Share

Tempted
Tempted
Author: SecludedFantasy

Tempted 1

Nakangiting hinarap ko ang salamin at maiging sinuri ang repleksyong nagmumula dito. Suot ko ngayon ang isang simpleng mini skirt na kulay asul at pinarisan lamang ito ng tank tops sa pang-itaas. Samantalang yung buhok ko ay mas pinili kong ilugay na lamang nang sa gayon ay mas mapansin nito ang may pagkanatural na kulot sa dulo nito. Hindi na ako nag-abala pang maglagay ng make-up dahil baka matagalan lang ako at dagdag pa ito sa oras. Umikot ako ng isang beses sa harapan ng salamin at sinuring mabuti kong ano pa nga ba yung nakaligtaan ko at nung napagtansya kong wala na pala ay narinig ko na ang sunod-sunod ng katok sa aking pintuan. I glance for the last time then followed a sighed.

"Ainah! Matagal ka pa ba?" narinig kong sigaw ni Ellie na isa sa pinakamatalik kong pinsan. Ganun ba talaga ako katagal mag-bihis o sadyang kanina pa sila nandito sa bahay at hinintay na bumaba ako? "Hoy! Ano na?! Buhay ka pa ba diyan?" Pang-iinis na bulyaw na naman ni Trice sa labas ng kwarto ko. Pinsan ko rin siya.

"Come in!" pabalik ko namang sagot kaya without seconds ay bumukas na iyong pintuan at agad silang tumakbo papunta sa direksyon ko sabay power hug nila sa akin. Ang OA ng mga ito talaga kahit kailan. Akala mo naman ilang taon kaming hindi nagkita at kunyari na-miss yung presensiya ng bawat isa. Sus! Nag-iinarte lang itong mga pinsan ko. Nandito rin kaya sila kahapon para dalawin ako.

"Congrats Ain! Sa wakas graduate ka na!" masayang bati sa akin ni Kina na ikinalito ko naman. Anong maganda ron? Kailangan ko pa rin namang kumayod para mabuhay kaya wala pa ring bago and besides mas dagdag pressure pa nga ito kasi kailangan ko nang magtrabaho para sa aming kompanya. Grandpa trust me a lot so as grandma did kaya nakakawalang gana at baka madisappoint ko lang sila.

"Ate Ainah! I'm happy for you that you reach another milestone in your life." Sassy happily stated. I just smile at her then binaling yung atensiyon ko kay Ellie na nag-thumbs up lang at nginitian ako. Yan yung version niya sa pagsasabing "Congrats!" like what Kina did when I set my eyes on her. Ito talagang dalawang ito ang tatamad para sa isang salitang "Congrats!". I looked at my watch para malaman kung ilang minuto kaming nag-dramahan. It's already 6:30 p.m.

"So? Are we going now?" agad naman silang tumango at nag-uunahan sa paglabas ng kwarto ko. How dare them para iwan ako? Umiling na lang ako at sinundan sila ng tingin pababa ng hagdan at saka tuluyang sinirado yung pinto. Pababa pa lang ako ay sumalubong na sa paningin ko ang mga pinsan kong lalaki na nakaupo sa sofa sa may sala na busy sa kanya-kanyang mundo.

Actually kaya sila nandito kasi I just graduated this morning then they want us to celebrate daw this victory of mine kaya pupunta daw kami ng bar. Akala ko nga nung una ay hindi kami papayagan ni grandpa but I was shocked when he nodded yes. Most of the time kasi, we just sneak out para makapunta ng bar dahil alam naming hindi kami papayagan kahit nasa tamang edad na kami. Nung namalayan nilang pababa na yung presensiya ko ay isa-isa na silang nag-angat ng tingin papunta sa direksyon ko.

I just smiled back to them. Tumayo naman si Light saka ako nilapitan. "Congratulations." anas niya sa maotoridad na tono at pagkatapos ay niyakap ako. I hugged him back then I whispered thanks to him. Matagal na rin kaming hindi kasi nagkita ni Light dahil madalas ay busy siya sa pag-aasikaso sa company namin and by the way he's just 4 years older than me. Sunod-sunod na ring bumati yung pinsan kong si Akee at Dan maliban sa nag-iisang naka-upo at nakahrap lamang sa phone niya.

I watch him just by the time he looked at my direction. I raised one of my brows expecting something to hear from him but instead he just gave me his famous smirk sa tuwing nagkikita kami. The nerve of this guy! Nabwebwesit talaga ako sa pagiging suplado nito sa akin. I already accept the fact that he's really stupid pero bakit sa akin lang? Sa iba kong pinsan di naman siya ganyan! Wala talaga siyang equal treatment.

"Let's go!" sigaw sa amin ni Ellie kaya bumalik ako sa sistema ko. "Baka mamaya di na tayo payagan ni grandpa kaya bilisan niyo na." I sighed. Siya nang adik sa mag-bar! We just planned na sasakyan ni Treckk at Light na lang ang gagamitin para mas enjoy at sama-sama pa kami. Nag-unahan na naman sila sa pagsakay samantalang ako ay prenteng-prenteng naglalakad pa lang papunta sa sasakyan ni Light ay narinig ko si Dan at Akee na sabay sumigaw. "Hoy! Ainah! Kay Treckk ka na lang sumakay. Wala ng bakante eh. Sorry!" sabay peace sign pa ng dalawa.

Agad akong nanlumo sa narinig ko. Akala ko ba mag-eenjoy ako ngayon gabing ito? Knowing him, ang tahimik niyang kasama! "Ainah! Lika na! Dito ka na lang." Sigaw ni Kina sa loob ng sasakyan ni Treckk. May choice pa ba ako? Wala naman diba. I was about to hurry nung may humawak sa braso ko dahilan para huminto at tingnan ko kung sino ito. Si Treckk lang pala. "What now?" kunot-noo ko namang tanong. Huwag niyang sabihing ayaw niya akong pasakayin sa kotse niya? "If you won't me riding with y--"

I was cut off when he said "Congratulations. You happy now?" sabi niya nang may bahid na pang-iinis base sa tono ng pananalita niya. Binati nga niya ako pero may kadugtung naman. Ganun talaga siya sa bawat okasyon na ipinagdiriwang ko. 

"You don't need to greet me." plain namang sagot ko sa kanya habang magkasabay kaming naglalakad patungo sa kotse niya. "Nag-expect ka kanina na may sasabihin ako sayo Ainah." I take a single glance at his side. Ang hangin niya. "I just expect kanina na baka bumait ka Treckk." I cursed him in my mind. Asa pa ba akong babait itong taong ito sa akin? When will that be? "You all know kung saan lang ako mabait Ainah." diniinan niyo pa yung salitang mabait saka ngumiti ng nakakaloko. Oh I remember kung saan lang siya "mabait". Kahit nung nasa college pa lang kami bali-balita nang mabait siya sa kama. I heard it most from those girls na finiflirt niya. Lahat naman ata ng pinsan ko babaero but siya yung pinakamalala sa lahat. Kinareer niya talaga ang pag-kama sa mga babae niya.

Nakita ko siyang pumasok na sa driver seat at gustuhin ko mang sa back seat sumakay pero lahat okyupado na nila ni Kuya Dan so I haven't any choice kundi ang tumabi na lang sa kanya sa front seat. "Hi Ain!" bungad sa akin ni Kuya Dan nung tuluyan na akong nakaupo sa tabi ni Treckk at sinirado yung pinto ng kotse. I just smiled back. Tahimik lang kami sa loob not until nagsalita si Kuya Dan. "You know that hottie kaninang umaga?" pagtutukoy niya sa babaeng nasa harapan ko kanina during graduation ceremony. Si kuya Dan, grandpa and grandma lang kasi kanina yung sumama sa graduation ko.

"Oh? Are you referring to Celianah Hathway?" tanong ko sa kanya saka ngumiti ng nakakaloko. Alam ko ang mga natitipuan ni Dan. Gagawin na niya na naman yang target yun. "So Celianah Hathway is her name huh?" nakita ko siya sa side mirror na hinahawak-hawakan niya pa yung chin niya na para bang nag-iisip. "Naku! Treckk! Kung nakita mo lang yun kanina yung babaeng yun for sure siya na naman yung next target mo!" nakangiting tugon ni Dan sabay siko kay Treckk. I just rolled my eyes kahit hindi nila nakita. He bedded all those girls na nagbibigay motibo sa kanya.

"Hey! Dan tumigil ka nga diyan, isusumbong kita sa girlfriend mo! Sige ka." pananakot na sigaw naman ni Kina sa kanya. Ito talagang lalaking ito kahit na may girlfriend na, nagagawa pa ring tumingin sa iba. "Kaya nga pinapasa ko na kay Treckk yung si Celianah." nakita ko si Treckk na nag-smirk lang nung narinig niyang sinabi ni Dan. "You are not Celianah's type." sabi ko sa kanya dahilan para tingnan niya ako. " So wag kang umasa." dagdag ko pa na mas ikina kunot naman ng noo niya. Bumalik sa daan yung tingin niya saka namin siya narinig na tumawa. Baliw ba siya?

"I understand you. You are just jealous Ain but don't worry sayo pa rin naman ako." narinig ko silang sabay na nagtatawanan sa may likuran. "Excuse me? Nagsasabi lang kaya ako ng toto--" "We're here." sabi pa niya na parang hindi ako napansin. Isa-isa na silang bumaba ng sasakyan kaya bumaba na rin ako. Arghh! Ang feeling niya talaga kahit kailan. Bakit ko pa kasi naging pinsan itong lalaking 'to?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status