Hinawakan ko ang kamay ng bata—mahigpit. Parang ayaw niyang bumitaw. Parang ako na lang ang tanging kakampi niya sa mundong hindi niya maintindihan.
Pero bigla na lang—may isa pang kamay na pumulupot sa kabilang braso niya. Matigas. Mainit. May kapangyarihan. “Akin siya.” bulalas ko habang bahagyang hinahatak si Princess palayo. “Anak ko siya,” sagot ng lalaki, malamig ang tono pero bakas sa mukha ang tensyon. Parang isang lobo na handang sumabog sa kahit konting tusok ng karayom. “Ayaw niya sayo!” balik ko agad, kahit hindi ko alam kung saan ko kinukuha ang lakas ng loob. Basta alam ko lang—ayaw ng batang ‘to sa kanya. “She doesn’t hate me!” sigaw ng lalaki. Napahigpit ang hawak niya sa anak niya. Kami, parang nasa eksena ng pelikula. Pero walang kamera, walang script. Lahat to, totoo. Naghihilahan kami, si Princess ang gitna. Para siyang laruan na pinag-aagawan ng dalawang taong parehong sugatan. Hanggang sa… “STOP!” Boses ng bata ang sumigaw. Malakas. Umi-echo sa ilog. Napabitaw kami pareho. Napaatras. Napatahimik. Huminga ng malalim si Princess. Tapos nagsalita siya sa wikang mas malalim pa sa edad niya. “I really hated you,” ani niya, nakatingin sa lalaki. “And I almost wanted to jump at this bridge.” Napatigil ako. Pati ‘yung lalaki, hindi na nakakilos. Parang binuhusan ng malamig na tubig. “But this woman… she wanted to jump too. I heard her crying. I heard her screaming. And I saw it in her eyes—that her pain is heavier than mine. That made me think… maybe my problem isn’t as big.” Tumulo ang luha sa pisngi ni Princess. Pinunasan niya agad, pero hindi niya na kayang pigilan ang mga sumunod. “I like how she talks. She’s sarcastic. She’s funny. She’s honest. And she’s the only one who stood up for me.” Lumunok ang lalaki. Wala siyang masabi. “If you’re wondering why I say these things,” patuloy ni Princess, “why I act like this even if I’m just five… it’s because of you. Because you left me alone. Because you chose your work over me. Because you forgot… that I exist.” Tahimik. Wala kang maririnig kundi langitngit ng mga gulong sa malayo at ihip ng hangin. Lumingon siya sa akin, umiiyak pero matatag. “I want her to be my nanny,” sabay hawak ulit sa kamay ko. “Can you hire her?” Napatingin ako sa kanya, tulala. “Ha? Ako?” muntik ko nang matawa sa gitna ng bigat ng eksena. “Sigurado ka ba, bata?” Ngunit tumango siya. “At least this time… maybe you’ll make a better choice for me.” Huminga ako ng malalim. Lumingon sa lalaki. “O, lalaki… anong sagot mo?” sagot ko sa tono ng isang taong hindi mapapahiya. “Baka naman ito na ‘yung tamang desisyon na hindi mo nagawa sa sarili mong anak.” “I don’t like her.” Diretsong sabi ng lalaki. Walang pakialam kung marinig ko man o masaktan ako. Parang may malamig na yelo na sinubo ko bigla. Alam kong hindi ako perpekto, pero sana man lang… hindi sa harap ng bata. “But I do like her!” sagot ni Princess, sabay hawak ulit sa kamay ko. “And also, she’s my nanny, Daddy. Not yours!” Mapait akong napangiti. Aba, ang tapang talaga ng batang ‘to. Mas matapang pa minsan sa akin. Gusto ko mang matawa, hindi puwedeng sirain ang moment. Kaya diretso lang ako. “Tangina, huwag mo na akong ipilit sa animal na ‘to,” sagot ko habang tinitingnan nang masama ang lalaki. “Alam mo, pwede naman kitang bisitahin sa mansion niyo kung gusto mo talaga, dalhin ko pa mga kapatid ko para may kalaro ka, bata.” Tumitig lang ang lalaki. Para siyang bulkan na hindi mo alam kung puputok o mapipigil. Pero nagsalita ulit siya, malamig at mapangmata: “Look at how she talks, Princess. And her attitude? Ugaling kalye. That’s why I don’t like her.” Parang may gumuhit na blade sa dibdib ko. Alam kong hindi ako kasing kinis magsalita gaya ng mga sekretarya niya, pero wala siyang karapatang husgahan ako dahil lang sa pinanggalingan ko. Pero bago pa ako makabuga ng mura ulit, nagsalita si Princess. Malumanay, pero matalim. “I’d rather have someone with street attitude than someone like you… who never has time for me.” Nakakaawa talaga Ang batang gaya niya, yung tibong galing mayaman nga pero hindi pa rin ramdam Ang presensya ng magulang. Kulang pa rin para sa kanila Ang mga materyal na natatanggal nila. Tumatak pa sa isip ko yung sinabi niyang "I want presence, not present" dito talaga mapapatunayan na hindi mabibili ng pera ang kasayahan ng tao. Na hindi porket maraman ka, marami kang Pera, nakahiga ka sa malambot na kotsun at Masaya ka na. Pumiyok ang boses niya sa huli. Napalunok siya. Huminga ng malalim—para bang pinipigil ang lahat ng gustong sumabog. “You’re always working. You don’t see me. You don’t hear me. You think money is enough, but I want something else. I want presence, not presents. She was there for me—kahit hindi pa niya ako kilala.” Napatingin ako sa bata. Diyos ko. Ang sakit pakinggan ng mga salitang ‘yon galing sa batang limang taon pa lang. Parang gusto ko siyang yakapin at sabihing, "Oo, andito lang ako. Kahit hindi kita kadugo." Anong klaseng magulang ang lalaking ito, at lumaki ang bata na hindi masayahin. I mean hindi ko expect na ang 5 years old na bata ay may dinadala na palang ganiyang problema sa buhay. Napag iiwanan na ba ako ng mundo dahil hindi ko alam na mas matured pala yung mga batang hinahayaan kaysa yung laging inaalalagaan? Na mas matured pala ang batang mayayaman dahil sa environment na binibilangan nila? Tahimik si lalaki. Halatang hindi niya alam ang isasagot. Tiningnan niya ako—mula ulo hanggang paa, parang sinusukat kung karapat-dapat ba talaga ako sa anak niya. Ngumisi ako. “Ano? Basic lang naman ‘to. Yaya lang ‘di ba?” sabay kaway-kaway ng kamay ko na parang binabalewala ang galit niya. “But you don’t understand—” umpisa pa niya. “Ang alam ko lang, ayaw sa’yo ng anak mo ngayon. At gusto niya ako.” sabay taas ng kilay ko. “And maybe,” dagdag ko habang yumuko para damputin ang maliit na backpack ng bata, “just maybe… kung wala kang oras para sa anak mo, ibang tao ang pupuno n’on. At kung hindi ikaw ‘yon, edi ako.” “Come with us. I’ll let you sign a contract at home, and you're hired at the mansion.” Ang bilis. Literal na parang isang business pitch lang ang sinabi ng lalaking 'to. Akala mo CEO lang ng feelings ng anak niya. Halata talaga kung anong mundo ang kinabibilangan niya—lahat pwedeng i-negotiate, lahat pwedeng idaan sa papel at pirma. Napakunot ang noo ko habang nakatitig sa kaniya. “Contract agad?” ulit ko, halos hindi makapaniwala. “Ang bilis naman. Wala pa nga akong limang minutong yaya ng anak mo, may pa-contract ka na sa mansion niyo?” Napangisi ako, may halong sarkasmo ang tono. “Halata talagang magaling ka sa business… pero hindi sa pag-aalaga ng bata.” Boom. Sabog. Hindi ko mapigilan bibig ko. Ewan ko ba. Minsan mas mabilis pa 'to sa utak ko. Kahit hindi ko tiningnan, ramdam ko ang bahagyang pagngitngit ng panga niya. Yung tipong sinasara niya 'yung bibig niya para hindi ako murahin pabalik. Pero hindi siya nagsalita. Tahimik. Mas okay nga. Baka masabihan ko pa siya ng “gunggong” kung magreply siya. Bigla namang hinila ni Princess ang kamay ko. Maliit pero mahigpit ang pagkakahawak niya, parang takot na baka hindi ako sumama. “Come on, yaya. Let’s go before he changes his mind,” sabi niya habang nakangiti. Pero may kirot sa ngiti niyang 'yon—parang pinipilit maging masaya, pero pagod na sa sakit. Sumama ako. Wala akong karapatang tanggihan 'yung batang halatang ngayon lang nakaramdam ng may kakampi siya. Kahit pa napaka-imposible ng sitwasyon, kahit pa parang napaka-weird na ng lahat. Sa bawat hakbang palayo sa ilog, nararamdaman ko sa likod namin ang presensya ng lalaki. Hindi siya nagsasalita, pero ramdam mo ang bigat ng tingin niya. Parang siniscan niya ako mula batok hanggang talampakan. Siguro iniisip kung tama ba ang desisyong ito, o kung siya mismo ay sinisiraan ng bait. Nang marating namin ang kotse—isang itim na high-end SUV na mas malaki pa sa kwarto naming magkakapatid—kusang bumukas ang pintuan. Halatang automatic, halatang mayaman. Pucha. Pati pinto, mas may diskarte pa kaysa sa dating boss ko sa McDo. “You’ll sit beside me, yaya.” Sabay hila ulit ni Princess sa akin. “So I can watch cartoons with you habang pauwi.” Natawa ako ng bahagya. “Cartoons agad? Akala ko gusto mong tumalon kanina?” “Dahil sa’yo, hindi na. Kasi gusto ko nang makita ang happy ending ko,” sagot niya habang sumasakay sa loob. Ay, gago. Tinamaan ako n'on. Gusto kong umiyak pero nilunok ko. Hindi puwedeng makita ng batang ‘to na umiiyak ang una niyang kakampi. Sumakay na rin ako. Habang papasok, naramdaman ko ang tingin ng lalaki. Hindi ko siya tiningnan. Baka magkapikunan lang kami ulit. Pero sa isip ko, habang humahampas ang malamig na hangin mula sa aircon ng sasakyan sa mukha ko: Tangina. Pumirma ka sa desisyong ‘to, Calista. Bahala na si Batman. Author's Note:. Thank you po sa walang sawang pagbabasa. Huwag po kayong mahihiyang maglapag ng opinyon niyo tungkol sa story para naman may mabago ako, sa mga typos ko. Thank you!!Chapter 161Calista’s POVMainit. Mabigat. Parang nilulunod ako ng sariling katawan habang pilit kong binubuksan ang mga mata ko. May mahinang tunog na umaalingawngaw sa paligid—mga makina, mga beep, at ang malamig na hangin ng aircon. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at sinalubong ako ng maputing kisame. Saglit akong naguluhan.Nasaan ako?Nilingon ko ang paligid—pader na puti, kurtinang asul, at malamig na amoy ng alcohol. Hospital… bulong ko sa isip ko. Mabilis akong kinabahan. Biglang bumalik sa isip ko ang huling naramdaman ko—ang matinding sakit sa tiyan, ang kirot na halos ikahiyaw ko ng malakas.Agad kong tinutop ang tiyan ko. “Baby…” halos hindi lumabas ang boses ko, paos at mahina. “Nasaan… nasaan ang anak ko?”Mabilis na bumukas ang pinto, at dumating ang Mama ko. Hawak niya ang kamay ko, mabilis na lumapit. “Anak! Thank God, you’re awake.”Nanlalabo ang mata ko, hindi ko alam kung dahil sa luha o dahil sa
Chapter 160Pagkababa pa lang ni Levi sa kotse at makapasok sa bahay ay sinalubong agad siya ng malamig na boses ni Elise. Nakatayo ito sa may sala, nakapamewang, at matalim ang tingin sa kanya na para bang alam na alam nito ang pinagmulan niya.“Saan ka galing?” tanong ni Elise, diretsahan, walang pasakalye.Natigilan si Levi. Hindi niya agad masagot. Ramdam niya ang bigat ng katawan niya mula sa mahaba at pagod na biyahe, ngunit higit pa roon, ang bigat ng konsensya at emosyon na iniuwi niya mula America. Napahilot siya sa sentido, saka marahang bumuntong-hininga.“Elise…” tanging nasabi niya, ngunit agad siyang pinutol ng babae.“Don’t ‘Elise’ me, Levi!” mariing saad nito, lumapit pa sa kanya. “Alam ko kung saan ka nanggaling. Don’t even try to deny it. Your eyes, your face—hindi mo kaya itago sa akin. Pumunta ka sa America, hindi ba? Hinanap mo si Calista.”Nanlamig ang buong katawan ni Levi. Hindi na niya kailangang magtaka
Chapter 159“Elise,” mahina kong sambit, pero mariin, “nasa ospital kanina si Levi.”Nagtagal ang katahimikan. Ramdam ko ang pagkabigla niya kahit hindi ko siya nakikita.“What?!” halos pasigaw niyang tugon. “Anong ginagawa niya diyan?”Huminga ako nang malalim. “Pumunta siya dito sa America. Hinanap niya ang ospital kung nasaan si Calista. At… nakita ko siyang nakaupo sa tabi ng kama ng anak ko.” Napakagat ako ng labi, pinipigilang lumuha. “Pero pinaalis ko siya. Sinabihan ko siyang bumalik na sa Pilipinas bago pa magising si Calista.”Narinig ko ang mahabang buntong-hininga ni Elise sa kabilang linya, kasunod ang mariing boses na puno ng galit. “Dapat lang! He doesn’t deserve to be there. Hindi niya karapat-dapat makita si Calista pagkatapos ng lahat.”Tahimik lang ako sandali. May parte sa akin na sumasang-ayon kay Elise, pero may parte rin na nakakaunawa sa pinanggagalingan ni Levi. Nais kong protektahan si Calista, pero ramd
Chapter 158Halos hindi naramdaman ni Levi ang bigat ng katawan niya habang naglalakad palabas ng ospital. Ang bawat hakbang ay parang may humihila pabalik, ngunit wala siyang nagawa kundi sundin ang sinabi ng ina ni Calista. Hindi niya makakayang masilayan na magising si Calista at siya ang unang makikita nito—hindi pa siya handa, at alam niyang hindi rin handa si Calista.Mabigat ang dibdib niya habang sumakay ng taxi patungo sa airport. Ang mga mata niya, tila wala sa paligid, palaging bumabalik sa imahe ni Calista na nakahiga, walang malay, habang pinagmamasdan niya ito kanina. Ang mga salitang binitawan ng ina nito ay paulit-ulit na umuukit sa isip niya.“Kung mahal mo ang anak ko, umalis ka.”“Hindi pa siya handang makita ka.”Pero paano? Paano siya lalayo kung ang puso niya ay naiwan doon, sa silid na iyon, sa kamay ni Calista na hindi niya man lang mahigpit na nahawakan?Nasa loob na siya ng eroplano, nakaupo sa business class
Chapter 157Tahimik ang buong silid ng ospital, tanging mahinang tunog ng makina at banayad na hinga ni Calista ang maririnig. Nakahiga pa rin ito, walang malay, maputla, ngunit maayos ang lagay ayon sa mga doktor. Sa tabi ng kama, nakaupo si Levi—nakahawak sa malamig na kamay ni Calista, tila ba may takot na kapag binitawan niya ay mawawala itong muli.Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang naroon, nakatitig sa mukha ng babaeng minsan niyang pinabayaan, pero ngayon, siya lamang ang iniisip niya.“Anong ginagawa mo dito?”Napalingon si Levi. Naroon ang ina ni Calista, nakatayo sa bungad ng pinto, malamig ang boses at matalim ang mga mata.“M-Ma’am,” bigkas ni Levi, mabilis na tumayo bilang paggalang.Pero hindi naitago ng babae ang galit at pagtataka. Lumapit ito, nakapamewang, at diretsong tiningnan si Levi.“Bakit ka sumunod dito sa America? At pati ospital kung nasaan ang anak ko, hinanap mo pa talaga?” tanong n
Chapter 156Levi’s POVThe moment Levi stormed out of his office, he knew he wouldn’t find peace until he confirmed Calista’s condition with his own eyes. No matter how Elise tried to stop him, no matter how many doubts clouded his mind, his instincts were clear—Calista was in danger.He drove fast, the city lights blurring past him as his grip tightened on the steering wheel. But when he reached the hospital where he thought Calista would be, he was met with confusion. The staff at the reception desk politely told him:“Sir, we don’t have any record of a patient named Calista here.”For a moment, Levi thought he misheard. His brows furrowed, his voice sharp. “Check again. Calista Reyes. She was supposed to be admitted today. Emergency labor.”The nurse typed quickly, eyes scanning the monitor. Then she shook her head. “I’m sorry, sir. No such name is admitted here.”Levi’s stomach twisted. Impossible. He knew