แชร์

CHAPTER 3

ผู้เขียน: Kayla Sango
Akala ko sobrang bongga na yung kasal, pero yung pinagdalhan sa akin ni Damian pagkatapos? Ibang level.

Isang penthouse sa pinaka-taas ng Hotel Milani, may panoramic view ng buong lungsod, private pool, at dekorasyong parang sumisigaw ng: “I’m rich and I don’t even check the price tag.”

At ako? Para akong nanpapantastikuhan sa ganda ng paligid. Pero at the same time, parang lutang, para bang nasa pelikula ako na hindi naman talaga ako belong sa main cast.

“Oh my God…” bulong ko habang umiikot sa gitna ng sala, sinisilip ang bawat detalye. May minibar na halos kasing laki ng apartment, sofa na mas malaki pa kaysa sa buong kwarto ko, at chandelier na mukhang mas mahal pa kaysa sa kotse ko. Well, wala naman akong kotse. Pero kung meron, mas mura yun kaysa sa chandelier na yun.

At syempre, yung pool na may ilaw, infinity style, parang galing sa pelikula.

“This is insane! Paano ka nakakabayad ng ganito? Kung lahat ng clients mo ginagastusan mo ng ganito, lugi ka na,” sabi ko.

Tumawa si Damian, yung tawa niyang malalim at nakakahawa, na kahit sandali, nakalimutan ko yung bigat na dala ko simula nang makita ko si Dexter at Mariel na magkasama.

“May kilala akong nagpahiram ng room,” sagot niya na parang wala lang.

Kumunot noo ako, agad akong nagduda. Gigolo na may access sa penthouse ng pinakamahal na hotel sa city? Tuloy-tuloy pa rin siya sa character?

“Ah, sure. You ‘know someone,’” sabi ko, nag-air quotes pa gamit daliri. “Talagang consistent ka sa role, kahit tayo lang. Dedicated ka talaga sa trabaho mo.”

Ngumiti lang siya, parang may tinatago. At dahil hindi siya nagsalita, mas lalo lang akong naintriga. Anong klaseng gigolo ang parang sanay na sanay sa ganitong lifestyle?

Pero agad kong binaling sa iba ang isip ko. May private pool sa harap ko, at kailangan ko ng kahit anong distraction para hindi ko isipin si Dexter at Mariel. Yung mga halik nila, yung mga pangakong nilamon ng hangin.

Hindi na ako nagdalawang-isip. Tinanggal ko heels ko, binaba ko zipper ng gown at hinayaan itong mahulog sa sahig. Ramdam ko yung malamig na hangin ng gabi sa balat ko. Naka-black lace lingerie lang ako, at sa ilaw ng pool, parang mas intense ang dating.

Si Damian napa-whistle nang mahina, dumudulas ang tingin niya sa bawat parte ng katawan ko.

“Wow,” bulong niya.

Nagkunwari akong cool, kahit halata naman ang gulo sa loob ko.

“What?” tanong ko.

“Inisip ko bigla… baka ako yung nakajackpot dito,” sabi niya, medyo may halong lambing.

Napailing ako, pero ngumiti rin. Ngiting hindi umabot sa mata ko.

Sumisid ako agad sa tubig, walang takot, parang kaya nitong hugasan lahat ng sakit. Ang init ng tubig, sakto lang, parang niyayakap ang buong katawan ko. Nag-relax lahat ng muscles ko, at saglit, nakaramdam ako ng peace.

“This is amazing!” sabi ko, pilit na tumawa, habang naglalaro ng tubig sa kamay ko.

Pero ang totoo? Hindi talaga ako masaya. Kahit gaano kainit ang tubig, hindi niya kayang tunawin yung yelo sa dibdib ko.

Kasi kahit nandito ako, nasa isip ko pa rin si Dexter, siya sa altar. Si Mariel sa tabi niya, suot yung gown na ako pa mismo ang nagbenta. Yung tingin niya sa akin sa party, gulat, may pagtatanong.

Akala nila basag na basag na ako. Akala nila nagtago ako, na umiiyak pa rin ako para sa kanya.

At oo, totoo naman. Hindi sa harap ng iba, pero sa kwarto ko, sa bahay ng parents ko, gabi-gabi umiiyak ako. Ako yung iniwang talunan.

Minahal ko si Dexter. Pinaniwalaan. Naniwala akong forever na. Pero ang ending? Tinapon lang niya ako.

“You’re boring.” Yung boses ni Mariel paulit-ulit sa isip ko. Boring. Ordinary. Ulit-ulit lang.

At ang masakit? Kung humingi si Dexter ng sorry ngayon, kung sabihin niyang mali siya at gusto niya akong balikan… baka bumalik ako. At kinamumuhian ko sarili ko dahil doon.

Napapikit ako, at hindi ko na napigilan. May luhang tumulo, hinalo ng tubig ng pool. Isa pa. Isa pa. Kaya lumubog ako, nagtagal sa ilalim, hinayaan ang tubig na itago ang kahinaan ko.

Pag-ahon ko, huminga ako ng malalim. Nagpanggap na okay. Pero nakita kong nakatingin si Damian sa akin, seryoso ang mukha.

“What?” tanong ko, naglakad papunta sa gilid ng pool. “You never saw a woman enjoying life?”

Umangat ang labi niya, pero seryoso pa rin ang mata.

“Just funny,” sabi niya. “You’re acting like this penthouse is the best thing you’ve ever seen.”

Napakunot ako.

“Eh, kasi totoo naman! Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako rich girl na nasanay sa luxury. Sa bahay namin, ang pinaka-shiny lang yung bill sa kuryente.”

Pinagmasdan ko siya saglit. “Pero convincing ka ha. You almost made me believe na isa kang heir. Tell me, paano natututo ang isang gigolo ng business talk at wine knowledge na parang natural?”

Halos madulas ako at gusto kong idagdag na, “And how do you make me forget, kahit saglit, na umiiyak ako gabi-gabi?” Pero kinagat ko na lang labi ko para hindi masabi iyon.

Tumingin siya ng matagal, parang binabasa ang loob ko.

“Alam mo, Helga, I like your attitude.”

Nagpilit akong magbiro. “And who doesn’t?” Pero nag-crack yung boses ko. Kasi ang totoo, Dexter didn’t. Mariel didn’t. Nobody really did.

Ngumiti si Damian, nakapaling ang ulo na parang iniisip ang sinabi ko.

“Modesty is clearly your talent,” sagot niya. “Pero I wonder, ano ba talaga ang gusto mong patunayan? O… nakalimutan?”

Parang tinamaan ako ng sampal. Saglit kong naisip na lumabas na lang ng pool, umuwi. Pero saan? Sa kwarto ko ulit? Sa tingin ng nanay kong may awa?

“I’m not trying to prove anything,” sabi ko, mahina ang boses.

Tumingin siya ulit ng matagal, parang sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo. Tapos bigla siyang nagsimulang maghubad ng polo.

At Diyos ko. Kung gwapo na siya sa suit, mas nakaka-attract siya topless. Kumislap yung balat niya sa ilaw, kita ang muscles, pati tattoos niya sa braso at abs.

Bago ko pa napigilan, nag-react na yung katawan ko. Para siyang temptation in human form.

Tinanggal niya polo niya, itinapon sa upuan, at sinunod ang belt niya.

“Wait,” sabi ko, nagtaas kilay, kunwari composed. “You’re joining?”

“You didn’t want company?” May lambing sa boses niya na hindi bagay sa role niya.

“Aren’t you the type na ayaw mabasa ang buhok?” tanong ko.

“At akala ko ikaw yung type na matagal nang nagyaya sa akin,” sagot niya, nakangiti.

“Then get in,” sagot ko, alam kong alam ko rin kung saan ito hahantong. Isang gabi kasama ang isang estranghero, para kahit paano, hindi ko maramdaman yung sobrang lungkot.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • That Gigolo Turned Out to be a Billionaire   CHAPTER 100

    “May ideya ba kayo ng gulong ginawa ninyo?” si Javier nakatayo sa gitna ng sala, kumakaway ang mga kamay na para bang isang tunay na Italian na inis na inis. “Napilitan akong gumawa ng kwento na nahulog si Benjamin sa hagdan para lang maipaliwanag yung nabali niyang ilong at dugong mukha!”Si Damian, na ngayon ay naka-dark blue cotton shirt na malinis, ay tahimik lang at walang ekspresyon, kahit halatang nagsasalita na ng ibang kwento ang pasa sa pisngi at hiwa sa kilay niya.“Gerardo believed it?” tanong niya, bale-wala sa kanya ang galit na pagkilos ng pinsan.“Not even for a second.” Umupo si Javier sa sofa katabi ni Via. “Pero nagkunwari siyang naniwala, at baka mas masama pa yun. At yung dalawa…” Umiling siya. “Si Crystal literal na nagtatapon ng mga damit sa maleta. Umalis sila na parang nasusunog ang bahay.”“Well,” sabi ni Damian, naupo sa armchair sa tapat nila, bahagyang pinapakita ng katawan ang sakit sa tagiliran. “Yun naman talaga ang gusto ko. Na umalis sila agad.”U

  • That Gigolo Turned Out to be a Billionaire   CHAPTER 99

    Sumara ang pinto ng kwarto sa likod namin na may mahinang tunog. Dumiretso si Damian sa banyo, binubuksan ang mga butones ng kanyang duguang damit gamit ang mabilis at galit na kilos. Sumunod ako nang may alinlangan, patuloy pa ring iniisip ang mga nangyari sa hardin.“Hubarin mo ang damit mo,” sabi ko, habang pumapasok sa maluwang na banyo kung saan binuksan na niya ang cabinet ng first aid kit. “Kailangan kong makita kung gaano kalala ang damage.”Tumingin siya sa akin, halatang pagod pero may halong pagiging matigas ang ulo na parang bata.“I'm fine. Mostly it's his blood.”“Hubarin mo ang damit mo,” ulit ko, mas matatag ang boses ko. “Now.”Siguro may bigat ang tono ko kaya naintindihan niyang hindi ako papayag sa pagtutol. Huminga siya nang malalim at tuluyang hinubad ang sira niyang damit, inilantad ang dibdib na kahit sa ganoong sitwasyon, imposibleng hindi mapansin. Pero agad na napunta ang atensyon ko sa lumalabas na pasa sa kanyang kanang tagiliran.“Bruise lang,” bulon

  • That Gigolo Turned Out to be a Billionaire   CHAPTER 98

    Ang boses ni Damian ay parang talim na tumagos sa hangin. Nakatayo siya sa bungad ng maliit na labirinto ng mga halaman, at hindi ko pa siya nakitang may ganoong ekspresyon sa mukha. Hindi lang galit, isa iyong matinding poot, parang isang pangakong may kasamang dahas na pinipigilan lang ng kaunting kontrol.“Damian.” Mabilis na bumawi si Ben, inayos ang kanyang coat. “Just a friendly conversation with your… wife.”“Lumayo ka sa kanya. Ngayon.” Umabante si Damian ng ilang hakbang, bawat galaw niya halatang puno ng tensyon.“Hindi naman siya mukhang tumatanggi hanggang ilang segundo lang ang nakalipas.” Tumingin si Benjamin sa akin, may masamang kislap sa mga mata.“Tinangka niyang hawakan ako,” sabi ko agad, nanginginig ang boses ko sa adrenaline. “He knows about…”“Tungkol sa interesting na deal na meron kayo?” singit ni Ben, may malupit na ngiti sa labi. “Fascinating arrangement, I must say. Very practical.”Para akong nanood ng aksidente sa slow motion. Nakita ko mismo ang san

  • That Gigolo Turned Out to be a Billionaire   CHAPTER 97

    Unti-unting bumababa ang hapon sa lupain ng Avelino, at kumikislap sa mga ubasan ang kulay ginto at kahel. Pagkatapos ng maghapon na pahinga, na si Damian mismo ang nagbantay sa pag-inom ko ng gamot at tubig na parang masyado siyang seryoso doon, pakiramdam ko ay mas malakas na ako at kaya ko nang lumabas ng kwarto.Naglakad ako sa hardin, humihinga nang malalim sa sariwang hangin na matagal ko ring hindi naranasan. Halos wala na ang Virus, naiwan lang ang konting panghihina at gutom na unti-unti nang bumabalik matapos ang ilang araw na puro sabaw at likido.Gusto ni Damian na samahan ako, pero tinawagan siya ni Javier tungkol sa investors na Hapon. “Ten minutes,” pangako niya, hinalikan ang noo ko bago bumalik sa loob ng bahay. “Don’t go too far.”Ang hardin ng mansion ay parang maze ng mga halamang maingat na ginupit at mga klasikong estatwa. Sabi ni Lolo Gerardo, replica raw iyon ng isang hardin sa Toscana na dinisenyo pa ng tatay niya noong ipinagawa ang mansyon.Nakakita ako n

  • That Gigolo Turned Out to be a Billionaire   CHAPTER 96

    Nagkatitigan ang dalawang lalaki na parang tumigil ang oras. Napansin ko na pigil pala ang hininga ko, at mahigpit kong hawak ang railings ng hagdanan.Sa wakas, lumitaw ang mabagal at kalkuladong ngiti sa mukha ni Ben.“Clear.” Umusad siya paatras ng kalahating hakbang, binigay ang espasyo pero hindi ang laban. “I just wonder if Lolo feels the same way about this… change of priorities.”“Bakit hindi mo na lang ako tanungin diretso?” Biglang sumingit ang boses ni Gerardo mula sa may hall sa ibaba, ikinagulat kaming lahat.Nakatayo siya sa paanan ng hagdan, nakasandal sa kanyang tungkod, si Cora nasa tabi niya. Matindi ang ekspresyon niya, pero ang mga mata niyang matalas ay walang pinalampas sa nangyayari.“Lolo.” Mabilis nakabawi si Benjamin mula sa gulat. “We shouldn’t bother you with operational matters.”“Ito ang bahay ko at kumpanya ko.” Dahan-dahang umakyat si Gerardo, bawat hakbang mabigat at sinadya. “Walang nangyayari dito na ‘abala’ para sa akin.”Huminto siya sa kinal

  • That Gigolo Turned Out to be a Billionaire   CHAPTER 95

    Pagpasok namin sa mansyon ng Avelino, sinalubong kami ng tahimik na karangyaan. Ang marmol na sahig kumikislap na parang salamin, malinaw ang repleksyon ng mga hakbang namin. Nakaalalay ang kamay ni Damian sa likod ko, isang kilos na parang naging automatic na niya sa mga nakaraang oras.“Virus,” sabi niya, inuulit ang diagnosis ni Dr. Mendes, parang hanggang ngayon iniisip pa rin niya. “At least now we know kung bakit ka nahihilo.”“Everything is always virus,” sagot ko na may mahina pero pilyong ngiti, sabay hubad ng sapatos para maramdaman ang malamig na sahig. “May lagnat? Virus. Sakit ng ulo? Virus. Zombie apocalypse? Sure, Virus lang na super aggressive.”Natawa si Damian, at ang tawa niyang iyon umalingawngaw sa maluwag na hall. Ang ngiti niya, bihira pero totoo, bigla akong nabigla. Parang nawala lahat ng bigat sa mukha niya.“The important thing is you’ll be fine,” dagdag niya habang inayos ang isang hibla ng buhok ko na lumabas sa messy bun ko. “A few days of rest, lots o

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status