LOGINLYRAʼS POV
Nakatayo ako sa gitna ng sala ng penthouse, bitbit ang isang lumang maleta na may gasgas sa gilid at dalawang kahon na halos bumubuka na ang tape. Iyan lang ang dala ko. Sa dambuhalang espasyong ito, mukhang basura ang mga gamit ko na nakatambak sa tabi ng isang sofa na malamang ay mas mahal pa sa buhay ko. Tahimik. Sobrang tahimik na pati ang tunog ng aircon ay parang bulong na nakakarindi. Inilibot ko ang paningin ko. Ang dingding ay gawa sa mamahaling bato, ang sahig ay kulay abo na sa sobrang kintab ay nakikita ko ang sarili kong repleksyon—isang babaeng pagod, basa ang dulo ng buhok dahil sa ulan sa labas, at mukhang hindi nababagay sa lugar na ito. Mula sa dambuhalang floor-to-ceiling windows, tanaw ko ang mga ilaw ng siyudad sa baba. Mukha silang maliliit na langgam. Noon, pangarap ko lang na makakita ng ganitong view, pero bakit ngayon, pakiramdam ko ay nasa gilid ako ng bangin? Biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa loob ng bulsa ng maong ko. Sunud-sunod. Sa kaba ko, muntik ko pa itong mabitawan. Binuksan ko ang screen. Ang unang notification ay mula sa portal ng unibersidad. [ACCOUNT STATUS: FULLY PAID] Napatitig ako sa screen. Paulit-ulit kong binasa ang mga letra. Fully paid. Ang pitong digit na utang ko sa school na naging dahilan ng mga gabing hindi ako nakakain para lang makatipid, biglang naglaho. Wala na ang pulang marka sa tabi ng pangalan ko. Hindi pa ako nakakahinga nang maluwag nang may sumunod pang notification. [LOAN SETTLEMENT: Your outstanding student loan has been cleared in full.] At ang huli, ang credit card debt ko na halos tatlong taon ko nang pinoproblema dahil sa interest. ‘Yung utang na akala ko ay hanggang pagtanda ko na babayaran. TRANSACTION SUCCESS: Balance Settled. Remaining Balance: 0.00] Zero. Lahat ng bigat na dala ko sa balikat ko simula nang mamatay ang mga magulang ko, biglang nawala sa loob lang ng ilang segundo. Parang bula. Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Nararamdaman ko ang panginginig ng mga daliri ko habang nakatitig sa screen. Naisip ko ang registrar na mataray, ang landlord na gusto akong palayasin, ang mga gabing kape lang ang laman ng sikmura ko. Tapos na. Wala na akong utang. Malaya na ako. Pero bakit imbes na tumalon ako sa tuwa, tila mas lalong sumikip ang dibdib ko? Bakit pakiramdam ko, mas lalo akong nalunod? Biglang bumukas ang pinto ng elevator sa likuran ko. Dahan-dahan akong lumingon. Iniluwa niyon si Caden. Naglalakad siya papasok sa penthouse na tila ba pati ang hanging hinihinga ko ay pagmamay-ari niya. Kalmado siya, makapangyarihan, at kontrolado ang bawat galaw. Isinabit niya ang kaniyang basang coat sa braso ni Rust na nakasunod sa kaniya, bago tuluyang humarap sa akin. Tumigil ang paningin niya sa mga kahon na nasa tabi ko, bago lumipat sa cellphone na hawak ko pa rin. “So,” mahina niyang sabi habang dahan-dahang kinakalag ang butones sa manggas ng kaniyang suit. “Nakita mo na ang mga bayad.” Itinaas ko ang baba ko, pilit na itinatago ang panginginig ng tuhod ko. Gusto kong magmukhang matapang kahit na ang totoo ay gusto ko nang maglaho sa kinatatayuan ko. “Hindi ko alam na ganito ka pala kadesperadong bumili ng tao,” matabang kong sagot. Isang manipis na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Caden—pero may kung anong madilim sa likod niyon. Isang ngiti na hindi mo malaman kung nang-aasar o nananakot. Inilapag niya ang kaniyang watch sa ibabaw ng console table, ang tunog ng bakal na tumama sa marmol ay tila kulog sa sobrang tahimik ng penthouse. “Hindi kita binili,” sagot niya habang dahan-dahang humahakbang palapit. Masyadong malapit. “Binayaran ko lang kung ano ang halaga mo.” Napatigil ang paghinga ko. Hindi dahil sa insulto niya, kundi dahil sa sobrang lapit na niya ngayon. Ang amoy niya—iyong pamilyar na amoy ng mamahaling pabango, alak, at ang lamig ng ulan sa labas—ay tila sumasakal sa akin. Ramdam ko ang init na nagmumula sa kaniya, kabaligtaran ng malamig na hangin mula sa aircon. Traydor ang puso ko dahil mas lalo itong bumilis. At siyempre, napansin niya iyon. Nakita ko ang paggalaw ng mga mata niya pababa sa dibdib ko, binibilang ang bawat mabilis na paghinga ko. Dahan-dahang naglakad ang paningin niya pabalik sa mukha ko, tila ba pinag-aaralan niya ang bawat reaksyon ko sa bawat segundo. Pagkatapos, bahagya siyang yumuko, sapat na para ang boses niya lang ang tanging marinig ko sa loob ng dambuhalang kwartong ito. “Relax, Lyra,” bulong niya. “Dito ka na nakatira.” Tumigil siya sandali, hinayaan na bumaon sa isip ko ang bawat salita niya. Ang mukha niya ay ilang pulgada na lang mula sa akin, sapat na para makita ko ang sarili kong repleksyon sa kaniyang madidilim na mata. “And the contract hasn’t even started yet.” Tinalikuran niya ako pagkatapos niyon at naglakad patungo sa bar counter. Narinig ko ang pag-alingawngaw ng yelo sa baso habang nagsasalin siya ng alak. Naiwan akong nakatayo roon, yakap ang sarili ko habang nakatitig sa screen ng cellphone ko na zero na ang balance. Malaya na nga ako sa utang, pero pakiramdam ko ay mas lalo akong nakakadena. “Rust,” tawag niya nang hindi tumitingin sa akin. “Sir?” agad na sagot ng secretary niya. “Dalhin mo ang mga basura niya sa guest room,” utos ni Caden. “And call the stylist. Ayokong makakita ng ganiyang suot sa hapag-kainan ko mamaya.” “Wait! Ako na ang magdadala ng gamit ko! At hindi ito basura!” bulyaw ko, humakbang ako para kunin ang isa sa mga kahon ko pero hinarang ako ni Rust nang may pilit na ngiti. “I’ll handle it, Miss Thorne,” sabi ni Rust sa akin bago binuhat ang mga boxes. Lumingon ako kay Caden, galit na galit. “May mga damit ako rito! Hindi mo kailangang bumili ng bago!” Uminom siya bago ako nilingon nang malamig. “Follow the rules, Lyra. You’re not a student today. You’re an investment. At sisiguraduhin kong bawat sentimong binayad ko, pakikinabangan ko nang maayos.” Tila binuhusan ako ng malamig na tubig. Investment. Iyon lang ako sa kaniya. Isang gamit na kailangang magmukhang presentable para sa kaniya. “Go to your room. Mag-ayos ka,” dagdag niya, sabay talikod muli sa akin. “Huwag mong paghintayin ang pagkain. Ayoko ng malamig na dinner.” Wala akong nagawa kundi sumunod. Pagdaan ko sa tapat niya, narinig ko ang mahina niyang tawa—isang tunog na nagsasabing panalo na siya, at ako ay simula pa lang na matatalo sa laro niya. Habang naglalakad ako palayo, tanaw ko muli ang ulan sa labas. Malakas na ang buhos nito, tinatamaan ang mga salamin ng penthouse. Ang sarap sanang tignan kung hindi ko lang nararamdaman na dahan-dahan na akong nalulunod sa mundong hindi ko naman ginusto. Pagpasok ko sa guest room, bumulaga sa akin ang isang kama na mas malaki pa sa buong kwarto ko sa boarding house. Pero kahit gaano pa kaganda ang paligid, ang tanging nararamdaman ko lang ay ang bigat ng kontratang pinasukan ko. Wala na ngang utang, pero ang kalayaan ko... iyon ang naging pambayad ko.LYRA’S POVHabol ko ang hininga ko nang sa wakas ay humiwalay siya. Ramdam ko ang pamamanhid ng labi ko at ang mabilis na tibok ng puso ko na parang gustong kumawala sa ribcage ko. Nanatili akong nakakulong sa kaniya, ang dalawang kamay niya ay nakatukod pa rin sa counter sa magkabilang gilid ko.Tiningnan ko siya. Ang gulo na ng buhok niya, at ang mga mata niyang kanina ay puno ng galit, ngayon ay tila may kung anong apoy na hindi ko maipaliwanag. Sa kabila ng lahat, hindi ko maikakailang napakagwapo niya sa ganitong kalapit. Ang talas ng panga niya, ang ayos ng kaniyang polo ay ganoon pa rin, bahagyang nakabukas—lahat iyon ay nagpapaalala sa akin na hindi na siya ang batang lalaking kalaro ko noon.Pero hindi ko kaya. Hindi ko kayang ituloy ’to.“Caden… stop. Please,” mahina kong sabi, halos pabulong na lang dahil sa pagod.Pumikit ako nang mariin. Sa isip ko, bumabalik ang imahe niya noong bata kami—noong pinupunasan ko ang noo niya dahil sa lagnat. Paano kami napunta rito? Paano
LYRA’S POVMinsan, kapag pumipikit ako sa gitna ng katahimikan ng penthouse, hindi ang mukha ni Caden ngayon ang nakikita ko. Hindi ang madilim niyang mga mata o ang malalamig niyang mga salita.Bumabalik ako sa isang hapon, kung saan ilang taon na ang nakalipas. Doon, hindi siya si Caden Aristhos na kinatatakutan ng lahat. Siya ang tinuring kong kapatid na mapagkakatiwalaan ko sa lahat. “Dahan-dahan, Lyra! Mahuhulog ka!”Sampung taon lang ako noon. Suot ko ang paborito kong puting bistida na may mga mantsa na ng damo dahil sa paglalaro sa hardin ng mansyon nina Caden. Ang tatay ko ang driver ng pamilya nila, kaya doon na ako lumaki sa lilim ng mga dambuhalang puno ng mangga sa likod ng kanilang bahay.“Kuya, tignan mo! Ang taas ko na!” sigaw ko habang nakatayo sa sanga ng puno.Nakatingala siya sa akin. Labimpitong taon na siya noon—matangkad, payat, at laging may hawak na libro. Pero kahit mukha siyang seryosong matanda, sa akin lang siya ngumingiti nang totoo.“Bumaba ka na riyan,
LYRAʼS POVDahil sa sobrang hiya, agad kong hinawakan ang braso ni Caden at pilit siyang hinila patayo. Gusto ko siyang ilayo sa mga mapanuring mata ng mga classmate ko na halos hindi na humihinga sa panonood sa amin.“Tara na sa labas, please,” bulong ko, ramdam ang panginginig ng boses ko.Pero parang poste ang hinila ko. Hindi man lang siya natinag. Sa halip, mas lalo siyang tumindig nang tuwid, tinitingnan ang kamay kong nakakapit sa kaniya na parang isang maduming bagay. Ayaw niya ng hinahawakan siya nang basta-basta, lalo na ang hinahatak siya.“Don’t pull me, Lyra,” banta niya, mababa ang boses pero punong-puno ng awtoridad.“Nakakahiya, Caden! Umalis na tayo!” giit ko, halos magmakaawa na ang mga mata ko.“I said, donʼt pull me,” ulit niya.Sa isang iglap, siya ang humawak sa pulsuhan ko. Mahigpit pero hindi masakit. Sa halip na ako ang humila, siya ang mabilis na naglakad palabas ng classroom, kaladkad ako na parang isang bata. Wala nang nagawa si Prof kundi sundan kami ng ti
LYRAʼS POVInayos ko ang suot kong jacket, pilit na tinatago ang bakas ng makeup sa leeg ko na hindi ko lubos na naalis kanina sa banyo ng isang fast food chain. Pagod na pagod ako. Hindi lang dahil sa tatlong oras na pag-aayos o sa bigat ng sapphire na isinampay sa akin ni Caden, kundi dahil sa pagkapahiya.Sloane Van Doren. Fiancee pala. Ang galing talaga ni Caden—ginawa akong kapatid sa harap ng camera, ginawang aso sa harap na bitter na fiancee niya, at ginawang dekorasyon sa harap ng mga elite.Imbes na bumalik sa penthouse, dumiretso ako sa bahay nina Elias. Malayo ito sa marangyang mundo ni Caden. Maingay, amoy kape, at puno ng nagkalat na papel. Dito ako humihinga. Mas komportable ako.“Hoy, Lyra! Buhay ka pa pala?” bungad sa akin ni Elias pagpasok ko sa sala nila.Nakatambay ang iba naming classmates—sina Jace at Marga. May mga laptop na nakabukas, empty cups ng instant noodles, at ang pamilyar na ingay ng nagtatalong mga estudyante tungkol sa RRL ng research namin.“Late ka
LYRA’S POVMaaga pa lang pero ramdam ko na ang bigat ng hangin sa loob ng penthouse. Pagmulat ng mga mata ko, hindi katahimikan ang bumungad sa akin kundi ang ingay ng mga taong hindi ko kilala.Napaupo ako sa kama at natigilan. Sa tapat ng closet ko, may nakahandang isang kulay itim na silk dress na tila ba kumikinang kahit walang ilaw. Sa tabi nito, may mga designer heels na sa taas pa lang ng takong ay alam kong mahihirapan na akong lumakad. May branded na bag, at isang set ng mga alahas na mukhang mas mahal pa sa tuition ko para sa buong kolehiyo.“Good morning, Miss Thorne. We’re ready for you,” sabi ng isang babaeng may hawak na makeup brushes.Napakunot ang noo ko. Nakatayo siya roon kasama ang dalawa pang assistant, naghihintay na parang isa akong “project” na kailangang tapusin.Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko, hindi ako tao na pagkagising ay maghihilamos lang, kundi isang gamit na kailangang ihanda para maging display.Anong eksena ng mga ito?“Para saan ‘to?” tano
LYRA’S POVIlang araw na ang lumipas pero pakiramdam ko ay tumigil ang oras sa loob ng penthouse na ito. Wala pa akong pasok kaya wala akong ibang ginagawa kundi ang magbilang ng mga mamahaling gamit na hindi ko naman pwedeng hawakan. Sinubukan kong mag-exercise sa tapat ng dambuhalang bintana, nanood ng TV hanggang sa sumakit ang mga mata ko, at nagbasa ng mga libro sa library niya na amoy luma at amoy pera.Pero kahit anong gawin ko, hindi ako mapakali. Ang hirap mag-relax sa lugar na alam mong hindi ka naman welcome. Bawat yapak ko sa makapal na carpet, pakiramdam ko ay may CCTV na nakatitig sa akin, naghihintay lang na magkamali ako. Ang laki ng lugar pero parang sumisikip ang mundo ko.Hanggang sa lumalim ang gabi at nakaramdam ako ng gutom.Dahil ayaw kong lumabas ng kwarto kapag alam kong nandoon si Caden, hinintay ko munang tumahimik ang paligid. Nang masiguro kong wala nang tao sa sala, dahan-dahan akong pumunta sa kusina. Naghanap ako ng makakain hanggang sa makita ko ang p







