LOGINASTRID'S POV
Pagod ako. Pero hindi ako pwedeng mapagod. Yun ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili habang mabilis kong sinisilid ang notebook sa lumang backpack na halos punit na ang zipper. Yung zipper parang suko na rin, ayaw nang gumana. Katapos lang ng huling subject ko sa university. Alas-kwatro na ng hapon. Yung ibang kaklase ko nasa labas na, nagyayaya ng milktea, nagpipicture sa harap ng campus na parang wala silang iniisip na bayarin. Ako, iniisip ko pa kung aabot ako sa shift ko sa coffee shop ng alas-sais. Kapag late ako, kaltas na naman. "Uy, Astrid!" Napalingon ako. Si Bianca, yung kaklase kong halos kapatid ko na rin, humahangos na tumatakbo papunta sa akin. "May meeting tayo sa graduation clearance! Nandun si Ma'am kanina, hinahanap ka!" Napangiwi ako. "Biancs, may pasok pa ako eh." "Dalawang trabaho na naman? Akala ko dalawa lang?" "Tatlo na ngayon," sagot ko sabay pilit na ngiti. "Nagdagdag ako sa convenience store tuwing gabi." Hinawakan niya ang braso ko. "Astrid, kailan ka ba matutulog?" "Natutulog ako ah. Kapag nasa jeep. Kapag breaktime. Kapag naghihintay ng kape na maluto." Habang naglalakad kami sa walkway, biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Unknown Number. Tiningnan ko lang tapos pinatay ko agad. "Ano yun?" tanong ni Bianca. "Wala, baka lending na naman." Tumunog ulit. Same number. "Ang kulit ah," reklamo ko. "Sagutin mo na, baka employer yan. Baka yung in-applyan mo kagabi?" Natahimik ako. Kagabi. Yung advertisement. Yung itim na background. Yung malaking puting letra. WANTED: BABY MAKER. Napalunok ako. Huminga ako ng malalim bago pinindot ang answer. "Hello?" "Good afternoon, am I speaking with Miss Astrid Asuncion?" Isang babaeng boses, napaka-propesyonal, napaka-linis magsalita. "Opo, ako po to." "My name is Victoria Tan from Salvador Global Holdings, Executive Hiring Division. I'm calling regarding your application." Kumunot ang noo ko. "Salvador? Yung may-ari ng mga mall at hospital?" "Yes, Miss Asuncion. Kami po yun. Nag-submit po kayo ng profile kagabi, past 10 PM sa private portal namin." At doon, parang biglang nag-freeze ang utak ko. "Hala," mahina kong sabi sa phone. "Kayo po ba yung sa... yung sa advertisement? Yung black na may 100 million?" Bahagyang tumawa si Victoria sa kabilang linya, pero mabilis na bumalik sa seryoso. "Yes, Miss Asuncion. The Baby Maker posting. It's under our Chairman's private project. And we reviewed your profile. Pasok po kayo sa qualifications namin." "Qualified po? Sa Salvador Empire?" "Our system auto-matches based on initial data. And you matched our Chairman's preference perfectly." "Interview?" "Opo. Bukas, 10 AM, The Grand Monarch Hotel. Penthouse. I will be there to assist you." "The Grand Monarch? Yung five-star?" "Yes, Miss. So you don't need to worry, legitimate po kami." "Ma'am, hindi po ako pwede dun," mabilis kong sagot. "Wala po akong damit pang ganun." "Miss Asuncion, hindi po ito beauty pageant. Presentable lang po." Huminga ako. Yung kamay ko pinagpapawisan na. "May isa pa po akong kailangan sabihin," dagdag niya, at biglang naging seryoso ang tono niya, mas mababa, mas mabigat. "Everything about tomorrow is strictly confidential. This is a private matter of the Salvador family. Hindi niyo pwedeng sabihin kahit kanino ang purpose ng interview. Kahit sa pamilya." "At Miss Asuncion..." "Opo?" "Once you enter The Grand Monarch tomorrow, you will be under the protection of Salvador Empire. May mga taong hindi dapat malaman kung sino ang final candidates. Lalo na sina Mr. Jomarie Madrigal and his wife. Do you understand?" Nanlamig ako. Jomarie Madrigal? Sino yun? "Okay po," sagot ko sa huli. "Pupunta po ako." "Thank you, Miss Asuncion. We will see you tomorrow at The Grand Monarch." Pagkababa ng tawag, ilang segundo akong nakatitig lang sa cellphone ko. "Hoy! Ano ba yun?" kalabit ni Bianca. "Ewan ko, Biancs," sagot ko. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot." Bago pa siya makasagot, tumunog ulit ang phone ko. St. Matthew Medical Center. Biglang bumigat ang dibdib ko. "Hello po?" halos nanginginig ang kamay ko. "Miss Asuncion? Pwede po ba kayong pumunta ngayon dito sa hospital? Nagkaroon po siya ng komplikasyon pagkatapos ng blood transfusion kanina. Medyo bumaba po ang vitals niya." Parang nawala lahat ng ingay sa paligid. "Papunta na po ako," yun lang ang nasabi ko habang tumatakbo na ako palabas ng gate. Hindi ko alam na habang tumatakbo ako papuntang ospital — na pag-aari din pala ng Salvador Empire — may isang lalaki sa kabilang parte ng lungsod na kakapirma lang ng kontratang magdudugtong sa buhay naming dalawa. At sa parehong ospital na yun, naghihintay na si Sara Madrigal para makita kung sino ang babaeng pipiliin ni Miguel.ASTRID POV :Yung Chanel dress na bigay ni Victoria, simple lang. Black, hanggang tuhod, walang design pero pag sinuot mo alam mong mahal. Yung tela malamig sa balat. Yung zipper sa likod, hindi ko maabot."Ma'am, tulungan ko na po kayo," sabi ni Victoria habang hinila yung zipper pataas.Pagharap ko sa salamin, hindi ako makapaniwala na ako yun.Buhok ko na pinlantsa ni Victoria, dress na Chanel, may light make up. Mukha na akong mayaman. Pero yung paa ko, naka-lumang tsinelas pa rin kasi wala akong heels."Yung heels po, Ma'am, size 7," sabi ni Victoria sabay labas ng box na may red sole. Louboutin. Yung nakikita ko lang sa TikTok ng mga influencer.Jusko, paano ako maglalakad dito? Baka ma-out of balance ako at mahulog sa hagdan.Bago pa ako makapag-reklamo, bumukas pinto. Si Miguel, nakatayo sa may pinto, nakatingin sa akin. Naka-black suit na siya ngayon, buhok ayos na, amoy na amoy ulit pabango.Saglit siyang natigilan. Yung mata niya bumaba mula mukha ko hanggang paa ko.Tumikh
ASTRID POV :Pagpasok namin sa kwarto, literal na napahinto ako sa may pintuan.Bes, hindi to kwarto. Penthouse to. Mas malaki pa to sa buong floor ng apartment namin sa Tondo. Yung bed, king size na parang pwede na tumira buong barangay. Yung closet, glass lahat, may ilaw pa sa loob. Yung banyo, may bathtub na parang pang-movie.At gitna ng lahat, isang kama lang.Isang kama. Uno. Isa lang talaga.Akala ko dalawang kama. O kahit man lang double deck. Pero isa lang.Tumingin ako kay Miguel na nakatayo sa tabi ng pinto, parang wala lang sa kanya."Isang kama lang?" Hindi ko napigilan tanong ko, medyo mataas boses ko.Lumingon siya. "What did you expect? Contract states we are married. Mr. and Mrs. Salvador share a room. If the guards see separate beds, they will know it's fake. And if they know it's fake, Jomarie will know. And if Jomarie knows—""Okay okay gets ko na, ikamamatay ko agad," putol ko. Ang haba mag-explain.Lumapit siya sa gitna ng kwarto at may kinuha sa drawer. Isang ro
ASTRID POV :6 AM pa lang gising na ako. As in hindi ako nakatulog. Paano ka makakatulog kung alam mong kinabukasan susunduin ka ka ng Rolls-Royce sa eskinita namin?Katabi ko si Ashley sa papag, ang himbing ng tulog. Hindi na siya hinihingal. Kahapon nung umuwi ako galing Grand Monarch, may dala akong yakult at skyflakes. Sabi ko sa kanya, "Bunso, bukas lilipat na tayo. May aircon na."Sabi niya, "Kasama si poging mayaman?"Hindi ako nakasagot. Paano ko sasabihin na yung poging mayaman na yun, asawa ko na sa papel simula kahapon?Sa labas, si Aling Nena nagkakape. Kanina pa siya pasilip-silip sa kwarto namin. Alam kong may gusto siyang itanong pero hindi niya alam paano."Apo," tawag niya nung lumabas ako dala yung isang maleta. Yung maleta na bigay pa ni Mama bago siya mawala, yung may gasgas na sa gilid. "Totoo ba yung sinabi ni Ashley? Mag-aasawa ka na daw? Mayaman daw?"Napalunok ako. Yung kontrata bawal ikwento kahit kanino. Pero si Aling Nena parang nanay ko na."Parang ganun n
THIRD PERSON POV : PENTHOUSE NG GRAND MONARCHNang sumara ang pinto ng penthouse, tatlo na lang ang natira sa loob. Si Astrid na nakaupo sa dulo ng mahabang table, hawak pa rin ang lumang sling bag na parang ayaw niyang bitawan na parang yun lang ang kakampi niya sa buong mundo. Si Victoria Tan na nakatayo sa gilid, hawak ang tablet na parang hawak niya ang buong buhay ni Astrid. At si Miguel Salvador na nakatayo sa harap ng glass window, nakatalikod sa kanila, nakatingin sa buong Makati na parang pag-aari niya talaga lahat ng nakikita niya.Yung aircon lang ang naririnig. Si Astrid hindi makahinga. Yung apat na babae kanina ang gaganda, ang yayaman, ang talino. Pero siya ang pinili. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o mas lalo siyang kabahan.Lumingon si Miguel."Victoria, give us five minutes," utos niya, mababa ang boses pero dominante. Yung boses na kahit hindi sumisigaw, susunod ka.Tumango si Victoria, at bago siya lumabas, tiningnan niya si Astrid nang may konting awa."M
ASTRID POV :Alas-nuwebe ng gabi nang makarating ako sa St. Matthew Medical Center. Hindi na ako nag-jeep. Tumakbo ako hanggang kanto at sumakay ng tricycle kahit alam kong kulang ang pamasahe ko bukas. Wala akong pakialam. Ang nasa isip ko lang ay si Ashley.Pagpasok ko sa third floor, amoy alcohol agad at sahig na kakapunas pa lang. Yung ilaw sa hallway sobrang puti, parang ayaw kang patulugin kahit pagod ka na. Yung mga nurse na nakaputi, halos hindi na makatingin sa akin kasi alam na nila yung balance namin. 387,000. Limang araw."Si Ashley Asuncion, Room 312?" hingal kong tanong sa nurse station. Basang-basa ang likod ng blouse ko sa pawis.Tumingin sa akin si Nurse Jenny. Kilala na niya ako. Mula nung ma-confine si Ashley, halos araw-araw ako nandito. Minsan wala akong tulog, minsan kakain lang ako ng skyflakes sa labas ng hospital para makatipid.Tumayo agad siya at hinawakan ang braso ko."Ate Astrid, okay na siya ngayon. Na-stabilize na namin," sabi niya habang inaalalayan ak
ASTRID'S POVPagod ako. Pero hindi ako pwedeng mapagod. Yun ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili habang mabilis kong sinisilid ang notebook sa lumang backpack na halos punit na ang zipper. Yung zipper parang suko na rin, ayaw nang gumana.Katapos lang ng huling subject ko sa university. Alas-kwatro na ng hapon. Yung ibang kaklase ko nasa labas na, nagyayaya ng milktea, nagpipicture sa harap ng campus na parang wala silang iniisip na bayarin. Ako, iniisip ko pa kung aabot ako sa shift ko sa coffee shop ng alas-sais. Kapag late ako, kaltas na naman."Uy, Astrid!" Napalingon ako. Si Bianca, yung kaklase kong halos kapatid ko na rin, humahangos na tumatakbo papunta sa akin."May meeting tayo sa graduation clearance! Nandun si Ma'am kanina, hinahanap ka!"Napangiwi ako. "Biancs, may pasok pa ako eh.""Dalawang trabaho na naman? Akala ko dalawa lang?""Tatlo na ngayon," sagot ko sabay pilit na ngiti. "Nagdagdag ako sa convenience store tuwing gabi."Hinawakan niya ang braso ko. "Astrid,







