LOGINLYRAʼS POV
Maingay ang paligid. Ang busina ng mga sasakyang naipit sa trapiko at ang tilamsik ng tubig mula sa mga gulong na dumadaan sa bako-bakong kalsada ay tila nakikipagsabayan sa sakit ng ulo ko. Punong-puno ang jeep na sinasakyan ko, amoy pawis, amoy usok, at amoy pagod. Napatingin ako sa suot kong sapatos. Gasgas na ang balat nito at bahagya nang bumubuka ang swelas. Kailangan ko na namang pandikitan mamaya bago pumasok sa klase. “Para po,” mahina kong sabi. Pagbaba ko sa tapat ng unibersidad, agad kong sinalubong ang ambon. Wala akong dalang payong kaya hinayaan ko na lang na mabasa ang suot kong kupas na polo shirt. Dire-diretso ako sa Accounting Office. “Miss Thorne, wala pa ring pumasok na payment sa account mo,” bored na sabi ng babaeng nasa likod ng salamin. Hindi man lang siya nag-angat ng tingin. Busy siya sa pagpindot sa kaniyang calculator habang kumakain ng crackers. “Ma’am, scholar po ako. Sabi po last time, may delay lang sa processing ng donor ko,” pilit kong pinapakalma ang boses ko kahit nanginginig na ang mga kamay ko sa ilalim ng counter. Tumingin siya sa akin, sa wakas. “The donor officially withdrew the support yesterday, Lyra. At hindi lang ‘yan, kailangan mo ring bayaran ang utang mo mula last semester para payagan kang kumuha ng midterms sa susunod na linggo. Kung hindi, i-drop na namin ang subjects mo.” “Ma’am, graduating na ako next year. Baka naman pwedeng—” “Huwag ka sa akin makiusap. Sa bangko ka pumunta,” putol niya sa akin bago ibinaling ang atensyon sa sumunod na estudyante. Lumabas ako ng office na parang lumulutang. Limang taon. Limang taon na ang nagdaan simula nang makuha ko ang scholarship mula sa Vance Foundation. Akala ko, sila na ang magiging sagip-buhay ko hanggang sa makatapos ako. Pero bakit ngayon pa? Bakit kung kailan malapit na ako sa finish line, bigla nilang babawiin? Ni hindi ko man lang alam ang dahilan. Pumasok ako sa trabaho ko bilang encoder sa isang maliit na shop sa labas ng campus, pero bago pa man ako makaupo, hinarang na ako ng may-ari. “Lyra, pasensya na. Kailangan na nating magbawas ng tao. Matumal ang pasok ng pera,” sabi niya nang hindi makatingin nang diretso sa akin. “Ito na ang huling sahod mo. Dinagdagan ko na ng limang daan para sa pamasahe mo.” Inabot ko ang maliit na sobre nang walang kibo. Tangina, gusto kong sumigaw, pero tuyot na ang lalamunan ko. Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating sa isang agency sa loob ng mall. May job opening daw para sa office assistant. Inayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin bago pumasok. “So, Lyra Thorne... 21 years old. Working student,” sabi ng lalaking nagi-interview sa akin. Mukha siyang desente, pero ang paraan ng pagtitig niya sa dibdib ko ay hindi ko nagustuhan. “Maganda ka. Sayang naman kung mauubos lang ang oras mo sa pag-e-encode.” Hinawakan niya ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa. “Gusto mo ba ng trabahong mas mabilis ang pera? Isang pirma ko lang, may pambayad ka na sa tuition mo. Pero siyempre, kailangang maging mabait ka sa akin.” Naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko. Mariin kong binawi ang kamay ko. Bastos, ampota. “Sa tingin mo ba sa laki ng tiyan mo at sa baho ng hininga mo, papatulan kita? Tanga ka ba?” matabang kong sabi. “I*****k mo sa baga mo ‘yang trabaho mo. Ulol.” Tumayo ako at mabilis na lumabas. Rinig ko pa ang mura niya pero hindi ko na nilingon. Pag-uwi ko sa inuupahan kong maliit na kwarto sa isang luma at madilim na boarding house, tumambad sa akin ang isang pirasong papel na nakadikit sa pinto. FINAL NOTICE: MAGBAYAD O LUMAYAS BUKAS. Napaupo ako sa tapat ng pinto. Ang sakit ng mga binti ko. Ang hapdi ng sikmura ko. Napatingin ako sa luma at gasgas na litrato sa loob ng wallet ko—ang nanay ko. Lasing siya sa litratong iyon, nakangisi habang hawak ang isang baso ng alak. “Kasalanan mo ‘to,” bulong ko habang unt-unting tumutulo ang luha ko. “Kung hindi ka naging pabaya... kung hindi mo pinapatay si Papa... hindi ako magkakaganito.” Galit ako sa kaniya. Galit na galit ako dahil kahit patay na siya, parang sinusundan pa rin ako ng sumpa niya. Biglang tumunog ang luma kong cellphone. Isang text mula sa isang unknown number. Marami akong in-applyang trabaho kaya hindi ko alam kung anong company ang magtetext sa akin ng disoras ng gabi. “Still looking for a way out? Meet me at the Blackwood Bar. 8:00 PM. Bring the black card.” Tiningnan ko ang maliit na itim na card na nasa bulsa ko—isang bagay na iniwan ng isang lalaking naka-suit sa desk ko sa shop kanina bago ako masesante. Sabi niya, ito lang ang tanging paraan para mabayaran ang lahat. Tumingala ako sa kisameng may mga mantsa ng tagas ng ulan. Wala na akong choice. Wala na akong pupuntahan. Mag-iinarte pa ba ako? Kung kailangang ibenta ang kaluluwa para lang makahinga, gagawin ko. Huwag lang doon sa bastos na malaking tiyan at mabango ang hininga. ALAS-otso ng gabi. Nakatayo ako sa tapat ng Blackwood Bar. Maingay ang tugtugan sa loob, ramdam hanggang dito sa labas ang bawat yanig ng bass na humahalo sa buhos ng ulan. Pinunasan ko ang basa kong braso bago ako pumasok. Amoy sigarilyo at mamahaling alak agad ang sumalubong sa akin. Inilibot ko ang paningin ko hanggang sa mahagip ko ang isang lalaking naka-suit sa dulo, sa isang madilim na booth. Siya ‘yong lalaking nag-iwan ng card sa akin noong isang araw. Lumapit ako at naupo sa harap niya nang hindi nagsasalita. “Lyra Thorne,” bungad niya. Hindi siya nakangiti. Professional lang ang tingin niya sa akin, parang business proposal lang ang harap niya at hindi isang desperadang babae. “I’m Rust. Secretary ng kliyente ko.” “Diretsuhin mo na ako,” sabi ko. Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa. Gusto ko na lang matapos ‘to. Naglabas siya ng isang folder at inilapag sa lamesa. “Simple lang ang gusto ng boss ko. Isang arrangement. Babayaran niya ang lahat—ang tuition mo, ang renta mo, pati ang basic needs mo hanggang sa makagraduate ka.” Natigilan ako. Lahat? Hindi lang tuition? “Ano’ng kapalit?” tanong ko pero sa loob-loob ko, tuwang-tuwa ako at gulat. “Basahin mo ang rules,” sabi ni Rust habang itinutulak ang isang papel sa harap ko. Binasa ko iyon nang dahan-dahan. 1. He pays all tuition, rent, and basic needs for her until she graduates.* 2. She must obey his commands during their “time together.” 3. No lights, no names, no emotional attachment during their intimate encounters. Ayan ang tatlong tumatak sa isip ko. Pero may iba pang pumasok para maging curious ako. “Gwapo ba ang boss mo?” may pag-aalinlangan kong tanong, nakatingin sa kaniya. Oo, gwapo itong si Rust. Pero ang boss niya? Ano kayang hitsura? “Pardon?“ Bahagya niyang itinabingi ang ulo at tinapat sa akin, nagdedemand na ulitin ko ang tanong ko. “May karapatan naman akong magtanong, ʼdi ba?” sagot ko, napasandal sa upuan at napahalukipkip. “Lalo naʼt nakalagay dito, lights off. Paano kung mabaho siya? Dugyot? Hindi naliligo? Hindi nagtotoothbrush? Hindi nagsheshave? Or else... may nakakahawang sakit?! May condom naman, ʼdi ba?!” Nangunot ang noo niya kaya nagpatuloy ako. “Bakit? Kung ikaw ang nasa shoes ko, hahalik or magpapahalik ka ba sa walang hygiene? ʼDi ba hindi? Tama ako, ano?” Ngumiti ako sa kaniya ng sarkastiko pero wala akong nakuhang tugon dahil nakatitig lang siya sa akin kaya nanahimik na lang ako at tinuloy ang pagbabasa sa kontrata. Napakasungit. Kumunot ang noo ko. “Bakit kasi patay ang ilaw?!OA, ha!” “Hindi mo kailangang malaman kung sino siya. Iyan ang rule number three,” sagot ni Rust. “And about the lights... preference niya ‘yon. He wants total anonymity.” Sasagot pa sana ako nang biglang tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya ang screen at agad na tumayo. “Excuse me. I have to take this. Decide quickly, Lyra. My boss doesn’t like waiting,” sabi niya bago lumayo para sagutin ang tawag. Nanatili akong nakatitig sa papel. Obey his commands. Intimate encounters. Sus. Alam ko kung ano ang ibig sabihin nito. Ibebenta ko ang sarili ko sa isang taong hindi ko man lang makikita ang mukha. Pero naisip ko ang mukha ng registrar kanina. Ang landlord na pinalalayas na ako. Ang bastos na interviewer na muntik nang humawak sa akin para sa kakarampot na sahod. Kinuha ko ang ballpen na nasa ibabaw ng folder. Nanginginig ang kamay ko, pero pinirmahan ko ang kontrata. Isang gabi lang naman ito. Isang gabi kapalit ng kinabukasan ko. Pagbalik ni Rust, kinuha niya ang folder at tiningnan ang pirma ko. Tumango siya. “Good choice,” sabi niya. Pagkatapos, may kinuha siyang isa pang papel mula sa folder at inabot sa akin. “Para sa’n ‘tong isa?” tanong ko habang tinitingnan ang papel na puno ng maliliit na letra. “Second copy. Para sa’yo,” mabilis niyang sagot. Tinapik niya ang papel na hawak ko, parang wala lang. “Standard agreement lang ’yan. Formality.” Hindi ko na pinansin ang mahahabang clauses na halos magkakadikit na sa dami ng letra. Ang mahalaga lang sa akin ay ang huling bahagi ng kontrata—ang halaga na magbabayad sa natitira kong tuition. “Mamaya, may susundo sa’yo dito. Dadalhin ka sa Tower niya,” dagdag niya pa. Pero sinubukan kong basahin ang mga unang linya dahil narinig ko ang tower sa bibig niya pero dinadaldal ako ni Rust tungkol sa logistics—kung saan ako maghihintay, kung ano ang dapat kong isuot, at kung gaano kaimportante na huwag akong magsasalita pagdating doon. “Make sure you follow everything, Lyra. Isang pagkakamali mo lang, void ang contract at kailangang bayaran mo lahat ng nagastos na pera sa’yo,” dagdag pa niya habang tumatayo na. Bago ko pa man matitigan ang second copy, kinuha na niya ang braso ko para ihatid ako palabas. “Go now. Malapit na ang susundo sa’yo,” sabi niya. Sabay hablot sa papel na hawak ko. “Kailangan pang pirmahan ng boss ko. Ibabalik ko sa ʼyo pagkatapos.” Kung impiyerno man ang pupuntahan ko, basta ba maka-graduate ako, tatalon ako nang nakapikit.LYRA’S POVHabol ko ang hininga ko nang sa wakas ay humiwalay siya. Ramdam ko ang pamamanhid ng labi ko at ang mabilis na tibok ng puso ko na parang gustong kumawala sa ribcage ko. Nanatili akong nakakulong sa kaniya, ang dalawang kamay niya ay nakatukod pa rin sa counter sa magkabilang gilid ko.Tiningnan ko siya. Ang gulo na ng buhok niya, at ang mga mata niyang kanina ay puno ng galit, ngayon ay tila may kung anong apoy na hindi ko maipaliwanag. Sa kabila ng lahat, hindi ko maikakailang napakagwapo niya sa ganitong kalapit. Ang talas ng panga niya, ang ayos ng kaniyang polo ay ganoon pa rin, bahagyang nakabukas—lahat iyon ay nagpapaalala sa akin na hindi na siya ang batang lalaking kalaro ko noon.Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang ituloy ’to.“Caden… stop. Please,” mahina kong sabi, halos pabulong na lang dahil sa pagod.Pumikit ako nang mariin. Sa isip ko, bumabalik ang imahe niya noong bata kami—noong pinupunasan ko ang noo niya dahil sa lagnat. Paano kami napunta rito? Paano
LYRA’S POVMinsan, kapag pumipikit ako sa gitna ng katahimikan ng penthouse, hindi ang mukha ni Caden ngayon ang nakikita ko. Hindi ang madilim niyang mga mata o ang malalamig niyang mga salita.Bumabalik ako sa isang hapon, kung saan ilang taon na ang nakalipas. Doon, hindi siya si Caden Aristhos na kinatatakutan ng lahat. Siya ang tinuring kong kapatid na mapagkakatiwalaan ko sa lahat. “Dahan-dahan, Lyra! Mahuhulog ka!”Sampung taon lang ako noon. Suot ko ang paborito kong puting bistida na may mga mantsa na ng damo dahil sa paglalaro sa hardin ng mansyon nina Caden. Ang tatay ko ang driver ng pamilya nila, kaya doon na ako lumaki sa lilim ng mga dambuhalang puno ng mangga sa likod ng kanilang bahay.“Kuya, tignan mo! Ang taas ko na!” sigaw ko habang nakatayo sa sanga ng puno.Nakatingala siya sa akin. Labimpitong taon na siya noon—matangkad, payat, at laging may hawak na libro. Pero kahit mukha siyang seryosong matanda, sa akin lang siya ngumingiti nang totoo.“Bumaba ka na riyan,
LYRAʼS POVDahil sa sobrang hiya, agad kong hinawakan ang braso ni Caden at pilit siyang hinila patayo. Gusto ko siyang ilayo sa mga mapanuring mata ng mga classmate ko na halos hindi na humihinga sa panonood sa amin.“Tara na sa labas, please,” bulong ko, ramdam ang panginginig ng boses ko.Pero parang poste ang hinila ko. Hindi man lang siya natinag. Sa halip, mas lalo siyang tumindig nang tuwid, tinitingnan ang kamay kong nakakapit sa kaniya na parang isang maduming bagay. Ayaw niya ng hinahawakan siya nang basta-basta, lalo na ang hinahatak siya.“Don’t pull me, Lyra,” banta niya, mababa ang boses pero punong-puno ng awtoridad.“Nakakahiya, Caden! Umalis na tayo!” giit ko, halos magmakaawa na ang mga mata ko.“I said, donʼt pull me,” ulit niya.Sa isang iglap, siya ang humawak sa pulsuhan ko. Mahigpit pero hindi masakit. Sa halip na ako ang humila, siya ang mabilis na naglakad palabas ng classroom, kaladkad ako na parang isang bata. Wala nang nagawa si Prof kundi sundan kami ng ti
LYRAʼS POVInayos ko ang suot kong jacket, pilit na tinatago ang bakas ng makeup sa leeg ko na hindi ko lubos na naalis kanina sa banyo ng isang fast food chain. Pagod na pagod ako. Hindi lang dahil sa tatlong oras na pag-aayos o sa bigat ng sapphire na isinampay sa akin ni Caden, kundi dahil sa pagkapahiya.Sloane Van Doren. Fiancee pala. Ang galing talaga ni Caden—ginawa akong kapatid sa harap ng camera, ginawang aso sa harap na bitter na fiancee niya, at ginawang dekorasyon sa harap ng mga elite.Imbes na bumalik sa penthouse, dumiretso ako sa bahay nina Elias. Malayo ito sa marangyang mundo ni Caden. Maingay, amoy kape, at puno ng nagkalat na papel. Dito ako humihinga. Mas komportable ako.“Hoy, Lyra! Buhay ka pa pala?” bungad sa akin ni Elias pagpasok ko sa sala nila.Nakatambay ang iba naming classmates—sina Jace at Marga. May mga laptop na nakabukas, empty cups ng instant noodles, at ang pamilyar na ingay ng nagtatalong mga estudyante tungkol sa RRL ng research namin.“Late ka
LYRA’S POVMaaga pa lang pero ramdam ko na ang bigat ng hangin sa loob ng penthouse. Pagmulat ng mga mata ko, hindi katahimikan ang bumungad sa akin kundi ang ingay ng mga taong hindi ko kilala.Napaupo ako sa kama at natigilan. Sa tapat ng closet ko, may nakahandang isang kulay itim na silk dress na tila ba kumikinang kahit walang ilaw. Sa tabi nito, may mga designer heels na sa taas pa lang ng takong ay alam kong mahihirapan na akong lumakad. May branded na bag, at isang set ng mga alahas na mukhang mas mahal pa sa tuition ko para sa buong kolehiyo.“Good morning, Miss Thorne. We’re ready for you,” sabi ng isang babaeng may hawak na makeup brushes.Napakunot ang noo ko. Nakatayo siya roon kasama ang dalawa pang assistant, naghihintay na parang isa akong “project” na kailangang tapusin.Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko, hindi ako tao na pagkagising ay maghihilamos lang, kundi isang gamit na kailangang ihanda para maging display.Anong eksena ng mga ito?“Para saan ‘to?” tano
LYRA’S POVIlang araw na ang lumipas pero pakiramdam ko ay tumigil ang oras sa loob ng penthouse na ito. Wala pa akong pasok kaya wala akong ibang ginagawa kundi ang magbilang ng mga mamahaling gamit na hindi ko naman pwedeng hawakan. Sinubukan kong mag-exercise sa tapat ng dambuhalang bintana, nanood ng TV hanggang sa sumakit ang mga mata ko, at nagbasa ng mga libro sa library niya na amoy luma at amoy pera.Pero kahit anong gawin ko, hindi ako mapakali. Ang hirap mag-relax sa lugar na alam mong hindi ka naman welcome. Bawat yapak ko sa makapal na carpet, pakiramdam ko ay may CCTV na nakatitig sa akin, naghihintay lang na magkamali ako. Ang laki ng lugar pero parang sumisikip ang mundo ko.Hanggang sa lumalim ang gabi at nakaramdam ako ng gutom.Dahil ayaw kong lumabas ng kwarto kapag alam kong nandoon si Caden, hinintay ko munang tumahimik ang paligid. Nang masiguro kong wala nang tao sa sala, dahan-dahan akong pumunta sa kusina. Naghanap ako ng makakain hanggang sa makita ko ang p







