تسجيل الدخولChapter 565Gabi na nang makalabas sila ng auction house.Nakasandal si Astrid sa kaniyang upuan sa loob ng kotse habang inisip ang mga huling salitang binitawan ni Alessandra kanina. Nag-alangan pa siya habang dahan-dahang inilalabas ang kaniyang telepono.Alam niyang kapag humingi siya ng tulong kay Santi sa mga oras na ito, siguradong hindi siya tatanggihan ng lalaki.Subalit, ayaw na talaga niyang magkaroon pa ng anumang utang na loob o kaugnayan sa taong iyon, at siyempre ay ayaw niyang magkautang ng kahit ano rito.Bukod pa rito, dahil sa relasyon sa pagitan ni Santi at Harvick Riego, ayaw rin naman ni Astrid na pahirapan o ilagay sa alanganin si Santi.Nakarating siya sa kaniyang bahay nang lagpas alas-siyete pa lang ng gabi.Ito ang pinakamaagang oras ng kaniyang pag-uwi nitong mga nakaraang araw.Dahil sa bihirang pagkakataon ng libreng oras, naisip ni Astrid na pagkatapos maghapunan ay pupunta siya sa study room upang basahin ang mga impormasyon para sa forum sa UK.Pagkapas
Chapter 564Si Raica ngayon ay gaya lang din niya noong mga nakaraan.Hindi ito nangangahas na lumapit kay Astrid.Natatakot ang bata na marami na itong nagawang pagkakamali at ang pinsala ay hindi na kailanman mababawi pa. Natatakot siyang hindi siya karapat-dapat sa kapatawaran, at natatakot siyang ang kaniyang pag-iral ay magdadala lamang ng matinding sakit kay Astrid.Subalit siya ay isang adulto, kaya maiintindihan kung bakit ganoon ka-kumplikado ang kaniyang pag-iisip.Pero si Raica... siya ay isang bata pa lamang.Para sa isang limang taong gulang na bata na mag-isip nang ganoon kabigat, gaano kaya kasakit at kalungkot ang kaniyang nadarama?Inabot ni Santi ang kaniyang mga braso at marahang niyakap si Raica.Kung hindi dahil sa mga pagkakamaling nagawa niya noon, paanong hahantong sa ganito ang lahat?Gusto niyang bumawi at magbayad ng utang na loob kay Astrid, kay Raica, at maging sa baby na hindi pa naisilang.Umaasa siyang hindi pa huli ang lahat.Mabilis na sumugod si Astr
Chapter 563Sa villa area kung saan sila nakatira, napakalalayo ng pagitan ng mga bahay, kaya paano namang may makakasabay ito para makipag-rideshare?Subalit, bakit pa ba niya kailangang pakialaman kung paano nakarating si Santi rito?Sa huli, wala na iyong anumang kinalaman sa kaniya.Dahil dito, pinalipas na lang ni Astrid ang usapan at pinalampas ang lalaking nasa kaniyang tabi.Pumunta siya sa welfare home upang magpasa ng adoption application at para sabihin kay Raica na plano niya itong ampunin.Naisip niyang mas makabubuting mailabas niya si Raica sa ampunan bago pa man siya umalis patungong UK para sa kaniyang business trip.Sa ganoong paraan, maiasikaso at maipapasyal nila si Raica sa ibang bansa para makapagpahinga at maging masaya."Raica, nag-usap na kami ng Papa mo," malambing na panimula ni Astrid habang nakatingin sa bata. "Naisip naming sa bahay ko ka muna tumira. Maayos lang ba sa 'yo 'yon?"Tumingin si Raica kay Astrid nang may pagkalito sa kaniyang mga mata.Bahagy
Chapter 562Hindi kailanman naisip ni Santi na ang mga bala ng pambabalewala na ibinato niya noong kaniyang kabataan ay babalik at titama sa mismong pagitan ng kaniyang mga kilay ngayon...Ang pagmamahal at damdamin ni Astrid para sa kaniya ay dahan-dahang napawi at naglaho sa gitna ng paulit-ulit na kabiguan at pagkadiim ng kaniyang puso.Tumingin si Santi sa malamig at madilim na kalangitan na pumatak ang ambon. Naramdaman niyang ang lahat ng malamig na pagtrato na natatanggap niya ngayon mula kay Astrid ay sarili niyang kasalanan at nararapat lamang sa kaniya.Kumpara sa lahat ng sakit na pinagdaanan ni Astrid noon, wala pa ito sa kalahati.Mabilis na minaneho ni Astrid ang kaniyang kotse patungo sa welfare home.Habang nagmamaneho, hindi nawawala sa kaniyang isip ang anyo ng lalaking nakatayo sa rearview mirror nang simulan niya ang makina ng kotse.Alam niya ang mga naiisip ni Santi, at kailangan pa niyang aminin sa sarili na nagagawang gumawa ng alon ni Santi sa kaniyang puso.S
Chapter 561Pagkaliko pa lang ni Shari patungo sa hagdanan, nagulat siya nang makita ang taong nakaupo sa sofa sa sala."Ma’am Astrid!" gulat na bati ni Shari.Dahil doon, mabilis na napatingin si Ingrid sa kinaroroonan ng sofa.Ang sandaling makita ni Ingrid ang kaniyang anak, naramdaman niya ang matinding kaba na tila ba bumalik siya sa kaniyang kabataan nang gabi na siyang umuwi at nahuli ng kaniyang sariling ama."Anak... kailan... kailan ka pa riyan?" alanganing tanong ni Ingrid habang pilit na ngumingiti."Medyo kani-kanina pa po," kalmadong sagot ni Astrid.At para naman sa eksaktong oras... well, naroroon na siya nung pinapakinggan niya ang kuwento ng kaniyang ina mula sa stargazing hanggang sa huling wonton na kinain ng mga ito bilang late-night snack."Anong uri ba ng wonton 'yon at tila napakasarap?" pilyang panunukso ni Astrid sa ina. "Baka naman pwede niyo akong dalhan sa susunod para matikman ko rin?"Lalo pang namula ang mga pisngi ni Ingrid nang marinig ang biro ng kan
Chapter 560Dahil nakakain na siya ng pain, ang pakikipagtalo pa kay Santi sa mga oras na ito ay maglalagay lang sa kaniya sa disadvantage.Ipinagdasal na lang ni Astrid sa kaniyang isip ang tindi ng katusuhan ni Santi bago galit na pumasok sa loob ng villa.Siyempre, hindi muna umalis si Santi.Nakatayo pa rin ito sa labas habang pinagmamasdan ang kaanyuan ni Astrid hanggang sa tuluyan itong mawala sa kaniyang paningin. Dahan-dahang nadimlan ang kaniyang mga mata habang napapaisip.Buntis si Astrid... kakayanin pa kaya ng katawan nitong magtrabaho nang ganitong kalalim na ang gabi?Ngunit alam din naman niyang bagaman abala ang mga araw ni Astrid, siguradong napakalaki naman ng katuwang na dinala nito sa kaniya. Ang pakiramdam ng tagumpay at halagang ibinibigay ng trabahong kaniyang minamahal ay hindi mapapalitan ng kahit na ano.Magkagayunman, talagang nag-aalala pa rin siya sa kalusugan nito...Ang tanging magagawa niya lang sa ngayon ay ang ipaghanda ito ng mga masustansyang pagka
Chapter 3Subconsciously ay napatingin si Raica kay Tiffany na nasa gilid nila. Alam ng bata na ayaw ng Daddy niya sa nagsisinungaling, pero naalala niya ang sinabi ni Tiffany kanina.'Kapag sinabi mong sinadya niya, isasama ka ni Daddy sa susunod niyang business trip!'Yumuko ang bata at isinubsob
Chapter 2Dapat nagpapahinga nang maayos si Astrid, dahil walang pinagkaiba ang abortion sa panganganak. Ngunit dahil sa lamig ng gabi sa harap ng bintana, mabilis siyang dinapuan ng mataas na lagnat.Nagising siya mula sa mababaw na pagkakaidlip nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto. Pin
Chapter 1Isang linggong namalagi si Astrid sa loob ng ospital. Sa araw ng kanyang discharge, hindi niya sinasadyang marinig ang bulungan ng mga nurse sa station habang naglalakad siya sa hallway."Siya 'yong mag-isang nagpa-abortion, 'di ba? Isang linggo na siya rito pero wala man lang kahit isang
Chapter 153Buong araw na narinig ni Astrid ang mga ganoong salita mula sa mga tao sa paligid niya. Kung dati siguro ito nangyari, baka naiyak na siya sa tuwa dahil sa wakas ay kinikilala na ni Santi ang papel niya sa buhay nito, lalo na sa harap ng publiko.Ngunit ngayon, wala siyang ibang maramda







