Se connecterChapter 798Natigilan si Stanley sa kabilang linya.Halos makalimutan niya na pala ang tungkol doon.Kahit mahalagang alagaan ang kanyang ina, mas mahalaga pa rin ang malaking project ng kumpanya."Naiintindihan ko," pagpapakalma ni Stanley sa kanyang boses. "Asikasuhin mo muna 'yang project. Maghahanap na lang ako ng ibang mag-aalaga kay Mommy.""Hmm, sige," umoo na lamang si Akirah bago mabilis na ibinaba ang telepono.Nang makitang naputol ang tawag, nakaramdam si Stanley ng hindi maipaliwanag na inis sa kanyang dibdib.Inabot pa siya ng ilang sandali bago narealize kung bakit siya nababagabag.Dati kasi, tuwing may sakit ang kanyang ina, mas nag-aalala pa si Akirah kaysa sa kanya, at kahit hindi pa siya nagsasalita ay kusa na itong pumupunta sa lumang bahay sa Taguig para mag-alaga.Ngayon, ni hindi man lang ito nagtanong tungkol sa lagay ng kanyang ina.'Hindi ba masyado na siyang walang pakialam?' naisip ni Stanley.Subalit mabilis din niyang inalis ang isipang iyon.Naging busy
Chapter 797Pagkabalik ni Akirah sa kanyang mesa, bigla siyang nakatanggap ng email mula sa office ng president para mag-coordinate sa isang bagong project."Ako ang director ng R&D department, kaya bakit sa akin ipapagawa ang trabaho ng project department?" napatawa na lamang si Akirah sa kabaliwan ng utos na iyon.Naglalaman ng pagtataka ang kanyang chat nang i-message niya si Stanley sa kanyang work InstaSnap account."This project involves many product details," opisyal na sagot ni Stanley sa kanya. "You are the director of the R&D department and you understand the product, so you are the most suitable person to handle it."Dahil wala na siyang magagawa sa desisyon ng presidente, pumayag na lamang si Akirah.In-add ni Akirah ang assistant ng project liaison sa InstaSnap at nagkasundo silang magkita ng alas-otso ng gabi sa isang restaurant para pag-usapan ang mga detalye.Alas-siyete na ng gabi nang matapos si Akirah at handang umalis na sa opisina.Pumunta muna siya sa banyo bago
Chapter 796Pumikit na lamang si Akirah at nanatiling tahimik.Nang gabing iyon, hindi na itinuloy ni Akirah ang pagpunta sa hotel at sa ospital na lamang siya nagpalipas ng gabi para alagaan ang matanda.Kinaumagahan, bumalik si Stanley na may dalang silog mula sa malapit na fast food chain sa Taguig."Akirah, pasensya na talaga, may emergency lang na kailangang asikasuhin kagabi. Sinabihan ko ang assistant ko na kumuha ng caregiver para kay Lola, hindi ba dumating?" hinging-paumanhin nito sa kanya.Nang makita ng assistant sa likod na walang caregiver sa loob ng silid, biglang kinabahan at pinagpawisan nang malamig ang lalaki.Kagabi kasi ay balak sana nitong kumuha ng caregiver, pero biglang sinabi ni Kendra na may kilala itong magaling at ito na raw ang makikipag-ugnayan.Hindi inakala ng lahat na hindi pala magpapadala si Kendra ng kahit sino.Hindi man lang siya pinansin ni Akirah at tuloy-tuloy lang na pumasok sa kwarto.Malamig na tinignan ni Stanley ang kanyang assistant bago
Chapter 795Namutla ang mukha ni Akirah sa matinding sakit ng hawak nito.Pilit niyang binabatak ang kanyang kamay, pero mas lalong hinihigpitan ni Liana ang hawak sa kanya.Sa exactong sandaling iyon, dumating si Stanley at nakitang namumutla ang mukha ni Akirah, kaya mabilis siyang humakbang para pigilan ang matanda."Tita Liana, let go of Akirah," mabilis na pakiusap ni Stanley.Nang makita ni Liana na dumating ang lalaki, wala siyang ibang magawa kundi ang bitawan ang kamay ni Akirah.Subalit para sa kanyang anak na lalaki, hindi pa rin napigilan ni Liana ang magmakaawa kay Stanley. "Stanley, hindi na makapaghintay ang katawan ni Aljeus! Tita begs you, please persuade Akirah!"Tumingin si Stanley kay Akirah, bakas ang matinding pag-aalinlangan at paghihirap sa kanyang mga mata.Tahimik lang siyang pinagmasdan ni Akirah, naghihintay kung anong desisyon ang gagawin ng asawa.Gusto niya ring malaman kung anong pipiliin nito.Masasaktan ba uli nito ang katawan ni Kendra para sa kanya?
Chapter 794Inakala ni Stanley na nabigyan niya na ng daan ang asawa, at kung may bait pa ito sa sarili, dapat lang na makipag-ayos na ito sa kanya.Tiningnan lang siya nang mabilis ni Akirah ngunit hindi na ito nag-abala pang magsalita.Sa exactong sandaling iyon, bumukas ang pinto ng elevator at lumabas si Kendra habang hawak ang ilang dokumento sa kanyang kamay."Stanley, Akirah," nakangiting bati ni Kendra.Nanliit ang mga mata ni Akirah nang makita ang kwintas na gawa sa dyamante na nakasabit sa leeg ng dalaga.Iyon ang regalong ibinigay sa kanya ni Stanley noong kaarawan niya limang taon na ang nakakalipas.Sinabi pa nito noon na siya mismo ang nagdisenyo ng kwintas bilang simbolo ng hindi magbabagong pag-ibig nito para sa kanya.Laging nangingimi si Akirah na isuot iyon kaya maingat niya itong itinago sa kanyang jewelry box.Mabilis na lumapit si Akirah at walang alinlangan niyang binatak ang kwintas mula sa leeg ni Kendra.Agad na nagkaroon ng namumulang sugat at dugo sa leeg
Chapter 793Natakot si Akirah na baka mag-alala ang kanyang lola, kaya inilabas niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Stanley.Sa pagkakataong ito, nag-ring ang cellphone at sumagot si Stanley. Kagabi kasi, nakipag-inuman ito sa mga kaibigan niya kaya nakapatay ang kanyang cellphone.Nagising siya ngayong umaga at nakitang tumawag si Akirah.Lalapitan niya sana ito, pero bigla siyang nakatanggap ng tawag mula sa bangko na nag-inquire dawsi Akirah tungkol sa credit card nito."Stanley, tumawag sa'yo si Akirah, sigurado akong tungkol sa pera 'yan. Mukhang gumagana ang leksyon mo sa kanya! Kapag ipinagpatuloy mo 'yang pagbalewala sa kanya, hindi ka na niyan guguluhin," pinaalalahanan pa siya ni Kendra mula sa tabi habang nagtitimpla ng kape.Naisip ni Stanley na may punto ang mga sinabi ng dalaga."Is there something you need?" tanong nito sa malamig at walang pakialam na boses nang magsalita."Tinatanong ni Lola kung may oras ka raw bang bumisita sa kanya kamakailan?" tanong ni Aki
Chapter 7Nagkibit-balikat si Lucilla habang iniaayos ang kanyang mamahaling singsing. "Ayaw mong maniwala? Eh di itanong mo sa anak mo paggising niya. Narito rin ang mga katulong para magpatotoo. Huwag mo akong sisisihin sa panghihimasok ko, Santi, pero dahil sa sobrang tagal niyo nang kasal, ting
Chapter 6Pagkagaling sa bahay ni Prof. Portia, hindi pa man nakakapagpahinga si Astrid ay tumunog na ang kanyang cellphone. Isang pamilyar na pangalan ang rumehistro sa screen—ang nanay ni Santi."Mom, may problema po ba?" bungad ni Astrid nang sagutin ang tawag."Nagtatanong ka pa!" bulyaw ni Luc
Chapter 5Matapos mapatulog ni Santi ang kanyang anak, malalim na ang gabi. Nitong mga nakaraang araw na wala si Astrid, naging doble ang pagod niya. Bagaman may mga katulong sa bahay, si Raica ay lumaking si Astrid ang nag-aasikaso kaya naman hindi ito sanay na kasama lang ang mga serbiuynte.Kail
Chapter 4Lumingon si Santi sa itinuturo ng kanyang anak at nakita nga niya si Astrid na masayang nakikipag-usap sa isang lalaki. Hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa, pero kitang-kita ang ningning sa mga mata ni Astrid habang tumatawa. Matagal nang hindi nakikita ni Santi ang ganoo







