Share

The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)
The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)
Author: Anoushka

1

Author: Anoushka
last update Huling Na-update: 2025-10-08 01:15:50

Pagkapasok ni Cassie sa opisina upang ihatid ang attendance sheet, hindi niya inaasahan ang mainit na bisig na biglang humila sa kanya. Sa isang iglap, bumagsak siya sa malapad na dibdib ng lalaki at sunod-sunod na halik ang dumapo sa kanyang mga labi.

Agad niyang isinara ang pinto gamit ang paa, saglit na lumambot sa halik ngunit mabilis din siyang kumawala. “Don’t make trouble, this is your office,” bulong niya, pilit siyang umaatras.

Ngunit lalo lamang siyang sinundan ni Calix, idiniin ang mukha sa kanyang leeg, at huminga nang malalim. “What are you afraid of? We’ve done much more inside the operating room,” aniya, puno ng panunudyo.

Namula ang tenga ni Cassie. Anim na buwan na silang kasal, at mula sa pagiging estranghero, natutunan niyang tanggapin ang bawat mukha ng lalaking ito, kahit ang pagiging ‘hypocrite’ niya na paulit-ulit na niyayanig ang kanyang mga paniniwala.

“Kahit anong oras, may taong pwedeng pumasok. Gusto mo bang mawalan ako ng trabaho dito?” mariin niyang sagot, pilit na kumakawala. Para siyang pusang dahan-dahang lumalayo sa kanyang bisig. “Kapag nakita tayo ng mga nurse dito, baka pagpira-pirasuhin nila ako.”

“Dare,” malamig ngunit seryosong tugon ni Calix. Para sa kanya, kung wala si Cassie sa mga bisig niya, wala ring saysay ang lahat. “Hindi ko alam na kaya mong maging ganito katakot. You weren’t like this when you married me.”

Inilagay ni Cassie ang attendance sheet sa dingding, sabay irap sa kanya. “Kung hindi lang ako nalasing noon, hindi ko rin magagawang lapitan ka at ialok ang sarili ko.”

Alam ng lahat na si Calix Rosales, ang tagapagmana ng malaking negosyo ng kanilang pamilya, ay iniwan ang yaman upang maging isang surgeon, hindi para sa propesyon lamang, kundi upang maghintay sa pagbabalik ng babaeng tunay niyang minamahal. At si Cassie, kapalit lamang sa babaeng iyon upang mabayaran ang gastusin sa paggamot ng kanyang kapatid na may sakit.

“What time will you go home tonight?” diretsong tanong ni Calix, puno ng pananabik habang nakatitig sa kanya.

Ngumiti si Cassie, naglakad palapit at nagbiro, “Why? Getting more and more inseparable from me now? Don’t forget, may anim na buwan na lang ang kontrata natin.”

“You know very well… I can’t live without you. Not you as a person, but what I can’t live without is your body,” walang pag-aatubiling sagot ng lalaki habang banayad na pinisil ang kanyang bewang. Napaigik siya, ramdam ang init sa kanyang balat.

“See you tonight,” bulong ni Cassie, sabay kindat bago tuluyang lumabas ng opisina.

Ngunit sa sandaling isinara niya ang pinto, unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. Hinaplos niya ang sariling pisngi na nanlilisik sa init, sinigurong normal ang kanyang itsura bago bumalik sa trabaho. Hindi nila ipinapaalam sa iba ang kanilang relasyon. Una, ayaw niyang maging tampulan ng inggit at paninira ng mga nurse. Pangalawa, ayaw niyang malaman ng kapatid niyang si Carlo ang masakit na katotohanan na isa lamang siyang kapalit para sa babaeng minahal ni Calix.

Samantala, naiwan si Calix sa kanyang opisina, nakatingin sa direksyong nilabasan ni Cassie. Nang tuluyang mawala ang anino nito, ibinaba niya ang tingin sa kanyang leeg, isang simpleng dolphin pendant. Pinisil niya ito gamit ang mga daliri at muling naalala ang sinabi ni Cassie bago ito umalis. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. Mas lalo niyang nagugustuhan ang pagiging prangka ng babaeng iyon.

Pagbalik ni Cassie sa mesa niya, agad siyang sinalubong ng isang babaeng may malaking tiyan, nakatayo sa kanyang harapan na may mapagmalaking ngiti.

“Oh, isn’t this my good daughter?” ani ng babae habang marahang hinihimas ang kanyang namimintog na tiyan.

Natigilan si Cassie. Ang propesyonal na ngiti sa kanyang labi ay unti-unting nanigas. Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin at napadako sa lalaking nakatayo sa tabi ng buntis, si Axel Luis, ang dating nobyo niya sa loob ng apat na taon.

At si Aurora naman ang babaeng buntis, dating madrasta ni Cassie. Ikinasal siya sa kanyang ama nang siya’y bente-singko pa lamang, samantalang apatnapu’t taong gulang na ang ama. Sampung taon ang tanda ng madrasta kaysa sa kanya. Noon, nangako itong hindi mag-aanak upang masiguro ang kapakanan nilang magkapatid. Ngunit pagkatapos makuha ang tiwala ng kanilang ama at makuha ang malaking bahagi ng negosyo, unti-unti itong lumantad, ipinagpalit ang kanilang ama at mabilis na nakipagrelasyon kay Axel. Sa huli, pinaalis silang magkapatid mula sa tahanan na dapat ay kanila rin.

At ngayon, wala pang isang taon mula nang mangyari iyon, heto siya, buntis na at todo ang kayabangan.

“Miss Medina…” mahina ngunit buo ang tinig ni Cassie, pinilit niyang ibalik ang propesyonal na ngiti.

“Call me Mrs. Luis. Or maybe… President Aurora,” pagmamayabang ni Aurora. “Hindi lang ako ang asawa ni Axel ngayon, ako rin ang presidente ng kompanya ng tatay mo. Look at you, nakatayo ka rito bilang simpleng front desk sa ospital. Magkano ba ang kinikita mo, ha? Is it even enough to feed yourself?”

Sa kabila ng pagngingitngit sa dibdib, pinanatili ni Cassie ang tuwid na likod at malamig na ngiti. Ngunit sa loob-loob niya, nagngangalit ang sakit ng nakaraan na parang kahapon lamang nangyari.

“Hindi mo kailangang alalahanin ang mga bagay ko, Miss Medina.” Pinipilit ni Cassie na manatiling kalmado. Hindi naman talaga siya likas na mahinahon, ngunit ang isang taon na karanasan sa trabaho ang nagpahinog sa kanya. Lalo na ngayon na nasa loob siya ng ospital, hindi siya maaaring makipagtalo, at higit sa lahat, kaharap niya ay isang buntis na pasyente.

Ngumiti nang mapanukso si Aurora habang banayad na hinihimas ang kanyang namimintog na tiyan. “Of course, I don’t have time to worry about you. Narito ako para sa prenatal check-up ng anak ko kay Axel. Hindi mo ba nakikita? Malaki na ang tiyan ko.”

Hindi makatingin si Axel kay Cassie. Para bang may matalim na tinik na bumabaon sa kanyang dibdib. Guilt and shame flooded him uncontrollably.

“Kung magpapa-check up ka, nagkamali ka ng pinuntahan,” sagot ni Cassie. Ang ngiti sa kanyang labi ay nanatili, ngunit sa loob-loob niya’y nag-aalab na ang galit. Gusto niyang pumutok, gusto niyang basagin ang kayabangan ng babaeng ito. “Lumabas ka ng ospital, kumaliwa ka. Doon ka dapat pumunta.”

Kumunot ang noo ni Aurora. “Ano namang lugar iyon?”

“Veterinary hospital.” Matalim ang titig ni Cassie, at puno ng pangungutya ang kanyang tinig.

Siya ang dahilan ng pagkamatay ng kanilang ama sa sobrang sama ng loob, siya rin ang nagpaalis sa kanilang magkapatid sa sariling tahanan, siya ang lumamon sa lahat ng ari-arian ng pamilya nila, at sa huli, ninakaw pa si Axel. Para kay Cassie, hindi na ito tao. Isa itong hayop.

Napakuyom ng kamao si Aurora at malakas na ibinagsak ang kamay sa mesa. “Cassie! Ano ka ba para magsalita ng ganyan? Gusto mo bang ireklamo kita?”

“Sa tabi ng elevator, ten meters lang mula rito, naroon ang complaint box. Please, go ahead.” Walang bakas ng kaba si Cassie nang magsalita siya.

Alam niyang kahit ireklamo siya, si Calix pa rin ang makakabasa noon bilang vice president ng ospital. At alam din niya kung paano niya iyon aayusin. Isang mainit na halik mula sa kanya, at tiyak, mawawala ang suliranin.

Napatawa nang mapait si Aurora, halos nanginginig sa inis. “Fine! Let’s see kung hanggang saan ang tapang mo!” sabay hila kay Axel paalis.

Nanatiling nakayuko si Cassie, kunwaring abala sa mga dokumento. Ngunit ramdam niya ang tingin ni Axel. Paulit-ulit, malagkit, puno ng hindi masabi. Hanggang sa tuluyang mawala ang anino ng dalawa, saka lamang siya huminga nang malalim.

Sa loob-loob niya ay nag-umaapaw ang emosyon, galit, hiya, at kirot na matagal na niyang pilit nilulunok. Kung wala lang si Carlo, matagal na sana niyang hinila si Axel at si Aurora pababa sa impyerno upang ipaghiganti ang kanilang ama.

Ngunit hindi niya magawa. Dahil ang kapatid niyang si Carlo ang tanging pamilya na mayroon siya, at siya ang rason kung bakit siya patuloy na lumalaban.

Mula pagkabata, palaging may kulang sa pamilya nila, wala ang ina, abala naman ang ama. Kaya’t silang magkapatid ang naging sandalan ng isa’t isa. At ngayon, mas lalo niyang naramdaman na gagawin niya ang lahat… para kay Carlo.

Nurse Station Cassie, please proceed to the Obstetrics and Gynecology Department.

Bumungad ang tawag mula sa radyo, dahilan upang mabilis siyang bumalik sa huwisyo.

Huminga siya nang malalim, ngumiti sandali sa kanyang kasama, at dali-daling nagtungo sa departamento.

Ang unang silid sa Obstetrics and Gynecology ay opisina ni Joyce Natividad, ang direktor ng departament. Tatlumpung taong gulang at kilalang mahusay sa larangan, ngunit mas kilala sa isang bagay, isa siya sa mga masugid na humahanga kay Calix.

At dahil si Cassie ang “royal assistant” ni Calix, nagdadala ng attendance sheet, bumibili ng lunch, at halos siya na ang personal na tao ng surgeon, hindi maikakaila na lubos na naiirita si Joyce sa kanyang presensya.

At sa kanyang pagdating, muntik nang lumubog ang puso ni Cassie. Nandoon na naman si Aurora at Axel, nakaupo sa loob mismo ng silid ni Joyce.

Ngumisi si Joyce, malamig at mayabang. “Cassie, we have a VIP patient here. She said you were rude to her earlier at gusto niyang ireklamo ka. Pero dahil magkakilala tayo, I’ll make this easy for you. Just apologize to Miss Medina, and I’ll pretend this never happened.”

Alam niyang walang laban si Cassie sa kanya. Kilala ni Joyce ang kahinaan niya, may kapatid itong may leukemia na naka-confine mismo sa ospital na iyon. Kapag naireklamo siya nang tatlong beses, matatanggal siya sa trabaho. At higit sa lahat, wala siyang perang pambili ng gamutan.

At doon, tahimik na kumulo ang dugo ni Cassie.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   106

    Pinindot ni Cassie ang play button ng recorder. Sa sandaling marinig ang boses ni Sonya na malinaw na inaamin ang lahat ng kasinungalingan, tuluyang nanlaki ang mga mata ni Aurora. Para siyang natulala, tila hindi agad maiproseso ang narinig.Ilang segundo ang lumipas bago niya muling nahanap ang sarili niyang boses. Pilit niyang pinanatiling matatag ang tono. “Anong mapapatunayan ng isang sirang recording? You think this can beat two paternity test results? Hindi ba mas kapani-paniwala iyon kaysa sa isang audio na puwedeng pekein?”Nanahimik si Cassie. Sa loob-loob niya, hindi rin naman mali ang sinabi ni Aurora. Kahit anong paliwanag pa, mas mabigat pa rin sa mata ng batas ang dalawang opisyal na paternity test.Habang nag-iisip siya kung paano hahanapan ng butas ang sitwasyon, isang malinaw at pamilyar na tinig ang biglang umalingawngaw mula sa likuran.“Kung ganoon, convincing pa rin ba ang sasabihin nila?”Napalingon silang lahat.Papasok si Calix, kasama ang ilang tao. Dalawa sa

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   105

    Umingay ang isip ni Sonya, tila may kulog na paulit-ulit na bumabayo sa loob ng kanyang ulo. Hindi siya makapag-isip nang maayos habang nakatayo sa harap ng front desk, ramdam ang biglang panlalamig ng kanyang mga palad.“Ma’am,” malamig na wika ng receptionist habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa, “sa accent n’yo pa lang at sa suot n’yo… mukhang hindi kayo taga-rito. At sa itsura n’yo, hindi n’yo yata kayang mag-stay sa hotel na may minimum na dalawang libo kada araw. Hindi ba kayo nagsisinungaling?” Sandaling tumigil ito bago idinagdag, “Hindi pa po bayad ang kwarto n’yo. Aabot na ‘yan ng apat hanggang limang libo. May pambayad po ba kayo?”Napasinghap si Sonya, na para bang biglang naubusan ng hangin. “Tawagan n’yo ulit!” mariin niyang sabi, pilit hinahawakan ang huling hibla ng pag-asa. “Hindi ako naniniwalang empty number ‘yon.”Muli itong tinawagan ng front desk, ngunit pareho pa rin ang sagot. Ngayon, mas matigas na ang tono ng kausap. “Ma’am, naiintindihan ko kung pakira

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   104

    “Paternity test pa talaga?” mapanuyang sabi ni Aurora habang sinusuri si Sonya mula ulo hanggang paa. “Hindi naman kayo magkamukha. Mukha siyang kawawa at… frankly, hindi rin maganda.”Napangiti si Cassie nang bahagya, malamig at may bahid ng pangungutya. Kung akala ni Aurora na madadala siya sa ilang patutsada, nagkakamali ito.“Ano?” tinaasan niya ito ng kilay. “O natatakot ka lang? Guilty conscience ba ’yan kaya ayaw mong magpa-test?”“Hindi ako guilty,” mariing sagot ni Aurora. “Pero hindi rin ako kampante na dito sa ospital mo gagawin. Paano kung dayain mo ang resulta? Maglabas ka ng test na hindi mo ina, tapos ako ang mawawalan ng kumpanya? Tapos kayo naman, palihim n’yong kukumpirmahin ang relasyon ninyong mag-ina. Hindi ba lugi ako ro’n? Fine. Bukod sa ospital mo, kahit saang ospital ka pumili.”Sumulyap si Cassie kay Calix. Tumango ito nang bahagya, hudyat ng pagsang-ayon.“Wow,” sarkastikong singit ni Aurora, “kailangan mo pang magpaalam sa iba sa sarili mong desisyon?”“Kun

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   103

    “Pangalawa,” mahinahong dagdag ni Cassie, “kung ako ang may-akda at nakapunta na ako rito, at talagang nagustuhan ko ang lugar, tiyak na isusulat ko iyon. Hindi ko rin makakalimutan ang mga pagkaing natikman ko, at siguradong ilalagay ko rin ang mga iyon sa paborito kong libro. Kaya kalahati lang ng hula mo ang tama.”Napansin niyang nakikinig si Carlo nang buong-buo, halos kapareho ng ekspresyon ng ama nito noong unang beses niyang mahumaling sa librong iyon.Sa tuwing may natitikman silang bagong pagkain o may nakikitang kakaibang tanawin, palagi nitong naaalala ang libro at may nasasabi tungkol dito.Bakit ba ganoon kalakas ang hatak ng aklat na iyon?Pagkatapos kumain at magpahinga, bumalik ang tatlo sa hotel. Maaga silang natulog upang makapaghanda sa maagang pag-alis pabalik sa Manila kinabukasan.……Sa isang lumang bahay ng magsasaka, nagkalat sa sahig ang mga tuyong sanga at damo. Paminsan-minsa’y may naririnig na huni ng mga insekto, nagbibigay ng kakaibang lamig at paninikip

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   102

    “Tita, grabe, dito pa talaga tayo nagkita!” bahagyang nanginginig sa tuwa ang boses ni Carlo. “Two days ago lang, pinag-uusapan pa natin sa ospital sa Manila ’yong tungkol sa mga librong may bukirin. Tapos pagdating ko pa lang sa Cagayan, ikaw agad ang nakita ko!”Napangiti rin ang babae, halatang natuwa sa muling pagkikita nila. “I came here to visit an old friend,” sagot niya nang banayad, “and at the same time, to enjoy the scenery.”Tahimik na pinagmasdan ni Cassie ang babae. Batay sa kwento ni Carlo tungkol sa “book friend” niya, nasa bandang kuwarenta na raw ito. Ngunit sa ayos at postura nito ngayon, hindi agad mahuhulaan ang edad. Maayos ang kutis, maaliwalas ang mga mata, at may natural na lambing ang ngiti.“Oh, by the way,” sabi ni Carlo habang tinuturo si Cassie, “Ate ko po siya. Ate, siya ’yong auntie na ikinukuwento ko sa’yo dati.”Bahagyang ngumiti si Cassie at magalang na tumango. “Hello po.”Napatingin nang masinsinan ang babae kay Cassie, at may dumaan na munting ing

  • The Billionaire Doctor’s Hidden Marriage (RATED 18+)   101

    Magkaharap ang dalawang matanda sa mesa ng chess, kapwa halatang beterano at tunay na nahuhumaling sa laro. Maaga pa lamang ay nandoon na sila, at matapos itaboy si Cassie, halos sampung minuto silang hindi gumalaw, para bang ang buong mundo nila ay umiikot lamang sa itim at puting mga piyesa sa harap nila.Nakatayo si Cassie sa di kalayuan. Ilang beses na niyang gustong lumapit at magtanong, ngunit alam niyang kapag nainis ang dalawang matanda, tuluyan nang mawawala ang pagkakataon niyang makakuha ng kahit kaunting impormasyon.Napalingon siya kay Calix na nasa tabi niya. Tahimik lamang itong nakamasid sa chessboard, malalim ang tingin, para bang may sariling mundo. Wala siyang sinasabi, ngunit ramdam ni Cassie na may binabalak ito.Biglang nagsalita ang isang matanda, buong yabang.“Linario, kapag nabasag mo ang chess formation ko ngayon, titigil na ako sa paglalaro ng chess!”“Ikaw ang nagsabi niyan ah!” biglang naging masigla si Linario. “Matagal ka nang dapat tumigil, ako ang tuna

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status