Maegan
“Ang ganda!”
I looked at myself in the mirror at nagustuhan ko naman ang ayos ng bakla na nagpunta kanina dito sa unit ko.
Nagising ako sa tunog ng alarm bandang alas-kwatro at kahit inis na inis ako ay napilitan na akong bumangonn dahil baka nga dumating na ang sinasabi ni Lander na mag-aayos sa akin.
Nagtimpla muna ako ng kape at pagkatapos noon ay naligo na ako. I just wore my robe para hindi naman hassle mamaya kapag nagbihis na ako.
Bandang alas-singko ay tumawag ang receptionist ng condominium building announcing the arrival of the make-up artist and my wardrobe consultant.
Nagulat pa nga ako sa pagdating nila dahil hindi ko alam na pati damit na isusuot ko ay ipo-provide ni Lander.
“May K ka talaga na maging brand ambassador ng Vegafracia Inc.!” saad ng bakla at hindi ko alam kung binobola lang ba ako nito
Maganda naman ang itim na gown na pinadala ni Lander at nung makita ko ito right there and then, I knew that it was one of the recent collection na inilabas ng Versace. Naisip ko na lang, masyadong importante ang event na pupuntahan namin ni Lander para hayaan niya akong magsuot ng ganito.
May slit ito sa gitna kaya naman nakalitaw ang isang binti ko, revealing my smooth and silky legs. Kita din ang braso at balikat ko dahil ang strap ng damit on the right side ay manipis at may hati ito sa gitna connected by gold buckle na may tatak ng designer ng kumpanya.
Ang kabilang strap naman ang mas malapad at draped ang design nito hanggang sa baba ng damit kaya naman lalong nadepina ang hubog ng katawan ko. May kasama pa itong black stilettos at sa sukat na sukat naman ito sa paa ko.
Itinaas ng make-up artist ko ang aking buhok making a bun kaya naman kitang-kita ang leeg ko. Light lang ang make-up ko pero ang lipstick ko ay fiery red and I think it’s okay dahil gabi naman ang okasyon na pupuntahan namin.
“Ma’am, utos po ni Mr. Vegafracia na isuot ninyo ito!” sabi niya at nung buksan niya ang kahon ay tumambad sa akin ang necklace na may malaking bato na kulay pula
Hinawakan ko ang kwintas na bigay sa akin ni Knight and ever since then, hindi ko na ito inalis sa aking katawan.
“May necklace na kasi ako!” tangi ko dahil hindi ako sanay na wala sa katawan ko ang kwintas na ito
Para bang kulang ang pagkatao kapag hindi ko ito suot.
“Naku Ma’am sorry po! Magagalit po si Mr. Vegafracia pag hindi nasunod ang gusto niya.” nakita ko ang pag-aalala sa mata ng wardrobe consultant ko kaya naman napahinga na lang ako ng malalim at tumango sa kanya, tanda ng pagpayag ko
She removed my necklace at inabot ito sa akin saka niya isinuot ang kwintas na hawak niya. Bagay nga ito sa suot kong damit at pra hindi ako manibgao ay ipinulupot ko sa kamay ko ang kwintas na bigay ni Knight t nagsilbi itong bracelet ko.
Nagring ang phone ko at nakita ko na unregistered number ang tumatawag pero sinagot ko din naman ito,
“Hello?”
“You ready, Blair?” sabi sa akin ng tinig at nasiguro ko na si Lander ang kausap ko
“I’m ready! Hintayin mo na lang kami!” sagot ko bago ko ibaba ang telepono ko
Hindi na din ako nagtataka kung paano niya nakuha ang number ko dahilmay file nga pala ako sa kumpanya niya,
Sabay-sabay na kaming lumabas ng unit ko at dala ko ang bag na katerno ng gown na suot ko. Sumakay na kami sa elevator at pagbaba namin sa lobby ay nakita ko na nakatayo na doon si Lander habang nakapamulsa at naghihintay.
Nauna ng naglakad ang dalawang kasama ko ay nagpaalam na sila kay Lander kaya lumingon siya hanggang sa magtama ang paningin naming dalawa.
“Let’s go?” sabi ko sa kanya at nakita ko kung paano siya napalunok pero deadma lang naman ako
Tumango siya at inilahad ang kamay niya sa akin kaya tinanggap ko naman yun at inilagay niya iyon sa kanyang braso.Nasa harap ng building ang magarang kotse niya at agad niyang binuksan ang pinto para makasakay ako.
Umikot siya sa driver’s seat at matapos niyang ayusin ang seatbelt niya ay pinaandar na niya ang kotse.n
“Lander…” tawag ko sa kanya dahil gusto kong tanungin kung saan kami pupunta
“Hmmm…” he said habang nasa kalsada ang tingin niya
“Saan pala tayo pupunta?”
“May pupuntahan akong anniversary party.” sagot niya sa akin
“Nino?” tanong ko ulit sa kanya
“My friend. Wedding anniversary!” sagot niya ulit sa akin kay napataas ang kilay ko
Anniversary party ng kaibigan niya pero gusto niya pa akong kasama?
“ I thought business ang pupuntahan natin,” sabi ko pa dahil yun naman talaga ang pagkakaalam ko
“My life is around business, Blair! Hindi yan nawawala sa buhay ko kaya kahit saan ako magpunta, nandyan yan! At kailangan kita doon.” sagot niya sa akin
“Lander, sekretarya ang kailangan mo at hindi ako! Or do you expect me to do that for you too?” hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya kaya lumingon siya sa akin habang nakasimangot
“Kung sekretarya ang kailangan ko, wala ka dito, Blair!”
“So ano nga pala ang gagawin ko?” inis na tanong ko sa kanya
Sa totoo lang, ngayon ko lang ito naranasan dahil sa mga past work ko, nagmodelo lang talaga ako ng mga brands ng mga kumpanyang ito. May promotion naman din pero hid gaya nito na kailangan kong maging escort ng boss ko.
“Just stand beside me Blair! Kapag kinausap ka nila, answer them! Kapag tinanong kung sino ka, introduce yourself! Ganun lang ka-simple!” hindi ko mapigilang umikot ang mga mata ko sa sinabi ni Lander dahil parang ang bobo ko namang tao sa paraan ng pagsagot niya sa akin
Nanahimik na lang ako dahil ayoko namang makipagtalo sa kanya lalo na at boss ko pa ri siya.
Nakarating kami sa isang malaking bahay na nasa loob ng isang exclusive subdivision at madami na ding sasakyan ang nandoon pagdating namin. Naunang bumaba si Lander at sumunod na ako dahil nakakahiya naman kung pagbubuksan niya pa ako ng pinto.
“Why don’t you wait for me bago ka bumaba?” sabi sa akin ni Lander pero nagkibit balikat na lang ako kaya nakatanggap ako ng irap mula sa kanya
He offered his hand at humawak na lang ako sa braso niya gaya kanina. Hindi naman niya ako girlfriend para magholding hands kami ano.
Pumasok kami sa loob at nakita ko pa kung paano magbulungan ang mga tao sa paligid nung makita nila na magkasama kami ni Lander.
“Lander!” sabi ng isang lalaki na naka-suit at agad yumakap dito ang boss ko
“Happy anniversary, brother!” sabi nito at pagkatapos ay yumakap naman siya sa babaeng katabi nito
Ang ganda niya! Very elegant and classy!
Lumapit si Lander sa akin and snaked her hands around my waist saka ako inakay palapit sa mga taong binati niya kanina.
“By the way….”
“Oh my God! Maegan Blair Thompson!” sabi ng babae sa akin at kulangna nga lang magtatalon ito sa tuwa
“Siya yung model right?” sabi pa ng isang babae na kausap din nila
“She is so beautiful! Kung ano siya sa TV and Print, ganun din sa personal! Her beauty is natural!” sabi pa ng isa
“Guys, before you get excited, ipapakilala ko muna ang magandang dalagang kasama ko, okay!” ngumiti si Lander at ito ang unang beses na nakita ko siya na ngumiti
He does look good, lalo kapag nakangiti siya!
“She is Maegan Blair Thompson, ang bagong brand ambassador ng Vegafracia Inc., Blair, this is. Thomas Aquino Yap, and his wife, Leila, fifth wedding anniversary nila ngayon!” pakilala sa akin ni Lander at ngumiti naman ako sa mag-asawa
I extended my hands to them at binati ko sila out of courtesy pero itong si Leila, niyakap pa niya ako at hinayaan ko lang naman siya.
“Can we take a picture, Miss Maegan! I mean, idol na idol kita! I always look up for new news in your life and follower mo din ako sa mga socials mo!” pinakita pa niya sa akin ang phone niya kaya at nakita ko nga na follower ko siya
“Of course! And please just call me Maegan!” sabi ko naman dito
Inabot ni Leila ang phone niya sa asawa niya at inutusan siyang kuhanan kai ng picture at ipinasa naman ito ni Thomas kay Lander at inutusan itong kuhaan kami ng picture.
May mga nagpapicture pa at hindi naman nagtagal ay masaya ko ng kausap si Leila at panay na ang kwentuhan namin habang may hawak kaming wine.
“For sure maiinggit ang mga kasamahan ko sa trabaho kapag nakita nila ang post ko!” sabi nito dahil agad na pala niyang pinost sa social media ang picture namin
Napalingon ako kay Lander at busy naman ito sa pakikipag-usap isang grupo ng kalalakihan and she is sure na mga negosyante din ang mga ito.
Hindi yata invited ang kambal ko?
Well for now, mainam na yung hindi nila alam pero alam ko naman na kailangan ko ding sabihin sa pamilya ko ito dahil hindi ko naman ito maitatago sa kanila.
Nakaramdam ako ng gutom dahil hindi naman ako nag dinner at eto namang kasama ko ay wala yatang balak kumain dahil panay na ang inom niya ng alak at kwentuhan sa mga kausap niya.
Naghanap ako ng buffet table at nakita ko naman na nasa dulo ito kaya nagpaalam muna ako kay Leila na pupunta lang ako sa restroom. Busy naman si Lander kaya hindi na niya siguro mapapansin na wala ako.
Gutom na talaga ako at hindi naman ako mabubuso sa wine!
Nagpunta muna ako sa restroom at pagbalik ko ay sa buffet table na ako nagpunta. Madami namang nakahain na pagkain kaya lalo tuloy kumalam ang tiyan ko. Nilingon ko pa si Lander at habang hindi pa niya napapansin na wala ako ay kumuha na ako ng plato and helped myself with the food.
Nung makakuha na ako ay lumabas ako sa gawing garden at may nakita akong parang cabana sa gawin gilid kaya doon na ako pumwesto. Mukhang wala naman balak kumain si Lander eh!
I started to eat and of course, masarap ang pagkain lalo na at sikat na caterer ang kinuha nila Thomas and Leila for the occasion. Pakiramdam ko nga patay-gutom ako dahil ang dami kong kinuha na pagkain pero dahil gutom talaga ako.
Isa pa, kahit na malakas akong kumain ay hindi naman ako tabain lalo na at nagwo-work out naman din ako.
Sa sobran engrossed ko sa pagkain ay hindi ko namalayan ang isang pares ng paa na papalapit sa pwesto ko. At nagulat na lang ako nung maupo sa harap mo si Lander na as usual, salubong na naman ang kilay.
Nalunok ko tuloy agad ang pagkain sa bibig ko at buti na lang, hindi ako nabilaukan!
LanderTurkish Language used, English Translation providedMasaya akong nakatingin sa aking mag-ina habang nasa dalampasigan sila ng isla na naging bakasyunan na namin pag may pagkakataon. Nakaupo kami ng mga kaibigan ko sa den at ito ang unang beses na nakarating sila dito sa lugar na ito.Declan is already three years old at buntis na ulit ang aking asawa sa pangalawang anak namin. Dalawang buwan pa lang ang tiyan niya kaya naman hindi pa kami nagpaa-ultrasound pero sana, totoo ang kutob ko na kambal na ang anak naming dalawa.Yun talaga ang gusto ko but of course, kung hindi naman mangyayari yun, wala namang problema yun sa aming mag-asawa.“Kardeşim çok mutlu, değil mi?” ani Hakan kaya napalingon naman ako sa kanya(My brother is so happy, huh?) “Ben kardeşim! Teşekkürler! Sen de evlenmelisin!” biro ko sa pinsan ko kaya napailing naman siya(I am brother! Thanks! You should get married too!)“Ben gruba evliyim Ferit! Sanki bilmiyorsun!” sagot niya sa akin at totoo naman din yun(
MaeganApat na buwan na ang tiyan ko at naging maayos naman ang aking paglilihi sa panganay namin ni Lander. Hindi ko lang alam kung okay sa kanya dahil noong panahon na iyon, ayaw na ayaw ko siyang nakikita. Naiirita ako sa mukha niya kaya naman minsan, sa guest room siya natutulog para hindi ko siya nakikita.And he have been patient with me at hindi naman siya nagrereklamo. At ngayong tapos na nga ang paglilihi ko, nakatulog na ulit ang asawa ko sa kwarto namin.And that is when I realized na sobrang miss na miss ko siya. “Sweetheart, makakasama ka ba sa check-up ko bukas?” tanong ko habang nakahiga na kami sa kwartoNakayakap ako sa kanya habang panay ang halik niya sa noo ko while caressing my small tummy.“Oo naman! Hindi naman pwedeng wala ako doon!” he said kaya lalo akong sumiksik sa kanya“After that, we can go at the site para makita mo na din yung bagong bahay natin!” he said kaya naman nakaramdam ako ng excitementif ever kasi, that will be the first time na makikita ko
LanderHindi ako makapaniwala sa magandang balita na natanggap namin ng asawa ko ngayong araw na ito.She is pregnant! Buntis na ang asawa ko at magiging Daddy na ako!Of course, inaasahan ko na ito but I wasn’t expecting it to be this soon. Lumabas kasi sa ultrasound that my wife is two weeks pregnant! So ibig sabihin, buntis na siya nung ikasal kami and we don’t kniw about it!Blair was crying at ganun din naman ako pati na ang parents niya. Hindi talaga namin inaasahan ang magandang balita na ito and for me, this is her best gift for me! After her check-up ay umuwi na kami sa bahay ko at hindi ko pa sinasabi sa kanya na nagsisimula na ang construction ng bagong tahanan namin. Malaking pamilya ang gusto ko kaya naman malaking bahay din ang balak kong ipatayo. Mahirap ang walang kapatid kaya naman gusto ko sana magkaroon ng maraming anak para naman pag lumaki na ang mga anak ko, may masasandalan sila dahil may mga kapatid sila.At mas lalo kong gustong ingatan ang asawa ko dahil di
MaeganOur stay at the Turks and Caicos was indeed fun and memorable at kahit papano, nagshare naman ako ng mga pictures namin ni Lander sa group chat naming magkakababata pati na din sa social media accounts ko para naman makita din ito ng mga followers ko.Sa trip ko na nga lang nabasa ang mga comments ng mga followers ko nung nag post ako ng picture ng aking kamay na kung saan makikita na nakasuot na sa akin ang wedding ring namin ni Lander.At siyempre pa, gumawa naman ako ng message para magpasalamat sa kanila para sa mga pagbati nila at para na din sa patuloy nilang pagsuporta sa akin. Ayaw pa sanang umuwi ni Lander and he wants to extend our trip but then may kailangan siyang asikasuhin sa kumpanya so we had no choice but to go back.Kailangan ko na din kasing ayusin ang mga gamit ko sa unit para sa paglipat ko sa bahay ni Lander.Sinundo kami ng driver nila sa airport at habang nasa daan kami ay panay na ang tawag ni Lander sa mga tao na nasa kumpanya niya.Kaya naman naisip
MaeganNaramdaman ko ang paghawak ni Lander sa kamay ko habang nagsisimula ang seremonyad ng aming kasal.Hanggang ngayon, malakas ang tibok ng aking puso ko and it was l due to mixed emotions na pumupuno sa aking puso.And now that Lander is holding my hand, masasabi ko na totoo na ito! I am already getting married at magsisimula na ako ng panibagong buhay kasama ang tanging lalake na minahal ko eversince.Sabi nga ni Hya, our lovestory is a mixture of both pain and happiness. Hindi naging madali ang lahat para sa amin but here we are, ready to open a new chapter of our lovestory.The priest asked us to stand up para ipahayag ang pagmamahal at vows namin ni Lander sa isa’t-isa.Pinauna ni Father Victorio si Lander at tumikhim pa ito bago niya basahin ang hinanda niyang wedding vow para sa akin.“Sweetheart, first of all, I wanted to thank you for accepting me to be your husband and companion in this life! Mahal na mahal kita and I will never stop loving you, my sweet Blair! The inte
LanderTurkish Language used, English Translation provided.This is the big day! Ang kasal na pinakahihintay ko at syempre, ng magiging asawa ko na si Maegan Blair Thompson.Nakahanda na kaming magpunta sa simbahan at napagkasunduan namin na sasama sila sa simbahan dahil gusto nilang masaksihan ang araw ng kasal ko. Pwede naman ito sa Islam huwag lang silang magparticipate sa mga gawain na considered Haram.“Tebrikler sevgili kuzenim! İşte bu!” masayang sabi ni Hakan sabay yakap sa akin(Congratulations, my dear cousin! This is it!)“Sağol! İyi ki buradasınız!” sagot ko naman sa pinsan ko(Thanks! It's a good thing that you guys are here!) Kung tutuusin, malaki ang utang na loob ko kay Hakan dahil noong panahon na hindi ko pa malapitan si Blair, siya ang palaging nagbabantay dito. Making it sure that my girl is safe against our enemies.Palagi din siyang nasa tabi ko bilang underboss ko at mas inuuna niya, higit sa lahat, ang kalistasan ko kaysa sa sariling buhay niya. “Elbette! A