📖 Chapter 146 – Calista’s Pregnancy Journey (Part 1)(Calista’s POV)Simula nang makumpirma ng doktor na buntis ako, parang biglang nag-iba ang mundo ko. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kabigat at kagaan ang pakiramdam ko nang sabay. Mabigat, kasi alam kong mag-isa kong haharapin ang lahat ng ito, kahit na sa kaloob-looban ko, gusto kong kasama si Levi sa bawat hakbang. Pero magaan din, kasi sa unang pagkakataon, may buhay na umaasa sa akin — isang inosenteng nilalang na bunga ng pagmamahalan na kahit sandali lang, naging totoo."Anak, dahan-dahan lang," sabi ni Mama habang inaakay ako palabas ng kwarto ko papunta sa kusina. Napansin niyang parang nanghihina ako at madalas akong sumasama ang pakiramdam tuwing umaga.Huminga ako nang malalim at ngumiti kahit pilit. "Mama, kaya ko po. Buntis lang ako, hindi naman ako may sakit."Ngunit hindi rin niya maitago ang pag-aalala. "Iba kasi ngayon, Calista. Hindi ka na lang nag-iisa. M
Chapter 145Pagkababa nila mula sa sasakyan ay mahigpit ang hawak ng mommy ni Calista sa kaniyang kamay. Tahimik silang pumasok sa loob ng bahay, kapwa ramdam ang bigat ng kani-kanilang iniisip. Si Calista, hindi pa rin lubos na makapaniwala sa narinig mula sa doktor."Positive nga po sa pregnancy test at confirmed din sa ultrasound. Six weeks pregnant na po kayo, Miss Calista," malinaw pa ring bumabalik sa isip niya ang bawat salitang binitawan ng doktor. Nakaukit iyon sa kaniyang pandinig, parang paulit-ulit na pinapaalala na may buhay na nag-uumpisang mabuo sa loob niya.Pagkapasok nila sa sala, agad siyang naupo sa sofa. Halatang namumutla siya at nanginginig pa ang mga daliri. Umupo naman ang mommy niya sa tabi niya, marahang hinaplos ang likod niya.“Anak…” mahinang sambit nito. “Sigurado ka ba na kaya mong harapin ’to? Alam kong hindi pa malinaw sa’yo lahat, pero huwag mong isipin na mag-isa ka lang.”Napayuko si Calista, pinipigil
Chapter 144Levi’s POVMabilis ang naging pag-ikot ng mga araw. Sa dami ng meetings, projects, at papeles na kailangang ayusin sa kompanya, halos hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Madalas akong umuuwi ng gabi, pagod at halos wala nang lakas para makipag-usap man lang kay Princess.Minsan, pagdating ko sa mansion, tulog na siya. At sa mga pagkakataong gising pa siya, napapansin kong may lungkot sa mga mata ng anak ko, pero wala akong magawa kundi bigyan siya ng maikling halik sa noo at sabihing, “Good night, Princess.”Ramdam ko ang unti-unting lumalayo ang loob niya sa akin. Hindi niya iyon sinasabi nang diretso, pero nakikita ko sa mga kilos niya—mas nagtatagal siya sa kwarto, mas madalas siyang kasama ni Elise kaysa sa akin.At oo, kahit ayaw kong aminin, parang may parte sa akin na mas pinipiling malunod sa trabaho kaysa harapin ang gulo ng emosyon ko ngayon. Sa tuwing makikita ko si Elise, pilit kong iniisip na siya ang kailangan ko, pero sa gabi, bago ako pumikit… si Ca
Chapter 143 Calista’s POV“Anak, ilang araw ka nang nahihilo. Hindi ba’t dapat nagpacheck-up ka na?” nag-aalalang sabi ni Mama habang nasa kusina kami. Nakatitig siya sa akin, halatang hindi mapakali.Napabuntong-hininga ako at umupo sa upuan. “Ma, siguro dahil sa pagod lang. Lagi kasi akong puyat, tapos dami pang iniisip.” Pilit kong iniwas ang tingin, ayokong mahalata niyang may kakaibang kaba sa dibdib ko.Pero hindi ako pinatahimik ni Mama. Lumapit siya at hinaplos ang buhok ko. “Calista, kilala kita. Hindi ka mahilig magreklamo pero ngayon nakikita ko… parang may iba. Huwag mong baliwalain.”Umiling ako. “Ma, okay lang ako, promise.” Pero habang sinasabi ko iyon, muling dumaloy ang biglaang hilo sa ulo ko. Napahawak ako sa mesa, at agad akong inalalayan ni Mama.“Diyos ko, anak! Tingnan mo na, oh! Hindi ‘yan simpleng pagod. Bukas, magpapa-check up tayo. Hindi ko na papayagan na ganyan ka lang.”Napakagat-labi ako. Totoo, ilang araw nang ganito—bigla na lang akong naduduwal sa um
Chapter 141Levi’s POVHindi ko na alam kung anong tama o mali kagabi. Ang alam ko lang, lasing ako—at sa bawat titig ko kay Elise, hindi siya si Elise. Sa mata ko, siya si Calista. Ang bawat dampi ng labi, ang bawat haplos ng kamay, ang bawat ungol at luha sa dilim… lahat iyon ay naging imahen ng babaeng iniwan ako.Pero ngayong paggising ko, ramdam ko ang bigat ng katotohanan. Nakahiga ako, hubo’t hubad, at nasa tabi ko si Elise. Mahimbing siyang natutulog, nakapulupot pa sa braso ko na para bang wala siyang pakialam kung ano ang naganap. Pero ako? Para akong pinipiga ang puso ko habang iniisip na hindi si Calista ang kasama ko kagabi.Napakagat ako sa labi, halos madurog ang kamao ko sa pagkuyom.“Damn it…” bulong ko sa sarili ko.Bakit ko hinayaan? Bakit ko pinayagan na bumigay ako? Oo, lasing ako—pero alam kong mali. At higit sa lahat, masakit isipin na kahit na buong gabi, katawan ni Elise ang kaharap ko, sa utak at puso ko ay si Calista pa rin ang nasa loob ko.Bumangon ako, ag
Chapter 141 Calista’s POVPagkababa namin ng eroplano sa U.S., malamig ang simoy ng hangin na agad dumampi sa balat ko. Para bang ibang mundo ang tinapak ko, ibang langit, ibang hangin. Dapat ba akong matuwa? Dapat ba akong masaya dahil natupad ko rin ang pangarap ng ina ko—na makarating kami rito? Pero sa bawat hakbang ko, ang puso ko ay tila naiwan sa Pilipinas… naiwan kay Levi at kay Princess."Anak, tara na," marahang wika ng mama ko habang inaayos ang suot niyang coat. Pinilit niyang ngumiti, pero bakas sa mata niya ang pag-aalala sa akin. Siguro, ramdam niya ang bigat ng bawat hinga ko.Napatingin ako sa paligid, sa mga taong nagmamadali, sa mga pamilya at magkasintahang nag-aalalayan. Ang ingay ng paligid, pero ang loob ko… katahimikan lang ang naririnig."Calista," tawag muli ni Mama. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil. "Alam kong mabigat para sa’yo na iniwan sila. Pero anak… kailangan mo ring alagaan ang sarili mo. Minsan, kahit gaano natin kamahal ang isang tao