Share

Kabanata 18

last update Huling Na-update: 2025-08-01 13:29:27
Nang nakaupo na ako sa aking upuan, may bagong email mula kay Sandro ang bumungad sa akin sa screen.

Subject: Re: FY Strategy Deck — see revisions

Walang greeting. Walang dagdag na mensahe. Naka-attach lang ang bagong version ng slide, kasama ang mga binura kong draft kahapon at mga suggestion ni Yvonne na mukhang hindi niya pinansin.

Napailing ako. Gano’n talaga si Sandro—direct, clinical, at minsan walang effort makipag-coexist sa mga simpleng pakikipag-ugnayan. Pero alam kong nagbabago rin siya—unti-unti. Siguro.

Hindi ko lang alam kung dahil ba ‘yon sa akin… o dahil napansin na niyang may ibang tao ring marunong tumingin at kumilos nang walang agenda.

Makaraan ang ilang sandali ay mag nag-pop up na message sa G****e Chat—galing iyon kay Miguel.

Miguel Arriaga (via G***l’s Internal Chat):

Hope you didn’t mind me walking with you earlier. Also, your notes on the launch flow last week? Solid. We used some of it sa pivot ng activation strategy.

Napakunot ako ng noo sa nabasa. K
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
NotSoGreatThinker
Kabanata 18 po ito, namali lang ng type. Waiting lang po ma-approve ang revision ko before ma-change ang title ng chapter. Thank you sa readers na umabot dito if meron man! ...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 64

    Pagkatapos ng initial test ni Sandro, napansin ko ang maingat na tingin ng doktor sa akin. Sa tingin niyang iyon, gumapang ang kaba sa aking dibdib at tila nagka-ideya na ako sa sasabihin niya sa akin.Maya-maya, humarap siya sa nurse. “Can you please stay with Mr. Navarro for a while? I need to talk to Mrs. Navarro outside,” pahayag niya rito na tinanguan naman ng nurse.Nilingon ko si Rafael na ngayon ay tumango na sa akin na para bang sinasabi sa aking siya na muna ang bahala sa kaibigan niya. Binigyan ko naman siya ng tipid na ngiti bago sinundan ang doktor sa labas ng room ni Sandro.Habang naglalakad, abot-abot ang pagtahip ng aking dibdib. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko sa bawat hakbang, at para bang may malamig na hangin na humahaplos sa aking batok.Kahit na may parte sa aking alam na ang sasabihin ng doktor sa akin, hindi ko pa rin maiwasang hilingin na sana mali ako. Na sana mali ang iniisip ko.Nang tuluyan kaming nakalabas ay humarap ang doktor sa akin, saka bumuga

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 63

    “Ma’am Lorraine, sigurado ka po bang magt-trabaho ka ngayon? Wala ka pa pong sapat na pahinga simula nang umuwi ka kaninang madaling araw,” nag-aalalang wika ni Manang Selya habang iginigiya ako sa malaking pinto ng bahay.Tipid akong ngumiti kay manang at tumango. “Opo, Manang. Kailangan ko, eh, lalo na’t wala si Sandro. At kailangan ko pa ring gawin ang trabaho ko bilang executive assistant niya.”Nang nalaman naming successful ang operasyon ni Sandro, nanatili pa ako sa ospital kahit na ramdam kong hindi naman welcome ang presensya ko roon. Kahit na palagi akong iniismiran ni Isabelle sa t’wing magkakasabay kami sa pagbisita ni Sandro at sinasabihan ako ng masasamang salita, hindi ako nagpatinag. Pinipili kong itikom ang bibig at lunukin ang kagustuhan kong ipagtanggol ang sarili.Kahit sina Mr. at Mrs. Navarro ay hindi ako pinapansin sa t’wing bumibisita rin sila sa anak nila. Hindi man nila ako direktang kinompronta sa kasalanan ko, ramdam ko naman ang lamig at pader sa pagitan n

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 62

    “‘Andito ka rin ba… para pagsabihan ako,” garalgal kong wika, pilit na pinupunasan ang mga luha sa pisngi gamit ang mga palad ko.Umiling lang siya, saka may inabot na isang puting panyo sa akin na bitbit niya pala sa isang kamay.Saglit akong napatitig doon at naiangat ang tingin sa kan’ya. Napalunok ako at dahan-dahan iyong inabot saka pinunasan ang bawat pisngi.Umupo siya sa aking tabi pagkatapos saka marahang nagsalita. “I’m not here to scold you, Lorraine. I’m here to tell you not to think too much about what happened. Panigurado… magiging successful ang operasyon ni Sandro.”Napakagat ako sa loob ng aking pang-ibabang labi, naguguluhan sa pagiging kalmado niya sa mga oras na ‘yon. “Pero… ako ‘yong dahilan kung ba’t siya nandito. Kung hindi ko siya nasaktan, kung hindi ko nasabi ‘yong mga bagay na ‘yon kay Mr. Aragon, baka—”“Shhh,” pagputol niya sa sasabihin ko, saka mahina niyang tinapik ang aking balikat. “Calm down. Naiintindihan kita, Lorraine. At alam kong maiintindihan ka

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 61

    Hindi ko namalayang nakarating na ako sa maliit na chapel ng ospital. Tahimik lang ang paligid at walang ibang tao roon kundi ako lang. Umupo ako sa pinakaharap, at hindi ko na napigilan ang sarili kong bumagsak ang mga balikat. Hindi ko na rin napigilan at tuluyan na akong humagulhol.Wala na akong pakialam kung gaano kalakas ang pag-iyak ko, kung may makarinig sa akin sa labas. Gusto ko lang ilabas lahat ng sakit na namumuo pa rin sa aking dibdib at pilit akong kinakain nang buo. Gusto ko lang ilabas ang bigat sa dibdib ko.“Panginoon…” halos wala nang boses kong bulong, nanginginig sa bigat ng nararamdaman. “Patawarin Niyo po ako. Patawarin NIyo po ako sa lahat ng kasalanang nagawa ko. Hindi ko po sinasadya… hindi ko po ginusto. Pero alam kong ako pa rin ang may kasalanan kung bakit nandito si Sandro ngayon.”Walang tigil sa pagbagsakan ang aking mga luha. Hinayaan ko na lang dahil iyon na lang ang kaya kong gawin ngayon—ang umiyak at ipagdasal ang kaligtasan ni Sandro.“Kung p’we

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 60

    Sapo-sapo ko ang aking mukha habang patuloy pa rin sa paghagulhol. Hindi ko na alam kung ilang minuto o ilang oras na akong umiiyak doon, naghihintay na matapos ang operasyon at hindi tumitigil sa pagdasal na sana ay maging successful ang operasyon ni Sandro.Kailangan kong maging matatag—pero paano kung si Sandro mismo, hindi magiging matatag sa laban na ‘to? Mas lalong napunit ang puso ko sa naisip.Panginoon, ‘wag naman sana. Kahit ‘wag na po niya akong patawarin, maging ligtas lang po sana siya.Ilang minuto ang lumipas nang may mga yabag na papalapit akong narinig. Pag-angat ng tingin ko, halos gumuho na naman ang dibdib ko nang makita ko ang mga magulang ni Sandro.“Lorraine, iha!” Mabilis na lumapit si Mrs. Navarro sa akin, namumugto na ang mga mata. Hinawakan niya ang braso ko, nanginginig. “What happened to my son?”Hindi ko alam kung paano sisimulan. Nanginginig ang mga labi ko, halos hindi makabuo ng kahit anong salita. Namumutawi ang kaba sa aking dibdib dahil hindi ko ala

  • The Billionaire's Beautiful Illusion    Kabanata 59

    Nakahiga lamang ako sa aking kama habang nakatitig sa kisame, paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ang sinabi ni Sandro sa akin bago siya umalis ng bahay.“You know what, Lorraine? I am fvcking done pretending that I love you. I am so sick of pretending that you are better than Celeste just to make this relationship fvcking work.”Sick of pretending? Kung gano’n, lahat ng pinapakita niya sa akin nitong mga nagdaang linggo ay pawang pagkukunwari lang? Gano’n ba? Hindi totoo ang pagmamahal na pinakita niya sa akin? Naawa lang ba siya sa akin kaya niya ginawa ‘yon? Dahil alam niyang hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko, kaya napili niyang magkunwari na lang na mahal niya ako upang magpatuloy ang kasunduan namin?Ang mga tanong na iyon ay parang apoy na dahan-dahang tumutupok sa akin mula sa loob. Parang walang humpay na sinasaksak ng milyon-milyong kutsilyo ang puso ko. At tila ba ay naubos na ang mga luha ko kanina, kaya wala nang kahit isang butil ang pumatak para man lang damayan ak

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status