Maghapon akong tuliro. Paulit-ulit sa isip ko ang alok ni Mr. Navarro.
Pagkatapos ng meeting na ‘yon kay Mr. Navarro—o Sandro, gaya ng pangalan sa kontrata—parang lahat ng pinlano ko para sa unang linggo ko sa trabaho ay biglang nabura. Orientation, pag-aaral ng mga routine ng opisina, pakikisama sa mga bagong katrabaho…naisantabi lahat. Wala akong ibang iniisip kundi ‘yong dokumentong ibinigay niya.
Isang taon. Isang kasal. Isang kasinungalingan.
Pag-uwi ko, agad kong isinara ang pinto ng inuupahang k’warto at naupo sa kama. Hindi pa man ako nakakabihis mula sa trabaho, binuksan ko na agad ang envelope.
Legal ang lahat. May notaryo. May pirma ng abogado. at may malinaw na terms:
1. No physical intimacy required.
2. Full confidentiality for both parties.
3. Fixed monthly compensation, with a bonus after completion.
4. Automatic annulment filing after one year.
Ang mga mata ko’y paulit-ulit na binasa ang bawat salita, parang naghahanap ng butas, ng patibong, ng dahilan para tanggihan iyon. Pero wala akong makita. At sa kabila ng lahat ng logic at pangangatwiran, may isang tanong akong hindi matakasan.
Bakit ako?
Bakit ako ang pinili niya? Bakit ako, sa dami ng babaeng p’wedeng pagpilian, sa ganda, sa yaman, sa koneksyon—bakit isang tulad kong simpleng babae ang gusto niyang maging asawa?
Hindi ko alam ang sagot. At ayokong umasa na may kinalaman ito sa kung sino ako. O sa kung ano’ng meron ako.
Tumitig ako sa kisame habang nakahiga. Tahimik lang ang gabi, pero ang isip ko’y maingay. Naglalaban ang takot at pangarap. Alam kong ito ang klase ng desisyong walang balikan. Pero alam ko rin kung gaano kalaki ang p’wedeng maitulong nito sa pamilya ko. Sa kapatid kong magko-kolehiyo na rin. Sa nanay kong ayaw na naming patrabahuin sa bukid ngunit nagpupumilit para may pangkain kami.
Isang taon lang. Isang taon kapalit ng buhay na maaaring mabago magpakailanman.
Sa lalim ng pag-iisip ko ay nakatulog akong hawak ang kontrata.
KINABUKASAN, pagpasok ko sa opisina, hindi ko pa rin alam ang magiging desisyon ko. Nagbihis ako gaya ng dati—simple, propesyonal, at walang kapansin-pansin. Pero ang loob ko, parang nilulunod ng kaba at pag-aalinlangan.
Bawat segundo ay parang hinahabol ng oras. Mula orientation hanggang lunch break, hindi ako mapakali. At bago pa man ako mawalan ng lakas ng loob, lumapit ako sa desk ng secretary ni Mr. Navarro.
“Can I see Mr. Navarro?” tanong ko.
Medyo nagulat siya. Siguro hindi siya sanay na nanghihingi pa ng permiso ang isang executive assistant na kausapin ang CEO gayong mas direkta ang trabaho ko sa boss namin kumpara sa kan’ya na general administrative ang trabaho.
“Of course, Ms. Sarmiento. You’re his executive assistant, after all. He’s free now. You may go in,” sagot niya na nakangiti, at tumango ako.
Pagbukas ko ng pinto, andoon siya—nakaupo, nakaayos, at malamig ang ekspresyon. Pero pagtingin niya sa akin, alam kong alam niyang may dala akong sagot.
Lumapit ako sa mesa niya, inilabas ang pinirmahang dokumento, at inilapag ito sa harap niya.
“Pinirmahan ko,” mahinang sabi ko. “Pero hindi ko ito ginagawa para sa’yo.”
Umangat ang kilay niya. Hindi siya nagsalita.
“Ginagawa ko ‘to para sa pamilya ko. Para sa mga pangarap na matagal nang kinahon ng kahirapan. Huwag mong isipin na kaya ko tinanggap ‘to dahil may gusto ako sa’yo.”
Tahimik niyang kinuha ang kontrata at maayos na inilagay sa isang envelope. Matagal bago siya nagsalita.
“Then we’re settled.”
Tumango ako. Pero ang tanong ko ay nanatili.
“Pero bakit ako, sir?”
Napatingin siya sa akin, matalim pero malungkot ang mga mata.
“Hindi ko p’wedeng ipaliwanag ngayon,” sagot niya. “But maybe, one day, you’ll understand.”
Napakurap ako at pinagmasdan siya. Hindi ko na lamang siya pinilit na sagutin ang tanong ko at baka magbago pa ang isip niya.
“Civil wedding,” aniya. “This weekend. It would be confidential. May kukunin akong judge, and you’ll get your copies of the marriage certificate, pero limited ang access.”
Natigilan ako sa sinabi niya. “Gano’n kabilis?”
“It has to be. I need this settled before the next board meeting. After that, you'll move into the house.”
Halos malaglag ang panga ko sa narinig. “Magli-live-in tayo?” gulat kong tanong.
“For public image,” sagot niya. “You’ll have your own room. Your own space. No one’s asking you to pretend more than necessary.”
Tumango ako, kahit may bahid ng kaba sa loob ko. Hindi pa rin malinaw ang lahat, pero mas malinaw na ngayon ang landas na tinatahak ko.
Paglabas ko ng opisina niya, parang bumigat ang hangin. Tahimik ang hallway, pero sa loob ko, parang may sumisigaw.
Ito na talaga. Wala nang atrasan.
At sa totoo lang…hindi ko alam kung ito ba ang simula ng tagumpay—o ng pagkasira ko.
Maaga akong gumising kinaumagahan kahit kulang sa tulog. Mabigat pa rin ang dibdib ko sa mga narinig kaninang madaling-araw, pero sa halip na hayaang lamunin ng lungkot, pinili kong bumangon.Tahimik pa ang buong mansyon nang lumabas ako sa silid. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdanan, suot ang simpleng puting damit-pangbahay na lampas tuhod at may manggas. Pagdating sa kusina, naabutan kong abala ang ilang kasambahay sa paghahanda. Amoy na agad ang ginisang niluluto at ang kape na kaka-brew pa lang. Naka-apron si Manang Selya sa tabi habang tahimik na binabantayan ang takbo ng kusina, ang dalawang kasambahay ay naghihiwa ng prutas at hinahanda ang itlog na sa tingin ko’y para sa sinangag.“Good morning po,” mahinahon kong bati sa mga taong naroon.Nagulat si Manang Selya at ang dalawang kasambahay, napaikot agad ang tingin papunta sa akin. “Ay, Ma’am Lorraine! Maaga po kayo nagising. Sana po’y nagpahinga pa kayo.”Ngumiti ako sa kan’ya. “Sinadya ko pong maagang magising, Manang. Gust
Nakakabingi ang katahimikan ng buong bahay nang sumapit ang hatinggabi. Para bang pati ang mga dingding ay takot gumawa ng ingay.Matagal na akong nakahiga pero hindi pa rin matahimik ang isipan ko. Paulit-ulit kong naririnig sa utak ang boses ni Isabelle—matinis, puno ng pang-uuyam, at parang kutsilyong kinakayod sa loob ng aking dibdib.“She doesn’t even look like she belongs here.”“Mukha siyang charity case na sinuotan mo ng singsing.”“You may have the ring now, but that doesn’t mean you have him.”Mariin akong napapikit nang muli na namang naglaro ang mga salitang iyon sa isipan ko.Alam ko namang wala akong karapatang masaktan. Pansamantala lamang ang lahat ng ‘to at hindi ko dapat dibdibin ang mga mararanasan ko sa loob ng isang taon. Gayunpaman, hindi ko mapigilang maapektuhan. Wala pa ngang isang linggo ay gano’n na ang mga salitang natanggap ko.Nagpakawala ako ng buntong-hininga at napagdesisyunang bumaba upang uminom ng tubig.Pagbaba ko ng hagdan, agad kong napansin ang
Lumipas ang mga oras matapos umalis si Rafael, saktong nasa loob ako ng office ni Sandro at ipinapasa sa kan'ya ang mga briefing notes na inihanda ko para sa investor call, nang biglang may malakas na kalabog ng pinto ang pumunit sa kapayapaan ng opisina.BLAG!Napapitlag ako sa biglaan at matinis na tunog na iyon.Pareho kaming napalingon ni Sandro sa pinto. At bago pa man ako makapagtanong, isang matangkad, elegante pero nanlilisik ang mga matang babae ang pumasok. Ang hakbang niya ay mabilis at matigas—walang alinlangan, walang preno.Suot ang designer blazer at may handbag na tila mas mahal pa sa buong laman ng bank account ko. Lumakad siya palapit kay Sandro na parang naglalakad sa courtroom—handang manlaban at walang intensyong umatras."Alessandro Navarro!" singhal niya, ang boses ay mataas, galit, at walang pakundangan. "Tell me this is a joke!"Napaatras ako sa gulat. Biglang nanlamig ang mga palad ko, para bang kahit ang hangin sa opisina ay natigil sa paggalaw. Si Sandro na
Pagdating ko sa office ni Sandro, ibang-iba ang atmosphere kaysa noong una ko itong pinuntahan bilang aplikante. Mas maaliwalas. Mas tahimik. Pero marahil ako lang ang nagbago—dahil ngayon, hindi na ako si Lorraine Sarmiento. Ako na si Mrs. Lorraine Navarro.Tinapik ko ang sarili sa salamin ng elevator habang paakyat. Nandito pa rin ang panlalamig at bahagyang panginginig ng buong katawan ko pero pilit ko iyong sinusubukang burahin sa sistema.Pagbukas ng elevator, nandoon agad si Yvonne."Mrs. Navarro," bati niya, tila sanay na sanay na sa bagong apelyidong iyon.Hindi ko maiwasang mahiya. Parang kahapon lang ay tanging newly-hired executive assistant ni Sandro lamang ako sa paningin niya, ngayon ay bagong asawa na ng boss namin. Kahit na alam niya namang isa lamang itong kasunduan ay nakakahiya pa rin."Hi, Yvonne. Nandiyan na ba si Sandro—I mean, Mr. Navarro?" nakangiti kong tanong dito."Tuloy po kayo. May inaayos lang po siya, pero sabi niya hintayin niyo raw siya sa loob."Tahim
Pagdilat ng mga mata ko, puting kisame ang bumungad sa akin—hindi ang kisame ng apartment kong may bitak sa gilid, kundi kisame ng isang silid na amoy mamahaling linen at lavender. Kumirot ang leeg ko sa sobrang lambot ng unan, at pansamantala kong nalimutan kung nasaan ako.Hanggang sa bumalik ang alaala.Ang kontrata.Ang kasal.Ang pangalang "Mrs. Lorraine Navarro" na ilang oras pa lang ay ikinakabit na sa akin ng sekretarya niya.Nabanggit din ni Sandro sa akin na ang sekretarya lang nito na si Yvonne ang nakakaalam sa kasal namin sa office, pati na rin ang agreement namin. Kinailangan daw ito upang may tumulong din sa akin sa mga bagay-bagay.Umupo ako sa kama, pilit pinapakalma ang dibdib kong tila may sariling utak. Tumingin ako sa paligid—malinis, eleganteng silid, puti at beige ang kulay. Wala ni isang personal na gamit na nagsasabing ito’y pag-aari ni Sandro. Parang model unit lang. Walang damdamin. Katulad ng kasal namin.Napapikit ako, hinilot ang sentido. "Kaya mo 'to, Lo
Dumating ang araw ng Sabado, ang araw kung kailan magaganap ang civil wedding namin ni Mr. Navarro, or Sandro.Ramdam ko ang panlalamig ng kamay ko at hindi ako mapakali.Tahimik lamang ang umagang iyon. Walang kampana. Walang bulaklak. Walang puting gown o madrama’t romantikong paglakad sa aisle. Wala rin akong pamilya sa paligid. Walang mga luha ng tuwa o yakap ng kasiyahan. Sa halip, tahimik lang ang paligid, gaya ng kasunduang pinasok ko.Ako lang, si Sandro, isang hukom, at isang babae sa sulok na may hawak ng kamera.Nakatayo ako sa loob ng isang maliit na conference room sa isang private law office. May mesa sa gitna, upuan sa magkabilang panig, at ilang papeles sa ibabaw. Nakaayos ako—hindi pang-bride, kundi pormal lang: isang puting dress at puting sandal na may maliit na takong, simple pero disente. Nagsuklay ako ng maayos at naglagay ng konting kolorete. Hindi para kay Sandro, kundi para sa sarili kong dignidad.Nang pumasok siya, hindi ko maiwasang mapatingin.Si Alessandr