Home / Romance / The Billionaire's Baby Maker / Chapter 2 : The Coldest Billionaire

Share

Chapter 2 : The Coldest Billionaire

Author: KimAthena
last update publish date: 2026-09-22 07:15:50

Eksaktong alas-singko ng umaga nang bumukas ang mga mata ni Miguel Salvador.

Hindi niya na kailangang hintayin ang alarm. Labinlimang taon na niyang sinusunod ang parehong routine. Workout na walang music, malamig na shower, black coffee na walang asukal, at sunod-sunod na reports sa tablet.

Isang tablet para sa legal na negosyo. Isang phone na walang pangalan ang contacts para sa isa pa niyang imperyo.

Mas komportable siya kapag kontrolado ang oras kaysa bigyan ng puwang ang emosyon.

Nasa dining room siya nang biglang nag-vibrate ang cellphone sa ibabaw ng marmol na mesa.

Aaron Yap Calling...

Napabuntong-hininga siya at sinagot ito nang hindi inaalis ang tingin sa tablet.

"Ano na naman?" singhal niya

Isang malakas na tawa agad ang sumagot sa kabilang linya. Hindi takot. Si Aaron lang ang pwedeng tumawa ng ganun sa kanya.

"Good morning, Mr. Sungit! Ang aga mo pa rin gumising, ah. Akala ko ba nag-birthday ka kahapon? Dapat nag-party ka man lang, hindi yung nagbasa ka lang ng financial reports at... you know, reports ng kabila."

"Wala akong oras para sa party mo, Aaron. What do you want?" malamig na sagot ni Miguel.

"Grabe ka. Lolo mo tumawag sa akin kagabi, and he sounded very serious. Sabi niya, if you don't settle down, siya mismo ang hahanap ng magiging nanay ng apo niya sa tuhod. At pare, kilala mo si Don Francisco — kapag siya naghanap, pati si Jomarie at si Sara makikinabang."

Humigpit ang hawak ni Miguel sa tasa. Jomarie Madrigal. Ang adopted son ni Lolo na palaging naghihintay na magkamali siya.

"Let him try."

"Come on, pare. You know how your Lolo is. At alam mo rin na hindi lang si Jomarie ang problema mo. Si Ice Beddingfield gumagalaw na naman sa south. Kapag nalaman niyang wala kang heir, alam mo na iisipin niya — mahina ka."

"I'm not interested," putol ni Miguel, diretso at walang emosyon. At pinatay niya ang tawag.

---

Alas-otso y medya nang bumukas ang private elevator sa executive floor.

Sabay-sabay na tumayo ang mga empleyado.

"Good morning, Sir Miguel."

Tumango lang siya. Isang tingin lang niya, alam na ng lahat na ayaw niya ng gulo sa umaga.

Pagpasok niya sa opisina, naabutan niya agad si Aaron na nakaupo sa sofa, nakataas ang paa sa center table niya, at kumakain ng potato chips. Naka-black shirt, may tattoo na nakasilip sa leeg — hindi mukhang VP ng pinakamalaking kumpanya, mas mukhang bodyguard ng presidente.

Tiningnan ni Miguel ang paa nito, malamig ang mata.

"Aaron, alisin mo yang paa mo sa table ko. You have three seconds to fix yourself."

Ngumisi si Aaron at itinaas ang kamay na parang sumusuko pero hindi tumayo nang maayos.

"Good morning din sayo! Ang sungit mo pa rin. No wonder single ka pa rin hanggang ngayon. Pati si Ice, nagtataka na kung bakla ka daw."

"What do you have?" tanong ni Miguel habang inilalagay ang briefcase sa mesa. Hindi siya umupo.

Inilapag ni Aaron ang makapal na brown envelope. "Profiles. From your Lolo. Limang babae, lahat pasado sa background check. Lahat maganda, matalino, galing sa good family. Doctor, architect, lawyer... lahat type ni Sara Madrigal para maging kaibigan."

Isa-isa niyang binuksan.

"And this one. Astrid Asuncion. Business Ad, graduating, working student."

Nang ilapag ni Aaron ang ID picture sa mesa, medyo natagalan ang tingin ni Miguel doon. Simpleng babae, nakapusod, walang alahas. Pero may ngiti na parang walang problema sa buhay. Yung ngiting hindi nabibili ng pera.

"Why are you staring at that one longer?" pang-aasar ni Aaron, nakataas ang kilay.

Tumingin pabalik si Miguel, bumalik agad ang malamig niyang ekspresyon.

"I'm not. I was just checking if her credentials are real."

"Weh? Sure ka? Kasi yung apat, tiningnan mo lang ng isang segundo. Ito, five seconds mo nang tinititigan. Gusto mo backgroundan ko pa nang malalim? Malinis to pare, walang sabit. Hindi tulad nung mga babaeng dinadala sa'yo ni Jomarie."

"I said, isoli mo lahat yan. Hindi ako namimili ng asawa na parang bumibili ng kumpanya, Aaron. I'm not that desperate."

Hindi pa nakakasagot si Aaron nang tumunog ang intercom.

"Sir, nandito na po si Chairman Francisco kasama ang family lawyer."

Nagkatinginan si Miguel at Aaron. Si Aaron napakamot sa batok at binulsa agad ang chips.

"Should I leave?" tanong ni Aaron.

"Stay. Kailangan ko ng witness," utos ni Miguel, ang boses niya mas naging malamig at mas dominante. "At kung sakaling may ipasok si Jomarie na bagong board resolution, ikaw magbasura."

Bumukas ang p***o. Pumasok si Don Francisco, matikas pa rin kahit may tungkod, kasunod ang abogado na may dalang makapal na kontrata.

Tumingin ang matanda sa envelope na nasa mesa.

"Hindi mo pa rin binubuksan, Miguel?" tanong ni Don Francisco.

"Because I don't need to, Lo," sagot ni Miguel, magalang pero matigas.

Ngumiti si Don Francisco, yung ngiting alam mong talo ka na.

"Miguel, hijo. You are 34. You can acquire any company in Asia. You can make grown men kneel in your other world. Pero hindi ka makabuo ng pamilya? Anong klaseng legacy yan?"

Tahimik si Miguel.

"So I will make it simple for you," dagdag ng matanda sabay senyas sa abogado.

Inilapag ng abogado ang kontrata sa harap ni Miguel.

*CONFIDENTIAL MARRIAGE AGREEMENT*

"You have two options," sabi ni Don Francisco. "One, you choose from those profiles. Two, we choose for you. Pero pag tumanggi ka pa rin... I will donate the entire Salvador Trust to charity and give the chairmanship to Jomarie. And you, Miguel, you will stay as the great CEO with no heir."

Walang nagsalita. Kahit si Aaron na madaldal, natahimik.

Nakatitig lang si Miguel sa kontrata. Sa huli, may pangalan nang nakasulat bilang isa sa candidates.

Astrid Asuncion.

At sa unang pagkakataon, hindi galit ang naramdaman ni Miguel. Kundi interes. At isang bagay na matagal na niyang hindi naramdaman — instinct na kailangan niyang protektahan ang babaeng ito hindi lang kay Jomarie at Sara, kundi kay Ice Beddingfield mismo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter 8 : The Don

    ASTRID POV :Yung Chanel dress na bigay ni Victoria, simple lang. Black, hanggang tuhod, walang design pero pag sinuot mo alam mong mahal. Yung tela malamig sa balat. Yung zipper sa likod, hindi ko maabot."Ma'am, tulungan ko na po kayo," sabi ni Victoria habang hinila yung zipper pataas.Pagharap ko sa salamin, hindi ako makapaniwala na ako yun.Buhok ko na pinlantsa ni Victoria, dress na Chanel, may light make up. Mukha na akong mayaman. Pero yung paa ko, naka-lumang tsinelas pa rin kasi wala akong heels."Yung heels po, Ma'am, size 7," sabi ni Victoria sabay labas ng box na may red sole. Louboutin. Yung nakikita ko lang sa TikTok ng mga influencer.Jusko, paano ako maglalakad dito? Baka ma-out of balance ako at mahulog sa hagdan.Bago pa ako makapag-reklamo, bumukas pinto. Si Miguel, nakatayo sa may pinto, nakatingin sa akin. Naka-black suit na siya ngayon, buhok ayos na, amoy na amoy ulit pabango.Saglit siyang natigilan. Yung mata niya bumaba mula mukha ko hanggang paa ko.Tumikh

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter 7 : One Bed, Two Rules

    ASTRID POV :Pagpasok namin sa kwarto, literal na napahinto ako sa may pintuan.Bes, hindi to kwarto. Penthouse to. Mas malaki pa to sa buong floor ng apartment namin sa Tondo. Yung bed, king size na parang pwede na tumira buong barangay. Yung closet, glass lahat, may ilaw pa sa loob. Yung banyo, may bathtub na parang pang-movie.At gitna ng lahat, isang kama lang.Isang kama. Uno. Isa lang talaga.Akala ko dalawang kama. O kahit man lang double deck. Pero isa lang.Tumingin ako kay Miguel na nakatayo sa tabi ng pinto, parang wala lang sa kanya."Isang kama lang?" Hindi ko napigilan tanong ko, medyo mataas boses ko.Lumingon siya. "What did you expect? Contract states we are married. Mr. and Mrs. Salvador share a room. If the guards see separate beds, they will know it's fake. And if they know it's fake, Jomarie will know. And if Jomarie knows—""Okay okay gets ko na, ikamamatay ko agad," putol ko. Ang haba mag-explain.Lumapit siya sa gitna ng kwarto at may kinuha sa drawer. Isang ro

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter 6 : From Tondo To Forbes

    ASTRID POV :6 AM pa lang gising na ako. As in hindi ako nakatulog. Paano ka makakatulog kung alam mong kinabukasan susunduin ka ka ng Rolls-Royce sa eskinita namin?Katabi ko si Ashley sa papag, ang himbing ng tulog. Hindi na siya hinihingal. Kahapon nung umuwi ako galing Grand Monarch, may dala akong yakult at skyflakes. Sabi ko sa kanya, "Bunso, bukas lilipat na tayo. May aircon na."Sabi niya, "Kasama si poging mayaman?"Hindi ako nakasagot. Paano ko sasabihin na yung poging mayaman na yun, asawa ko na sa papel simula kahapon?Sa labas, si Aling Nena nagkakape. Kanina pa siya pasilip-silip sa kwarto namin. Alam kong may gusto siyang itanong pero hindi niya alam paano."Apo," tawag niya nung lumabas ako dala yung isang maleta. Yung maleta na bigay pa ni Mama bago siya mawala, yung may gasgas na sa gilid. "Totoo ba yung sinabi ni Ashley? Mag-aasawa ka na daw? Mayaman daw?"Napalunok ako. Yung kontrata bawal ikwento kahit kanino. Pero si Aling Nena parang nanay ko na."Parang ganun n

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter 5 : The Contract

    THIRD PERSON POV : PENTHOUSE NG GRAND MONARCHNang sumara ang pinto ng penthouse, tatlo na lang ang natira sa loob. Si Astrid na nakaupo sa dulo ng mahabang table, hawak pa rin ang lumang sling bag na parang ayaw niyang bitawan na parang yun lang ang kakampi niya sa buong mundo. Si Victoria Tan na nakatayo sa gilid, hawak ang tablet na parang hawak niya ang buong buhay ni Astrid. At si Miguel Salvador na nakatayo sa harap ng glass window, nakatalikod sa kanila, nakatingin sa buong Makati na parang pag-aari niya talaga lahat ng nakikita niya.Yung aircon lang ang naririnig. Si Astrid hindi makahinga. Yung apat na babae kanina ang gaganda, ang yayaman, ang talino. Pero siya ang pinili. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o mas lalo siyang kabahan.Lumingon si Miguel."Victoria, give us five minutes," utos niya, mababa ang boses pero dominante. Yung boses na kahit hindi sumisigaw, susunod ka.Tumango si Victoria, at bago siya lumabas, tiningnan niya si Astrid nang may konting awa."M

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter 4 : Grand Monarch Hotel

    ASTRID POV :Alas-nuwebe ng gabi nang makarating ako sa St. Matthew Medical Center. Hindi na ako nag-jeep. Tumakbo ako hanggang kanto at sumakay ng tricycle kahit alam kong kulang ang pamasahe ko bukas. Wala akong pakialam. Ang nasa isip ko lang ay si Ashley.Pagpasok ko sa third floor, amoy alcohol agad at sahig na kakapunas pa lang. Yung ilaw sa hallway sobrang puti, parang ayaw kang patulugin kahit pagod ka na. Yung mga nurse na nakaputi, halos hindi na makatingin sa akin kasi alam na nila yung balance namin. 387,000. Limang araw."Si Ashley Asuncion, Room 312?" hingal kong tanong sa nurse station. Basang-basa ang likod ng blouse ko sa pawis.Tumingin sa akin si Nurse Jenny. Kilala na niya ako. Mula nung ma-confine si Ashley, halos araw-araw ako nandito. Minsan wala akong tulog, minsan kakain lang ako ng skyflakes sa labas ng hospital para makatipid.Tumayo agad siya at hinawakan ang braso ko."Ate Astrid, okay na siya ngayon. Na-stabilize na namin," sabi niya habang inaalalayan ak

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter 3 : The Interview

    ASTRID'S POVPagod ako. Pero hindi ako pwedeng mapagod. Yun ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili habang mabilis kong sinisilid ang notebook sa lumang backpack na halos punit na ang zipper. Yung zipper parang suko na rin, ayaw nang gumana.Katapos lang ng huling subject ko sa university. Alas-kwatro na ng hapon. Yung ibang kaklase ko nasa labas na, nagyayaya ng milktea, nagpipicture sa harap ng campus na parang wala silang iniisip na bayarin. Ako, iniisip ko pa kung aabot ako sa shift ko sa coffee shop ng alas-sais. Kapag late ako, kaltas na naman."Uy, Astrid!" Napalingon ako. Si Bianca, yung kaklase kong halos kapatid ko na rin, humahangos na tumatakbo papunta sa akin."May meeting tayo sa graduation clearance! Nandun si Ma'am kanina, hinahanap ka!"Napangiwi ako. "Biancs, may pasok pa ako eh.""Dalawang trabaho na naman? Akala ko dalawa lang?""Tatlo na ngayon," sagot ko sabay pilit na ngiti. "Nagdagdag ako sa convenience store tuwing gabi."Hinawakan niya ang braso ko. "Astrid,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status