Isang chapter na lang, another kabanata na naman ng buhay nila... Anyway, happy reading!
Nina’s POVAKMANG tatanggalin ni Kai ang kamay sa binti ko nang pigilan ko siya. Nagtama ang mga mata namin. Siya, puno nang katanungan kung bakit, pero ako, pagnanasa. Iyon ang bumabalot sa akin ng mga sandaling iyon. Ganito na ako sa kanya pagkatapos ng mga ilusyon na iyon.Kita ko ang paglunok ni Kai nang igiya ko ang kamay niya pataas pa hanggang sa umabot sa aking hita. At dahil dress ang aking suot ay walang sagabal kaya balat ko mismo ang nahahawakan ng mga palad niya.“Do you know what you’re doing?”“Alam ko po.” Lumunok siya sa sinabi ko. Napapikit ako nang marating niya ng kamay niya ang pagitan ng aking hita. Bahagya ko pang binuka ang hita ko at inipit ang kamay niya.Nagmulat ako at tiningnan ang reaksyon niya. Nakaawang ang labi niya na parang nang-aanyaya kaya wala sa sariling inabot ko ang labi niya. Wala siyang response noong una, pero hindi rin siya nakatiis, sinapo niya ang batok ko at mapusok na sinakop niya ang labi ko.Napangiti ako sa ginawa niya. Pumulupot an
Nina’s POVNAGTATAKANG naupo ako nang magising. Nasa kama ako ni Kai pero wala naman siya. Ang tanong kasi, paano ako nakarating dito? O baka isang ilusyon na naman ito. Papalabas ako ng silid ni Kai nang marinig ang tunog ng TV. Tumingin siya sa akin kapagkuwan.“Nilipat kita kasi manonood ako.”Ayon! Nasagot din! “Okay po.”“May pagkain dyan. Kumain ka na para makaalis na tayo.”Nang mapagtantong aalis nga pala kami ay nasapo ko ang bibig ko. Tumingin ako sa relong pambisig ko at nagsimulang magbilang. Napasobra ako nang tulog!“S-sorry po, Sir. Napasobra yata ang tulog ko.” Wala akong narinig na pagalit sa kanya dahil nakatutok lang siya sa pinapanood.Malaking pizza ang tinutukoy niyang pagkain pala. Mukhang magugutom din ako agad nito pero hindi na ako nagreklamo.Masarap naman pero nakulangan ako. Talagang rice is life sa mga kagaya ko talaga. Kahit konti man lang sana, mabubusog na ako.After kong kumain ay may inabot siya sa aking paperbag. Tiningnan ko iyon pagkuwa’y na
Nina’s POVNAKATINGIN lang ako kay Kai habang papasok kami ng entrance ng airport. Naguguluhan ako. Ayokong umasa talaga. Kahit kasi sa sarili ko, wala na akong tiwala. Paano kung imagination ko lang ito?Bakit kailangang isama kasi ako rito?“Your passport,” aniya sa akin nang lingunin ako.“Ho?”“I said, passport. Pasaporte,” tinagalog pa niya. Nakalahad din ang kamay niya noon.Hinanap ko sa bag ko ang passport ko at binigay sa kanya. Inabot niya iyon kasama ng hawak niyang brown envelope sa isang lalaking nakatayo.Ibig bang sabihin, ako ang kasama niya at hindi si Ma’am Geneva talaga?Kinurot ko ang sarili ko habang paupo. Sumunod kasi ako kay Kai nang iginiya niya ang sarili paupo.Kunot ang noong tiningnan ako ni Kai kaya agad kong tinanggal ang kamay sa pisngi ko. Nakita niya siguro ang pagkurot ko sa sarili ko.Umiling-iling siya pagkuwa’y inayos ang pagkakaupo.Bumalik sa amin ang lalaki na may dalang good news. Hintayin na lang daw namin ang pag-announce kung sasakyan na.
Nina’s POVWALANG ginawa si Kai kung hindi ang titigan ako ng mga sandaling iyon. Ano ba kasi ang sadya niya rito? Saka paano niya nalaman ang address ko? Hiningi ba niya sa HR?Umayos ako nang upo. Kinuha ko ang throwpillow para itago ang hita. Maikli ang suot ko noon kasi.“Where did you get your CC, Nina?” basag niya mayamaya sa katahimikan.“Ano pong CC?” tanong ko.“Credit card.”“Oh. Hindi pa pala tayo tapos sa bagay na ito, Sir?” Mapakla akong ngumiti pagkatapos. “Not yet, Nina,” anito. “Ang dami kasing katanungan sa isip ko.” Hinagod pa niya ako nang tingin bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. “Like, paano ka nagkaroon ng credit card?”“So, wala na akong karapatang magka-credit card dahil mahirap lang ako? Ganoon ho ba?” “That’s not what I mean, Nina. Kahit sino pwede. Ang akin lang, paano ka nagkaroon, e, wala pang isang araw.”Umawang ang labi ko nang bahagya. “Pumunta ka talaga rito para lang itanong ‘yan, Sir? Huh?”“Yes.” Pumikit ito siya kapagkuwan. “D-did you sell y
Para sa mga naguguluhan, HAHA! Nahinto ang mundo ni Nina noong pauwi siya galing Zambales. Naalala n’yo, di ba? (Nasa Chapter 9) Nag-commute siya pagkatapos siyang masaktan sa mga salitang binitawan ni Kai. Habang nasa biyahe, wala na siyang ibang ginawa kundi mag-imagine. Doon nagsimula ang lahat—hanggang sa umabot siya sa sariling mundong siya lang ang nakakaalam. Kaya mula Chapter 10 hanggang 25, lahat ng iyon ay bunga lang ng isip niya. Pagdating ng Chapter 26, bumalik tayo sa realidad, makikita niyo siyang tulala ng ilang oras, dahil doon na natapos ang lahat ng imahinasyon niya. Nabanggit ko na ang dalawang kapatid ni Nina ay na-diagnose na may schizophrenia, at siya mismo ay nakitaan na rin ng sintomas noon. Kaya nga may hawak siyang PWD ID, just in case . Ano ba ang schizophrenia? Sa madaling salita, ito ay isang kondisyon sa pag-iisip kung saan nagiging malabo ang linya sa pagitan ng realidad at imahinasyon. May mga taong nakakakita o nakakarinig ng mga bagay na wala nama
Nina's POV “Morning, Ma,” nakangiting bati ko kay Mama. Saglit na tinitigan ako bago nagsalita. “Mukhang maganda ang gising mo, anak.” “Opo.” “Kumusta naman ang pag-uusap niyo ni Dr. Carl?” “Gumaan po ang pakiramdam ko, Ma.” Ngumiti ako nang natamis. “Kaya salamat po ng marami.” “Sabi ko naman sa 'yo, hindi mo kailangang lumayo. Nandito naman kami.” “Pero kaya ko po ito, Ma.” Hinawakan ko ang kamay niya. “Kapag nandoon kasi ako, lagi ko na lang naaalala sila. Kaya hindi rin okay sa akin. Dito, marami akong nakakausap at nakakahalubilo. Kahit papaano, nalilibang ako.” Bumuntong-hininga si Mama. “Kailangan ko nang bumalik sa atin. Kahit na sabihing marami kang kaibigan dito, hindi iyon ikakapanatag ng isip ko. Paano kung malaman nila 'yan?” “Hindi naman na po siguro mauulit 'yon.” Kinuha ni Mama ang mga kamay ko. “Ingatan mo kasi ang puso mo, anak. Piliin mo na lang maging masaya, please?” Marahan akong tumango kay Mama bago niya ako kinabig para yakapin. Magaan sa pakiramd