Hindi pa man sumisikat ang araw, gising na ako. Hindi dahil sa excitement, kundi dahil sa kaba. Hindi ako mapakali buong gabi. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang itsura ni Mr. Navarro kahapon—kung paanong nagbago ang ekspresyon niya nang makita ako, kung paanong parang may alam siya tungkol sa akin na ako mismo’y hindi ko alam.
Iniisip ko, baka nagkamali lang siya ng pagkakakilala. Baka may kamukha lang ako. O baka may iniisip siyang ibang bagay. Kahit anong rason, pinilit kong kumbinsihin ang sarili kong trabaho lang ‘to. At kahit CEO pa siya, pareho lang kaming tao. Walang dapat ikatakot.
Pagdating ko sa opisina, akala ko makakasinghot man lang ako ng kape bago magsimula ang araw. Pero hindi pa man ako nakaka-upo ng maayos sa desk ko, tinawag na agad ako ng secretary ni Mr. Navarro.
“Ms. Sarmiento, pinapatawag ka raw po niya. Right now.”
Natigilan ako. Hindi pa nga ako nakaka-first hour.
“May problema po ba?” tanong ko, pero umiling lang siya at ngumiti ng tipid.
“Hindi niya sinabi. Basta raw pumasok ka agad.”
Tumango ako, pilit na pinapakalma ang sarili. Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa opisina niya, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kahapon lang ako nagsimula. Hindi pa ako pwedeng matanggal, 'di ba?
Pagbukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ng katahimikan. Nandoon siya, nakaupo sa harap ng desk, matigas ang mukha, at seryoso ang tingin.
“Umupo ka,” sabi niya, malamig ang boses. Walang emosyon. Walang introduction.
Sumunod naman ako. Umupo ako sa parehong upuan kahapon, tahimik, at pinipigilan ang sarili kong manginig. Tumitig siya sa akin nang matagal, parang may hinahanap sa mukha ko.
Parang may gustong sabihin pero hindi niya masimulan.
“Do you know why I hired you?”
Huminga ako nang malalim. “Because…you needed an executive assistant?”
“No,” aniya at sumandal sa upuan niya. “Because I needed someone who can think two steps ahead. Someone who knows how to protect my time, silence the board when needed, and make sure I walk into every meeting already five steps ahead.”
Ang dami kong gustong itanong, pero wala akong lakas ng loob. Ramdam kong sinusukat niya ako—hindi lang sa suot ko o sa resume ko. Pati kung sapat ba ang tapang ko para tumagal dito.
“You’re not here to make coffee,” dagdag niya. “You’re here to filter the noise. Guard the calendar. And keep me from wasting even a second.”
Tumango ako. “I understand, sir.”
Umarko pataas ang kilay niya. “Do you?”
“Yes, sir. I can handle it.”
For a moment, he didn’t speak. Tumingin lang siya sa akin nang diretso, para bang may binabasa siya na hindi ko kayang itago.
Tumingin siya sa intercom kapagkuwan.
“Yvonne, cancel my 10:30 AM meeting. And send the final board deck to Lorraine's inbox.”
“Yes, Mr. Navarro.”
Pagkatapos, kinuha niya ang isang tablet mula sa drawer, saka iniabot sa akin.
“Your first task. Reformat the board presentation. Eliminate the fluff. Keep only what matters. One hour.”
Kinuha ko ‘yon na parang bomba. “Understood, sir.”
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at akmang lalabas na sana ng office nang bigla niya akong tawagin.
“Ms. Sarmiento, I still have something to say,” anito na parang nagda-dalawang isip pa sa sasabihin.
Lumingon naman ako sa kan'ya ngunit nanatili sa kinatatayuan. “Yes, sir?”
Hindi ko alam kung ba’t parang kinakabahan ako sa sasabihin niya.
“This isn’t something usual, Ms. Sarmiento, and I need your honesty...and your trust.”
Mas lalo lang akong kinabahan sa sinabi niya. “Opo, sir?”
Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at lumapit sa harap ng desk. Ngayon ay nasa harapan ko na siya, malapit at halos magkatapat na kami.
“I’m offering you a contract,” aniya. “Hindi ito konektado sa trabaho mo bilang assistant.”
Napakunot ang noo ko. “Kontrata?”
Tumango siya. “Yes, isang kasunduan. Just for one year. No emotions involved. No physical obligations.”
Napakapit ako nang mahigpit sa hawak na tablet. Hindi ko gusto ang tinutumbok nito.
“Ano’ng klaseng kasunduan po?”
Tumitig siya sa akin ng diretso. Walang pag-iwas. “I wanna marry you, Ms. Sarmiento.”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. “A-ano po?”
“It’s just for show, Ms. Sarmiento. Sa papel lang. Just for public appearances, family events, and corporate affairs. Just for one year. No intimacy, and compensation guaranteed.”
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan. Tila naging estatwa na yata ako dahil sa offer ng boss ko. Hindi ko alam kung matatawa ba ako, o kung tatakbo na palabas. Nababaliw na ba siya?
“Bakit ako?” tanong ko sa wakas, mahina. “Sa dinami-dami ng p'wedeng piliin…bakit po ako, sir?”
Hindi siya agad sumagot. Sa halip, kinuha niya ang isang envelope na nakapatong sa desk niya at iniabot iyon sa akin.
Nagda-dalawang isip man ay dahan-dahan ko iyong tinanggap. Unti-unti ko iyong binuksan at may kontrata nga roon. May pangalan ko roon at detalyado pa ang paggawa. May confidentiality clause pa. At ang compensation na nakalagay roon? Six figures per month. Muntik na akong manghina sa nakita.
Mariin akong napalunok. Hindi ko alam kung insulto ba ito…o oportunidad.
“May mga personal akong kailangang ayusin, Ms. Sarmiento. Sa pamilya. Sa negosyo. They expect me to settle down. To appear stable. Kapag may asawa ka, mas madaling maniwala ang mga investor. Mas madaling maayos ang inheritance.”
Tumahimik siya saglit kaya napatingin ako sa kan’ya. Nakatingin din ito sa akin nang diretso.
“Hindi ko kailangan ng pag-ibig. I’m not looking for that. Ang kailangan ko ay isang taong mapagkakatiwalaan. At ewan ko kung bakit…pero pakiramdam ko, ikaw ‘yon.”
Nag-init ang mukha ko sa narinig. Hindi ko alam kung maaawa ako sa kan’ya, o sa sarili ko. Kasi sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang mas mabigat—ang mismong alok niya, o ‘yong tonong ginamit niya para iparating ito: malamig at parang transaksyon lang. Ano ba ang ine-expect ko?
“Pasensya na, sir,” sabi ko, pilit na pinapanatili ang respeto. “Pero…hindi po ba’t masyado pong…mabilis? Hindi pa nga ninyo ako kilala.”
Bahagyang tumaas ang isang makapal niyang kilay. “Alam ko ‘yon. At hindi kita pipilitin. You can walk away right now. Pero basahin mo muna ang kontrata. Walang p’wersahan. Walang damdaming kailangang i-involve. I’ll make sure you’re protected.”
Tinitigan ko siya. Parang wala siyang ibang intensyon kundi ang maging diretso at praktikal. Walang halong harana. Walang drama. Walang kahit anong romantikong imahe.
At ewan ko kung anong klaseng kabaliwan ang bumalot sa akin…pero isang bahagi ng loob ko ang naintriga.
Bakit ako talaga?
At bakit sa kabila ng lahat ng pagiging cold niya…bakit parang may hinahanap siya sa akin na ni siya mismo hindi niya maipaliwanag?
Tumingin ako sa papel na hawak ko. Isang taon. Walang emosyon. Walang obligasyon. Ngunit malaking pera. Kung tutuusin ay sapat na ito para maiahon ko sa hirap ang pamilya ko.
Pero ang kapalit…ang apelyido niya. Ang buhay niya. Kaya ko ba?
Pagkatapos ng initial test ni Sandro, napansin ko ang maingat na tingin ng doktor sa akin. Sa tingin niyang iyon, gumapang ang kaba sa aking dibdib at tila nagka-ideya na ako sa sasabihin niya sa akin.Maya-maya, humarap siya sa nurse. “Can you please stay with Mr. Navarro for a while? I need to talk to Mrs. Navarro outside,” pahayag niya rito na tinanguan naman ng nurse.Nilingon ko si Rafael na ngayon ay tumango na sa akin na para bang sinasabi sa aking siya na muna ang bahala sa kaibigan niya. Binigyan ko naman siya ng tipid na ngiti bago sinundan ang doktor sa labas ng room ni Sandro.Habang naglalakad, abot-abot ang pagtahip ng aking dibdib. Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko sa bawat hakbang, at para bang may malamig na hangin na humahaplos sa aking batok.Kahit na may parte sa aking alam na ang sasabihin ng doktor sa akin, hindi ko pa rin maiwasang hilingin na sana mali ako. Na sana mali ang iniisip ko.Nang tuluyan kaming nakalabas ay humarap ang doktor sa akin, saka bumuga
“Ma’am Lorraine, sigurado ka po bang magt-trabaho ka ngayon? Wala ka pa pong sapat na pahinga simula nang umuwi ka kaninang madaling araw,” nag-aalalang wika ni Manang Selya habang iginigiya ako sa malaking pinto ng bahay.Tipid akong ngumiti kay manang at tumango. “Opo, Manang. Kailangan ko, eh, lalo na’t wala si Sandro. At kailangan ko pa ring gawin ang trabaho ko bilang executive assistant niya.”Nang nalaman naming successful ang operasyon ni Sandro, nanatili pa ako sa ospital kahit na ramdam kong hindi naman welcome ang presensya ko roon. Kahit na palagi akong iniismiran ni Isabelle sa t’wing magkakasabay kami sa pagbisita ni Sandro at sinasabihan ako ng masasamang salita, hindi ako nagpatinag. Pinipili kong itikom ang bibig at lunukin ang kagustuhan kong ipagtanggol ang sarili.Kahit sina Mr. at Mrs. Navarro ay hindi ako pinapansin sa t’wing bumibisita rin sila sa anak nila. Hindi man nila ako direktang kinompronta sa kasalanan ko, ramdam ko naman ang lamig at pader sa pagitan n
“‘Andito ka rin ba… para pagsabihan ako,” garalgal kong wika, pilit na pinupunasan ang mga luha sa pisngi gamit ang mga palad ko.Umiling lang siya, saka may inabot na isang puting panyo sa akin na bitbit niya pala sa isang kamay.Saglit akong napatitig doon at naiangat ang tingin sa kan’ya. Napalunok ako at dahan-dahan iyong inabot saka pinunasan ang bawat pisngi.Umupo siya sa aking tabi pagkatapos saka marahang nagsalita. “I’m not here to scold you, Lorraine. I’m here to tell you not to think too much about what happened. Panigurado… magiging successful ang operasyon ni Sandro.”Napakagat ako sa loob ng aking pang-ibabang labi, naguguluhan sa pagiging kalmado niya sa mga oras na ‘yon. “Pero… ako ‘yong dahilan kung ba’t siya nandito. Kung hindi ko siya nasaktan, kung hindi ko nasabi ‘yong mga bagay na ‘yon kay Mr. Aragon, baka—”“Shhh,” pagputol niya sa sasabihin ko, saka mahina niyang tinapik ang aking balikat. “Calm down. Naiintindihan kita, Lorraine. At alam kong maiintindihan ka
Hindi ko namalayang nakarating na ako sa maliit na chapel ng ospital. Tahimik lang ang paligid at walang ibang tao roon kundi ako lang. Umupo ako sa pinakaharap, at hindi ko na napigilan ang sarili kong bumagsak ang mga balikat. Hindi ko na rin napigilan at tuluyan na akong humagulhol.Wala na akong pakialam kung gaano kalakas ang pag-iyak ko, kung may makarinig sa akin sa labas. Gusto ko lang ilabas lahat ng sakit na namumuo pa rin sa aking dibdib at pilit akong kinakain nang buo. Gusto ko lang ilabas ang bigat sa dibdib ko.“Panginoon…” halos wala nang boses kong bulong, nanginginig sa bigat ng nararamdaman. “Patawarin Niyo po ako. Patawarin NIyo po ako sa lahat ng kasalanang nagawa ko. Hindi ko po sinasadya… hindi ko po ginusto. Pero alam kong ako pa rin ang may kasalanan kung bakit nandito si Sandro ngayon.”Walang tigil sa pagbagsakan ang aking mga luha. Hinayaan ko na lang dahil iyon na lang ang kaya kong gawin ngayon—ang umiyak at ipagdasal ang kaligtasan ni Sandro.“Kung p’we
Sapo-sapo ko ang aking mukha habang patuloy pa rin sa paghagulhol. Hindi ko na alam kung ilang minuto o ilang oras na akong umiiyak doon, naghihintay na matapos ang operasyon at hindi tumitigil sa pagdasal na sana ay maging successful ang operasyon ni Sandro.Kailangan kong maging matatag—pero paano kung si Sandro mismo, hindi magiging matatag sa laban na ‘to? Mas lalong napunit ang puso ko sa naisip.Panginoon, ‘wag naman sana. Kahit ‘wag na po niya akong patawarin, maging ligtas lang po sana siya.Ilang minuto ang lumipas nang may mga yabag na papalapit akong narinig. Pag-angat ng tingin ko, halos gumuho na naman ang dibdib ko nang makita ko ang mga magulang ni Sandro.“Lorraine, iha!” Mabilis na lumapit si Mrs. Navarro sa akin, namumugto na ang mga mata. Hinawakan niya ang braso ko, nanginginig. “What happened to my son?”Hindi ko alam kung paano sisimulan. Nanginginig ang mga labi ko, halos hindi makabuo ng kahit anong salita. Namumutawi ang kaba sa aking dibdib dahil hindi ko ala
Nakahiga lamang ako sa aking kama habang nakatitig sa kisame, paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ang sinabi ni Sandro sa akin bago siya umalis ng bahay.“You know what, Lorraine? I am fvcking done pretending that I love you. I am so sick of pretending that you are better than Celeste just to make this relationship fvcking work.”Sick of pretending? Kung gano’n, lahat ng pinapakita niya sa akin nitong mga nagdaang linggo ay pawang pagkukunwari lang? Gano’n ba? Hindi totoo ang pagmamahal na pinakita niya sa akin? Naawa lang ba siya sa akin kaya niya ginawa ‘yon? Dahil alam niyang hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko, kaya napili niyang magkunwari na lang na mahal niya ako upang magpatuloy ang kasunduan namin?Ang mga tanong na iyon ay parang apoy na dahan-dahang tumutupok sa akin mula sa loob. Parang walang humpay na sinasaksak ng milyon-milyong kutsilyo ang puso ko. At tila ba ay naubos na ang mga luha ko kanina, kaya wala nang kahit isang butil ang pumatak para man lang damayan ak