LOGINKinabukasan, hindi ko na hinintay na mauna si Sir Adrian.
Ako ang lumapit sa kanya.
“Sabihin ninyo sa akin ang totoo.”
Deretsa kong bungad sa kaniya.
Hindi siya tumingala mula sa dokumentong binabasa niya.
“About what?”
Wow, parang may amnesia lang?
“Ang alam ninyo.”
Isinara niya ang folder.
“Liana.”
“May file ako rito tatlong taon na ang nakalipas.”
Heto nanaman ako inuulit sa kaniya kahit wala akong natatanggap na paliwanag.
Tahimik lang siya.
“May video si Elise.”
Dugtong ko, umaasang mapupukaw ko ang atensiyon niya sa pagbanggit ng pangalang 'yon.
Wala pa rin.
“At may nagsasabing kilala ninyo ako.”
Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.
“Hindi ko sinabi iyon.”
“Hindi ninyo kailangang sabihin.”
Napatingin siya sa akin nang matagal.
“Hindi mo alam ang hinihingi mo.”
Gusto Kong sabihing alam na alam ko Kung anong gusto Kong malaman.
Ang hinihingi ko lang ay sagot sa mga tanong ko.
“Ang hinihingi ko ay impormasyon tungkol sa sarili kong buhay.”
Walang sagot.
At iyon ang pinakamasakit.
Hindi ko alam kung alin ang mas nakakagalit—ang pagsisinungaling o ang katahimikan.
May kumatok.
Si Claire.
“Sir?”
“Come in.”
May hawak siyang maliit na susi at isang folded piece of paper.
“May nag-iwan po nito para kay Ms. Valdez.”
Paanong sa ilang araw ko pa lamang sa trabaho ay may nagpadala agad sakin?
At ano to, love letter?
Habang inaabot sa akin ang papel, nagtataka kong kinuha ko iyon kay Claire.
Binuksan ko.
'KUNG GUSTO MONG MALAMAN KUNG BAKIT KAMUKHA MO SI ELISE, PUMUNTA KA RITO. MAG-ISA.'
May address.
Hindi ko pa man nakukumpleto ang pagbasa, kinuha ni Adrian ang papel.
Tiningnan niya ang address.
At sa isang saglit, may nagbago sa kanyang mukha.
“Kilala ninyo.”
Tanong ko na sana naman sagutin niya.
“Hindi.”
“Sinungaling.”
Hala ang bibig ko talaga walang preno.
Pero ayaw Kong bawiin ang sinabi ko.
Total wala naman akong nakukuhang sagot.
Ibig sabihing nun may tinatago talaga siya.
Pero bakit ayaw niyang malaman ko?
Bahagya siyang napapikit.
“Hindi ka pupunta.”
Para nag may pag-aalala niyang sabi.
“Bakit?”
“Dahil hindi mo alam kung sino ang nagpadala niyan.”
Tama naman siya, hindi ko alam kung sino ang nagpadala nito.
Pero para malaman ko sempre gusto kong puntahan.
“Pero alam ninyo ang lugar.”
Tahimik.
“Sir Adrian.”
Hindi siya sumagot.
“Nasaan iyon? Malapit Lang ba? o Malayo?"
Sunod-sunod kong tanong.
Matagal bago niya sinabi.
“Dating apartment ni Elise.”
Parang biglang lumiit ang silid. Nagulat ako. Si Elise nanaman. ano ba talaga ang kaugnayan ko sa kaniya? sa kanila?
“Doon siya huling nakita.”
Dagdag niya.
Napatawa ako nang mahina. Kaya ba ayaw niya akong pumunta sa lugar na iyon?
“Hindi ninyo talaga naiintindihan. Isa akong empleyado na kailanman hindi niyo kailangang protektahan mula sa mga impormasyon na tinatanong ko.”
Tumingin siya sa akin.
“Hindi nga. Pero Dapat.”
Madiin niyang Sabi sa akin.
“ Stop deciding for me.”
Hindi siya gumalaw. Pero di ako papapigil.
“Hindi mo ako pag-aari.” Dugtong ko.
Saglit siyang natahimik.
Pagkatapos ay mahinang sinabi:
“I know.”
Walang galit sa boses niya.
At marahil iyon ang dahilan kung bakit mas tumama sa akin.
Hindi siya nakikipagtalo.
Parang tinatanggap niya.
Ngunit hindi ibig sabihin noon na bibitawan niya ang problem.
Hindi rin ibig sabihin nun susunod na ako sa kaniya.
“Pupunta ako,” sabi ko.
“Sasama ako.”
Pagpilit niya.
“Hindi ko kailangan ng escort.”
Balak pa at ang maging body guard ko.
“Hindi ako nag-aalok.”
Napataas ako ng kilay.
“Ano ang ibig sabihin?”
Nagtataka kong tanong.
“Pupunta ako.”
Paninigurado niya.
“Bakit?”
Tiningnan niya muli ang address.
At sa unang pagkakataon, nakita kong parang may personal na alaala ang lugar na iyon.
“Dahil may mga bagay doon na dapat kong makita bago mo makita.”
Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.
Pero alam kong hindi na niya kayang pigilan ang susunod na mangyayari.
At kagaya niya gusto ko ring makita ang mga bagay na tinutukoy niya.
“May nangyari ba sa inyo ni Elise doon?”
Sigurado ako. May nangyari sa kaniya sa lugar na 'yun kaya ganun na lang ang pagpipigil niya saaking wag pumunta at pagpipilit na sumama siya.
Saglit siyang tumingin sa akin.
Hindi siya sumagot.
Pero hindi rin niya inalis ang tingin niya sakin
“Hindi lahat ng bagay tungkol kay Elise ay kailangan mong malaman.”
“Bakit?”
“Dahil hindi ko alam kung paano mo tatanggapin.”
Napakunot ang noo ko.
“Bakit parang mas kilala ninyo ako kaysa sa sarili ko?”
Mabilis siyang umiwas ng tingin.
At iyon ang unang pagkakataong naramdaman kong may tinatago siyang bagay na hindi lamang tungkol kay Elise.
“Hindi kita kilala nang ganoon.”
“Pero alam ninyo na hindi ako nagtrabaho rito tatlong taon na ang nakalipas.”
Tahimik.
“Paano?”
Wala pa rin.
At sa kabila ng inis ko, napansin kong hindi siya mukhang nagsisinungaling.
Mas mukhang may sinusubukan siyang protektahan.
Hindi ko alam kung ako ba iyon.
O siya.
O ang isang lihim na pareho naming hindi pa kayang harapin.
“Pupunta ako,” ulit ko.
“Hindi ka mag-isa.”
“Hindi ko kailangan ng escort.”
“Hindi ako nag-aalok.”
Napangiti ako nang kaunti.
“Napapansin ko, mahilig kayong magdesisyon.”
“Kapag kailangan.”
“At ngayon kailangan?”
“Oo.”
Hindi ko alam kung bakit may kakaibang bigat ang simpleng sagot niya.
Tumango ako.
“Sige.”
Hindi siya gumalaw.
“Anong oras?”
“After work.”
“Fine.”
Lumapit siya sa desk at kinuha ang susi mula kay Claire.
“Dalhin mo lang ang kailangan mo.”
“Hindi ba delikado?”
“Hindi ko alam.”
“Ang galing.”
Bahagya siyang napangiti.
Mabilis lamang.
“Mas gusto kong sabihin ang totoo kaysa bigyan ka ng maling katiyakan.”
Hindi ko inaasahan iyon.
At sa unang pagkakataon, naisip kong baka hindi lahat ng sinabi sa akin tungkol kay Adrian ay totoo.
Baka may dahilan kung bakit ganito siya.
Baka may bahagi siyang sinusubukang ayusin.
Pero hindi ko pa rin siya mapagkakatiwalaan.
Hindi pa.
At sa kabila ng lahat ng pagdududa ko kay Adrian, may bahagi sa akin na hindi ko maipaliwanag ang gustong malaman kung bakit ganoon siya tumingin sa address.
Parang may bagay siyang pinagsisisihan.
At marahil, bago matapos ang araw, malalaman ko kung ano iyon.
Hindi ako nakatulog nang maayos nang gabing iyon.Hindi dahil sa takot.Mas nakakainis kaysa roon.Dahil sa dami ng tanong.Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko ang litrato ni Elise.Pagkatapos ang sarili kong mukha.Pagkatapos ang lumang file.At sa pinakahuli—ang mukha ni Adrian nang makita niya ang address.Hindi ko alam kung ano ang mas gusto kong malaman.Kung bakit kamukha ko si Elise.O kung bakit parang matagal na akong bahagi ng isang kuwento na hindi ko maalala.Kinabukasan, sumama ako kay Adrian.Tahimik ang biyahe.Pareho kaming may iniisip.Sa unang ilang minuto, tanging tunog ng makina at mahinang ingay ng lungsod ang naririnig ko.Maya-maya, ako na ang unang nagsalita.“May nangyari ba sa apartment na iyon?”“Liana.”“Simple lang ang tanong ko.”“Hindi ko alam kung ano ang makikita natin.”“Hindi iyon ang tinanong ko.”Saglit siyang tumingin sa akin bago ibinalik ang mga mata sa daan.“May mga alaala akong hindi ko gustong balikan.”Hindi ko inaasahang ma
Kinabukasan, hindi ko na hinintay na mauna si Sir Adrian.Ako ang lumapit sa kanya.“Sabihin ninyo sa akin ang totoo.”Deretsa kong bungad sa kaniya.Hindi siya tumingala mula sa dokumentong binabasa niya.“About what?”Wow, parang may amnesia lang? “Ang alam ninyo.”Isinara niya ang folder.“Liana.”“May file ako rito tatlong taon na ang nakalipas.”Heto nanaman ako inuulit sa kaniya kahit wala akong natatanggap na paliwanag.Tahimik lang siya.“May video si Elise.”Dugtong ko, umaasang mapupukaw ko ang atensiyon niya sa pagbanggit ng pangalang 'yon.Wala pa rin.“At may nagsasabing kilala ninyo ako.”Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.“Hindi ko sinabi iyon.”“Hindi ninyo kailangang sabihin.”Napatingin siya sa akin nang matagal.“Hindi mo alam ang hinihingi mo.”Gusto Kong sabihing alam na alam ko Kung anong gusto Kong malaman.Ang hinihingi ko lang ay sagot sa mga tanong ko.“Ang hinihingi ko ay impormasyon tungkol sa sarili kong buhay.”Walang sagot.At iyon ang pinakamasakit.
Hindi ko kayang maghintay nang matagal.Kinabukasan, nang magkaroon ako ng pagkakataon, pumasok ako sa digital archive.Hindi ko alam kung ano mismo ang hinahanap ko.Siguro kahit isang sagot man lang sa marami kong tanong.Siguro kahit isang maliit na piraso ng impormasyon na magpapatunay na hindi ako nababaliw.Una kong hinanap ang pangalan sa likod ng litrato, si Elise.Maraming records.Karamihan restricted.May mga dokumentong hindi ko mabuksan.May mga folder na nangangailangan ng mas mataas na access.May ilang files na pangalan lang ang nakikita ko bago mawala sa screen.Mas lalo akong kinabahan.Pagkatapos, hindi ko alam kung bakit, isinulat ko ang sarili kong pangalan.LIANA VALDEZ.May lumabas.Isang folder.Napatigil ako.Binuksan ko.Employment information.Personal records.Application documents.Normal sana.Hanggang sa makita ko ang petsa.Tatlong taon na ang nakalipas.Napakunot ang noo ko.Hindi ako nag-apply noon.Hindi ako nagtrabaho rito.Alam ko iyon. Sigurado ak
Hindi ko sinabi kay Adrian ang lahat ng naiisip ko.Hindi dahil wala akong gustong malaman.Kabaligtaran.Masyado akong maraming gustong malaman.At iyon ang problema.Kapag masyadong maraming tanong, mas mahirap malaman kung alin ang dapat unahin.Kaya ginawa ko ang pinakakaya kong gawin.Nagtrabaho ako.Buong umaga.Buong tanghali.Pinilit kong ituon ang sarili ko sa mga bagay na kaya kong kontrolin.Mga schedule.Mga tawag.Mga dokumentong kailangang ipadala.Mga meeting na kailangang ilipat.Simple lang dapat.Pero habang mas nagiging abala ako, mas lalo kong napapansin ang mga bagay na dati ay hindi ko pinapansin.Mga tingin.Mga bulong.Mga sandaling biglang tumatahimik ang isang grupo kapag dumadaan ako.Hindi naman lahat.Pero sapat para mapansin.Minsan, kapag nakatingin ako sa kanila, agad nilang iniiwas ang mga mata.Hindi ko alam kung dahil bago ako.O dahil may alam sila.Bandang alas-dose, pumunta ako sa pantry.May isang matandang babae roon na nag-aayos ng mga tasa.Hi
May mga araw na wala namang kakaiba sa simula, pero pagdating ng gabi, maiisip mong sana pala hindi ka na lang umalis ng bahay.Hindi ako naniniwala sa ganoong pakiramdam.Mas gusto kong isipin na ang mga bagay ay may malinaw na dahilan.Kapag nagkamali ka, may dahilan.Kapag may nangyari, may pinagmulan.At kung may problemang hindi mo maintindihan, ang solusyon ay hanapin ang tamang impormasyon.Kaya bago ako bumaba ng taxi sa harap ng Velmont Group, tiningnan ko pa ang oras sa cellphone ko.7:43 a.m.Labimpitong minuto bago ang orientation ko.Maaga.Maayos.Kontrolado.Dapat ganoon.“Trabaho lang,” bulong ko sa sarili ko habang nakatingala sa gusali.Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang sabihin iyon.Siguro dahil sa unang tingin pa lang, alam kong hindi ako sanay sa mundong papasukin ko.Ang gusali ng Velmont Group ay hindi lang mataas.Nakaka-intimidate.Salamin at bakal ang halos buong harapan nito, at maging ang lobby ay parang walang lugar para sa mga taong nag-aalinlang







