HE left after fifteen minutes. Kanina pa siguro sila dito kaso hindi ko lang agad napansin dahil nasa sulok sila banda at nakatalikod pa siya sa akin kanina.After he left, bumalik ang sigla ko. Nakakasabay na ko sa sinasabi ni Sandler. I was listening to his story when I felt that I slowly feel the pain again. Sumasakit na naman ang ulo ko and I notice na umiingay na ang paligid."Sa The Farm sana. Kung p'wede..."Hindi ko na masundan ang sinasabi ni Sandler dahil sa ingay sa paligid, nakakaramdam na ko ng hilo at lumalala ang sakit ng ulo ko."Let's go back to the office. Sumasakit ang ulo ko sa ingay. I'm sorry..." I cut him off.Nag-angat siya ng tingin sa akin. Hindi niya napansin iyong reaksyon ko kanina na napapaikit na at kinakalma ang sarili kasi busy siya sa kaka-scroll sa cellphone niya."Huh? Uh... sige, sandali," anito at medyo nag-panic na masama na ang itsura ko. He called the waiter for the bill.Umalis kami sa resto na hindi nauubos ang pagkain. Sandler looks worried
I appreciate that he gave me enough time to think of everything. Akala ko nga magmamadali siya na sagutin ko kasi hindi yata siya ang tipo ng lalaki na pinag-aantay ng babae. I don't know much about him kahit na sa mga naging girlfriend nito.Louise and I didn't talk about him pero minsan lang sa akin na nabanggit noon na nagka-girlfriend ang kuya niya na binasted ito tapos later on naghahabol sa kanya. Hanggang doon lang ang naalala ko.He accompanied me in Quezon. Ang buong akala ko na naroon si Ferdinand ay wala pala."We can go there to check on him," offer ni Sandler.Napatingin ako sa bahay nila Ferdinand. Walang tao roon at ang kapitbahay ang nagsabi na nasa hospital si Ferdinand dahil nasagasaan raw kanina nang van."Okay lang ba?" alanganin kong tanong.Nahihiya ako na istorbohin siya lalo pero gusto kong pumunta. Hindi dahil sa kailangan kong makausap si Ferdinand kundi ay gusto ko na malaman kung anong sitwasyon niya."Ava, walang problema sa akin. Nandito na tayo," sabi ni
TINIGIL ko 'yong pag-iisip kasi mas lalo lang lumalala ang pakiramdam ko at ayokong mauwi ito sa sobrang sakit na naman ng ulo ko. I fell asleep during the ride.I can't imagine I was in a deep sleep and didn't wake up during the whole ride. Ilang oras ang biyahe pero gano’n ang nangyari. Nagising ako na papasok na kami sa tower.Nahihiya ako kay Sandler na nagmukha talaga siyang driver ko pero sa sobrang bait niya hindi niya pinaramdam sa akin na nakaistorbo talaga ako. He didn't mentioned what happened earlier too.Monday came, and we saw each other again. Hindi siya bumisita sa akin kahapon dahil may lakad silang pamilya pero tumawag naman siya para mangamusta.Saglit lang kaming nagkita ngayong araw dahil may lalakarin sila ni Louise sa Manila. Nahihiya naman akong magtanong at hindi naman sila nagsasabi sa akin kung anong rason.I feel better now. Hindi ako inaatake ng migraine except kapag na-s-stress talaga."Pagod na pagod ka. Okay ka lang?"Ngumiti ako sa kasamahan ko at tuma
I didn't expect that the moment he dropped the call, he was now on his way to my condo. Naabutan niya akong hindi naman na nagsusuka pero masakit ang ulo."You look really sick!" He snapped."Pasok ka muna..." maos kong sabi at nilakihan ang bukas ng pinto."Did you take meds? Baka sira ang manok na niluto mo? Maybe the condiments?" sunod-sunod na tanong nito."Huh?"Narinig ko siya pero hindi ko alam ang isasagot. Para akong lutang. Tinignan niya ako ng may pag-aalala."Magpa-check up ka na. I am scared that you got food poisoned."Umiling ako at lumapit sa sofa. Hindi ko na siya nayaya na umupo at nauna pa nga ako sa kanya. I need to lay down my back for a moment. Hindi ko kaya magtagal ng nakatayo."Uminom na ko ng gamot," sagot ko na malayo sa sinabi niya. Ipinikit ko ang mg mata."Are you scared in the hospital? Bakit ayaw mo? Ilang beses ng masama ang pakiramdam mo. And now, kung food poisoned 'yan. Dapat matignan ka agad ng doktor."Umungol lang ako at hindi na nakipagtalo sa k
I was accompanied by Sander's mom the next day. Louise and Sandler called this morning to check on me bago kami nagpunta sa hospital. Nalulunod ang puso ko sa tuwa dahil sa suporta ng pamilya. Habang buhay ko yatang tatanawing utang na loob itong mga tulong nila. Waang katumbas na kahit ano ang ginawa nila para sa akin. "Can I come with her?" Tita asked the nurse when they wanted me to enter the doctor's office. Tapos na lahat ng test at babasahin na ng doktor iyon para sa akin. Napatingin ang nurse kay Tita. "Itatanong ko po kay Doc," aniya bago kami iwan. "Okay lang ako, Tita. Kaya ko po kahit ako lang mag-isa," sabi ko dahil alam kong nag-aalala lang siya kaya gusto nitong sumama. Hinawakan niya ang kamay ko. I couldn't look her in the eyes as she noticed my hands were cold because of nervousness. "Are you sure?" she asked softly. "Miss Dizon?" Nilingon ko ang nurse na tumawag sa akin sabay baling kay Tita. "Kayo lang daw po sabi ni Doc." "Okay lang po. Ako na," ulit ko. M
DOKTOR siya at alam niya kung sino ang makakatulong sa akin kaya niya ako ni-re-refer kay Blaze. Parang katulad din sa amin na ipinapasa nila sa akin ang ilang legal case na kung saan doon ako magaling at marami nang naipanalo.Hindi mag-sink in sa utak ko na darating ang panahon na kakailangan ko siya. Kakailanganin ko ang tulong ng isa sa miyembro ng pamilya ng pumatay sa tatay ko.Inaayos ko pa nga ang kaso ni Papa pero heto at hindi ko na maipagpapatuloy muna dahil sa sakit ko at ang mahirap pa doon ay kayang gumamot sa akin ay ang tulad niya?I gritted my teeth.Kaya imbes na bumaba ako sa tapat ng tower ay nanatili ako sa bus para bumaba naman sa malapit pang hospital sa tower."Ms. Ava Dizon?"Tumayo ako nang tinawag ako ng nurse."Pasok na po," sabi ng secretary ng doctor.I need to check if another doctor can do the operation for me. Hinding-hindi ako pupunta sa hospital nang mamatay tao.How dare their family build a business like that when they are the ones who killed peopl
NAGMATIGAS ako. Hindi ko sila sinunod. Sa ilang araw na hindi ako nagpunta sa hospital na 'yon ay inabala ko ang sarili sa pagtawag sa mga hospital para magtanong kung sino ang neurosurgeon na available para sa operation ko pero ni isa ay wala."No. You can stay there and take rest. Hindi mo kailangan pumasok. Louise and Kael can handle the cases. Huwag mo ng isipin iyon," ani ni Sandler during our video call.I requested to go to work despite my situation. Hindi ko masyadong inisip iyong kondisyon ko kasi gusto kong maiba ng paligid. Ayoko na sa condo at lalo yata akong magkakasakit."Why? Do you think you can work with that kind of state? Hindi ka na ba nagsusuka at sumasakit ang ulo mo?""Medyo..." mahina kong sagot at iniwas ang tingin. Nakasandal ako sa sofa habang kausap ko siya. Bukas ang TV at hinahayaan ko lang ang ingay na galing doon dahil pakiramdam ko mababaliw ako sa tahimik ng condo. Ngayon lang ako nagtagal ng ganito.I don't want to disturb my friends or si Tita dahi
KUNG magpapagamot ba ako sa kanya, magagalit kaya ang magulang ko sa akin? Nakakatawang tanong dahil alam kong patay na sila pero nahihiya ako na hihingi ako ng tulong sa kaaway. Sa taong dahilan kung bakit wala akong tatay.I silently wished that this was just a dream. Iyong bangungot na p'wede akong magising. Hirap pa rin kasi akong tanggapin ang sitwasyon ko at ang pride ko ang humaharang sa akin para magpa-opera.May plano pa akong kalabanin ang pamilya niya pero heto ako at lalapit sa kanya?Last night was the hardest decision I made when I finally decided to consult him about my sickness. Sabi ng doktor ay huwag akong magpaka-stress. Iwasan ko iyon at umiyak dahil baka lumala naman ang kondisyon ko.Ang hirap naman gawin dahil emosyon ko ito. I can't control what I feel because I am in this kind of situation. Kahit na sinong tao ang tanungin, pareho lang kami ng mararamdaman.Nagkatinginan kami ng guard ng hospital. Pagkuwa'y lumapit na siya sa akin."Maam, kailangan niyo po ng