로그인“DOC! Sa kabilang kwarto, naghihingalo si Sir Darryl!” sigaw ng nurse, bakas ang matinding takot at pagmamadali sa kanyang boses habang halos hindi na ito makahinga sa kakatakbo. D-Darryl? B-buhay si Darryl? Gusto kong puntahan si Darryl! nanginginig na wika ni Theariza, tila hindi makapaniwala, sabay pilit na tumayo kahit nanghihina ang kanyang katawan. “Mommy, magpahinga na lang po kayo. Hindi tayo iiwan ni Daddy. Si Daddy Darryl, alam kong hindi niya tayo iiwan!” saad ni Thearonna, pinipigilan ang sariling luha habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ng kanyang ina. “A-anak koooo!” sambit lang niya, halos mawalan ng lakas, saka dahan-dahang ibinaling ang tingin sa kararating lang na si Secretary Susan, na may seryoso at mabigat na ekspresyon sa mukha. Kasalanan nilang lahat ito! Kasalanan nilang lahat ito! sambit niya, nag-aalab ang galit at poot na matagal nang kinikimkim. “Anong gusto mong gawin sa kanila, Madam Theariza?” tanong ni Secretary Susan, mahinahon ngunit may big
Habang nag-uusap sina Theariza at Darryl, isang tinig ang biglang kumawala—mahina ngunit malinaw, tila sumisingit mula sa kawalan—na narinig ni Theariza. Napahinto siya, nanlamig ang buong katawan, at tila may kumurot sa kanyang puso. “Mommy! Gumising ka na? I miss you so much!” “Huh…” nanginginig ang kanyang tinig. Napatingin siya kay Darryl, bakas ang takot at pagkalito sa kanyang mga mata. “N-narinig mo ba ’yon, Honey?” tanong niya, halos pabulong, na para bang natatakot siyang marinig muli ang tinig. Ngunit sa halip na sumagot, biglang nagbago ang anyo ni Darryl. Ang kanina’y kalmado at mapagmahal nitong mukha ay napalitan ng kakaibang lungkot at pag-aalala. Unti-unting lumalim ang kanyang mga mata, tila may tinatagong katotohanan na pilit niyang ipinagkakait. “Honey… oras na para bumalik ka sa mundo mo,” mahina ngunit mabigat niyang wika, na parang bawat salita ay may kasamang sakit. “Hinihintay ka ng anak natin.” “A-anong ibig mong sabihin?” halos hindi makahinga si The
“Bakit gabi-gabi na lang akong binabangungot…?” halos pabulong ngunit nanginginig ang tinig ni Alexander habang hawak ang kanyang ulo. “Sino ba ang babaeng ’yon? Bakit malabo ang mukha niya… pero ’yung bata—sobrang linaw. Para bang kilalang-kilala ko siya. Ang ganda ng ngiti niya… pero bakit may lungkot? Hindi naman si Elina ’yon… hindi ba?” “Mahal…” marahang lumapit si Althea, hinawakan ang malamig na kamay ni Alexander. Ramdam niya ang panginginig nito. “Ano bang problema? Bakit tuwing umaga na lang, hinihingal kang nagigising? Parang… parang may humahabol sa’yo. Parang tinatakasan mo ang kamatayan sa panaginip mo.” Nag-aalala ang kanyang mga mata, ngunit may bahid din ng takot—takot na baka may mas malalim pang dahilan ang lahat. “Hindi ko rin alam…” napapikit si Alexander, tila pilit inaalala ang bawat detalye. “Lagi ko silang napapanaginipan… isang mag-ina. Nakatayo sila sa di kalayuan, nakatingin sa akin… parang may gustong ipaalala. Tapos may tinig… boses ng babae… malamig, g
“Ngayon lang ako kinabahan nang ganito…” mahinang bulong ni Theariza, habang nakasandal sa matipunong dibdib ni Darryl. Bawat pintig ng puso niya ay tila sumasabay sa init na unti-unting bumabalot sa kanilang dalawa. “Pwede na ba kitang halikan?” marahang tanong ni Darryl, ang boses ay halos pabulong ngunit punong-puno ng pagnanais. Hindi na sumagot si Theariza. Sa halip, siya na ang kusang humila kay Darryl palapit. Bahagya pa siyang tumingkayad, sapat lang para magtagpo ang kanilang mga labi sa isang halik na puno ng damdamin. “I love you, Darryl… umpisahan na natin ito,” sambit niya, halos kapos ang hininga. Sandali siyang kumalas sa pagkakayakap, at dahan-dahang hinubad ang kanyang suot—parang hinuhubad din ang lahat ng alinlangan sa kanyang puso. Napapikit siya saglit. Ano itong nararamdaman ko…? Para bang ngayon ko lang tunay na naranasan ito… “I’m hot now… honey. Hindi na ako makapaghintay pa,” paos na sabi ni Darryl. Maingat niya itong binuhat, parang isang bagay
“Kung tatanggapin ko ang pagkakataong ito… paano na ang anak ko kay Alexander? Paano si Thearonna?” Mahina ang boses ni Theariza habang naglalakad sa aisle. Nanginginig ang bawat hakbang niya, parang anumang sandali ay uurong siya. Paano ang anak ko…? “Mommy…” Napahinto siya. Nanlaki ang kanyang mga mata. “A-anak…? Thearonna… ikaw ba ‘yan?” “Opo, Mommy. Ako po ito,” malambing na sagot ng tinig. Napapikit si Theariza, tuluyang pumatak ang luha. “Akala ko nawala ka na… iniwan kita…” puno ng sakit ang kanyang boses. “Hindi po,” agad na sagot ng bata. “Hindi niyo po ako pinabayaan. Mahal na mahal niyo po ako.” “Kung gano’n… bakit wala ka?” tanong niya. “Dahil may bago po kayong simula,” sagot ng tinig. “At kasama niyo po doon si Daddy Darryl.” Nanginginig na napahawak si Theariza sa kanyang dibdib. “Pero ikaw…?” “Babalik po ako, Mommy.” Napatigil siya. “Babalik… paano?” “Maghihintay po ako,” sagot ng bata. “Hihintayin ko po kayo… hanggang sa mabuo ulit a
“Theariza, wake up! Hindi ka pwedeng mahuli sa kasal niyo ni Darryl!” Parang umalingawngaw muli ang sigaw ni Secretary Susan sa buong pagkatao ko—hindi lang sa tenga ko, kundi sa isip, sa dibdib, sa kaluluwa ko. Paulit-ulit. Malakas. Pilit akong hinahatak palabas sa kung anumang dilim ang kumakain sa akin. Napasinghap ako. At sa isang iglap—nagmulat ang mga mata ko. Ngunit wala na ako sa bangka,hindi na rin ako nasa kama. Hindi na rin sa ospital. Nasa loob na talaga ako ng simbahan. Napahinto ako. Parang bigla akong inihagis sa isang eksenang hindi ko maalala kung paano nagsimula. Tahimik ang paligid, pero hindi nakakabingi. May mga taong nakaupo sa magkabilang gilid, lahat nakatingin sa akin. Ang liwanag na pumapasok sa mga bintana ay tila masyadong malinaw—parang hindi lang basta liwanag, kundi may dalang kakaibang pakiramdam. Hawak ko ang laylayan ng suot kong wedding gown. Nanginginig ang mga daliri ko. “Bakit…” mahina kong bulong. “Nandito ako…?” Dahan-dahan akong t
Nakaraan… Ngunit napatingin siya kay Elina at sa yaya kaya bigla siyang napatigil sa pagsasalita. Karugtong… Bahagyang kumunot ang noo ni Althea. “Wala na ang… sino?” tanong niya habang pinagmamasdan ang mukha ni Alexander. Ngunit mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Alexander. Parang wal
Kinabukasan… Maaga pa lamang ay gising na si Elina. Mula sa malaking bintana ng kanyang silid ay pumapasok ang ginintuang liwanag ng umaga, tumatama sa mamahaling kurtina at sa malapad na kama na tila yari sa purong seda. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa salamin. Maingat niyang inayos an
“Bakit ninyo sinasaktan ang batang ‘yan na ang gusto lang naman ay isang larawan o pirma ni Princess Elina MH?” seryosong sabi ni Secretary Manzano. Biglang natahimik ang buong studio. Napatingin ang lahat sa kanya, lalo na ang mga staff na kanina pang humahawak kay Thearonna. “Ibigay na lamang
“Takbo dito, takbo doon ang ginawa ni Baby Thearonna sa loob ng studio. Halos hingalin na ang maliit niyang katawan sa kakahanap sa kinaroroonan ni Elina. Sa pagmamadali niya ay hindi niya napansin ang isang ginang na paparating. BANG! Direkta siyang nabangga rito at muntik pang matumba. “Are y







