Chapter 86
Calista POVMaaga pa lang ay gising na ako. Nasa mansion na ulit ako, pero para bang panaginip pa rin ang lahat. Tahimik ang paligid habang inaayos ko ang bag ni Princess sa dining table. Si Levi ay nasa gilid, nakaupo at may hawak na kape. Wala siyang suot na coat ngayon—naka-light blue lang siyang polo at nakatupi ang sleeves. Relaxed pero gwapo pa rin. Napansin ko ang mga tingin niya sa akin, pero hindi ko iyon pinapansin… o pilit kong hindi pansinin.“Calista,” tawag niya, “Ako na maghahatid kay Princess ngayon.”Napatingin ako sa kanya habang inaabot ang bag ni Princess.“Okay lang ako. Gusto ko rin naman siyang ihatid. Routine ko na 'to,” sagot ko.Ngumiti siya. “Gusto ko lang sanang makasabay… kung okay lang.”Bago pa ako makasagot, dumating na si Princess—naka-uniform na at may ribbon pa sa buhok.“Nanny! Ready na ako!” sigaw niya, sabay yakap sa akin. “Sabay kayo ni Daddy ha?”NapatinginChapter 89 Calista POVTahimik kami ni Levi habang hinihintay ang inorder niyang pagkain. Pero hindi ito ‘yung klase ng katahimikan na nakakailang—ito ‘yung tahimik na parang hinog na ang damdamin, pero pareho pa kaming di alam kung paano sisimulan.Pigil ang kabog ng dibdib ko habang pinagmamasdan siya. Ang ganda ng ilaw sa mukha niya. Parang mas kalmado siya ngayon, mas totoo. Walang suot na pader. Walang suot na galit. Wala na rin ‘yung Levi na takot ipakita ang nararamdaman.“Thank you… for coming,” siya ang unang nagsalita. Maingat, marahan.“Thank you rin… sa invitation. At sa dress. At sa card,” sagot ko, pilit na ngumingiti.Napatingin siya sa akin, parang gusto niyang basahin ang lahat ng laman ng isip ko. “Sana lang hindi ka na-pressure.”Umiling ako. “Hindi. Pero natakot ako.”“Bakit?” tanong niya agad.“Dahil kapag sumobra na sa totoo ang lahat… mas masakit kapag nawala.”Tumahimik siya
Chapter 88Calista POVSabado ng umaga. Tahimik ang buong mansion, maliban sa mahihinang yabag ni Princess na papunta sa kwarto ko habang dala-dala ang isang maliit na sobre.Pagkabukas ko ng pinto, ngumiti siya nang matamis. “Good morning, Nanny Calista!”“Good morning, Princess,” sabi ko habang kinukusot ang mga mata ko.“Inabot po ni Daddy ‘to,” sabay abot niya ng envelope. “Secret daw… pero hindi na ngayon kasi hawak mo na.”Napakunot-noo ako habang inaabot ang sobre. Puti ito, simple lang, pero may naka-drawing na maliit na bulaklak sa sulok. May pirma pa sa ilalim — L.K.Bumalik si Princess sa kwarto niya pagkatapos kong halikan sa noo. Nang masiguro kong mag-isa na ako, dahan-dahan kong binuksan ang sobre.Nakalagay sa loob ay isang card. Handmade. Hindi printed. Gamit ang ballpen, drawing, at halatang pinaghirapang sulat."Dear Calista,Wala akong ibang gusto kundi mapangiti ka.Kun
Chapter 87 Levi POV Nakangiti akong pumasok sa opisina, parang mas magaan ang bawat hakbang ko. Hindi ko mapigilan. Wala pang alas-nuebe pero para bang buong araw ko nang baon ang liwanag na hindi ko maipaliwanag. Siguro kasi… naroon na siya. Nasa mansion na ulit si Calista. At sa unang pagkakataon sa matagal na panahon, pakiramdam ko—kumpleto kami ni Princess. Pagbukas ko ng glass door ng main office floor, agad na bumungad si Daphne, ang matagal ko nang sekretarya. Nakaayos na naman siya—maayos ang buhok, suot ang kulay cream na corporate dress, at may hawak-hawak na clipboard habang sinusulyapan ako. “Good morning, sir,” bati niya. “Ang laki ng ngiti natin ah… dahil ba ‘yan kay Calista?” Napahinto ako sandali, saka ngumiti nang mas malalim. “Obvious ba?” “Sir, parang gusto niyo nang palitan ang company slogan natin ng ‘Calista is my peace,’” sabay tawa niya habang binubuksan ang elevator.
Chapter 86Calista POVMaaga pa lang ay gising na ako. Nasa mansion na ulit ako, pero para bang panaginip pa rin ang lahat. Tahimik ang paligid habang inaayos ko ang bag ni Princess sa dining table. Si Levi ay nasa gilid, nakaupo at may hawak na kape. Wala siyang suot na coat ngayon—naka-light blue lang siyang polo at nakatupi ang sleeves. Relaxed pero gwapo pa rin. Napansin ko ang mga tingin niya sa akin, pero hindi ko iyon pinapansin… o pilit kong hindi pansinin.“Calista,” tawag niya, “Ako na maghahatid kay Princess ngayon.”Napatingin ako sa kanya habang inaabot ang bag ni Princess.“Okay lang ako. Gusto ko rin naman siyang ihatid. Routine ko na 'to,” sagot ko.Ngumiti siya. “Gusto ko lang sanang makasabay… kung okay lang.”Bago pa ako makasagot, dumating na si Princess—naka-uniform na at may ribbon pa sa buhok.“Nanny! Ready na ako!” sigaw niya, sabay yakap sa akin. “Sabay kayo ni Daddy ha?”Napatingin
Chapter 85Levi POVMaagang-maaga pa lang, gising na ako. Hindi dahil sa mga meeting ko ngayong araw, kundi dahil sa isang mas mahalagang bagay—ang opisyal na pagbabalik ni Calista sa mansion.Pero ngayong bumalik siya, hindi na siya babalik bilang yaya. Hindi na siya parte ng staff. Hindi siya utusan. Hindi siya tauhan.Siya ang babaeng gusto kong ligawan. Ang babaeng gusto kong makasama sa bawat araw.Kaya naman habang tulog pa si Princess, pinatawag ko na agad sina Aling Marcia at ang iba pang mga katulong sa bahay para sa isang maikling announcement. Tumayo ako sa veranda kung saan karaniwang nagme-merienda ang mga staff, habang nakatayo silang lahat sa harapan ko.Nakita ko agad si Aling Marcia, ang pinakamatagal nang yaya sa bahay—halos ina na ng lahat ng tauhan. At gaya ng inaasahan, nasa noo agad ang kunot niya habang palapit ako.“Sir Levi,” bati niya, “Ano pong importante’t pinatawag niyo kami nang ganito kaaga?”
Chapter 84Calista POVUmaga na naman. At sa kakaibang himig ng araw na 'to, may dalang kabang hindi ko maipaliwanag. Pagkababa ko ng hagdan, nadatnan ko sina Chrisiah at Criscel na abala sa pag-aayos ng mesa. Nagkatinginan kami ni Chrisiah, na parang alam na niya agad ang sasabihin ko.“May sasabihin ako,” bungad ko, sabay upo sa harap nila.Tahimik si Criscel habang si Chrisiah naman ay tumigil sa paglalagay ng kape sa mug.“Babalik na ako sa mansion… kay Levi,” diretsong sabi ko, halos pabulong. “Pero hindi bilang yaya. Ligawan niya raw ako. Gusto niyang buuin ulit ang nasira naming samahan.”Nagulat si Criscel, pero halatang masayang nabigla.“Talaga ate? Ligawan ka? Gusto ka na niya?” sabay tanong niya, may bahid ng kilig sa boses.Tumango ako. “Oo, pero hindi ko pa siya sinasagot. Pinayagan ko lang siyang subukan. Mabagal ang proseso, hindi ko siya pagbibigyan agad.”Napabuntong-hininga si Chrisiah. “A