Se connecterMay hawak siyang coat sa isang kamay, ang kabilang kamay nasa bulsa. May ngiti sa labi—ngiting parang may alam.
“Mr. Finnegan,” bati ko. “Connor will do,” sagot niya agad. Professional smile lang ang isinagot ko. Lumapit siya nang bahagya. Hindi masyadong malapit, pero sapat para maramdaman ko ang presensya niya. “You handle pressure well.” “It’s part of the job.” “Hmm.” Pinagmasdan niya ako, hindi bastos—pero masyadong observant. “You always were like that.” Natigilan ako. “Excuse me?” Umangat ang sulok ng labi niya. “Relax. I’ve heard stories.” Mula kanino? Hindi ko na kailangang itanong. “Small world, isn’t it?” dagdag niya. Sa likod ng magaan niyang tono, may kung anong hindi ko mabasa. Hindi siya tulad ni Sylvant na tahimik at sarado. Si Connor—madaling ngumiti. Pero ang mga mata niya? Mas maingat kaysa sa inaakala ng karamihan. Kinagabihan, halos wala na ang tao sa floor. Papunta ako sa records room nang marinig ko ang dalawang staff sa dulo ng hallway. “Hindi mo ba napansin? Iba si Sir kapag kausap si Ms. Delgado.” “Akala ko ako lang.” “Si Brienne pa naman madalas dito. Baka may drama.” Huminto ako. Gusto kong sabihin na wala silang alam. Na hindi lahat ng tahimik ay may ibig sabihin. Pero may parte sa akin na hindi sigurado. Pagbalik ko sa desk ko, naroon si Sylvant. Nakatayo. Tahimik. Parang hinihintay ako. “You shouldn’t walk alone this late,” sabi niya. “May security, sir.” “Still.” Isang simpleng salita. Pero may halong pag-aalala. “Is there something you need?” tanong ko, pinapanatiling neutral ang tono. “Connor talked to you.” Hindi iyon tanong. Statement. “Yes.” “Avoid personal conversations with him.” Bahagya akong natawa. Hindi ko napigilan. “Is that an order?” Tahimik siya. At doon ko naramdaman ang unang bitak. Hindi sa akin. Sa kanya. “You don’t know him the way I do,” sabi niya sa wakas. “Then maybe you should tell me,” sagot ko, hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob. Isang hakbang ang pagitan namin. Napakalapit. Pero parang may pader pa rin. His jaw tightened. “I don’t owe you explanations.” At iyon ang tumama. Hindi ko rin naman siya hinihingan ng paliwanag noon. Hindi ko siya pinilit magsalita. At marahil iyon ang pagkakamali ko. “Of course you don’t, Mr. Briggston,” sagot ko, bumalik sa pormalidad. At doon ko nakita ang pagsisisi sa mata niya. Sandali lang. Pero naroon. Dalawang araw matapos ang board meeting, may event ang hotel—charity gala hosted by the Chancellor family. Isang pangalan ang naka-emboss sa invitation. Brienne Chancellor. Lahat ng executive team ay required um-attend. At bilang assistant ng CEO, kailangan kong sumama. Sa ballroom ng hotel ginanap ang event—crystal chandeliers, live orchestra, mga taong nakangiti pero puno ng agenda. Nakasuot ako ng simpleng navy dress. Hindi flashy. Hindi pang-agaw-eksena. Pagpasok namin, agad na lumapit si Brienne. Naka-red gown siya. Elegant. Commanding. “Sy,” bati niya kay Sylvant, parang wala akong presensya. Sy. Isang palayaw na hindi ko kailanman nagamit. “You made it,” dagdag niya. “I said I would,” sagot niya, neutral. Saka siya tumingin sa akin. “Rosemary, right?” “Yes, Ms. Chancellor.” Ngumiti siya. Mas matamis kaysa dati. “I’m glad you came. I actually need a small favor.” Napatingin ako kay Sylvant, pero nakatingin siya sa crowd, hindi sa amin. “What kind of favor?” tanong ko. “May media coverage mamaya. I want you to hand me the sealed partnership folder when I signal.” Partnership? Hindi iyon kasama sa briefing ko. “Isn’t that under corporate communications?” maingat kong tanong. “It is,” sagot niya agad. “But I prefer someone I can trust.” Trust. Hindi ko alam kung insulto o papuri iyon. Paglayo niya, bahagyang lumapit si Connor sa amin. “You look tense,” bulong niya sa akin habang abala si Sylvant sa isang investor. “Just doing my job.” “Careful,” sagot niya, seryoso na ngayon ang mata. “You’re standing in the middle of something bigger than you think.” Bago ko pa siya matanong kung ano ang ibig sabihin niya, may announcement na sa stage. “Ladies and gentlemen, tonight marks a new chapter—Briggston Hotels and Chancellor Holdings.” Nanigas ako. Lumabas si Brienne sa stage. May hawak na mikropono. “At to formalize this… we’re proud to announce a strategic alliance—one that has been in discussion for years.” Years? Napatingin ako kay Sylvant. Hindi gumagalaw ang ekspresyon niya. Pero alam kong hindi ito basta business. “Soon,” dagdag ni Brienne, “our families will be even more closely connected.” Umalingawngaw ang bulungan. Media flashes. At saka niya ako tinignan mula sa stage. Isang maliit na kilos ng kamay. Signal. Nasa akin ang folder. At doon ko naintindihan. Hindi lang partnership ang ilalabas niya. Kundi engagement proposal—corporate and personal alliance. Hindi ko alam kung alam ni Sylvant ang eksaktong timing. Hindi ko alam kung pumayag siya. Pero alam kong ito ang calculated move ni Brienne. Gusto niyang ipakita sa lahat kung sino ang may karapatan. At ako? Ako ang nasa gitna. Lumapit ako sa stage, dala ang folder. Sa bawat hakbang ko, pakiramdam ko lumalalim ang sugat na pilit kong tinatakpan. Pag-akyat ko, sandali kaming nagkatinginan ni Sylvant. Sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako— Wala siyang kontrol sa mata niya. Galit. Gulat. At isang bagay na hindi niya kayang itago. Takot. Hindi para sa sarili niya. Kundi para sa akin. “Rosemary,” mahina niyang banggit, halos hindi marinig. Pero narinig ko. At sa sandaling iyon, alam kong ang katahimikan niya— Hindi kawalan ng damdamin. Kundi isang digmaan na matagal na niyang tinatago. At ngayong gabi, may mga taong handang gamitin ang digmaang iyon laban sa amin. --- Hindi ko alam kung kailan nagsimula. Siguro noong una ko siyang nakita sa terrace ng mansion—nakasuot ng itim na suit, tahimik na nakatanaw sa lungsod na parang pagod na pagod sa mundo. O siguro noong una niya akong tinawag sa pangalan ko, hindi “ikaw” o “ate,” kundi Kaylee—na parang may bigat at lambing sa bawat bigkas. Pero isang bagay ang sigurado ako. Wala akong karapatang mahalin siya. Ako si Kaylee Sydney Carnegie. Katulong. Working student. Isang babaeng galing sa probinsya na lumuwas ng Maynila para mag-aral at magpadala ng pera sa tita kong nagpalaki sa akin. Siya si Jayden Ryan Fendi—tagapagmana ng mga mall, hotel, at eroplano. Isang lalaking hindi ko dapat tinitingnan nang higit pa sa respeto. Pero paano mo pipigilan ang pusong hindi marunong sumunod? Gabi iyon nang mangyari ang unang pagkadulas ko. Nasa kusina ako, naghuhugas ng mga baso matapos ang isang maliit na dinner meeting ng pamilya Holmes. Tahimik na ang buong bahay. Ang ilaw sa kusina lang ang bukas. Hindi ko narinig ang mga yabag niya. “Hindi ka pa ba tapos?” malalim niyang tanong mula sa likod ko. Napatalon ako. “S-Sir Jayden…” “Jayden,” itinama niya. “Ilang beses ko na bang sinabi sa’yo.” Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. May kakaiba sa paraan ng pagtitig niya—hindi bastos, hindi rin dominante. Pero mabigat. Parang may gustong sabihin na hindi niya masabi. “Malapit na po,” sagot ko, halos pabulong. Lumapit siya. Amoy ko ang pabango niya—malinis, preskong may halong kahoy at usok. Parang gabi. Tumigil ang mundo ko nang tumabi siya sa lababo, masyadong malapit. “Bakit ka umiiwas sa akin?” tanong niya. Napahawak ako sa gilid ng lababo. “Hindi po ako umiiwas.” “Hindi ka tumitingin.” Kumunot ang noo ko. Hindi ko namalayang napakagat ako sa labi. “Hindi po tama,” bulong ko. “Ang alin?” Ang pagtingin ko sa’yo na parang may ibig sabihin. Ang pagtibok ng puso ko sa tuwing lalapit ka. Ang pag-iisip ko sa’yo bago matulog. Pero hindi ko kayang sabihin iyon. “Magkaiba tayo,” sagot ko na lang. Tahimik siya sandali. Ramdam ko ang mga mata niyang nakatutok sa akin, parang sinusuri kung hanggang saan ako tatagal. “Kaylee,” mahina niyang tawag. “Hindi ka ba napapagod laging iniisip kung ano ang tama?” Napalunok ako. Dahil oo. Pagod na pagod na akong pigilan ang sarili ko. Simula noon, naging mas mapanganib ang bawat sandali. Hindi siya nanliligaw. Hindi siya umaamin. Pero hindi rin siya lumalayo. May mga gabi na makikita ko siyang naghihintay sa terrace, at kapag aakyat ako para magsampay ng kumot, nandoon siya—nakangiti nang bahagya, parang inaabangan talaga ako. “Anong pangarap mo, Kaylee?” minsan niyang tanong. “Makapagtapos.” “Pagkatapos?” “Magkaroon ng sarili kong lugar. Hindi malaking bahay. Kahit maliit lang basta akin.” “Walang kasama?” tanong niya, tila may ibang ibig sabihin. Napangiti ako nang pilit. “Hindi ko po alam.” Pero ang totoo, kapag iniisip ko ang “sarili kong lugar,” may imahe siya roon. Nakaupo sa sofa. Nakatingin sa akin. Ngumiti. At iyon ang delikado. Isang hapon, nadatnan niya ako sa library ng mansion. Nagre-review ako para sa quiz. “Ang sipag mo,” sabi niya habang umuupo sa harap ko. “Nagpapaaral po kasi sa akin ang pamilya,” sagot ko. “Hindi ka nila pagmamay-ari.” Napatingin ako sa kanya. “Hindi mo kailangang bayaran ang kabutihan ng buong pagkatao mo.” Hindi ko alam kung bakit parang may kirot sa dibdib ko. Dahil may bahagi sa akin na gustong maniwala na pwede akong maging higit pa sa katulong. Higit pa sa utang na loob. “Sir—Jayden…” halos hindi ko masabi ang pangalan niya. “May mga bagay na hindi puwedeng pilitin.” “Tulad ng ano?” “Tulad ng damdamin.” Napahinto siya. Mas lumalim ang tingin niya. “At paano kung hindi ko pinipilit?” mahina niyang tanong. Nawala ang hangin sa paligid ko. Parang may apoy na dahan-dahang kumakalat sa balat ko. Hindi niya ako hinawakan. Hindi niya ako hinalikan. Pero ang paraan ng paglapit niya, ang init ng presensya niya, sapat na para mawala ang tamang pag-iisip ko. “Kaylee…” bulong niya. At doon ko naramdaman. Hindi lang ako ang nahuhulog. Pero ang pag-ibig na walang pahintulot ay parang ulap. Maganda mula sa malayo. Pero kapag hinawakan mo, wala kang madarama kundi hangin. Alam kong may hangganan ang lahat. Alam kong hindi ako bagay sa mundo niya. Isang gabing nakatayo ako sa harap ng salamin sa maliit kong kwarto sa mansion, tinitigan ko ang sarili ko. Simple. Ordinaryo. Walang espesyal. “Hindi ka dapat umasa,” sabi ko sa repleksyon ko. Pero ang puso ko, hindi marunong makinig. Unti-unti akong nahuhulog. Walang hinihingi. Walang inaasahan. Walang karapatang magreklamo kapag nasaktan. Isang gabi, inabutan ako ng ulan sa hardin habang kinukuha ang mga damit na isinampay ko kanina. Biglang may payong na sumilong sa akin. Siya. “Magkakasakit ka,” sabi niya. “Sanay na po ako,” sagot ko. “Hindi ko gusto ang ideyang nasasaktan ka.” Tumaas ang kilay ko. “Bakit?” Hindi siya agad sumagot. Lumapit siya ng kaunti. Napansin ko ang paghinga niya—mas mabagal, mas mabigat. “Dahil hindi kita kayang panooring masaktan.” Tumigil ang mundo ko. Umuulan. Tahimik ang paligid. At sa ilalim ng payong na hawak niya, ramdam ko ang pagitan namin—isang manipis na espasyong puno ng tensyon. “Hindi po tama,” muli kong bulong. “Alam ko.” “Masasaktan lang tayo.” “Posible.” “May mawawala sa atin.” “Siguro.” “Bakit hindi ka lumalayo?” tanong ko, halos pakiusap. Mas lalo siyang lumapit. “Dahil ayokong mawalan ka.” At sa unang pagkakataon, hinawakan niya ang kamay ko. Hindi marahas. Hindi mapusok. Dahan-dahan. Parang nagtatanong. Ang init ng balat niya sa balat ko ay parang kuryente na gumapang sa buong katawan ko. Napapikit ako. Isang segundo lang. Isang maling segundo na gusto kong tumagal habambuhay.Hindi ko inaasahang ganoon kalaki ang lobby ng Briggston Hotels. Pagpasok ko pa lang sa loob, agad akong sinalubong ng malamig na pakiramdam mula sa marmol na sahig. Kuminang ito sa ilalim ng ilaw—malinis, makinis, at halos perpekto, na parang walang bahid ng pagkakamali. Ang bawat hakbang ko ay may kasamang mahinang tunog ng sapatos na tumatama sa matigas na ibabaw. Tok… tok… tok…—parang echo ng sarili kong kaba na bumabalik sa akin. Ramdam ko ang lamig na umaakyat mula sa paa ko hanggang sa buong katawan, na tila ba pinapaalala sa akin kung gaano katahimik at kalayo ang lugar na ito sa mundong kinalakihan ko. Sumasalamin sa sahig ang aking repleksyon—malinaw pero hindi buo. Para bang ipinapakita nito kung sino ako sa panlabas, pero hindi ang tunay kong nararamdaman sa loob. Sa bawat hakbang, mas lalo kong napapansin kung gaano kalawak ang espasyo. Walang kalat. Walang ingay. Tanging ang marmol na sahig ang nagsisilbing saksi sa bawat galaw ko—parang tahimik na tagamasid sa k
Hindi kami naghalikan. Hindi kami nangako. Pero sa gabing iyon, may tahimik kaming inamin. Na kahit bawal. Kahit walang pahintulot. Kahit walang katiyakan. May namamagitan. At iyon ang mas nakakatakot. Dahil ang pag-ibig na walang pangalan ay mas mahirap pakawalan. Habang nakahiga ako sa kama ko nang gabing iyon, nakatitig sa kisame, napangiti ako sa gitna ng takot. Unti-unti akong nahuhulog. Hindi dahil may ibibigay siya. Hindi dahil may makukuha ako. Kundi dahil sa bawat tingin niya, nararamdaman kong hindi ako invisible. At kahit alam kong maaaring masira ang lahat balang araw… Pinili kong mahalin siya. Tahimik. Walang permiso. Parang ulap na handang maglaho sa langit niya— basta kahit minsan, naging bahagi ako ng tanawin. --- Hindi ko alam kung kailan nagsimulang maging espesyal si Sylvant sa paningin ko. Siguro noong unang beses niya akong hinintay sa library kahit sinabi kong kaya ko namang mag-isa. O baka noong napansin niyang lagi akong
May hawak siyang coat sa isang kamay, ang kabilang kamay nasa bulsa. May ngiti sa labi—ngiting parang may alam. “Mr. Finnegan,” bati ko. “Connor will do,” sagot niya agad. Professional smile lang ang isinagot ko. Lumapit siya nang bahagya. Hindi masyadong malapit, pero sapat para maramdaman ko ang presensya niya. “You handle pressure well.” “It’s part of the job.” “Hmm.” Pinagmasdan niya ako, hindi bastos—pero masyadong observant. “You always were like that.” Natigilan ako. “Excuse me?” Umangat ang sulok ng labi niya. “Relax. I’ve heard stories.” Mula kanino? Hindi ko na kailangang itanong. “Small world, isn’t it?” dagdag niya. Sa likod ng magaan niyang tono, may kung anong hindi ko mabasa. Hindi siya tulad ni Sylvant na tahimik at sarado. Si Connor—madaling ngumiti. Pero ang mga mata niya? Mas maingat kaysa sa inaakala ng karamihan. Kinagabihan, halos wala na ang tao sa floor. Papunta ako sa records room nang marinig ko ang dalawang staff sa dulo n
Kung si Sylvant ay katahimikan na may bigat, may isang taong kabaligtaran niya. Dumating siya isang umaga na parang pagmamay-ari niya ang buong floor—relaxed ang lakad, may bahagyang ngiti, at tila walang dinadalang problema sa mundo. “Ah, so this is the famous assistant.” Napatingin ako. lakas ng tama nito ah! famous daw? wala naman ako ginawa sa kanya. Matangkad, charming ang dating, may playful na ningning sa mata. “Connor Finnegan,” sabi niya habang inaabot ang kamay. “I’m the only person in this building who can actually make your boss laugh.” Pinagmasdan ko siya saglit bago tinanggap ang handshake. “Rosemary Delgado. Executive assistant.” “Executive assistant?” bahagya siyang ngumiti. “So you’re the one who keeps the tyrant functional.” Napahinto ako. “He’s very efficient.”Obvious naman, Tanga lang. Connor chuckled. “That’s a polite way of saying emotionally constipated.” Hindi ko napigilang mapangiti nang bahagya. At doon, sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako
Hindi ko alam kung alin ang mas mabigat—ang takong ng sapatos ko sa marmol na sahig ng lobby o ang tibok ng puso ko habang papunta sa opisina ng CEO. Unang araw ko bilang executive assistant ng pinakamalaking hotel empire sa bansa—Briggston Hotels. At ang CEO? Si Sylvant Garrison Briggston. Ang lalaking minsan kong minahal sa tahimik na paraan. Ang lalaking minsan akong minahal… sa paraang hindi ko narinig.---Medyo Awkward Professionalism ba lagay ko? hindi naman siguro napansin. Maaga akong dumating. Mas maaga kaysa sa karamihan ng empleyado. Ayokong may makapansin na kinakabahan ako. Ang opisina ng CEO ay nasa pinakataas na palapag—glass walls, minimalist design, kontrolado ang lahat. Tulad ng may-ari nito. Tahimik ang paligid nang pumasok ako sa outer office. May malaking desk na nakalaan para sa assistant—sa akin na ngayon. Nakaayos na ang files, may bagong laptop, at isang maliit na pangalan sa brass plate. ROSEMARY DELGADO Executive Assistant to the CEO Huminga ako
Hindi ko akalaing ang unang araw ko sa trabaho ang magiging unang araw ng pagbabalik ng sakit. Maaga akong dumating sa gusali ng Briggston Hotels—ang pinakasikat at pinaka-elitistang hotel empire sa bansa. Salamin ang buong harapan ng building, parang walang bahid ng kahinaan. Katulad niya. Huminga ako nang malalim bago pumasok. “Ako si Rosemary Delgado,” bulong ko sa sarili. “Hindi na ako ang babaeng umiiyak sa gilid ng campus.” napatingin ako sa kabuan ng paligid dahil sa ganda nito. nakakalimutan ko ang mga nakaraan pero pag-naiisip ko na nandyan siya, hindi ko na agad gusto ang paligid ko. Pero habang umaakyat ang elevator, kasabay ng pagtaas ng numero sa digital panel, bumabalik ang mga alaala. College days. exciting ang unang araw, pagdating sa dulo. ayon palya. Isang lalaking laging tahimik sa likod ng classroom. Isang lalaking hindi kailangang magsalita para maramdaman mong siya ang pinakamakapangyarihan sa loob ng kwarto. Sylvant Garrison Briggston.Naalala ko p



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



