Home / Romance / The Billionaire's Baby Maker / Chapter 1 : Wanted Baby Maker

Share

Chapter 1 : Wanted Baby Maker

Author: KimAthena
last update publish date: 2026-09-21 23:06:26

"Astrid! Gising na! Alas-singko na!"

Napamulat si Astrid Asuncion nang marinig ang boses ng landlady sa labas ng p***o.

"Okay na po, Aling Nena! Buhay pa po ako!" sigaw niya habang pilit hinahanap ang alarm clock na matagal nang tumigil sa pagtunog.

Napailing ang matanda. "Kung wala akong katok, baka tanghali ka na naman magising."

"Promise, babawi ako kapag milyonarya na ako. Bibilhan kita ng automatic na alarm."

"Tama na ang pangangarap. Maligo ka na."

Napatawa si Astrid bago bumangon. Maliit lang ang inuupahan niyang kwarto. Isang bakal na kama. Isang lumang electric fan. Isang cabinet na halos hindi na maisara. At isang maliit na altar sa tabi ng bintana.

Doon niya unang ibinaba ang tingin "Good morning, Lord.Hindi pa rin po ako milyonarya. Pero salamat... kasi humihinga pa rin kami ni Ashley."

Napangiti siya bago mabilis na naghanda.

Pagkatapos ng sampung minuto, nakasuot na siya ng uniform ng coffee shop.

Habang nagsusuot ng sapatos, tumunog ang cellphone niya. Lumabas agad ang pangalang pinakamahalaga sa kanya.

Ashley calling... ❤️

Agad niya iyong sinagot "Good morning, bunso!"

Masiglang boses ang sumalubong sa kanya. "Ate! Hulaan mo!"

"Ano?"

"Nakadalawang lugaw ako ngayon!"

Napatawa si Astrid. "Wow! Palakas ka nang palakas."

"Sabi ni Nurse Jenny, good girl daw ako."

"Good girl ka naman talaga."

Biglang bumaba ang boses ng bata. "Ate,Uuwi ka ba mamaya?" tanong nito

"Oo."

"Dadalhan kita ng siopao."

"Yey!"

"Pero may kondisyon."

"Ano?"

"Ubos ang pagkain."

"Walang ititira."

"Deal?"

Napahalakhak si Ashley "Deal!"

Habang nakikinig sa tawa ng kapatid, kusang gumaan ang pakiramdam ni Astrid.

Ilang segundo pa ang lumipas bago siya nagpaalam. "Magpapasok na ako."I Love you, bunsoy!"

"Love you more, Ate."

Pagkababa ng tawag, tumitig siya sandali sa wallpaper ng cellphone. Litrato nilang magkapatid sa perya. Pareho silang nakangiti.

Parehong walang iniisip na bayarin. "Hihintayin mo lang ako.Basta makagraduate ako,

"Lahat magiging okay lahat."

Eksaktong alas-sais nang makarating siya sa coffee shop. Punuan na agad. May mga empleyadong nagmamadaling bumili ng kape.

May estudyanteng naghahabol ng klase.

May mga call center agents na mukhang hindi pa natutulog.

"Astrid!"

Lumingon siya sa manager. "Ikaw sa counter."

"Opo!" Lumapit agad ang unang customer.

Isang babaeng mukhang bad trip na bad trip.

"Miss."

"Opo?"

"Dalawang beses na akong bumabalik rito.Bakit hindi pa rin available ang favorite kong blueberry cheesecake?"

Napangiti si Astrid. "Ma'am, baka po may secret admirer kayo."

Napakunot-noo ang customer. "Ha?"

"Lahat po kasi ng blueberry cheesecake natin...inuubos bago pa kayo dumating."

Ilang segundo itong nakatingin sa kanya. Pagkatapos ay natawa. "Ang kulit mo."

"Libre lang po kasi, hindi pa kami naniningil."

Napailing ang babae. "Sige na nga.Bigyan mo na lang ako ng chocolate cake."

"Mas masarap po iyon."

"Promise?"

"Kapag hindi kayo nasarapan..ako na kakain." biro niya

Napatawa ulit ang customer. "Ikaw talaga, lagi mo akong binibiro"

Habang inaabot ang sukli, napansin ng manager ang eksena. Pag-alis ng customer, lumapit ito kay Astrid.

"Hindi ko maintindihan."

"An alin boss?" takang tanong niya

"Lahat ng galit, napapangiti mo." wika ng manager

Ngumiti lang siya. "Kasi baka pagod lang sila."

"Hindi naman natin alam pinagdadaanan nila."

Napailing ang manager. "Ibang klase ka."

Tanghali.

Pagkatapos ng klase, dumiretso siya sa convenience store kung saan siya nagtatrabaho tuwing hapon.

Habang nag-aayos ng paninda, may lalaking lasing ang pumasok "Ate, bili ako."

"Ano pong kukunin ninyo?" magakang niyang tanong

"Ikaw." bulol na sabi nito

Napangiwi si Astrid. "Naku! Out of stock po."

Napahalakhak ang dalawang estudyanteng nasa likod ng lalaki "Pwede namang reservation."

Ngumiti si Astrid. "Sir, kahit i-preorder n'yo pa ako wala pa rin pong available."

Mas lumakas ang tawanan.

Napakamot sa ulo ang lasing "Ang sungit mo."

"Hindi po, busy lang."

Lumabas din ang lalaki habang natatawa.

Isa sa mga estudyante ang lumapit sa counter.

"Ate, ang haba ng pasensya mo. Hindi ba nakakainis?"

"Kailangan natin yan eh." sagot nita

"Bakit?"

"Kasi libre lang ngumiti, kapag nainis ako wala naman akong kikitain."

Napailing ang estudyante. "Idol.Baka pwede kang maging life coach."

"Libre lang po ang advice, pero mahal ang pamasahe pauwi." sabi nito

Pareho silang nagtawanan.

_______

Nakaupo si Miguel sa swivel chair ng opisina sa pinakamataas na palapag ng Salvador Empire.

Isang lalaking walang ideya, Na ang babaeng laging nakangiti sa gitna ng problema,

Ang siyang tuluyang gugulo sa perpektong buhay na matagal na niyang binuo.

_______

Pagkatapos ng shift sa convenience store, dumiretso si Astrid sa bus stop.

Ramdam niya ang pagod sa mga binti, pero mas mabigat ang iniisip niyang bayarin sa ospital kaysa sa halos labindalawang oras niyang pagtatrabaho.

Pagsakay niya sa jeep, agad niyang inilabas ang maliit na notebook na lagi niyang dala.

Nakasulat doon ang buwanang gastos.

Bedspace – ₱3,500

Tuition – Balance

Hospital – ₱387,000

Gamot

Pamasahe

Napailing siya. "Grabe, kapag pera talaga ang kalaban, parang laging ikaw ang kulelat."

Napangiti pa rin siya kahit mag-isa. "Huwag kang mag-drama, Astrid."Hindi ka artista." bulong niya sa sarili

Pagdating sa inuupahang bahay, agad siyang sinalubong ni Aling Nena. "Anak."

"Opo aling Nena?"

"Inabutan ako ng courier kanina, may sulat ka."

"Kaninong galing?" agad niyang tanong

"Ewan ko."

"Wala ngang pangalan eh, tignan mo na lang."

Napakunot-noo siya habang tinatanggap ang maliit na sobre. Pagpasok sa kwarto, saka niya iyon binuksan.

Isa pala itong notice mula sa university.

Final reminder for graduation clearance.

Napabuntong-hininga siya "Isa ka pa.Parang lahat na lang naniningil."

Inilapag niya ang papel sa mesa. Kasunod noon ang pagtunog ng cellphone.

St. Matthew Medical Center

Parang kusang bumilis ang tibok ng puso niya.

"Hello po?"

"Good evening, Miss Asuncion."

"Bale gusto lang po naming i-follow up ang confirmation ng chemotherapy schedule ni Ashley."

"Opo, naghahanap pa po ako ng paraan."

"Pasensya na po.Hanggang limang araw na lang po ang maibibigay naming extension."

Napapikit siya. "Kapag hindi po na-settle ang minimum down payment, mapupunta po sa ibang pasyente ang slot."

Napayuko siya. "Huwag naman po.Gagawin ko po ang lahat. Promise."

"Umaasa rin po kami, good evening."

Pagkababa ng tawag, ilang segundo siyang hindi gumalaw.

Tiningnan niya ang kisame "Lord..Pwede bang kahit konting discount lang? Wala akong hinihinging milyon kahit kalahati lang."

Bigla siyang natawa sa sarili. "Tumatawad pa talaga."

Habang nakahiga sa kama, nag-scroll siya sa cellphone. Baka may part-time job. Baka may online assistant Baka may encoding.

Kahit ano.

Hanggang sa may isang advertisement na hindi niya maalala kung bakit lumabas sa screen.

Itim ang background, walang logo, walang company name. Malalaki lang ang puting letra.

WANTED : BABY MAKER

Napakunot-noo siya. "Baby maker?Factory ba 'to?"

Pinindot niya ang post. Mas lalo siyang nagtaka.

Compensation: ₱100,000,000

"Ilang zero ba 'yan?" Mabilis niyang binilang gamit ang daliri.

"Isa..."

"Dalawa..."

"Tatlo..."

"Sandali, isang daang milyon?!" Napaupo siya sa kama.

Binasa niyang mabuti ang qualifications.

—Female

—21-25 years old

—Single

—Healthy

—No criminal record

—Business-related course preferred

"Business-related? Uy! "Pasok ako." Natawa siya.

"Seryoso ba 'to?"

May nakalagay pang note.

Selected applicants will undergo background investigation and medical examination. Confidentiality is required.

"Background investigation?Ano 'to?"NBI/CIA?"

Napailing siya. Mukhang scam, pero ang isang daang milyon... Hindi biro.

May kumatok sa p***o. "Astrid."

Boses ni Aling Nena. "Opo?"

"May pagkain ako rito, may natirang adobo."

"Huwag na po, kumain na ako." tanggi niya

"Sigurado ka?" nag aalalang tanong ni aling Nena

"Opo." Pag-alis ng landlady, tumingin siya sa pandesal na kinakain niya.

"Sana hindi ka makarinig ng kasinungalingan." Mahina siyang natawa. "Kasi pandesal at tubig lang talaga dinner ko."

Muli niyang tiningnan ang advertisement. Sa pinakailalim, may nakasulat.

Only one applicant will be selected.

"Isa lang? Hala, parang raffle." Napailing siya.

"Kung scam ka, ang effort mo."

Pero bumalik sa isip niya ang sinabi ng doktor.

Five days.

Limang araw. Limang araw para makahanap ng halos apat na raang libong piso. Hindi sapat ang tatlong trabaho niya. Hindi sapat ang overtime.

Hindi sapat ang pangungutang, muling bumalik ang tingin niya sa cellphone. 100,000,000 pesos?

Hindi niya kailangan ang buong pera. Kahit maliit na bahagi lang noon, maililigtas na niya ang kapatid.

Huminga siya nang malalim. "Sige.Titignan lang.Wala namang mawawala."

Pinindot niya ang Apply Now.

Agad na lumabas ang application form.

Full Name

Age

Educational Background

Medical History

Napakunot-noo siya "Grabe,mas mahaba pa kaysa scholarship form." Habang tinatype niya ang pangalan, may biglang lumabas na bagong mensahe.

Congratulations. Your profile matches our preferred qualifications. Please keep your lines open. A representative will contact you within twenty-four hours.

Nanlaki ang mga mata niya "Ha? Ano'ng ibig sabihin nito? Hindi pa nga ako tapos."

___________

Hindi niya alam, sa kabilang bahagi ng lungsod.

May isang lalaki ring kakalabas lang sa boardroom ng Salvador Empire.

At sa unang pagkakataon sa buhay nitong sumunod sa lahat ng plano, may isang desisyong wala siyang kontrol.

Dahil sa loob ng dalawampu't apat na oras, may tatawag kay Astrid Asuncion. At ang tawag na iyon,

Ang magiging simula ng kontratang hindi na nila basta-basta matatakasan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter 8 : The Don

    ASTRID POV :Yung Chanel dress na bigay ni Victoria, simple lang. Black, hanggang tuhod, walang design pero pag sinuot mo alam mong mahal. Yung tela malamig sa balat. Yung zipper sa likod, hindi ko maabot."Ma'am, tulungan ko na po kayo," sabi ni Victoria habang hinila yung zipper pataas.Pagharap ko sa salamin, hindi ako makapaniwala na ako yun.Buhok ko na pinlantsa ni Victoria, dress na Chanel, may light make up. Mukha na akong mayaman. Pero yung paa ko, naka-lumang tsinelas pa rin kasi wala akong heels."Yung heels po, Ma'am, size 7," sabi ni Victoria sabay labas ng box na may red sole. Louboutin. Yung nakikita ko lang sa TikTok ng mga influencer.Jusko, paano ako maglalakad dito? Baka ma-out of balance ako at mahulog sa hagdan.Bago pa ako makapag-reklamo, bumukas pinto. Si Miguel, nakatayo sa may pinto, nakatingin sa akin. Naka-black suit na siya ngayon, buhok ayos na, amoy na amoy ulit pabango.Saglit siyang natigilan. Yung mata niya bumaba mula mukha ko hanggang paa ko.Tumikh

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter 7 : One Bed, Two Rules

    ASTRID POV :Pagpasok namin sa kwarto, literal na napahinto ako sa may pintuan.Bes, hindi to kwarto. Penthouse to. Mas malaki pa to sa buong floor ng apartment namin sa Tondo. Yung bed, king size na parang pwede na tumira buong barangay. Yung closet, glass lahat, may ilaw pa sa loob. Yung banyo, may bathtub na parang pang-movie.At gitna ng lahat, isang kama lang.Isang kama. Uno. Isa lang talaga.Akala ko dalawang kama. O kahit man lang double deck. Pero isa lang.Tumingin ako kay Miguel na nakatayo sa tabi ng pinto, parang wala lang sa kanya."Isang kama lang?" Hindi ko napigilan tanong ko, medyo mataas boses ko.Lumingon siya. "What did you expect? Contract states we are married. Mr. and Mrs. Salvador share a room. If the guards see separate beds, they will know it's fake. And if they know it's fake, Jomarie will know. And if Jomarie knows—""Okay okay gets ko na, ikamamatay ko agad," putol ko. Ang haba mag-explain.Lumapit siya sa gitna ng kwarto at may kinuha sa drawer. Isang ro

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter 6 : From Tondo To Forbes

    ASTRID POV :6 AM pa lang gising na ako. As in hindi ako nakatulog. Paano ka makakatulog kung alam mong kinabukasan susunduin ka ka ng Rolls-Royce sa eskinita namin?Katabi ko si Ashley sa papag, ang himbing ng tulog. Hindi na siya hinihingal. Kahapon nung umuwi ako galing Grand Monarch, may dala akong yakult at skyflakes. Sabi ko sa kanya, "Bunso, bukas lilipat na tayo. May aircon na."Sabi niya, "Kasama si poging mayaman?"Hindi ako nakasagot. Paano ko sasabihin na yung poging mayaman na yun, asawa ko na sa papel simula kahapon?Sa labas, si Aling Nena nagkakape. Kanina pa siya pasilip-silip sa kwarto namin. Alam kong may gusto siyang itanong pero hindi niya alam paano."Apo," tawag niya nung lumabas ako dala yung isang maleta. Yung maleta na bigay pa ni Mama bago siya mawala, yung may gasgas na sa gilid. "Totoo ba yung sinabi ni Ashley? Mag-aasawa ka na daw? Mayaman daw?"Napalunok ako. Yung kontrata bawal ikwento kahit kanino. Pero si Aling Nena parang nanay ko na."Parang ganun n

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter 5 : The Contract

    THIRD PERSON POV : PENTHOUSE NG GRAND MONARCHNang sumara ang pinto ng penthouse, tatlo na lang ang natira sa loob. Si Astrid na nakaupo sa dulo ng mahabang table, hawak pa rin ang lumang sling bag na parang ayaw niyang bitawan na parang yun lang ang kakampi niya sa buong mundo. Si Victoria Tan na nakatayo sa gilid, hawak ang tablet na parang hawak niya ang buong buhay ni Astrid. At si Miguel Salvador na nakatayo sa harap ng glass window, nakatalikod sa kanila, nakatingin sa buong Makati na parang pag-aari niya talaga lahat ng nakikita niya.Yung aircon lang ang naririnig. Si Astrid hindi makahinga. Yung apat na babae kanina ang gaganda, ang yayaman, ang talino. Pero siya ang pinili. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o mas lalo siyang kabahan.Lumingon si Miguel."Victoria, give us five minutes," utos niya, mababa ang boses pero dominante. Yung boses na kahit hindi sumisigaw, susunod ka.Tumango si Victoria, at bago siya lumabas, tiningnan niya si Astrid nang may konting awa."M

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter 4 : Grand Monarch Hotel

    ASTRID POV :Alas-nuwebe ng gabi nang makarating ako sa St. Matthew Medical Center. Hindi na ako nag-jeep. Tumakbo ako hanggang kanto at sumakay ng tricycle kahit alam kong kulang ang pamasahe ko bukas. Wala akong pakialam. Ang nasa isip ko lang ay si Ashley.Pagpasok ko sa third floor, amoy alcohol agad at sahig na kakapunas pa lang. Yung ilaw sa hallway sobrang puti, parang ayaw kang patulugin kahit pagod ka na. Yung mga nurse na nakaputi, halos hindi na makatingin sa akin kasi alam na nila yung balance namin. 387,000. Limang araw."Si Ashley Asuncion, Room 312?" hingal kong tanong sa nurse station. Basang-basa ang likod ng blouse ko sa pawis.Tumingin sa akin si Nurse Jenny. Kilala na niya ako. Mula nung ma-confine si Ashley, halos araw-araw ako nandito. Minsan wala akong tulog, minsan kakain lang ako ng skyflakes sa labas ng hospital para makatipid.Tumayo agad siya at hinawakan ang braso ko."Ate Astrid, okay na siya ngayon. Na-stabilize na namin," sabi niya habang inaalalayan ak

  • The Billionaire's Baby Maker   Chapter 3 : The Interview

    ASTRID'S POVPagod ako. Pero hindi ako pwedeng mapagod. Yun ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili habang mabilis kong sinisilid ang notebook sa lumang backpack na halos punit na ang zipper. Yung zipper parang suko na rin, ayaw nang gumana.Katapos lang ng huling subject ko sa university. Alas-kwatro na ng hapon. Yung ibang kaklase ko nasa labas na, nagyayaya ng milktea, nagpipicture sa harap ng campus na parang wala silang iniisip na bayarin. Ako, iniisip ko pa kung aabot ako sa shift ko sa coffee shop ng alas-sais. Kapag late ako, kaltas na naman."Uy, Astrid!" Napalingon ako. Si Bianca, yung kaklase kong halos kapatid ko na rin, humahangos na tumatakbo papunta sa akin."May meeting tayo sa graduation clearance! Nandun si Ma'am kanina, hinahanap ka!"Napangiwi ako. "Biancs, may pasok pa ako eh.""Dalawang trabaho na naman? Akala ko dalawa lang?""Tatlo na ngayon," sagot ko sabay pilit na ngiti. "Nagdagdag ako sa convenience store tuwing gabi."Hinawakan niya ang braso ko. "Astrid,

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status