Share

Tempted 2

Nung nakababa na ako ay iginala ko ang atensiyon sa buong paligid sa labas ng bar. Maraming naglalambingan sa bawat sulok at yung iba naman ay nagmi-make out na. Sobrang ingay talaga pero what do I expect naman diba? And finally when I set my eyes back to my cousins, kompleto na sila. Nahuli kasi sila Light ng ilang minutes sa pagmamaneho. "Let's rock n roll tonight guys!" masiglang sigaw ni Akee. For sure sobrang excited na nang isang 'to, walang pinagbago, he loves going parties as always.

Sabay-sabay na kaming pumasok when suddenly my phone ring for the third time. Oh no! Huwag lang is grandma 'tong tumatawag at baka pabalikin pa ako sa bahay nito. I was relief when I saw unregistered number at my phone screen. Nagpaalam muna ako sa kanila saglit para sagutin yung tumatawag saka sila sinenyasan na mauna na silang pumasok dahil baka matagalan pa ako kapag hinintay pa nila ako.

"Hello?" I said in the other line nung tuluyan na silang nakapasok sa bar. I just keep playing with my finger nails habang hinihintay ang sagot sa kabilang linya. Kung gaano kaingay yung mga nasa paligid ko ay ganun rin katahimik yung nasa kabilang linya. Halos nalibot ko na lahat ng tingin pero wala pa ring sagot sa kabilang linya. I looked at my screen only to know na more than three minutes na pala akong naghihintay ng sagot but unfortunately there was none. "Hello?" I asked for the last time but tanging buntong hininga lang ang narinig ko saka ito pinatay ng taong nasa kabilang linya.

I waited for atleast two minutes at nagbabaka-sakaling tumawag ulit yung unknown caller pero it never happened again. Sa tingin ko ay nagkamali lang ito sa pagpindot ng numero at ako yung natawagan nito or maybe it is just one of those prank calls ng mga taong walang trip sa buhay kundi ang mandamay sa bored nilang buhay. But there was a part of me na nagsasabing there's something strange with the sighed I heard from the other line. Para bang may gusto siyang sabihin pero nagdadalawang isip pa. Enough with these drama.

Pumasok na ako sa loob ng bar at hinanap yung table ng mga pinsan ko at doon nga ay nakita ko si Ellie at Kina na nagtatawanan samantalang si Treckk naman ay nakaupo lang habang nakatingin sa screen ng phone niya. Iginala ko yung tingin ko at napansin si Akee at Dan na may kanya-kanyang kausap na babae sa magkaibang table. There's no doubt about them being siblings. Nasa angkan na ata namin ang pagiging babaero at lalakero. Si Sassy, Trice at Light naman ay nasa dance stage at masayang nagsasayawan.

"Sinung tumawag?" Almost sigaw na tanong sa akin ni Ellie nung makalapit ako sa table dahil sa lakas ng music. "It's unregistered." Pasigaw na sagot ko rin sa kanya. I know that Treckk was gazing at me intently kahit sa pheriperal vision ko lang siya tinitingnan. Kumuha ako ng alak sa ininom ito ng walang pag-alinlangan. It's been months na rin na hindi ako nakapunta ng bar at nakainom dahil masyado akong naging busy sa studies ko. I admit na madalas kaming lumalabas ng walang paalam but I've never been that spoiled brat enough towards my grandpa at grandma because I know na sila na lang ang meron ako.

Bumalik yung tingin ko kay Treckk na nakabaling naman ang atensiyon sa iba. Ipinukol ko naman sa direksyon nang tinitingnan niya aking mata and there I saw a girl who is practically smiling at him sa kabilang table. Girls will be forever girls. She wears too tight clothes na pati ako ay naku-curious kung nakakahinga pa ba siya ng maluwag. Nasa babae pa rin ang atensiyon ko nang marealized kong sa akin na pala siya nakatingin. We stared just for a seconds tsaka siya nag-smirk. I was about to roll my eyes when Kina had whispered something to me. "Hey! You know that hottie?" turo pa niya sa isang sulok at doon ko nga nakita ang isang mestizong lalaki. I admit that he's really hot. "Alam mo bang kanina pa siya nakatingin sayo?" then an idea had hit me. What if sakyan ko kaya yung gusto ng lalaking 'to? Tutal gwapo naman siya tsaka isa pa ang hot niya.

"Ano na? Lalandiin mo ba?" tanong sa akin ni Kina na may bahid pang nakakalokong ngiti. "Kung hindi mo gusto, ako na lang yung lalandi dun." pagbabanta pa niya. "All right. Ako na." pagsuko ko naman. "Good luck Ainah."

Naghanap ako ng bakanteng table saka tuluyan nang umupo at kunyari ay walang pakialam sa paligid. I know lalapit rin yun mamaya dito. At hindi nga ako nagkamali dahil without minute na paghihintay ko, he finally approach me. "Hi." I was really amazed with the texture of his voice. Very manly at naamoy ko pa yung scent niya. Bihira lang akong humanga at gwapohan sa isang lalaki. Nagsawa na kasi ako sa itsura ng mga lalaki kong pinsan. I just smiled back to him. Hindi naman sa speechless ako, I just want to play innocent in front of him. Nagkatitigan pa kami ng ilang sandali bago na niya naman ako tinanong ulit. "May I join you here?" Nilaro ko muna yung bote ng beer bago ko siya tiningnan at sumagot. "Of course yes."

"So wanna grab some drinks?" Oh masyado naman siyang nagmamadali. He's too excited. "Yes please." with matching innocent smile na sabi ko. "I'll be back in just a minute." pagkokompirma pa niya saka umalis. Sinundan ko siya ng tingin and within just a minute ay dala-dala na niya ang isang inumin para sa akin. "A sweet drink for a especially lady like you Ms." saka ko inabot yung order niya. "By the way I'm Xylan Kevin. And you are?" So Xylan Kevin was a great name. Nice to hear it from him. Bagay nga sa kanya ang pangalan niya. He extend his hand for a handshake.

"I'm Vi--" Hindi ko tuloy nasabi yung pangalan ko dahil may isang gago na umepal. "Excuse me but hinahanap ka na." Agad akong nanlumo sa narinig ko mula kay Treckk. What food on earth ang nakain ni grandma para pauwin agad ako? Nagpumiglas ako sa pagkakahawak ni Treckk sa braso ko para kumawala but it's no use dahil mas malakas siya. Nakakainis at hindi man lang niya ako nakilala. Akala ko pa naman magkaka-lovelife ulit ako!

"Ano ba Treckk! Bitawan mo na ako! Nasa labas na tayo!" pati ba naman sa parking lot, kinakaladkad niya pa rin ako? Sayang talaga! Ang gwapo pa naman nung lalaking yun! "Ano ba!" napakawalang hiya niya at tinulak pa ako sa kotse niya para pumasok. I have my mind para makapasok ako ng mag-isa. And now heto ako ngayon, nakaupo sa front seat at maya-maya pa ay pumasok na rin siya. Sinubukan kong buksan yung pinto ng sasakyan but it's locked. "We're going home." plain na sabi niya.

I looked at his direction. "What?! Eh anong oras pa ba?" tiningnan ko yung phone screen ko tsaka bumaling ulit sa kanya. "It's just 8:30 for fuck sake! Hindi ko pa nga na-enjoy yung gabi tapos uuwi na ako? Napaka-unfair naman." I looked again at my phone at tiningnan kung tumawag o nag-text ba si grandpa or grandma para umuwi na ako but wala naman akong nakita ni kahit isa. "Grandpa just called me." sagot pa niya na para bang binabasa yung iniisip ko.

"Then I'll call him back para sabihing di muna ako uuwi." I hurriedly dialed grandpa's number. It's already my second attempt pero kinuha agad ni Treckk yung phone ko. "No excuses Ainah." "Babalik lang ako saglit sa loob at magpapalaam muna sa iba pa nating minsan. We never tell goodbyes baka akala nila na kidnapped na ako or worst." pagrarason ko naman para makabalik ako sa loob. Gusto ko pa kasing i-enjoy yung gabi ko! Ayoko pang umuwi! "I already texted Ellie." Wala talaga akong kawala sa kanya.

At the end, wala rin akong nagawa. Siya na lang palagi yung panalo. I just heaved a sigh saka niya sinimulang mag-drive. "Bakit ako lang yung pinapauwi?" naguguluhan ko namang tanong pero instead na sagutin niya ako ay nag-shrugged lamang siya habang nakatuon pa rin yung atensiyon sa daan. Tahimik lang yung biyahe hanggang sa nakarating kami sa mansyon. Binigay niya sa akin yung phone ko saka bumaba agad ng kotse niya. Nung nakalabas na ako ay yumuko ako at tiningnan siya sa loob ng kotse niya. "Thanks!" and take note the sarcasm na pinarisan ko naman ng hilaw na ngiti. 

Wala na siyang sinabi pa at pinaharurot na lang yung sasakyan niya. Pumasok na ako sa loob ng mansyon at nakita ko agad si grandma sa sala na may sinusulat. Inangat niya yung tingin niya sa direksyon ko saka ngumiti sa akin. Lumapit naman ako at yinakap siya agad. "You came very early sweetie. What happened? Did you enjoy?" Napanganga ako sa sinabi ni granma. Very early? Akala ko ba pinapauwi na nila ako ng maaga? "Treckk just told me na kailangan ko na daw umuwi. Where's grandpa by the way ma?" She just patted my hair. "He's now asleep. Napagod masyado kanina sa business meeting." What?! Akala ko ba tinawagan niya si Treckk para ihatid na ako? Yung lalaking talagang yun! I hated him as hell!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status