Nanginginig ang mga kamay ko habang pilit kong hinahabol ang hininga ko. Nasa gilid ako ng tulay sa Ilog Pasig, hawak-hawak ang bakal na rehas na para bang 'yun lang ang natitirang matibay sa buhay ko.
Malalim ang gabi, pero gising na gising ang sakit sa dibdib ko. Ang lamig ng hangin—parang nanunusok—pero mas masakit pa rin 'yung pakiramdam ng pagiging walang silbi. “Putang ina naman o!” pasigaw kong bulalas. Tumingin ako sa langit na tila bang umaasa akong may sasagot. “Ano bang kasalanan ko?! Ha?! Bakit parang ako na lang palagi?!” Gusto kong humagulgol pero ayoko. Ayoko dahil baka isipin ng mga tao na mahina ako. Pero totoo niyan, ubos na ako. Ubos na ubos. Saka ko naramdaman ang pagtulo ng luha sa pisngi ko. Hindi ko na namalayan. Tahimik lang. Dumadaloy, kasabay ng hangin at ng ingay ng mga sasakyan sa malayo. Parang tinatawanan pa ako ng mundo. “Nagpakaalipin na ako sa trabaho… lahat ginawa ko… nilunok ko ang pride ko para lang makapagpadala ng pangbaon sa mga kapatid ko… para lang may kainin sila…” bulong ko, paos na ang boses. Humigpit ang hawak ko sa rehas. “Pero ano? Lagi na lang akong natatanggal. Palagi na lang ako mali. Palagi na lang nila akong sinasabihang 'may attitude problem.' Eh paano? Paano ko ba ipapakita na nahihirapan na ako?! Hindi ba pwedeng minsan, ako naman?! Ako naman ang intindihin?!” Humikbi ako ng tahimik. 'Yung tipong luha na lang ang gumagalaw, pero walang boses. Wala na rin kasi akong boses. Paulit-ulit ko na lang sinasabi sa sarili ko na kakayanin ko, pero hanggang kailan? “Wala naman akong ibang gustong mangyari kundi… mabuhay nang maayos. Maayos lang, sapat lang. Pero bakit parang lahat kinukuha niyo na sa’kin?” Napatigil ako. Tumahimik. Pinikit ko ang mga mata ko habang pinakikinggan ang tunog ng ilog sa ilalim ko. Tahimik. Parang 'yung mga dasal ko—walang sumasagot. Hinila ko ang sarili ko palayo sa rehas, sabay upo sa gilid ng bangketa. Inakap ko ang sarili ko dahil parang walang ibang kayang gumawa nun. At doon, sa ilalim ng dilim ng langit, pinakawalan ko ang sarili kong maging mahina. Wala nang pakialam kung marinig ako. Humagulhol ako—'yung hagulgol na walang tunog sa una, tapos biglang sasabog. “Pagod na ako…” Ang bulong ko, para sa sarili ko lang. Dahil tila ba sa mundong 'to, ako na lang ang kakampi ko. Gusto ko na talagang tumalon. Isang hakbang na lang. Isang iglap. Isang pindot sa kapalaran. Pero bigla akong napalingon nang may marinig akong boses. Matinis. Bata. Tila ba galing sa isang anghel na naligaw. "Are you going to jump there?" Napakapit ako sa rehas ng tulay. Nanlaki ang mga mata ko. At sa dilim ng gabi, sa ilalim ng malamlam na ilaw ng poste sa gilid ng kalsada, nakita ko ang isang batang babae. Maputi. Maayos ang suot. May ribbon pa sa buhok. Malinis. Maamo ang mukha, pero bakas din ang lungkot sa mga mata. Para siyang eksenang hinugot mula sa pelikula—pero totoo. Andoon siya. Nakatingin sa akin, tila ba may sariling dinadala. "Can I join you?" Napatawa ako. Hindi ko mapigilan. Hindi dahil natutuwa ako—pero dahil sobrang absurd. Isang bata, biglang sumulpot sa harap ko, at gusto raw tumalon din? "Ang bata mo pa, galit ka na sa mundo?" Napailing ako habang natatawa. "HAHAHAHAHAHA! At kung titingnan ka ha, hindi ka naman nahirapan sa pormahan mo. Mukha kang mayaman. Wala kang problema sa pera, unlike me. Ako? Baon na sa utang. Palaging natatanggal sa trabaho. Wala ng naniniwala sa’kin. Lahat ako na lang mali." Tahimik lang siya. Parang hinihintay lang akong matapos. Tapos, may bigla siyang sinabi na parang tinuhog ang puso ko. "You can't judge me by looking at my personality," sagot niya, kalmado pero buo ang boses. "My mom abandoned me and my dad. And my dad… he's always busy with work. I’m always alone. I celebrate my birthdays alone. I eat dinner with strangers—maids and guards. Our mansion? It’s like a prison. I hate the world. I hate the people around me." Napakurap ako. Hindi ko alam kung matatawa pa ba ako o maiiyak. "Ilang taon ka na ba at ganyan na kabigat yang hinanakit mo sa mundo?" tanong ko, kunot-noo. "I'm officially five years old." Sagot niya, parang proud pa. Pero bakas sa mga mata niya ang pagod—yung klase ng pagod na hindi dapat dinadala ng isang musmos. "Five years old ka pa lang?! Tapos ganyan ka na ka-mature magsalita?!" Halos mapamura ako sa gulat. Tumango lang siya, parang normal lang lahat 'yon. "Anong ginagawa mo rito sa ganitong oras ng gabi, ha?!" tanong ko ulit, medyo pasigaw na dahil hindi ako makapaniwala. "The wheel of Dad's car is broken. I leave him there when I saw and heard you shouting. I don't want to miss the opportunity. I want to jump too." Napatayo ako bigla. Tinakpan ko ang bibig ko. Hindi dahil ayoko siyang marinig—kundi dahil baka tuluyan akong maiyak. "Tang *ina ka bata…” bulong ko sabay iling. “Sino bang nagturo sa’yo ng mga ganyang bagay? Dapat nanonood ka pa ng Cocomelon sa YouTube ngayon, hindi nagpapaalam na tatalon sa tulay, g*go ka ba?" Hindi ko alam kung iiyak ako o tatakbo para yakapin siya. Pero ang alam ko, pareho kami—magkaibang mundo, magkaibang edad, pero parehong wasak. Parehong pagod. Tiningnan niya lang ako, tapos ngumiti ng konti—'yung pilit pero totoo. At doon ko naramdaman, hindi lang pala ako ang gustong sumuko ngayong gabi. May isa pa, limang taong gulang pa lang, pero ramdam na rin ang bigat ng mundong ito. Habang nakaupo pa rin ako sa bangketa, katabi ang batang si Princess na tila ba hindi naman bagay sa lugar na ito, bigla kaming nakarinig ng malalim, buong boses na sigaw mula sa di kalayuan. "Princess!" Sunod-sunod. Mas lumalakas habang papalapit. "Princess!" Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Si Princess naman, biglang napahawak sa laylayan ng blouse ko at mabilis na nagtago sa likuran ko. Ramdam ko pa ang panginginig niya habang nakayakap siya sa bewang ko. "It’s my dad," mahina niyang sabi. "Help me… then I can help you too… to find work." Napakunot ang noo ko. "Anong gagawin ko?" tanong ko, di sigurado kung anong klaseng tulong ang inaasahan ng limang taong gulang na batang ito mula sa isang tulad kong hindi nga makahanap ng matinong trabaho. "Make him realize that I left because I don’t want to see him anymore… because I don’t want to be a prisoner in that mansion anymore." Hindi ko alam kung maiinis ako o maaawa, pero sa isang banda, may naramdaman akong pamilyar—‘yung pakiramdam ng pagkakakulong sa isang mundong hindi mo pinili. At kung mabibigyan nga niya ako ng trabaho, eh… bakit hindi? Ilang segundo lang, at dumaan ang isang lalaking hindi mo pwedeng hindi mapansin. Matangkad. Matipuno ang katawan, parang batak sa gym pero classy. Maayos ang suot—dark blue tailored coat, white dress shirt na bahagyang bukas sa leeg, at branded na leather shoes. Ang buhok niya, dark brown na parang bagong trim lang. May five o’clock shadow na dagdag-lakas ng dating. Ang tindig niya, parang pag-aari niya ang buong mundo. Pero higit sa lahat, 'yung mukha niya—gwapong parang sa magazine cover. Jawline na kayang hiwain ang problema mo, mata na malamig at matalim, at 'yung kilay na laging parang galit kahit hindi naman. Siya na siguro ang tinutukoy ng mga tao kapag sinabing "bilyonaryong misteryosong gwapo na mailap." Huminto siya ilang hakbang mula sa amin. Tila nagulat sa nakita. "Princess… what are you doing? Why are you hiding at a stranger’s back?" Tinignan ko siya diretso sa mata. Tumaas ang kilay ko. Ayokong magpakabait sa taong tulad niya—isang amang hindi alam kung paano maging ama. "Tinatanong pa ba yan? Dahil sayo!" sagot ko agad, diretso, walang preno. "Anong klaseng magulang ka at hinayaan mong maglakad ang anak mo dito sa may Ilog Pasig ng ganitong oras? Paano kung may nangyari sa kaniya? Paano kung naaksidente siya o nadukot? Nag-iisip ka ba?" Napatitig siya sa akin. Kita ko ang bahagyang pagkiwal ng panga niya—pero wala akong pakialam. "Mas inuna mo pang tawagan yung mag-aayos ng gulong ng sasakyan mo kesa bantayan ang anak mo. Sa bahay, inuuna mo ang trabaho mo kaysa sa anak mo, 'di ba? Eh 'di ayan, naghanap siya ng taong kayang pakinggan siya." Nanlamig ang paligid sa katahimikan saglit bago siya sumagot. "Stop meddling," malamig niyang sambit. "Princess, let’s go home." Pero halos sabay rin ang sagot ng bata. "No." Mahinang boses, pero buo. Matapang. "Akin na siya ngayon," sagot ko, diretso. "Ayaw niya sayo, kaya sa akin na siya titira. Kahit hindi ko siya kaano-ano, mas kaya ko pa siyang alagaan. Nakakaawa yung bata na sa murang edad, marunong ng madurog, kasi ang amang dapat nasa tabi niya, mas piniling makipag-meeting kaysa makipagkulitan sa anak." "I said stop meddling!" sigaw niya, ngayon galit na ang boses. Dumagundong sa hangin. Parang sanay na siyang sinusunod. Pero hindi ako natitinag. Tumayo ako ng maayos, hinarap siya, at tinaasan ng boses ang sagot ko. "Paano ako titigil, eh gago ka eh!" Hindi ko na napigilan. "Kinakawawa mo 'tong bata! Bakit ba kasi pasok kayo ng pasok sa relasyon, tapos hindi niyo naman kayang panindigan ang bunga?! T*ngina niyo!" Nanlaki ang mata niya, pero tuloy ako. "Hindi porket marami kayong pera, okay na ang lahat! Hindi yaya ang kailangan ng anak mo—ikaw! Ikaw mismo! Pero pinili mong maging absent! Tapos ngayon magtataka ka kung bakit ayaw niyang umuwi sayo?!" Huminga ako ng malalim. Ang bata sa likod ko, ngayon ay mahigpit ang hawak sa kamay ko. At sa gabing ito, sa di ko inaasahang paraan, pareho kaming may gustong ipaglaban—kahit pa hindi namin alam kung saan ito hahantong.Chapter 101Calista POV"Are you okay, Calista?"Tanong iyon ni Levi habang marahan niyang isinara ang pintuan ng opisina niya. Nasa loob na kami ngayon, at si Princess ay abala sa pakikipagkuwentuhan sa secretary niya na si Daphne sa kabilang dulo ng silid.Hindi ko agad siya sinagot. Tila may bumabara sa lalamunan ko—hindi dahil sa galit, kundi sa dami ng tanong na bigla na lang sumiksik sa isipan ko mula nang biglang lumitaw ang babaeng iyon.Huminga ako nang malalim.Tiningnan ko siya sa mga mata. “Siya ba ang ina ni Princess?”Ramdam ko ang bigat ng katahimikan sa pagitan namin. Hindi agad siya sumagot. Ilang segundong tiningnan lang niya ako—parang sinusukat kung handa na ba akong marinig ang totoo.At sa dulo, tumango siya. Mabagal. Mabigat. “Oo.”Napapikit ako. Hindi dahil sa gulat—dahil kanina pa namumuo ang hinala ko. Kundi dahil sa kirot. Hindi ko maintindihan kung bakit pero… parang may humigpit sa dibdib
Author's Note: Welcome to Chapter 100!! malapit na Tayo sa ClimaxChapter 100 Calista POVSabado noon pero maaga pa lang ay umalis na si Levi para sa work. Sinabi niyang may kailangang tapusin sa opisina bago ang Lunes. Gusto ko sanang pigilan siya, sabihing magpahinga na lang, pero kilala ko siya — hindi siya mapakali kapag may hindi naaayos sa kompanya.Kaya naman naiwan kami ni Princess sa mansion. Habang nakahiga siya sa sofa at nanonood ng cartoons, naisip ko ang isang bagay na makakapagpasaya sa kanya… at baka pati na rin kay Levi.“Princess,” tawag ko habang nag-aayos ng gamit sa kusina, “Gusto mo bang dalhan natin si Daddy ng lunch?”Agad siyang tumalon sa pagkakaupo. “Yes please! Ako pipili ng drinks!”Napangiti ako. Siguro nga, maliit lang ito para kay Levi — pero alam kong sa dami ng iniisip niya, kahit simpleng pakita ng effort ay makakagaan sa loob niya. At higit pa roon, gusto ko ring makita ang mundo niya, hin
Chapter 99Levi POVNakatitig ako kay Rosela Navarro, ang babae sa harapan ko na ngayon ay tila muling binubuhay ang isang kasaysayan na dapat matagal nang isinara. Akala ko, ang dahilan ng pag-uusap na ito ay para sa pagbawi niya kay Calista—para humingi ng tawad, para muling buuin ang pagkakabuo ng isang relasyong nawala. Pero hindi. Hindi ganun kasimple.“Pumili ka sa kanila, Levi,” mahinahon ngunit mariing sabi niya.Napakunot ang noo ko. “What do you mean?”Tumayo siya mula sa pagkakaupo, marahang naglakad papunta sa bintana habang hawak ang isang tasa ng tsaa. Mula roon, tanaw ang malawak nilang bakuran—isang tahimik na lugar na tila malayo sa gulo ng mundo, pero sa sandaling ito ay nagsisilbing saksi sa isang tanong na kay bigat dalhin.“You need to choose between my daughter Elise and Calista,” sabi niya, diretsong tumitig sa akin. “Hindi pwedeng silang dalawa ang piliin mo. Isipin mong mabuti dahil si Elise pa rin ang ina ni
Chapter 98Levi POVTahimik ang paligid habang nakaupo ako sa terrace ng opisina, hawak ang tasa ng kape na kanina pa nanlalamig. Sa harap ko ay ang tablet, bukas sa isang confidential report na pinapaverify ko kay Daphne — at sa mismong gitna ng screen ay nakalagay ang pangalan:Rosela Araceli Navarro– mother of Elise Navarro. Grandmother of Princess. At... biological mother ni Calista.Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Paulit-ulit lang na gumugulong sa isipan ko ang katotohanang hindi ko inaasahan.Ang inang hinahanap-hanap ni Calista, ang babae sa likod ng sakit at tanong niya sa pagkatao… ay siya ring lola ni Princess.Hindi ito coincidence.Hindi ito biro ng tadhana.Isa itong sumpa ng katotohanan na hindi ko alam kung paano ko ihaharap kay Calista.Kanina, matapos ang pag-alis ni Daphne, hindi ko na kinaya ang pagdududa. Tinawagan ko ang isang private investigator na matagal ko nang ka
Chapter 97Levi POVPagkauwi namin mula sa hindi inaasahang pagkakadismaya, ramdam kong tahimik at mabigat ang paligid sa loob ng sasakyan. Si Calista, nakatanaw lang sa bintana habang yakap ni Princess ang kanyang braso. Gusto kong sabihin na ayos lang, na hindi pa tapos ang paghahanap, pero alam kong mas makabubuting hayaan ko muna siyang mapag-isa sa mga iniisip niya.Pagdating sa mansion, tahimik pa rin siya. Tumango lang nang magpaalam ako papunta sa office. Hindi na ako nagpilit magsalita. Alam ko—may kanya-kanyang paraan ang tao para maghilom, at kailangan ko ring bigyan ng espasyo si Calista para buuin ang sarili niya sa gitna ng lahat ng natuklasan niya.Sa opisina, sinalubong agad ako ni Daphne.“Sir, ang daming backlog ng documents from last week, pero inayos ko na po ‘yung priority folders,” bungad niya habang sinasabayan ako sa elevator.“Thanks, Daphne. Ako na ang bahala sa mga urgent.”Pagpasok ko sa office, tu
Chapter 96Calista POVKinabukasan, maaga akong nagising. Mahapdi pa rin ang mata ko sa kakaiyak kagabi. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ng ama ko — na anak ako sa labas, at hindi pala ako tunay na anak ni Mama. Sa bawat pagdilat ko, parang totoo pa rin ang sakit. Pero ngayon, may iba nang kasama ang sakit na ‘yon: determinasyon.Pagbaba ko mula sa kwarto, nadatnan ko si Levi sa garden, nakaayos na, hawak ang laptop habang may hawak na tasa ng kape. Tahimik siyang nagbabasa ng kung ano’t pinapabayaan lang ang ihip ng hangin na pagpagaanin ang paligid. Napansin niya akong paparating at agad siyang tumayo.“Good morning,” mahinang bati niya.“Morning,” sagot ko, halos pabulong. Umupo ako sa tabi niya at sandaling natahimik.“Ano ‘yan?” tanong ko habang pasimpleng sumilip sa laptop niya.“Background check,” sagot niya. “Nag-search ako kay Rosela Navarro.”Napatingin ako sa kaniya, nagulat. “Ginagawa mo ‘y