LOGINHindi ko sinabi kay Adrian ang lahat ng naiisip ko.
Hindi dahil wala akong gustong malaman.
Kabaligtaran.
Masyado akong maraming gustong malaman.
At iyon ang problema.
Kapag masyadong maraming tanong, mas mahirap malaman kung alin ang dapat unahin.
Kaya ginawa ko ang pinakakaya kong gawin.
Nagtrabaho ako.
Buong umaga.
Buong tanghali.
Pinilit kong ituon ang sarili ko sa mga bagay na kaya kong kontrolin.
Mga schedule.
Mga tawag.
Mga dokumentong kailangang ipadala.
Mga meeting na kailangang ilipat.
Simple lang dapat.
Pero habang mas nagiging abala ako, mas lalo kong napapansin ang mga bagay na dati ay hindi ko pinapansin.
Mga tingin.
Mga bulong.
Mga sandaling biglang tumatahimik ang isang grupo kapag dumadaan ako.
Hindi naman lahat.
Pero sapat para mapansin.
Minsan, kapag nakatingin ako sa kanila, agad nilang iniiwas ang mga mata.
Hindi ko alam kung dahil bago ako.
O dahil may alam sila.
Bandang alas-dose, pumunta ako sa pantry.
May isang matandang babae roon na nag-aayos ng mga tasa.
Hindi ko siya kilala.
Pagkakita niya sa akin, tumigil siya.
“Good afternoon po.” Pagbati ko sa kanya.
Pero hindi siya sumagot.
Tinitigan niya lamang ako.
Hindi sa paraan ng isang taong sinusubukang alalahanin kung saan ka nakita.
Mas malalim.
Mas personal.
Parang may hinahanap siya sa mukha ko.
“Ma'am?” 'Yun Lang ang naidugtong ko dahil nagtataka din ako sa tingin niya.
Tapos, parang bigla siyang natauhan.
“Matagal ka na bang nagtatrabaho rito?” Tanong niya.
“First day ko po.” Sagot ko naman habang nalilito pa rin.
Nawala ang kulay sa mukha niya.
“Hindi maaari.”
Nagulat ako sa sinabi niya.
Napakunot ang noo ko.
“Ano pong hindi maaari?”
Sobrang curios akong malaman sa kung ano ba ang ibig sabihin niya.
Ngunit mabilis siyang lumabas.
Hindi man lang lumingon.
Naiwan akong nakatayo roon, hawak ang tasa, tulala.
Ilang segundo akong hindi gumalaw.
May bahagi sa akin na gustong sundan siya.
Pero may isa pang bahagi na nagsabing huwag.
Hindi ko alam kung bakit.
Pagbalik ko sa desk, may notification sa cellphone ko.
Unknown number.
'HUWAG KANG MAGTIWALA SA KANYA.'
Hindi ko kailangang hulaan kung sino ang tinutukoy.
Hindi ko alam kung bakit pero parang sigurado ako na si Sir Adrian ang tinutukoy sa text.
Ilang segundo lang, may kasunod.
'HINDI MO SIYA KILALA.'
Pagkatapos:
'PERO KILALA KA NIYA.'
Hindi ko napansing humigpit ang hawak ko sa cellphone.
May sumunod.
'TUMINGIN KA SA ILALIM NG MESA MO.'
Matagal akong nakatingin sa mensahe.
Alam kong hindi matalinong sumunod sa utos ng anonymous sender.
Kung gusto talaga akong takutin ng taong iyon, baka iyon mismo ang gusto niyang mangyari.
Pero may ibang bahagi sa akin na gustong malaman kung hanggang saan ang alam ng taong iyon.
Yumuko ako.
May puting sobre sa ilalim ng mesa.
Hindi ko alam kung paano iyon nakarating doon.
Wala naman akong napansing naglalagay nito.
Binuksan ko.
Isang lumang litrato.
Isang babaeng kamukha ko.
Pero mas bata kaysa sa unang litrato na nakita ko kahapon sa frame kasama ni Sir Adrian.
Mag-isa.
Pero sa larawang ito, may kakaiba sa ekspresyon niya.
Hindi siya nakangiti.
Parang may hinihintay.
Sa likod:
'NAKITA KA NA NIYA DATI.'
May naka-sulat din na pangalan.
ELISE.
Napatingin ako sa hallway.
Walang tao.
Muli kong tiningnan ang litrato.
May kakaibang pakiramdam na dumaan sa akin.
Hindi ko kilala ang babaeng ito.
Pero bakit parang pamilyar ang lugar na nasa likuran niya?
Isang lumang gusali.
Isang p***o.
At sa gilid ng larawan, may bahagyang bahagi ng isang karatula.
Hindi ko mabasa.
“Liana.”
Muntik ko nang mahulog ang litrato.
Si Sir Adrian.
Nasa pintuan.
“Ano po?” Gulat Kong tanong.
“Meeting in ten minutes.”
“Opo.”
Hindi siya umalis.
Napansin niya ang kamay ko.
Mas tiyak, ang paraan ng pagtatago ko ng litrato.
“Are you okay?” Tanong niya.
“Opo.”
“Don't lie.”
Close ba kami? bakit ganito niya ako agad kausapin?
May kakaibang lambot kasi sa huling dalawang salita ng binanggit niya.
Hindi ko alam kung tama ang basa ko.
Marahil ay pagod lang siya.
O baka sanay lamang siyang mapansin ang maliliit na bagay.
“Kaya ko po.”
Tinitigan niya ako nang ilang segundo. Alam kong hindi siya satisfied sa sagot ko.
“Ten minutes.”
Pagkaalis niya, tumingin ako sa cellphone ko.
May bagong mensahe.
'HUWAG MO SIYANG HAYAANG MAKITA ANG LITRATO.'
At pagkatapos:
'DAHIL ALAM NIYANG HINDI MO PA DAPAT NAALALA.'
Napaupo ako.
Hindi ko pa dapat maalala?
Ano?
Kailan?
At higit sa lahat—
bakit may taong takot na maalala ko?
Sa meeting, ilang beses kong nahuli ang sarili kong hindi nakikinig.
Naririnig ko ang boses ni Sir Adrian sa kabilang dulo ng mesa, malinaw at kontrolado, pero ang isip ko ay nananatili sa litrato.
Minsan, napapatingin siya sa akin.
Hindi ko alam kung napapansin niyang wala ako sa sarili ko.
Sa isang pagkakataon, nagtagpo ang mga mata namin.
Hindi siya nagsalita.
Pero bahagya niyang iniwas ang tingin niya na may pagtatakang ekspresyon sa mukha niya.
Pagkatapos ng meeting, habang naglalakad siya pabalik sa opisina, huminto siya sa tabi ko.
“Something is wrong.”
Hindi iyon tanong. Sigurado siyang may mali. Pero bakit niya alam yun? o simula pa lang Alam na niya na may ganito ng mangyayari.
“Wala po.” Sagot ko na lang sa kaniya.
“Liana.”
“Trabaho lang po.”
Wala akong ganang makipagtalo o sumagot sa mga tanong niya.
Wala din naman akong sabihin dahil kahit ako hindi ko maintidihan ang sitwasyon
Tiningnan niya ako.
At ilang segundo siyang hindi nagsalita.
Kung tama ang basa ko, parang alam niyang nagsisinungaling ako.
Pero hindi niya ako pinilit.
“Fine.”
Nagpatuloy siya sa paglalakad.
Naiwan akong nakatingin sa kanyang likuran.
Hindi ko alam kung bakit mas nakakabahala ang hindi niya pagtatanong.
Parang may alam siyang hindi niya kailangang sabihin.
At habang pinagmamasdan ko ang pintuan ng opisina niya, naisip ko ang huling mensahe.
'HINDI MO PA DAPAT NAALALA.'
Kung may taong nagsisikap na pigilan akong alalahanin ang isang bagay, ibig sabihin may bagay talaga akong nakalimutan.
At kung totoo iyon—
hindi na simpleng trabaho ang pagpasok ko sa Velmont Group.
Baka ang unang araw ko rito ay hindi talaga unang araw.
Baka may nauna na.
At baka ako lang ang hindi nakakaalam.
Hindi ako nakatulog nang maayos nang gabing iyon.Hindi dahil sa takot.Mas nakakainis kaysa roon.Dahil sa dami ng tanong.Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, nakikita ko ang litrato ni Elise.Pagkatapos ang sarili kong mukha.Pagkatapos ang lumang file.At sa pinakahuli—ang mukha ni Adrian nang makita niya ang address.Hindi ko alam kung ano ang mas gusto kong malaman.Kung bakit kamukha ko si Elise.O kung bakit parang matagal na akong bahagi ng isang kuwento na hindi ko maalala.Kinabukasan, sumama ako kay Adrian.Tahimik ang biyahe.Pareho kaming may iniisip.Sa unang ilang minuto, tanging tunog ng makina at mahinang ingay ng lungsod ang naririnig ko.Maya-maya, ako na ang unang nagsalita.“May nangyari ba sa apartment na iyon?”“Liana.”“Simple lang ang tanong ko.”“Hindi ko alam kung ano ang makikita natin.”“Hindi iyon ang tinanong ko.”Saglit siyang tumingin sa akin bago ibinalik ang mga mata sa daan.“May mga alaala akong hindi ko gustong balikan.”Hindi ko inaasahang ma
Kinabukasan, hindi ko na hinintay na mauna si Sir Adrian.Ako ang lumapit sa kanya.“Sabihin ninyo sa akin ang totoo.”Deretsa kong bungad sa kaniya.Hindi siya tumingala mula sa dokumentong binabasa niya.“About what?”Wow, parang may amnesia lang? “Ang alam ninyo.”Isinara niya ang folder.“Liana.”“May file ako rito tatlong taon na ang nakalipas.”Heto nanaman ako inuulit sa kaniya kahit wala akong natatanggap na paliwanag.Tahimik lang siya.“May video si Elise.”Dugtong ko, umaasang mapupukaw ko ang atensiyon niya sa pagbanggit ng pangalang 'yon.Wala pa rin.“At may nagsasabing kilala ninyo ako.”Dahan-dahan siyang tumingin sa akin.“Hindi ko sinabi iyon.”“Hindi ninyo kailangang sabihin.”Napatingin siya sa akin nang matagal.“Hindi mo alam ang hinihingi mo.”Gusto Kong sabihing alam na alam ko Kung anong gusto Kong malaman.Ang hinihingi ko lang ay sagot sa mga tanong ko.“Ang hinihingi ko ay impormasyon tungkol sa sarili kong buhay.”Walang sagot.At iyon ang pinakamasakit.
Hindi ko kayang maghintay nang matagal.Kinabukasan, nang magkaroon ako ng pagkakataon, pumasok ako sa digital archive.Hindi ko alam kung ano mismo ang hinahanap ko.Siguro kahit isang sagot man lang sa marami kong tanong.Siguro kahit isang maliit na piraso ng impormasyon na magpapatunay na hindi ako nababaliw.Una kong hinanap ang pangalan sa likod ng litrato, si Elise.Maraming records.Karamihan restricted.May mga dokumentong hindi ko mabuksan.May mga folder na nangangailangan ng mas mataas na access.May ilang files na pangalan lang ang nakikita ko bago mawala sa screen.Mas lalo akong kinabahan.Pagkatapos, hindi ko alam kung bakit, isinulat ko ang sarili kong pangalan.LIANA VALDEZ.May lumabas.Isang folder.Napatigil ako.Binuksan ko.Employment information.Personal records.Application documents.Normal sana.Hanggang sa makita ko ang petsa.Tatlong taon na ang nakalipas.Napakunot ang noo ko.Hindi ako nag-apply noon.Hindi ako nagtrabaho rito.Alam ko iyon. Sigurado ak
Hindi ko sinabi kay Adrian ang lahat ng naiisip ko.Hindi dahil wala akong gustong malaman.Kabaligtaran.Masyado akong maraming gustong malaman.At iyon ang problema.Kapag masyadong maraming tanong, mas mahirap malaman kung alin ang dapat unahin.Kaya ginawa ko ang pinakakaya kong gawin.Nagtrabaho ako.Buong umaga.Buong tanghali.Pinilit kong ituon ang sarili ko sa mga bagay na kaya kong kontrolin.Mga schedule.Mga tawag.Mga dokumentong kailangang ipadala.Mga meeting na kailangang ilipat.Simple lang dapat.Pero habang mas nagiging abala ako, mas lalo kong napapansin ang mga bagay na dati ay hindi ko pinapansin.Mga tingin.Mga bulong.Mga sandaling biglang tumatahimik ang isang grupo kapag dumadaan ako.Hindi naman lahat.Pero sapat para mapansin.Minsan, kapag nakatingin ako sa kanila, agad nilang iniiwas ang mga mata.Hindi ko alam kung dahil bago ako.O dahil may alam sila.Bandang alas-dose, pumunta ako sa pantry.May isang matandang babae roon na nag-aayos ng mga tasa.Hi
May mga araw na wala namang kakaiba sa simula, pero pagdating ng gabi, maiisip mong sana pala hindi ka na lang umalis ng bahay.Hindi ako naniniwala sa ganoong pakiramdam.Mas gusto kong isipin na ang mga bagay ay may malinaw na dahilan.Kapag nagkamali ka, may dahilan.Kapag may nangyari, may pinagmulan.At kung may problemang hindi mo maintindihan, ang solusyon ay hanapin ang tamang impormasyon.Kaya bago ako bumaba ng taxi sa harap ng Velmont Group, tiningnan ko pa ang oras sa cellphone ko.7:43 a.m.Labimpitong minuto bago ang orientation ko.Maaga.Maayos.Kontrolado.Dapat ganoon.“Trabaho lang,” bulong ko sa sarili ko habang nakatingala sa gusali.Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang sabihin iyon.Siguro dahil sa unang tingin pa lang, alam kong hindi ako sanay sa mundong papasukin ko.Ang gusali ng Velmont Group ay hindi lang mataas.Nakaka-intimidate.Salamin at bakal ang halos buong harapan nito, at maging ang lobby ay parang walang lugar para sa mga taong nag-aalinlang







