atensyon sa iba pang empleyado at habang nakikinig sa mga sinasabi ni Mrs. Sison dahil ayoko namang masabon sa unang araw pa lamang ng trabaho. 

Ibang-iba ang kompanyang ito sa aking mga napasukan. Punong-puno nang misteryo at sikreto na dapat kong matuklasan. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status