Share

MY NAME IN THE FILE

Author: miru. moon
last update publish date: 2026-09-15 10:22:14

Hindi ko kayang maghintay nang matagal.

Kinabukasan, nang magkaroon ako ng pagkakataon, pumasok ako sa digital archive.

Hindi ko alam kung ano mismo ang hinahanap ko.

Siguro kahit isang sagot man lang sa marami kong tanong.

Siguro kahit isang maliit na piraso ng impormasyon na magpapatunay na hindi ako nababaliw.

Una kong hinanap ang pangalan sa likod ng litrato, si Elise.

Maraming records.

Karamihan restricted.

May mga dokumentong hindi ko mabuksan.

May mga folder na nangangailangan ng mas mataas na access.

May ilang files na pangalan lang ang nakikita ko bago mawala sa screen.

Mas lalo akong kinabahan.

Pagkatapos, hindi ko alam kung bakit, isinulat ko ang sarili kong pangalan.

LIANA VALDEZ.

May lumabas.

Isang folder.

Napatigil ako.

Binuksan ko.

Employment information.

Personal records.

Application documents.

Normal sana.

Hanggang sa makita ko ang petsa.

Tatlong taon na ang nakalipas.

Napakunot ang noo ko.

Hindi ako nag-apply noon.

Hindi ako nagtrabaho rito.

Alam ko iyon. Sigurado ako.

O akala ko lang alam ko?

Sinuri ko ang pangalan nang paulit-ulit.

Pareho ang spelling.

LIANA VALDEZ.

Parehong birthday.

Parehong address.

Parehong impormasyon.

Hindi maaaring ibang tao iyon.

Huminga ako nang malalim.

Baka may administrative error.

Baka maling file. Baka kapangalan ko lang o kaya magkaparehas lang talaga kami.

Iyon ang gusto kong paniwalaan.

Pero may isa pang folder.

Restricted.

Mas maliit.

At ang label nito ay:

HUWAG BUBUKSAN.

Napatingin ako sa paligid.

Walang tao.

Naririnig ko lamang ang mahinang ugong ng air-conditioning at tunog ng keyboard mula sa kabilang bahagi ng archive room.

Hindi ko dapat binuksan.

Alam kong mali.

Pero binuksan ko.

Biglang umandar ang isang video.

Nag-black ang screen.

Pagkatapos ay lumitaw ang mukha ni Elise.

Mas payat.

Mas pagod.

At sa mga mata niya, may bagay na hindi ko maipaliwanag.

Takot.

“At kung pinapanood mo ito…”

Napahawak ako sa gilid ng mesa.

“…ibig sabihin, nahanap ka na nila.”

Natigil na ang video pero ako naguguluhan pa rin sa napanuod ko at sa kung anong ibig sabihin ng mensahe niya.

“Ano?”

Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi nang malakas.

Sinubukan kong i-play muli.

Pero ayaw ng magplay.

Isang error ang lumabas.

Sinubukan kong i-refresh.

Wala pa rin.

“Who are you talking to?”

May malalim na bosses sa likod at dahil sa gulat halos malamig ang buo kung katawan.

Bigla akong napalingon.

Si Sir Adrian.

Nakatayo sa likuran ko.

May pagtatakang ekspresyon ang mukha niya.

Mabilis kong isinara ang screen.

“Sorry po.” paghingi ko ng paumanhin.

“Open it.”

Utos niya na ikinagulat ko.

“Sir—”

“Open it, Liana.”

May bigat sa boses niya.

Hindi iyon galit.

Mas nakakatakot dahil kontrolado.

Binuksan ko muli.

Pero kagaya ng una Kong pagsubok na buksan iyon muli nawala na ang video.

Parang hindi ito kailanman umiral.

“Nasaan?”

Tanong niya.

“Hindi ko na alam, nandito lang po yun kanina.”

Kung nagtataka siya mas nagtataka ako sa nangyari.

Lumapit siya sa computer.

Tiningnan ang screen.

Pagkatapos ay cellphone niya.

May notification.

Napansin ko.

'SHE REMEMBERS.'

Hindi ko dapat binasa.

Pero nabasa ko.

“Ano iyon?”

Tanong ko dahil parang tungkol nanaman sakin 'yon.

Hindi siya sumagot.

“Adrian? Ako ba ang tinutukoy ?”

Tumingin siya sa akin.

Iyon ang unang pagkakataon na tinawag ko siya sa pangalan niya lang.

May kung anong dumaan sa mukha niya.

Hindi ko alam kung gulat iyon o pagod.

“Go home.”

Utos niya.

“Hindi.”

Pagtutol ko.

“Liana.”

Biglang naging kalmado ang bosses niya na parang nagmamakaawang sundin ko siya.

“Hindi ako aalis.”

Pero di ako natinag sa pakiusap niya.

“Hindi mo naiintindihan kung ano ang pinapasok mo.”

Babala niya.

“Then explain it.”

Pagpilit ko sa kaniya.

Tahimik.

“May pangalan ko sa file.”

Dugtong ko.

Wala siyang sinabi.

“Tatlong taon na ang nakalipas.”

Nanatili siyang nakatingin sa akin.

Nakikinig lang sya sa mga sinasabi ko.

“Hindi ako nagtatrabaho rito noon.”

Madiin ang pagkabanggit ko dito.

“I know.”

Sagot niya.

Mabilis ang sagot.

Masyadong mabilis.

“Paano ninyo alam?”

Hindi nanaman siya sumagot.

At doon ko naintindihan.

May alam siya.

Marahil hindi lahat.

Pero sapat para matakot.

“Bakit ninyo ako kinuha bilang secretary?”

Naiinis na ako kasi wala manlang akong makuha ng matinong sagot mula sa kaniya.

“Dahil qualified ka.”

“Hindi iyon ang tanong ko.”

Saglit siyang tumingin sa akin.

“Umuwi ka muna.”

Utos niya.

“Hindi ninyo ako mapapaalis sa trabaho dahil ayaw ninyong sumagot.”

“Hindi iyon ang dahilan.”

“Then what is?”

Tahimik siyang tumingin sa akin.

At sa pagkakataong iyon, mas nakita ko ang pagod kaysa sa pagiging malamig niya.

Kung tama ang basa ko.

“Hindi ko alam kung ano ang naaalala mo.”

Napakurap ako. Anong naaalala ko?

“Wala akong naaalala.” pagtataka kong sagot sa kaniya.

“I know.”

Natahimik ako.

Doon ko unang naramdaman ang tunay na takot.

Hindi dahil may taong nagpapadala sa akin ng mensahe.

Hindi dahil may lumang file na hindi ko dapat nakita.

Kundi dahil may posibilidad na tama sila.

Baka may bahagi talaga ng buhay ko na hindi ko naaalala.

At baka si Adrian Montenegro ang isa sa mga taong nakakaalam kung ano iyon.

“May kinalaman ba yung babaeng kamukha ko? may kinalaman ba si Elise?”

Hindi siya sumagot.

Pero napansin kong bahagyang gumalaw ang panga niya.

Hindi ko alam kung galit siya o ayaw lamang niyang pag-usapan ang pangalan nito.

“Sir Adrian, Pease sagutin mo naman ako. Gulong- gulo na ako.”

“Hindi ngayon.”

“Bakit?”, Naiinis kong tanong.

“Dahil wala pa akong sapat na impormasyon.”

Napatawa ako nang mahina, pero walang saya roon.

“Samantalang may file ako rito na tatlong taon na ang nakalipas.”

“Alam ko.”

“May video si Elise.”

“Alam ko.”

“May taong nagsasabing kilala ninyo ako.”

“Hindi lahat ng sinasabi ng mga tao ay totoo.”

maniniwala ba ako sa taong to?

“Pero may isang bagay na totoo.” dugtong ko.

Tumingin ako sa kanya.

“Ang pangalan ko ay nasa file.”

Wala siyang naisagot.

At sa katahimikang iyon, mas lalo akong nakaramdam ng bigat.

Hindi ko alam kung bakit, pero sa unang pagkakataon mula nang pumasok ako sa kumpanyang ito, hindi na ako natatakot mawalan ng trabaho.

Mas natatakot akong malaman kung bakit ako narito.

At kung bakit parang matagal na akong hinihintay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's CEO Secretary   THE WOMAN AT THE DOOR

    Hindi ako nakatulog nang maayos nang gabing iyon.Hindi dahil sa takot.Mas nakakainis kaysa roon.Dahil sa dami ng tanong.Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko ang litrato ni Elise.Pagkatapos ang sarili kong mukha.Pagkatapos ang lumang file.At sa pinakahuli—ang mukha ni Adrian nang makita niya ang address.Hindi ko alam kung ano ang mas gusto kong malaman.Kung bakit kamukha ko si Elise.O kung bakit parang matagal na akong bahagi ng isang kuwento na hindi ko maalala.Kinabukasan, sumama ako kay Adrian.Tahimik ang biyahe.Pareho kaming may iniisip.Sa unang ilang minuto, tanging tunog ng makina at mahinang ingay ng lungsod ang naririnig ko.Maya-maya, ako na ang unang nagsalita.“May nangyari ba sa apartment na iyon?”“Liana.”“Simple lang ang tanong ko.”“Hindi ko alam kung ano ang makikita natin.”“Hindi iyon ang tinanong ko.”Saglit siyang tumingin sa akin bago ibinalik ang mga mata sa daan.“May mga alaala akong hindi ko gustong balikan.”Hindi ko inaasahang ma

  • The Billionaire's CEO Secretary    I DON'T KNOW WHAT I REMEMBER

    Kinabukasan, hindi ko na hinintay na mauna si Sir Adrian.Ako ang lumapit sa kanya.“Sabihin ninyo sa akin ang totoo.”Deretsa kong bungad sa kaniya.Hindi siya tumingala mula sa dokumentong binabasa niya.“About what?”Wow, parang may amnesia lang? “Ang alam ninyo.”Isinara niya ang folder.“Liana.”“May file ako rito tatlong taon na ang nakalipas.”Heto nanaman ako inuulit sa kaniya kahit wala akong natatanggap na paliwanag.Tahimik lang siya.“May video si Elise.”Dugtong ko, umaasang mapupukaw ko ang atensiyon niya sa pagbanggit ng pangalang 'yon.Wala pa rin.“At may nagsasabing kilala ninyo ako.”Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.“Hindi ko sinabi iyon.”“Hindi ninyo kailangang sabihin.”Napatingin siya sa akin nang matagal.“Hindi mo alam ang hinihingi mo.”Gusto Kong sabihing alam na alam ko Kung anong gusto Kong malaman.Ang hinihingi ko lang ay sagot sa mga tanong ko.“Ang hinihingi ko ay impormasyon tungkol sa sarili kong buhay.”Walang sagot.At iyon ang pinakamasakit.

  • The Billionaire's CEO Secretary   MY NAME IN THE FILE

    Hindi ko kayang maghintay nang matagal.Kinabukasan, nang magkaroon ako ng pagkakataon, pumasok ako sa digital archive.Hindi ko alam kung ano mismo ang hinahanap ko.Siguro kahit isang sagot man lang sa marami kong tanong.Siguro kahit isang maliit na piraso ng impormasyon na magpapatunay na hindi ako nababaliw.Una kong hinanap ang pangalan sa likod ng litrato, si Elise.Maraming records.Karamihan restricted.May mga dokumentong hindi ko mabuksan.May mga folder na nangangailangan ng mas mataas na access.May ilang files na pangalan lang ang nakikita ko bago mawala sa screen.Mas lalo akong kinabahan.Pagkatapos, hindi ko alam kung bakit, isinulat ko ang sarili kong pangalan.LIANA VALDEZ.May lumabas.Isang folder.Napatigil ako.Binuksan ko.Employment information.Personal records.Application documents.Normal sana.Hanggang sa makita ko ang petsa.Tatlong taon na ang nakalipas.Napakunot ang noo ko.Hindi ako nag-apply noon.Hindi ako nagtrabaho rito.Alam ko iyon. Sigurado ak

  • The Billionaire's CEO Secretary   WHAT SHOULD NOT BE REMEMBERED

    Hindi ko sinabi kay Adrian ang lahat ng naiisip ko.Hindi dahil wala akong gustong malaman.Kabaligtaran.Masyado akong maraming gustong malaman.At iyon ang problema.Kapag masyadong maraming tanong, mas mahirap malaman kung alin ang dapat unahin.Kaya ginawa ko ang pinakakaya kong gawin.Nagtrabaho ako.Buong umaga.Buong tanghali.Pinilit kong ituon ang sarili ko sa mga bagay na kaya kong kontrolin.Mga schedule.Mga tawag.Mga dokumentong kailangang ipadala.Mga meeting na kailangang ilipat.Simple lang dapat.Pero habang mas nagiging abala ako, mas lalo kong napapansin ang mga bagay na dati ay hindi ko pinapansin.Mga tingin.Mga bulong.Mga sandaling biglang tumatahimik ang isang grupo kapag dumadaan ako.Hindi naman lahat.Pero sapat para mapansin.Minsan, kapag nakatingin ako sa kanila, agad nilang iniiwas ang mga mata.Hindi ko alam kung dahil bago ako.O dahil may alam sila.Bandang alas-dose, pumunta ako sa pantry.May isang matandang babae roon na nag-aayos ng mga tasa.Hi

  • The Billionaire's CEO Secretary   THE PHOTOGRAPH

    May mga araw na wala namang kakaiba sa simula, pero pagdating ng gabi, maiisip mong sana pala hindi ka na lang umalis ng bahay.Hindi ako naniniwala sa ganoong pakiramdam.Mas gusto kong isipin na ang mga bagay ay may malinaw na dahilan.Kapag nagkamali ka, may dahilan.Kapag may nangyari, may pinagmulan.At kung may problemang hindi mo maintindihan, ang solusyon ay hanapin ang tamang impormasyon.Kaya bago ako bumaba ng taxi sa harap ng Velmont Group, tiningnan ko pa ang oras sa cellphone ko.7:43 a.m.Labimpitong minuto bago ang orientation ko.Maaga.Maayos.Kontrolado.Dapat ganoon.“Trabaho lang,” bulong ko sa sarili ko habang nakatingala sa gusali.Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang sabihin iyon.Siguro dahil sa unang tingin pa lang, alam kong hindi ako sanay sa mundong papasukin ko.Ang gusali ng Velmont Group ay hindi lang mataas.Nakaka-intimidate.Salamin at bakal ang halos buong harapan nito, at maging ang lobby ay parang walang lugar para sa mga taong nag-aalinlang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status