Beranda / Romance / The Billionaire Thought I'd Never Leave / Chapter 9: The Billionaire Thought I'd Never Leave

Share

Chapter 9: The Billionaire Thought I'd Never Leave

Penulis: assej
last update Tanggal publikasi: 2026-07-22 17:20:31

Noong panahong iyon, magkaklase sina Viviane at Isabela sa Paaralan ng Disenyo. Pareho silang napakaganda at laging magkaribal sa tuktok ng listahan ng mga pinakamagaganda sa kanilang departamento. Hindi naman pinapansin ni Isabela iyon  dahil sa katunayan wala siyang pakialam sa mga ganoong bagay. Dahil si Rafael lang ang mahalaga sa kanya.

Ngunit ang atensyon ni Rafael ay nakatuon lamang kay Viviane. Agaw-pansin na siya noon pa man bilang tagapagmana ng mayamang pamilya, marami ang humahanga sa kanya—gayunpaman, si Viviane lamang ang kanyang tinitingnan. Marami ang naiinggit sa kinalalagyan ng babae: nililigawan siya ng isang guwapo, matalino, at galing sa mayamang angkan. Dahil dito, lalong sumikat si Viviane dahil kay Rafael at naging isa sa mga pinakakilalang tao sa buong paaralan.

Gayunman, kahit ang tinuturing na pinaka perpekto ay may kakulangan din. Bagamat maganda rin ang mga disenyo ni Viviane, hindi pa rin niya mapapantayan si Isabela na likas na may tunay na angking galing sa pag didisenyo. Gaano man ka pursige si Viviane, mahirap talagang tapatan ang taong ipinanganak na may likas na talento. Habang tumatagal, lalong lumilitaw ang husay ni Isabela at lalong nagiging kahanga-hanga ang kanyang mga gawa. Ngunit sa kasamaang-palad, hindi niya gaanong pinahalagahan ang kanyang karera noon at sa halip ay ibinuhos ang lahat ng oras sa paghabol kay Rafael.

Dahil sa pagmamahal niya kay Rafael, unti-unti niyang natutunan na madaling bitawan ang lahat para sa kapakanan nito. Hanggang sa isang araw, labis na pinuri ng mga propesor ang proyektong ipinasa ni Viviane. Napansin ni Isabela na ang disenyong iyon ay eksaktong katulad ng kanyang sariling guhit na ginawa niya noong may libreng oras siya sa aklatan. Dati ay wala naman siyang pakialam sa mga usaping tulad ng pangongopya, ngunit ngayon ay malinaw na sa kanya ang nangyari. Malaki ang posibilidad na nakita at kinuha ni Viviane ang kanyang naiwan sa mesa. Ang mga natatanging detalyeng iyon ay tanging siya lamang ang nakagagawa—mga palatandaang tumutukoy sa kanyang sariling istilo—ngunit ngayon ay lumilitaw na ang gawang iyon ay kanya.

Tumingin siya sa matatayog na puno at sa maliwanag na kalangitan sa labas ng bintana ng kanyang studio, at doon ay tahimik na gumawa ng desisyon.

Dumating ang araw bago ang kaarawan ni Lolo. Kahit wala siya sa tamang timpla, bumili pa rin si Isabela ng regalo gaya ng nakagawian. Pumunta siya sa Tomsom Villa, inilagay ang mga ito, at naghintay sa sala upang makasabay sina Rafael at Yuan papunta sa lumang mansyon.

Biglang may narinig siyang ingay sa itaas. Nang tumingala siya, nakita niya sina Rafael at Viviane na sabay na lumalabas sa isang silid. Maingat na inaayos ng babae ang kuwelyo at damit ni Rafael, at tila napakaginhawa at pamilyar na ng kanilang galawan. Hindi kaya...? Biglang sumikip at kumirot ang puso ni Rafael.

Narinig niya ang malambing na tinig ni Viviane: "Espesyal kong idinisenyo ang suot na ito para sa handaan. Gusto mo ba, Rafael?"

Agad na sumagot si Rafael nang walang pag-aalinlangan: "Siyempre naman, gusto ko ang gawa mo."

"Mabuti naman. Sayang lang at hindi ako makakasama sa inyo. Gumawa pa naman ako ng kaparehong damit para sa akin," kunwari ay nagrereklamo pa ito habang nagpapatawa.

"Sa susunod ay makakasama ka na," mahinahong wika ni Rafael sabay haplos nang marahan sa buhok ni Viviane.

Narinig ni Isabela ang bawat salita at ang tila malambing at malapit na tono ng kanilang pag-uusap.

Ang pangarap niya noon ay ang simpleng pagsasamahan nila ni Rafael—ang pag ayusin ang isa’t isa, paggawa ng mga karaniwang gawain bilang mag-asawa, at pamumuhay nang payapa at masaya. Ngunit hindi iyon kailanman natupad. Anim na taon siyang nagsumikap, ngunit ni minsan ay hindi naging malambing sa kanya si Rafael. Hindi lang iyon; labis pa itong naging walang pakialam at napakalamig. Isang matinding kirot ang tumagos sa puso ni Isabela.

Nang makababa na sila sa sala, saka lamang nila napansin ang presensya ng babae. Walang suot na marangya o masyadong detalyadong kasuotan si Isabela .Pinili niya ang isang payak ngunit napakagandang damit na kulay maputlang asul. Ang buhok niya ay simpleng itinali lamang at isinukbit ng isang payak na palamuti, habang wala siyang suot na kahit anong alahas. Kabuuan ng kanyang anyo ay magaan, malinis, at tunay na elegante. Sa kabilang banda, ang suot naman ni Rafael ay marangya at kapansin-pansin, samantalang si Viviane ay nakapalamutian ng mamahaling hiyas. Sinumang makakakita ay tiyak na iisiping sila ang mas bagay sa isa’t isa.

Dati, pinipilit niyang isuot ang mga damit na hindi naman niya gusto, para lamang magmukhang akma siya sa tabi ni Rafael. Ginawa niya ang lahat upang dayain ang sarili na siya ay masaya. Ngayon, nais na niyang isuot lamang ang mga bagay na nagbibigay sa kanya ng tunay na ligaya at ginhawa. Ayaw na niyang magbago o magpaayon para sa iba. Sa wakas, siya naman muna ang uunahin niya. Sa pagbabalik-tanaw ko sa nakaraan, napagtanto kong ang pagpapahalaga at pag-aalaga sa sarili ang pinakamahalaga sa lahat.

"Kailan tayo aalis?" mahinahong tanong ni Isabela.

Tumingin sa kanya si Rafael at biglang nagulat sa kanyang itsura. Wala pa siyang nakitang ganito kagandang Isabela. Iba na ito kumpara noon. Hindi man gaanong nagbago ang kanyang mukha, ngunit sa kanyang pananamit at tindig, nagmukha siyang mas matikas, maayos, at puno ng karangyaan.

"Umalis na tayo," sagot ni Rafael sabay lingon kay Viviane. "Ipapahatid muna kita sa iyong apartment. Babalikan kita pagkatapos ng lakad ko."

"Sige, dumating ka agad.

"Sige," 

Nakaramdam ng matinding pagkirot at pagkasuklam si Isabela habang pinagmamasdan silang dalawa na tila ayaw pang maghiwalay kahit nasa harap na siya. Mahirap talagang burahin ang nararamdaman; mahigit sampung taon din ang inilaan niya rito. Hindi madaling itigil ang pagmamahal sa taong matagal ng naging bahagi ng buhay mo. Ang tanging nagagawa na lamang niya ay ang pigilan ang sarili gamit ang katwiran. Mahigpit na ikinuyom ni Isabela ang kanyang mga kamao, at hindi niya namalayang bumaon na pala ang kanyang mga kuko sa sarili niyang palad.

Sa sandaling iyon ay bumaba rin si Yuan. Pinanood niya ang paglisan ni Viviane, habang bakas sa kanyang munting mukha ang labis na pagkadismaya.

"Tay, hindi ba sasama sa atin si Tita Viviane? Gusto ko pong isama siya…

Hindi na nag-abala pang magpaliwanag si Rafael; sa halip ay inutusan na lamang niya ang yaya na isakay muna si Yuan. Pagkatapos ay lumingon siya kay Isabela. "Sumakay ka na sa sasakyan."

Tumanggi si Isabela. "Hindi na kailangan. Magmamaneho na lang ako nang mag-isa."

Huminto si Rafael at humarap sa kanya, bakas ang pagkadismaya sa mukha. "Sa tingin mo ba ay tama ang ginagawa mo?"

Hindi man lang natakot si Isabela. "Sa tingin mo ba naman ay tama na sumabay ako sa inyo? Kung iyan talaga ang nais mo, bakit hindi mo na lang tawagin muli si Viviane para isama natin?"

Walang pag-aalinlangang ngumiti si Rafael. "Wala naman akong tutol diyan. Sa katunayan, mas gugustuhin ko ngang kasama si Viviane."

Pagkasabi nito, sumakay na siya sa likurang upuan nang hindi na siya muling tinitingnan, at inutusan ang drayber na umalis na, naiwang mag isa isa Isabela. Muling dumaloy sa puso niya ang sakit, at sama ng loob. Wala na siyang ibang nagawa kundi kumbinsihin ang sarili. Kapag nagdiborsyo na kayo, malaya na siyang pumunta saan man niya nais.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire Thought I'd Never Leave    Chapter 155: Part 2: The Billionaire Thought I'd Never Leave

    Ang pagbabalik-tanaw na iyon ay tila dagdag na bigat sa konsensya ni Rafael na eksakto sa inaasahan niya. Dumilim ang mga mata ni Rafael habang pinag-iisipan ang kanyang mga nagawa. Tama siya napabayaan niya na si Viviane. Masyado niyang ibinaling ang kanyang atensyon kay Isabela.Paano niya nagagawang ipag walang bahala ang taong nag-alay ng sariling buhay upang iligtas siya noon pa man? Utang niya ang kanyang buhay kay Viviane. Hindi dapat hayaang mas maging mahalaga ang iba pang babaeng naging liwanag at kaligtasan niya noon.Ngunit sa kabila ng lahat ng pasya at paninindigan, hindi maalis sa kanyang isipan ang mukha ni Isabela. Hindi niya maunawaan kung bakit sa bawat pagkakataong naiisip niya ito, nawawalan siya ng kontrol sa sarili. Unti-unti, may puwang sa kanyang pusong binubuksan para sa babaeng iyon, at labag man sa kanyang kagustuhan, hindi niya ito mapigilan.Sa huli, tanging malalim na paghinga at walang pasubaling paghingi ng tawad ang kanyang nagawa. “Patawad, Viviane…

  • The Billionaire Thought I'd Never Leave    Chapter 155: The Billionaire Thought I'd Never Leave

    Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ng kanyang tito. Naging seryoso at bakas ang pangamba sa kanyang mukha. Viviane, hindi biro ang hinihingi mo. Paggawa ito ng pekeng dokumentong medikal. Kapag nabunyag ang katotohanan, hindi lang ikaw ang mapapahamak kundi pati na rin ako. Haharap tayo sa legal na kahihinatnan."Naintindihan ni Viviane ang pag-aalinlangan nito. Mabilis na lumingon-lingon sa paligid upang masigurong walang nakikinig, saka dahan-dahang kumuha ng isa pang makapal na sobre mula sa kanyang bag. Inilapag niya ito nang mahinahon sa mesa at itinulak palapit sa kanya."Tito," bulong niya nang may diin, "alam kong hindi ito madali, may mga hakbang na akong ginawa upang masigurong hindi ito mabubunyag. At higit sa lahat... hindi ko hahayaang madamay kayo sa anumang panganib. Manatili lamang kayo sa gilid, at lahat ng responsibilidad ay sa akin."Tinitigan ni Viviane ang matanda, alam niyang ang nilalaman ng bagong sobre ay sapat na upang alisin ang anumang pag-aalinlangan nit

  • The Billionaire Thought I'd Never Leave    Chapter 154: The Billionaire Thought I'd Never Leave

    Bahagyang nabigla si Rafael. Wala ng lakas ang kanyang mga kamay, at naramdaman niya ang bilis na tibok kanyang dibdib. Sa bawat salitang inaamin ni Rafael kay Isabela kitang-kita ang hindin agad na mapaniwalang mukha ni Rafael, malinaw na hindi na ito tinatanggap kahit anong sabihin pa niya. Napangiti siya nang mapait, baligtad na nga ang lahat. Dati siya ang hinahabol, at ngayon siya naman ang hindi makabitaw, habang ang taong minsang nagmahal sa kanya ay tila wala nang pakialam.Sa loob ng sandaling iyon, biglang sumama ang pakiramdam ni Isabela. Umakyat ang pagkahilo at hapdi sa kanyang lalamunan. Hindi na niya napigilan at mabilis siyang tumakbo patungo sa banyo, isinara nang malakas ang pinto, at sumandal sa lababo. Wala naman siyang mailabas na suka, halos wala pa siyang nakakain nang hilahin siya palabas ng restawran. Wala nang laman ang tiyan niya, at alam niyang ang sanggol sa kanyang sinapupunan ang dahilan ng lahat ng ito.Ipinatong niya ang kamay sa kanyang puson, bahagya

  • The Billionaire Thought I'd Never Leave    Chapter 153: Part 2: The Billionaire Thought I'd Never Leave

    Napangisi si Isabela. "Akala mo ba pinakasalan kita dahil sa titulong iyan? Kung iyon lang ang habol ko, matagal na akong sumuko noong una pa lang. Ano ba naman ang halaga ng pagiging 'Mrs. Lim' kung wala namang respeto at pagmamahal sa loob ng bahay?"Pinagtagpi-tagpi ni Rafael ang kanyang mga daliri, isang kilos na laging ginagawa niya kapag nag-iisip nang malalim at kapag naghahanap ng tamang salita. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ito negosyong pinag-uusapan. Puso at tadhana ng dalawang tao ang nakasalalay."Hindi mo naiintindihan," dahan-dahang sabi niya. "Ang pag-alis mo ay hindi lang basta pag-alis ng isang tao. Bilang asawa ng pinuno ng pamilyang Lim, ang iyong pag-alis ay magdadala ng kaguluhan sa kumpanya, sa pamilya, sa lahat ng bagay na itinayo namin. Hindi ito simpleng desisyon lang, Isabela. May kapalit ito na hindi mo maaaring balewalain.""Alam mo naman kung gaano kalawak ang negosyo ng pamilyang Lim hindi lang sa Lungsod, kundi sa buong bansa at maging sa ibang bans

  • The Billionaire Thought I'd Never Leave    Chapter 153: The Billionaire Thought I'd Never Leave

    Hindi nag patinag si Rafael sa mga pagwawalang bahala ni Isabela sa kanya, kaya't upang magkaroon ng pagkakataong mapansin siya, hinintay niya si Isabela hanggang sa matapos ang kanilang pagtitipon. Nang mapansin ni Rafael na palabas na si Isabela, inabangan niya ito sa labas at inagaw niya ito kay Diamond. Pinapasok niya ito sa loob nga sasakyan ng walang ibang salitang lumalabas sa bibig. “Bitawan mo ako! nababaliw ka na ba talaga Rafael? Patuloy ang pagwawalang sinabi ni Rafael at inutusan si Angelo Lee na paandarin ang sasakyan.Naramdaman niyang parang napunit ang kalooban niya sa hapdi ng nararamdaman. Sa gitna ng matinding katahimikan, dahan-dahang gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ni Rafael isang ngiting malalim, misteryoso, at hindi kailanman mababasag ni Isabela. Itinaas niya ang kamay, at ang kanyang mga malamig na daliri at dahan-dahang dumampi sa pisngi ni Isabela na kasing-lamig din ng kanya. Marahan niyang hinaplos iyon makinis, malambot, totoong-totoo ang pakiramdam

  • The Billionaire Thought I'd Never Leave    Chapter 152: Part 2: The Billionaire Thought I'd Never Leave

    Kayang-kaya na siyang guluhin at balisahin ng babaeng ito ang isip ni Rafael. Kinasusuklaman niya ang ganyang pakiramdam. Paulit-ulit na siyang gumagawa ng mga bagay na hindi niya nakasanayan, tulad ng paghahangad na ilayo si Isabela kay Diamond, kahit alam niyang ayaw na ito sa kanya. Tila unti-unti na siyang nag-iba, at kasabay nito ay lalong lumalayo si Isabela. Hindi niya matanggap ang ganitong katotohanan. Hindi niya hahayaang tuluyang lumisan si Isabela mula sa kanyang mundo. Sa halip na sumagot sa kanya, sinabi ni Rafael sa tagapamahala: “Maghanda ka ng hapag sa akin.” Nagalak ang punong-tagapamahala, sa pag-aakalang tumitigil na siya sa pakikipagtalo. “Sige po, walang anuman! Maaari po kayong magkainan sa Luxor Hall sa kabilang bahagi.” Subalit hindi gumalaw si Rafael “Hindi na kailangan. Ilagay mo rito ang aking hapag.” Nataranta ang tagapamahala. “Presidente Lim… masyado pong magulo rito. Baka makakaabala po sa inyong kainan.” Isang malamig na tingin lamang ang isin

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status