ログインGusto pala talagang dalhin ni Rafael si Viviane sa lumang mansyon—ang bagay na matagal na nitong pinapangarap. Kaya naman pala... matagal na pala niyang inaagaw ang pwesto ko. Napapangiti na lamang nang mapait si Isabela sa sarili.
Nagmaneho rin siya patungo sa lumang tirahan ng pamilya Lim. Puno na ang bulwagan at marami nang bisita; rinig na rinig mula sa labas ang kasiyahan at ingay ng pagdiriwang. Dumating din sina Rafael. Gaya ng dati, akmang aakbayan sana siya nito, ngunit tila nagbago ang isip nito at ibinaba rin ang kamay. Lumingon si Rafael sa kanya.
"Hindi na ganoon kalapit ang relasyon natin ngayon," wika ni Isabela bago pa man ito makapagsalita.
Naunang naglakad si Isabel papasok sa bulwagan. Dumilim ang tingin ni Rafael sa kanyang ginawa. Binuksan ng tagapagsilbi ang malaking p***o, at sabay na pumasok. Biglang tumahimik ang buong paligid at huminto ang bawat isa upang salubungin ang pinuno ng pamilyang Lim. Pumasok si Rafael at mahinahong sinabi, "Magpakasaya po kayo na parang nasa sariling tahanan." Sa narinig nito, muling humupa ang pagkailang ng mga bisita at nagpatuloy sa pagbati at pakikipagkwentuhan.
Tumuloy si Rafael patungo sa kinaroroonan ng matanda. Hindi sumama si Isabela. Hindi rin angkop ang gulo sa bata, kaya matapos kumuha ng pagkain ay dinala na si Yuan sa isang pribadong silid. Samantala, humanap ng tahimik na sulok si Isabela at umupo roon. Umaasa siyang makakakuha ng kapayapaan, ngunit hindi ito nangyari. Dalawang babaeng kamag-anak ng mga Lim ang lumapit sa kanya.
"Bakit mag-isang nakaupo rito ang hipag ko?" wika ni Andrea, pinsan ni Rafael na matagal na niyang hindi gusto si Isabela.
"Hipag, huwag mo na silang pansinin. Bakit ka narito mag-isa sa halip na sumama sa pinsan natin sa pagbisita kay Lolo?" tanong naman ni ANA, ang pinsang may mas maayos na pakikitungo sa kanya.
Wala talagang gana si Isabela na makipag-usap sa kanila. Tutal, wala na rin naman siyang halos kaugnayan sa pamilyang ito, kaya hindi na kailangang pilitin pa ang pakikisama. Lalo pang nagngitngit sa galit si Andrea nang makitang tila wala siyang pakialam. Hindi niya matanggap na ang isang galing sa mababang kalagayan at hindi karapat-dapat ay naging asawa ng pinakamakapangyarihang lalaki. Bakit napakaswerte nito?
"Totoong totoo naman iyon," patuloy na paririnig ni Andrea kay Isabela. "Hindi ka naman talaga minahal ni Rafael. At ngayong bumalik na si Viviane, talagang bagay na bagay sila. Isabela, hindi ba dapat ay umurong ka na lang?"
Humarap si Isabela sa kanya at sumagot nang walang bahid ng emosyon. "Gagawin ko naman iyan. Umaasa lang ako na kapag narito na si Viviane, hindi ka na magiging masungit pa sa kanya. Paano kung malaman ni Rafael na may sinasabi kang mga mapang-uyam tungkol sa kanya..."
Dahan-dahang inikot-ikot ni Isabela ang braso sa kanyang kamay. "Pinsan, ikaw ang mapapahamak diyan."
Agad na namutla sa inis si Andrea "Isabela, huwag kang maging walang utang-na-loob! Huwag mong kalimutan kung paano ka lang nakapasok sa pamilyang Lim. Ni minsan ay hindi ka naman pinapansin ni Rafael!"
"Alam ko 'yan, at hindi ko rin naman nakalimutan. Alam ng buong angkan na hindi niya ako gusto. Ngayon mo lang ba nalaman iyon?"
"Hindi ka ba natatakot na tuluyan ka niyang iwan at balikan si Viviane?"
"Ano pa ang dapat kong ikatakot?" Wala na itong bago sa kanya; isa na itong katotohanang tinanggap na niya. "Pinsan, hindi mo kailangang maging ganyan kasakit magsalita sa kanya, paalala ni Ana. Wala akong kapangyarihan o yaman ng pamilyang Lim. Kung mayroon kang gustong sabihin, humarap ka at makipagsabayan nang direkta kay Rafael. Hindi nakakaangas ang mang-api ng kapwa babae."
Tila mga matatalim na patalim ang mga salitang tumama mismo sa pagkatao at dangal ni Andrea. Labis siyang napahiya. Ang pinakakinatatakutan niya ay ang katotohanang hinding-hindi siya makakapantay sa pinsan niya. Bakit si Rafael ang may hawak ng lahat habang siya ay wala? Masyado itong mahusay—walang sinuman sa kanilang magkakamag-anak ang makakatalo sa kanya. At ngayon, bakit tila nagbago si Isabela? Ang dating mahinhin at mahinahon ay biglang nagsasalita nang diretso at matapang.
"Hindi ka ba natatakot na magalit si Rafael sa mga sinasabi mo? O baka naman ang pagsasalita mo nang ganito ay magdulot pa ng problema sa kanya?"
Dati, sa tuwing dadalo si Isabela sa mga ganitong okasyon, laging takot na magkamali o makapagsabi ng hindi tama dahil ayaw niyang maging pasakit kay Rafael. Kaya naman ginawa niya ang lahat upang maging magalang, maingat, at huwag makasakit ng kahit sino—upang maging karapat-dapat na asawa. At ngayong maghihiwalay na rin sila, wala na siyang dahilan para magpanggap pa.
"Sinasabi ko sa iyo..." tumawa nang malamig at sarkastiko si Isabela, "...mabuting pag-isipan mo munang mabuti ang bawat sasabihin mo bago mo ako akusahan ng panggugulo."
Hindi na naghintay ng sagot si Isabela at tumalikod na upang umalis.
"Ikaw!" Lalong namula sa galit si Andrea at padabog na ipinadyak ang kanyang paa sa sahig.
Wala na ring balita mula sa pakikipag-usap nina Rafael sa matanda, at alam niyang ayaw pa rin siyang makita ni Yuan. Hindi rin siya nasisiyahan sa ingay at gulo sa loob ng bulwagan kaya naglakad siya patungo sa hardin. Sa ilalim ng malaking puno, umupo siya sa isang upuan at muling ininom ang alak na hawak niya. Isang banayad na simoy ng hangin ang humaplos sa kanya na may dalang bahagyang ginaw.
"Mukhang hindi ka naman nasisiyahan sa pag-inom ng alak. Paano kung tsaa na lang ang inumin mo?"
Isang tasa ng mainit na tsaa ang dahan-dahang inilapag sa harap niya.
Tumingala si Isabela at nakita ang isang lalaking may maamo at kagalang-galang na tindig na nakatayo sa kanyang harapan. Hindi ito matanda; halos kaedad lang niya ito. Hindi tinanggihan ni Isabela ang kabutihang-loob nito. "Salamat po."
Nang mapansin nitong hindi na siya muling nagsalita, kusa na itong nagpakilala. "Ako si Angelo Wong. Naaalala pa po ba ninyo ako, Mrs. Lim?"
Matapos magbalik-tanaw sa kanyang alaala ay sumagot si Isabela, "Kayo ang batang tagapagmana ng pamilyang Wong."
Tumango si Angelo habang nakangiti nang maamo. Naalala ni Isabela na matagal nang matalik na magkaibigan ang pamilyang Wong at pamilyang Lim. Kahit noong hindi pa ganoon kalawak ang negosyo ng mga Lim, maayos na ang kanilang ugnayan. Ang mga matatanda ng dalawang pamilya ay sabay pang humarap sa mga pagsubok na muntik nang kumitil sa kanilang buhay noong sila ay bata pa—kaya naman tunay na napakalalim ng kanilang samahan.
Gayunpaman, hindi kailanman naging hilig ng pamilyang Wong ang mga pakikipagsapalaran sa negosyo. Ang buong angkan ay kilala bilang mga taong lubos na may pinag-aralan at mahilig sa panitikan at sining. Sa mga pagtitipon ng pamilyang Lim, nagpapadala na lamang sila ng mga regalo bilang paggalang ngunit hindi na sila dumadalo mismo. Tutal, hindi naman nasusukat ang tunay na pagkakaibigan sa panlabas na anyo; ang mahalaga ay ang tapat na pagtinginan sa pribadong buhay. Sa katunayan, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakaharap ni Isabela ang sinumang miyembro ng pamilyang Wong.
"Kamusta po? Hindi pa rin ba mahilig ang pamilya ninyo sa ganitong mga pagdiriwang?" wika ni Isabela nang hindi masyadong nag-iisip, sa pagiging kaswal ng usapan.
Napansin ni Angelo na tila malayo ang isip ng babae at wala itong ganang makipagkwentuhan. "Hindi ba't ganoon din naman po kayo, Mrs.Lim?"
'Mrs.Lim na naman.
Ang pagbabalik-tanaw na iyon ay tila dagdag na bigat sa konsensya ni Rafael na eksakto sa inaasahan niya. Dumilim ang mga mata ni Rafael habang pinag-iisipan ang kanyang mga nagawa. Tama siya napabayaan niya na si Viviane. Masyado niyang ibinaling ang kanyang atensyon kay Isabela.Paano niya nagagawang ipag walang bahala ang taong nag-alay ng sariling buhay upang iligtas siya noon pa man? Utang niya ang kanyang buhay kay Viviane. Hindi dapat hayaang mas maging mahalaga ang iba pang babaeng naging liwanag at kaligtasan niya noon.Ngunit sa kabila ng lahat ng pasya at paninindigan, hindi maalis sa kanyang isipan ang mukha ni Isabela. Hindi niya maunawaan kung bakit sa bawat pagkakataong naiisip niya ito, nawawalan siya ng kontrol sa sarili. Unti-unti, may puwang sa kanyang pusong binubuksan para sa babaeng iyon, at labag man sa kanyang kagustuhan, hindi niya ito mapigilan.Sa huli, tanging malalim na paghinga at walang pasubaling paghingi ng tawad ang kanyang nagawa. “Patawad, Viviane…
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ng kanyang tito. Naging seryoso at bakas ang pangamba sa kanyang mukha. Viviane, hindi biro ang hinihingi mo. Paggawa ito ng pekeng dokumentong medikal. Kapag nabunyag ang katotohanan, hindi lang ikaw ang mapapahamak kundi pati na rin ako. Haharap tayo sa legal na kahihinatnan."Naintindihan ni Viviane ang pag-aalinlangan nito. Mabilis na lumingon-lingon sa paligid upang masigurong walang nakikinig, saka dahan-dahang kumuha ng isa pang makapal na sobre mula sa kanyang bag. Inilapag niya ito nang mahinahon sa mesa at itinulak palapit sa kanya."Tito," bulong niya nang may diin, "alam kong hindi ito madali, may mga hakbang na akong ginawa upang masigurong hindi ito mabubunyag. At higit sa lahat... hindi ko hahayaang madamay kayo sa anumang panganib. Manatili lamang kayo sa gilid, at lahat ng responsibilidad ay sa akin."Tinitigan ni Viviane ang matanda, alam niyang ang nilalaman ng bagong sobre ay sapat na upang alisin ang anumang pag-aalinlangan nit
Bahagyang nabigla si Rafael. Wala ng lakas ang kanyang mga kamay, at naramdaman niya ang bilis na tibok kanyang dibdib. Sa bawat salitang inaamin ni Rafael kay Isabela kitang-kita ang hindin agad na mapaniwalang mukha ni Rafael, malinaw na hindi na ito tinatanggap kahit anong sabihin pa niya. Napangiti siya nang mapait, baligtad na nga ang lahat. Dati siya ang hinahabol, at ngayon siya naman ang hindi makabitaw, habang ang taong minsang nagmahal sa kanya ay tila wala nang pakialam.Sa loob ng sandaling iyon, biglang sumama ang pakiramdam ni Isabela. Umakyat ang pagkahilo at hapdi sa kanyang lalamunan. Hindi na niya napigilan at mabilis siyang tumakbo patungo sa banyo, isinara nang malakas ang pinto, at sumandal sa lababo. Wala naman siyang mailabas na suka, halos wala pa siyang nakakain nang hilahin siya palabas ng restawran. Wala nang laman ang tiyan niya, at alam niyang ang sanggol sa kanyang sinapupunan ang dahilan ng lahat ng ito.Ipinatong niya ang kamay sa kanyang puson, bahagya
Napangisi si Isabela. "Akala mo ba pinakasalan kita dahil sa titulong iyan? Kung iyon lang ang habol ko, matagal na akong sumuko noong una pa lang. Ano ba naman ang halaga ng pagiging 'Mrs. Lim' kung wala namang respeto at pagmamahal sa loob ng bahay?"Pinagtagpi-tagpi ni Rafael ang kanyang mga daliri, isang kilos na laging ginagawa niya kapag nag-iisip nang malalim at kapag naghahanap ng tamang salita. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ito negosyong pinag-uusapan. Puso at tadhana ng dalawang tao ang nakasalalay."Hindi mo naiintindihan," dahan-dahang sabi niya. "Ang pag-alis mo ay hindi lang basta pag-alis ng isang tao. Bilang asawa ng pinuno ng pamilyang Lim, ang iyong pag-alis ay magdadala ng kaguluhan sa kumpanya, sa pamilya, sa lahat ng bagay na itinayo namin. Hindi ito simpleng desisyon lang, Isabela. May kapalit ito na hindi mo maaaring balewalain.""Alam mo naman kung gaano kalawak ang negosyo ng pamilyang Lim hindi lang sa Lungsod, kundi sa buong bansa at maging sa ibang bans
Hindi nag patinag si Rafael sa mga pagwawalang bahala ni Isabela sa kanya, kaya't upang magkaroon ng pagkakataong mapansin siya, hinintay niya si Isabela hanggang sa matapos ang kanilang pagtitipon. Nang mapansin ni Rafael na palabas na si Isabela, inabangan niya ito sa labas at inagaw niya ito kay Diamond. Pinapasok niya ito sa loob nga sasakyan ng walang ibang salitang lumalabas sa bibig. “Bitawan mo ako! nababaliw ka na ba talaga Rafael? Patuloy ang pagwawalang sinabi ni Rafael at inutusan si Angelo Lee na paandarin ang sasakyan.Naramdaman niyang parang napunit ang kalooban niya sa hapdi ng nararamdaman. Sa gitna ng matinding katahimikan, dahan-dahang gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ni Rafael isang ngiting malalim, misteryoso, at hindi kailanman mababasag ni Isabela. Itinaas niya ang kamay, at ang kanyang mga malamig na daliri at dahan-dahang dumampi sa pisngi ni Isabela na kasing-lamig din ng kanya. Marahan niyang hinaplos iyon makinis, malambot, totoong-totoo ang pakiramdam
Kayang-kaya na siyang guluhin at balisahin ng babaeng ito ang isip ni Rafael. Kinasusuklaman niya ang ganyang pakiramdam. Paulit-ulit na siyang gumagawa ng mga bagay na hindi niya nakasanayan, tulad ng paghahangad na ilayo si Isabela kay Diamond, kahit alam niyang ayaw na ito sa kanya. Tila unti-unti na siyang nag-iba, at kasabay nito ay lalong lumalayo si Isabela. Hindi niya matanggap ang ganitong katotohanan. Hindi niya hahayaang tuluyang lumisan si Isabela mula sa kanyang mundo. Sa halip na sumagot sa kanya, sinabi ni Rafael sa tagapamahala: “Maghanda ka ng hapag sa akin.” Nagalak ang punong-tagapamahala, sa pag-aakalang tumitigil na siya sa pakikipagtalo. “Sige po, walang anuman! Maaari po kayong magkainan sa Luxor Hall sa kabilang bahagi.” Subalit hindi gumalaw si Rafael “Hindi na kailangan. Ilagay mo rito ang aking hapag.” Nataranta ang tagapamahala. “Presidente Lim… masyado pong magulo rito. Baka makakaabala po sa inyong kainan.” Isang malamig na tingin lamang ang isin







