LOGIN“Mama, alam niyo na ba ang balita?” tanong ni Theariza, hindi maitago ang pananabik sa kanyang boses. “Maganda ba ang balitang nasagap mo?” malamig ngunit matalim ang sagot ng kanyang ina. “Oo, mama… sobrang ganda. Mas maganda pa sa inaasahan natin.” “Kung gano’n, huwag mo nang patagalin, Althea. Ayoko ng paikot-ikot.” “Tumakas si Zamarha.” bahagyang bumaba ang boses ni Theariza, ngunit ramdam ang saya. “At sa pagtakas niya… mas pinatunayan lang niya na isa siyang impostor at isang murderer.” “Hmm…” mahinang tugon ng ina. “Hindi siya kasing talino ng inaakala ko.” “Mas lalala ang kaso niya, mama. Wala na siyang kawala ngayon. Habang tumatagal siyang nagtatago, mas lalo siyang lulubog. Ito na ang pagkakataon natin…” bahagyang ngumiti si Theariza, “para mamili ng papalit sa Motellana Group.” “Tama ka.” sagot ng kanyang ina, mas naging seryoso ang tono. “Matagal na nating hinihintay ang pagkakataong ‘to. At ngayon… k
Sa loob ng presinto, biglang nabasag ang katahimikan. “Sir! Nawawala po si Zamarha!” Napalingon ang lahat. Agad tumayo ang imbestigador mula sa kanyang upuan. “Anong ibig mong sabihin na nawawala?!” mariing tanong niya. “Pagbalik po namin sa detention room… wala na po siya! Bukas ang selda pero walang bakas ng sapilitang paglabas,” hingal na ulat ng pulis. “Imposible!” singhal niya. “May naka-duty doon, ‘di ba?! Nasaan ang mga bantay?!” “Sir… nandoon pa rin po sila. Ayon sa report, inilipat daw po si Madam Zamarha para sa follow-up questioning—” “Sinong nag-utos?!” putol niyang tanong. Saglit na natahimik ang pulis. “Wala pong malinaw na pangalan sa logbook, sir… pero may entry po ng transfer.” Lalong sumama ang timpla ng imbestigador. Agad siyang naglakad palabas ng opisina. “Check the CCTV. Lahat ng entry at
“Naparito ako para bigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Secretary Susan!” Agad napalingon ang lahat sa biglaang pahayag. “Pagkamatay?” mariing sagot ng imbestigador, halatang naiinis. “Ano’ng sinasabi mo? Hindi pa siya patay. Nasa ospital siya ngayon at mahigpit na binabantayan ng pulis.” Bahagyang napangiti si Theariza, ngunit malamig ang kanyang mga mata. “Talaga?” tila inosenteng tanong niya. “Akala ko… pinatay mo na ang secretary ng tunay na CEO.” "Parang ata't kang mamatay ang secretary ko. Alam kong hindi ako pababayaan ng secretary ko, at alam kong mabubuhay siya, para ihayag ang tunay na salarin!" Naging mabigat ang hangin sa loob ng silid. Ramdam ang tensyon na unti-unting umiinit. “Stop!” malakas na sabat ng imbestigador. “Nakakaabala ka na sa isinasagawa naming interogasyon.” Lumingon ito sa mga kasama. “Madam, maaari po bang lumabas muna kayo.” Hindi agad gumalaw si Theariza. Sa halip, dahan-dahan siyang humakbang palapit sa mesa at may inilapag na isang
Sa loob ng interrogation room… Malamig ang hangin sa loob ng silid. Tanging tunog ng umiikot na bentilador at mahinang pagkaluskos ng papel ang maririnig. Nakaupo si Zamarha sa isang metal na upuan, nakaposas ang dalawang kamay sa mesa. Bahagyang nakayuko ang kanyang ulo, ngunit ang mga mata—matatag at hindi sumusuko. Biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang dalawang imbestigador, kasunod si Atty. Aljhon Buenaventura. “Simulan na natin,” malamig na saad ng isa sa mga pulis, sabay upo sa tapat niya. Inilapag nito ang isang folder sa mesa—mabigat ang tunog na parang hudyat ng laban na hindi madaling matatapos. “Zamarha Montellana… ikaw ay iniimbestigahan kaugnay sa pananaksak kay Secretary Susan,” diretsong sabi nito. Tahimik si Zamarha. Dahan-dahan niyang itinaas ang tingin. “Hindi ko siya sinaksak,” kalmado ngunit matibay niyang sagot. Nagkatinginan ang dalawang imbestigador. “May CCTV footage na nagsasabing ikaw ang huling taong kasama niya bago siya matagpuang
“Wag niyo akong hawakan. Kusa akong sasama—dahil alam kong wala akong kasalanan!” mariing sabi ni Zamarha, pilit pinapanatili ang natitirang dignidad kahit unti-unti na siyang inilalayo. “Dapat lang na sumama ka! Pagpasok mo sa bilangguan, hindi ka na makakaalis doon dahil patong-patong ang kaso mo! Isa kang murderer at impostor!” sunod-sunod na sigaw ng ilan, umaalingawngaw sa buong opisina habang papalayo siya. Tahimik sandali ang paligid, ngunit agad itong napalitan ng bulungan at tensyon. “Anong mangyayari ngayon sa Montellana Group kung walang CEO?!” biglang sabat ni Theariza sa kanyang ina na si Mrs. Montale, halatang may halong pag-aalala ngunit may ibang ibig ipahiwatig ang tono. “Hindi mo kailangang sabihin ‘yan sa ganitong sitwasyon, anak,” seryosong sagot ni Mrs. Montale, pinipigilan ang sarili. “Tama siya, Mrs. Montale… paano tatakbo ang Motellana kung walang CEO?!” s
“Isa kang kriminal!” sigaw ng isa sa mga empleyado. “Kriminal ka!” sabay-sabay na sigaw ng karamihan habang nagkakagulo ang buong hallway. “Wag niyo akong pagbintangan!” mariing depensa ni Zamarha, nanginginig ang kanyang boses. “Wala akong ginawang kasalanan! Wala akong ginawang masama sa secretary ko!” Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. “May CCTV sa buong gusali! Mapapatunayan doon na hindi ako ang gumawa niyan!” Ngunit hindi na nakinig ang karamihan. “Wag ka nang magsinungaling!” sigaw muli ng isa. “Isa kang impostor! Hindi lang iyon—mamamatay-tao ka pa!” dagdag pa ng iba. Mas lalo pang lumakas ang bulungan at sigawan sa paligid. Ilang sandali pa… Narinig ang malakas na sirena ng ambulansiya na huminto sa labas ng gusali. Agad na pumasok ang mga paramedic at mabilis na nilapitan ang nakahandusay na si Secretary Susan. “Bigyan niyo kami ng daan!” utos ng isa sa kanila habang inilalagay si Susan sa stretcher. “S-sama ako!” agad na sabi ni Zamar
Nagkatinginan ang dalawang guard sa itaas ng hagdan. Pareho silang namumutla habang nakatitig sa katawan ni Darryl na walang malay sa pinakailalim ng service stairs. Sa tabi nito ay si Thearonna na patuloy na umiiyak habang yakap ang kanyang ama. “Daddy… gumising ka po… daddy…” nanginginig ni
Napalingon ang ilang empleyado sa lobby nang marinig ang malakas na pagtawa mula sa direksyon ng hallway na papunta sa boardroom floor. Ngunit karamihan sa kanila ay muling nagbalik sa kani-kanilang ginagawa. Sa isang bahagi ng lobby—nakikipag-usap si Secretary Manzano sa tatlong kilalang foreign
Napahigpit ang hawak ni Thearonna sa laylayan ng damit ni Darryl matapos marinig ang tanong ni Althea. Bahagyang nanginig ang kanyang maliliit na kamay. “Mama…” mahina niyang bulong. Napatingin sa kanya si Darryl, ngunit bago pa siya makapagsalita— Muling n
Napuno muli ng tawanan ang buong boardroom matapos magsalita si Althea. May isang investor ang marahang pumalakpak habang nakangisi. “Magaling ka rin magbiro, Doctor,” pang-aasar niya. “Kung naghahanap ka ng trabaho, baka puwede kitang gawing personal physician. Pero CEO? Huwag ka namang mangar







