LOGINASTRID POV :
Alas-nuwebe ng gabi nang makarating ako sa St. Matthew Medical Center. Hindi na ako nag-jeep. Tumakbo ako hanggang kanto at sumakay ng tricycle kahit alam kong kulang ang pamasahe ko bukas. Wala akong pakialam. Ang nasa isip ko lang ay si Ashley. Pagpasok ko sa third floor, amoy alcohol agad at sahig na kakapunas pa lang. Yung ilaw sa hallway sobrang puti, parang ayaw kang patulugin kahit pagod ka na. Yung mga nurse na nakaputi, halos hindi na makatingin sa akin kasi alam na nila yung balance namin. 387,000. Limang araw. "Si Ashley Asuncion, Room 312?" hingal kong tanong sa nurse station. Basang-basa ang likod ng blouse ko sa pawis. Tumingin sa akin si Nurse Jenny. Kilala na niya ako. Mula nung ma-confine si Ashley, halos araw-araw ako nandito. Minsan wala akong tulog, minsan kakain lang ako ng skyflakes sa labas ng hospital para makatipid. Tumayo agad siya at hinawakan ang braso ko. "Ate Astrid, okay na siya ngayon. Na-stabilize na namin," sabi niya habang inaalalayan akong maupo. "Bumaba lang talaga ang hemoglobin niya kanina. Pero nag-response naman siya sa gamot. Kanina lang may nagbayad na ng advance, kaya na-proceed na namin agad yung gamot na P25,000." Napatingin ako. "Sino nagbayad?" Ngumiti si Nurse Jenny. "Sabi ni Ma'am Victoria Tan, from Salvador Global Holdings. Siya daw yung bagong employer mo? Ate, totoo ba yung chismis sa baba? Ikaw daw yung bagong...?" Hindi ko na siya pinatapos. Pagbukas ko ng p***o ng Room 312, nakita ko si Ashley. Nakahiga, maputla, may dextrose pa rin sa kamay. Pero gising siya. At pag nakita niya ako, ngumiti agad siya. "Ate!" Lumapit ako at niyakap siya nang mahigpit pero maingat. Ang liit-liit niya pa. Sampu pa lang siya pero ang dami na niyang gamot na iniinom. "Akala ko kung ano nang nangyari sayo," bulong ko sa buhok niya habang pinipigilan ang pag-iyak. Dapat ako yung matapang sa aming dalawa. Ako yung Ate. Bawal akong umiyak. "Okay lang ako, Ate. Sabi ni Doc, kulang lang daw ako sa dugo," sabi niya, pilit na nagpapatawa kahit mahina ang boses. "Parang ikaw, kulang sa tulog. Amoy araw ka, Ate." Napatawa ako kahit may luha. "Ang dami mo pang sinasabi. Matulog ka na nga." Umupo ako sa tabi ng kama niya. Hinawakan ko ang maliit niyang kamay. Malamig. Lagi siyang malamig ngayon. "Ate, uuwi ka na ba?" tanong niya. "Hindi, dito muna ako. Bukas may pupuntahan lang ako saglit," sagot ko. "Saan?" Natigilan ako. Naalala ko ang sinabi ni Victoria Tan kanina sa phone. Confidential. Private matter ng Salvador family. At yung sinabi niyang "May mga taong hindi dapat malaman kung sino ang final candidates. Lalo na sina Mr. Jomarie Madrigal and his wife." "May interview lang, bunso. Para sa bagong trabaho. Kapag nakuha ko to, hindi na tayo mahihirapan sa pambayad dito." "Talaga? Anong trabaho?" Lumiwanag ang mata niya. Ngumiti ako at pinisil ang ilong niya. "Basta magandang trabaho. Pang mayaman. Kaya kailangan magpalakas ka, para makasama ka sa bago nating bahay." "Deal!" sabi niya. Pero habang nakatingin ako sa kanya, parang may bumabara sa lalamunan ko. 387,000 pesos. Limang araw na lang ang binigay ng accounting. At bukas, may interview ako sa hotel na pag-aari ng Salvador Empire para sa proyektong hindi ko pa maintindihan. --- Kinabukasan, alas-nuwebe y media ng umaga. Nakatayo ako sa harap ng The Grand Monarch Hotel. At hindi ako makapasok. Hindi dahil sa guard. Kundi dahil sa hiya at sa laki ng building. Lahat ng pumapasok naka-dress, naka-suit, naka-high heels na mukhang mas mahal pa sa isang taon kong tuition. Yung mga kotse na humihinto sa harap, puro itim at makintab. BMW, Mercedes. May isang Rolls-Royce na huminto at may lumabas na matandang babae na naka-perlas. At ako, naka-white blouse na plantsado ko kagabi gamit ang plantsa ni Aling Nena na minsan nangangamoy sunog, black slacks na medyo maluwag, at sapatos na pinahiram lang ni Bianca na masikip sa paa. Isang size smaller. Kaya bawat hakbang ko, parang may tumutusok. Huminga ako ng malalim. "Sige, Astrid. Isipin mo na lang na SM to. SM na may chandelier. Hindi ka kakainin ng p***o. Hindi ka kakainin ng mga mayayaman." Pumasok ako. Pagpasok ko, parang mas lalong lumamig. Amoy mamahaling pabango ang lobby, yung sahig sobrang kintab na nakikita ko yung repleksyon ng mukha kong pawisan. Yung chandelier sa taas, mas malaki pa sa kwarto namin ni Ashley. Lumapit ako sa reception, pilit na ngumiti. "Good morning po, may appointment po ako kay Ms. Victoria Tan from Salvador Global Holdings." Tumingin sa akin yung receptionist, mula ulo hanggang paa, pero ngumiti pa rin nang propesyonal. Halatang nasanay na siya sa mga taong naliligaw. "Miss Astrid Asuncion? Penthouse floor po. May maghahatid po sa inyo. They are expecting you. And please, bawal po ang phone sa loob. Confidential meeting po kasi ng Salvador family." May lumapit na babaeng naka-black blazer. "Miss Asuncion? This way, please." Sumakay kami sa private elevator. Habang umaakyat, mas lalo akong kinabahan. Yung elevator may salamin pa. Nakikita ko yung mukha kong parang maiiyak na. Yung buhok kong sinuklay ko ng maayos, nagulo na naman dahil sa pawis. Pagbukas ng elevator sa penthouse, hindi siya mukhang hotel room. Mukha siyang buong boardroom na may malaking glass window na kita ang buong Makati. Sa gitna, may mahabang table na pang-meeting ng mga bilyonaryo. Yung table pa lang, alam mong presyo na ng isang bahay. May apat na babae nang nakaupo doon. Lahat maganda, lahat naka-ayos, lahat halatang sanay sa mamahaling lugar. Yung isa naka-silk dress na kulay beige, yung isa naka-blazer na mukhang designer. Yung isa naka-pearl earrings na kumikinang. At sa dulo ng table, nakatayo ang babaeng kausap ko sa phone kahapon. Matangkad, maputi, naka-red lipstick, naka-black corporate dress. Si Victoria Tan. "Miss Astrid Asuncion?" tanong niya, tinitigan ako mula ulo hanggang paa pero hindi nanghuhusga, mas parang nag-oobserba kung kaya ko ba tumagal sa pamilyang papasukan ko. "Opo," sagot ko habang mahigpit na hawak ang sling bag ko. Yung sling bag na may tahi na sa gilid. "I'm Victoria Tan, Executive Hiring Head of Salvador Global Holdings. You are two minutes late, but it's okay. Traffic?" "Opo, naligaw po kasi ako sa lobby. Ang laki po kasi," sagot ko, nahihiya. Bahagyang ngumiti si Victoria. "It's fine. Umupo ka. You are the last one." Umupo ako sa bakanteng upuan sa dulo. Yung apat na babae tumingin sa akin, tapos nagtinginan sa isa't isa. Yung naka-silk dress, tinaasan ako ng kilay nang makita ang sapatos ko. Yung isa bumulong sa katabi niya. Alam ko yung bulungan na yun. "San galing to? Mukhang galing palengke." Hinayaan ko lang. Sanay na ako sa ganung tingin. Nung working student ako, lagi akong tinitignan ng ganun. Binuksan ni Victoria ang tablet niya at tumingin sa aming lahat. "Good morning, ladies. You are here because you passed the initial screening of Salvador Global Holdings. Out of 200 applicants, you are the top 5. But our Chairman only needs one. This is not a regular hiring. This is a private arrangement for the Salvador family." Tahimik ang lahat. Ako lang yata ang malakas ang tibok ng puso. "Our client is looking for a specific profile. Healthy, single, 21 to 25, business-related course, no criminal record, and most importantly..." huminto siya at tumingin sa amin nang diretso. "...willing to enter a confidential marriage agreement. And willing to be under full protection of the Salvador Empire once selected." Nanlaki ang mata ko. Marriage? Asawa? Protection? "Ma'am, sorry po," hindi ko napigilang magsalita, napaangat ako ng kamay na parang nasa classroom. "Marriage po? Akala ko po baby maker? Ano po yun?" Lumingon sa akin yung babaeng naka-silk dress, medyo naiirita. "Marriage nga, diba? It's obvious. Magpapakasal ka sa may-ari ng Salvador Empire. Ano ka ba, hindi ka nagbasa? For sure ipapakilala ka kay Mrs. Sara Madrigal. Siya nagre-recommend sa aming lahat dito." Namula ako. Si Victoria tiningnan ako, hindi inis, pero seryoso. "Miss Asuncion, let me be clear. Our client, Mr. Miguel Salvador, the CEO of Salvador Empire, needs an heir. He is not looking for a girlfriend. He is looking for a wife who can give him a child. Contractual marriage. One year. After that, you will receive 100 million pesos. Clean. Tax-free." Isang daang milyon. "And if you get pregnant within the contract period, there will be an additional 50 million for the child trust," dagdag pa ni Victoria, kalmado lang. 150 million. Narinig ko yung ibang babae, sabay-sabay na napasinghap. Yung isa halos matumba sa upuan. Ako, hindi makahinga. Biglang pumasok sa isip ko si Ashley. Yung dextrose niya. Yung 387,000 na balance. Bago pa ako makapagsalita, biglang bumukas ang malaking double door sa likod ni Victoria. Hindi lang bumukas — parang bumigat ang hangin. Pumasok ang isang lalaki. Naka-black tailored suit. Matangkad. Maayos ang gupit. Walang ngiti. Yung mukha niya parang laging galit sa mundo pero hindi bastos, mas parang seryoso at pagod sa mga taong hindi marunong mag-isip. Amoy pa lang niya, alam mong hindi siya ordinaryong tao. Malamig, amoy kahoy, amoy mamahaling opisina at... baril? Hindi ko alam, pero parang may panganib sa paligid niya. Si Miguel Salvador. Yung CEO ng Salvador Empire. Yung may-ari ng hospital kung saan nakahiga si Ashley. Yung may-ari ng hotel na kinatatayuan namin. Yung dalawang guard sa labas, biglang tumayo nang tuwid nung nakita siya. Pati si Victoria, biglang nagbago ang tayo. "Mr. Salvador is here to meet the final candidates," sabi ni Victoria. Lahat ng babae biglang nag-ayos. Yung isa inayos ang buhok, yung isa naglabas ng lipstick, yung isa biglang nag-cross legs. Ako, nakaupo lang, hawak pa rin ang sling bag ko na parang yun lang ang kakampi ko sa buong mundo. Lumakad si Miguel papunta sa table. Hindi siya umupo. Tinitigan niya kaming lahat, mabilis lang, parang nagbabasa ng financial statement. Parang sa isang tingin pa lang, alam na niya kung sino ang peke at sino ang totoo. At parang alam na niya na yung apat, galing kay Sara. Pagdating sa akin, huminto siya. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi bastos, mas parang ina-analyze. "Astrid Asuncion?" tanong niya, mababa ang boses, malamig pero matalino. "Opo," sagot ko. Medyo nanginginig na boses ko pero tinaasan ko pa rin ang mukha ko. "Business Administration? Working student? Three jobs?" sunod-sunod niyang tanong. "Opo," sagot ko ulit. "Paano niyo po nalaman?" "I read your file," sagot niya, diretso. "All of you, I read your files. And I have one question for all of you. Why do you want to marry me?" Nagkatinginan ang apat na babae. Yung una sumagot agad, nakangiti nang matamis. "Sir Miguel, I've always admired the Salvador Empire, and Mrs. Sara Madrigal told me--" "Wrong answer," putol ni Miguel, hindi man lang siya tiningnan. "You admire the money, not the person. And I don't need Sara to choose my wife." Pangalawa. "Sir, I want to build a family--" "You want to build a portfolio, not a family." Pangatlo at pang-apat, parehong hindi nakasagot nang maayos. At huli akong tiningnan ni Miguel. "You. Why?" Huminga ako. Yung kamay ko pinagpapawisan pero pinilit kong maging kalmado. "Kasi kailangan ko ng pera, Sir," sagot ko, diretso ang tingin sa kanya kahit nanginginig ako. "Hindi po ako magsisinungaling na pangarap ko magpakasal sa mayaman. Kailangan ng kapatid ko ng 387,000 para hindi siya paalisin sa hospital niyo. At sabi sa ad, naghahanap kayo ng asawa. Hindi naman po ako choosy sa trabaho, basta legal at kaya kong panindigan." Natahimik ang buong penthouse. Si Victoria, hindi makapaniwala sa sinagot ko, napatingin kay Miguel. Si Miguel, nakatitig pa rin sa akin, pero ngayon, may kakaibang tingin na sa mata niya. Hindi na malamig lang. Parang may nakita siyang kakaiba. "At least you are honest," sabi niya sa huli, mahina pero malinaw. "The rest of you came here with rehearsed answers. Galing kay Sara." Tumingin siya kay Victoria. "She stays. The four of you can leave. Victoria will settle your time. And tell Jomarie, stop sending me his wife's friends." Nanlaki ang mata ng apat. Yung naka-silk dress halos tumayo nang padabog pero walang nagawa nang tiningnan siya ni Miguel. Yung tingin na yun, hindi CEO lang. Yung tingin na pwedeng magpabagsak ng tao sa isang tingin pa lang. Nang sumara ang p***o, kami na lang tatlo ang natira. Ako, si Victoria, at si Miguel. At doon ko naramdaman na nagsisimula pa lang ang totoong interview. At ang totoong panganib na papasukan ko.ASTRID POV :Yung Chanel dress na bigay ni Victoria, simple lang. Black, hanggang tuhod, walang design pero pag sinuot mo alam mong mahal. Yung tela malamig sa balat. Yung zipper sa likod, hindi ko maabot."Ma'am, tulungan ko na po kayo," sabi ni Victoria habang hinila yung zipper pataas.Pagharap ko sa salamin, hindi ako makapaniwala na ako yun.Buhok ko na pinlantsa ni Victoria, dress na Chanel, may light make up. Mukha na akong mayaman. Pero yung paa ko, naka-lumang tsinelas pa rin kasi wala akong heels."Yung heels po, Ma'am, size 7," sabi ni Victoria sabay labas ng box na may red sole. Louboutin. Yung nakikita ko lang sa TikTok ng mga influencer.Jusko, paano ako maglalakad dito? Baka ma-out of balance ako at mahulog sa hagdan.Bago pa ako makapag-reklamo, bumukas pinto. Si Miguel, nakatayo sa may pinto, nakatingin sa akin. Naka-black suit na siya ngayon, buhok ayos na, amoy na amoy ulit pabango.Saglit siyang natigilan. Yung mata niya bumaba mula mukha ko hanggang paa ko.Tumikh
ASTRID POV :Pagpasok namin sa kwarto, literal na napahinto ako sa may pintuan.Bes, hindi to kwarto. Penthouse to. Mas malaki pa to sa buong floor ng apartment namin sa Tondo. Yung bed, king size na parang pwede na tumira buong barangay. Yung closet, glass lahat, may ilaw pa sa loob. Yung banyo, may bathtub na parang pang-movie.At gitna ng lahat, isang kama lang.Isang kama. Uno. Isa lang talaga.Akala ko dalawang kama. O kahit man lang double deck. Pero isa lang.Tumingin ako kay Miguel na nakatayo sa tabi ng pinto, parang wala lang sa kanya."Isang kama lang?" Hindi ko napigilan tanong ko, medyo mataas boses ko.Lumingon siya. "What did you expect? Contract states we are married. Mr. and Mrs. Salvador share a room. If the guards see separate beds, they will know it's fake. And if they know it's fake, Jomarie will know. And if Jomarie knows—""Okay okay gets ko na, ikamamatay ko agad," putol ko. Ang haba mag-explain.Lumapit siya sa gitna ng kwarto at may kinuha sa drawer. Isang ro
ASTRID POV :6 AM pa lang gising na ako. As in hindi ako nakatulog. Paano ka makakatulog kung alam mong kinabukasan susunduin ka ka ng Rolls-Royce sa eskinita namin?Katabi ko si Ashley sa papag, ang himbing ng tulog. Hindi na siya hinihingal. Kahapon nung umuwi ako galing Grand Monarch, may dala akong yakult at skyflakes. Sabi ko sa kanya, "Bunso, bukas lilipat na tayo. May aircon na."Sabi niya, "Kasama si poging mayaman?"Hindi ako nakasagot. Paano ko sasabihin na yung poging mayaman na yun, asawa ko na sa papel simula kahapon?Sa labas, si Aling Nena nagkakape. Kanina pa siya pasilip-silip sa kwarto namin. Alam kong may gusto siyang itanong pero hindi niya alam paano."Apo," tawag niya nung lumabas ako dala yung isang maleta. Yung maleta na bigay pa ni Mama bago siya mawala, yung may gasgas na sa gilid. "Totoo ba yung sinabi ni Ashley? Mag-aasawa ka na daw? Mayaman daw?"Napalunok ako. Yung kontrata bawal ikwento kahit kanino. Pero si Aling Nena parang nanay ko na."Parang ganun n
THIRD PERSON POV : PENTHOUSE NG GRAND MONARCHNang sumara ang pinto ng penthouse, tatlo na lang ang natira sa loob. Si Astrid na nakaupo sa dulo ng mahabang table, hawak pa rin ang lumang sling bag na parang ayaw niyang bitawan na parang yun lang ang kakampi niya sa buong mundo. Si Victoria Tan na nakatayo sa gilid, hawak ang tablet na parang hawak niya ang buong buhay ni Astrid. At si Miguel Salvador na nakatayo sa harap ng glass window, nakatalikod sa kanila, nakatingin sa buong Makati na parang pag-aari niya talaga lahat ng nakikita niya.Yung aircon lang ang naririnig. Si Astrid hindi makahinga. Yung apat na babae kanina ang gaganda, ang yayaman, ang talino. Pero siya ang pinili. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o mas lalo siyang kabahan.Lumingon si Miguel."Victoria, give us five minutes," utos niya, mababa ang boses pero dominante. Yung boses na kahit hindi sumisigaw, susunod ka.Tumango si Victoria, at bago siya lumabas, tiningnan niya si Astrid nang may konting awa."M
ASTRID POV :Alas-nuwebe ng gabi nang makarating ako sa St. Matthew Medical Center. Hindi na ako nag-jeep. Tumakbo ako hanggang kanto at sumakay ng tricycle kahit alam kong kulang ang pamasahe ko bukas. Wala akong pakialam. Ang nasa isip ko lang ay si Ashley.Pagpasok ko sa third floor, amoy alcohol agad at sahig na kakapunas pa lang. Yung ilaw sa hallway sobrang puti, parang ayaw kang patulugin kahit pagod ka na. Yung mga nurse na nakaputi, halos hindi na makatingin sa akin kasi alam na nila yung balance namin. 387,000. Limang araw."Si Ashley Asuncion, Room 312?" hingal kong tanong sa nurse station. Basang-basa ang likod ng blouse ko sa pawis.Tumingin sa akin si Nurse Jenny. Kilala na niya ako. Mula nung ma-confine si Ashley, halos araw-araw ako nandito. Minsan wala akong tulog, minsan kakain lang ako ng skyflakes sa labas ng hospital para makatipid.Tumayo agad siya at hinawakan ang braso ko."Ate Astrid, okay na siya ngayon. Na-stabilize na namin," sabi niya habang inaalalayan ak
ASTRID'S POVPagod ako. Pero hindi ako pwedeng mapagod. Yun ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili habang mabilis kong sinisilid ang notebook sa lumang backpack na halos punit na ang zipper. Yung zipper parang suko na rin, ayaw nang gumana.Katapos lang ng huling subject ko sa university. Alas-kwatro na ng hapon. Yung ibang kaklase ko nasa labas na, nagyayaya ng milktea, nagpipicture sa harap ng campus na parang wala silang iniisip na bayarin. Ako, iniisip ko pa kung aabot ako sa shift ko sa coffee shop ng alas-sais. Kapag late ako, kaltas na naman."Uy, Astrid!" Napalingon ako. Si Bianca, yung kaklase kong halos kapatid ko na rin, humahangos na tumatakbo papunta sa akin."May meeting tayo sa graduation clearance! Nandun si Ma'am kanina, hinahanap ka!"Napangiwi ako. "Biancs, may pasok pa ako eh.""Dalawang trabaho na naman? Akala ko dalawa lang?""Tatlo na ngayon," sagot ko sabay pilit na ngiti. "Nagdagdag ako sa convenience store tuwing gabi."Hinawakan niya ang braso ko. "Astrid,







