MasukLumabas ako ng kwarto, ang tunog ng pagbukas ng doorknob ay tila umalingawngaw sa tahimik na bahay. Humakbang at bumaba ng hagdan hanggang sa sala. Pagbaba ko ay napansin ko ang isang katulong na naglilinis.
Narinig nito ang mga hakbang ko kaya awtomatikong umangat ang mukha nito mula sa paglilinis nito.
"Good morning," magalang na pagbati ko na may ngiti sa aking mga labi.
Ngunit, sa pagbati ko dito ay hindi man lang ito tumugon, binawi nito ang mga mata akin saka ipinagpatuloy ang paglilinis.
Napasimangot ako, pero mas pinili ko na huwag na lang din itong pansinin, nagpatuloy ako sa paghakbang at nagtungo sa kusina para maghanda ang aking agahan o agahan pa bang matatawag gayong halos tanghalian na. Mag aalas dose na ng tanghali.
Bubuksan ko na sana ang refrigerator ng mapansin ko na tumigil ang babae sa paglilinis at tumingin sa akin. Kunot ang noo at salubong ang mga kilay na parang may nagawa akong mali.
"Huwag ka basta hahawak ng mga bagay sa paligid, hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang mga iyan?"
Kunot ang noo ko na bumaling dito na gusto ko sanang sagutin ng pabalang ngunit kinalma ko ang sarili ko.
Hindi ako nagsalita o sumagot sa sinabi nito. Nakatayo lamang ako na matamang nakatitig dito.
Sa tingin nito ay tila ba minamaliit lamang niya ako, na para na nitong sinasabi sa tingin nito na wala akong karapatang humawak ng mga gamit sa malaking bahay.
Napabuntong hininga ako. Muli ko na lang binalik ang pansin ko sa ref, umaasa na mayroon akong makikitang pwedeng iluto. At kalimutan ang babae na parang gusto pa akong lapain.
Paghawak ko ng handle ay bigla na lang niyang padabog na sinara ang pinto ng refrigerator, at matalim ang mata nitong nakatingin sa akin na parang isang matalim na kutsilyo.
Nakaramdam ako ng pagkairita sa ikinilos nito.
"What's wrong with you?" I snapped, hindi ko na maitago ang pagkainis ko dito.
"Sinabi ko sayo na huwag ka basta hahawak ng mga bagay dito sa loob ng bahay, hindi ka ba nakakaintindi?" Pabalang din na sagot nito sa akin, ang boses niya ay may halong pagkairita habang itinulak niya ako palayo.
Sasagot pa sana ako ng muli niya akong itinulak. Sa pagkakataong iyon ay mas malakas ang naging pagtulak niya sa akin, hindi ko napaghandaan kaya hindi ko nabalanse ang aking katawan, alam ko na sa mga oras na ito ay babagsak ako sa sahig.
Mariin na lang akong napapikit at hinintay na lang ang pagbagsak ko.
Ngunit, sa hindi ko inaasahan, isang malaking kamay ang mabilis na humawak sa pulso ko, hinila ako at tuluyang napayakap ang braso niya sa akin.
Binuksan ko ang aking mga mata at doon ko napagtanto na si Sir Kendick ang nakasalo sa akin. Ang isa sa kanyang braso ay mahigpit na nakayapos sa akin baywang at ang kanyang tingin ay napako sa akin ng may kaseryosohan na muling nakapagparandam sa akin ng kilabot sa buong katawan ko.
“S-sir,” nautal ako at nakaramdam ng pag aalinlangan.
Ang katulong na siyang nanulak sa akin ay hindi maitago ang kaba sa biglang pagdating ni Kendrick, nanginig ito sa takot.
Hindi inalis sa baywang ko ang kanyang kamay, bumaling si Kendrick sa katulong na walang ibang mabasang emosyon sa kanyang ekspresyon.
“Leave,” pagpapalayas niya sa katulong na hindi tumatanggap ng pamiwanag.
Hindi na nakasagot ang katulong sa takot, kumaripas ito ng takbo palabas ng bahay.
Nang maiwang kaming dalawa, bumating ulit sa akin si sir Kendrick saka niya ako tinulungang makatayo ng maayos.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatitig sa kanya sa pagkalito. Bakit bumalik na siya, hindi ba sinabi niya na sa susunod na araw pa siya babalik? Bakit narito na siya na sana ay bukas pa ang balik niya.
“Hindi kita iniwan dito para hayaang i bully ka ng iba.” sabi niya, ang boses na matatag at seryoso. “Tandaan mo ito, walang kahit na sinong mang bubully sayo maliban sa akin. Naiintindihan mo ba?"
“Y-yes, sir,” agad kung tugon kasabay ng aking pagtango. Nakaramdam ng takot ngunit may halong kagaanan naman ng loob.
Katahimikan ang namayani sa amin ng ilang sandali, na para bang tumigil ang mundo sa amin.
Para siyang naghihintay na ako ang unang gumawa ng hakbang, naipako ang tingin niya sa akin, hindi kumukurap.
"S-ir, may dumi ba sa aking mukha?" tanong ko na halos ako lang ang nakakarinig, tanong na lumabas sa bibig ko bago pa ako makapag isip.
Kunot ang noo niya, hindi nagustuhan ang naging tanong ko. Ano ba ang hinihintay niya na gawin ko?
"Parang nakalimutan mo na ang obligasyon mo," Sabi niya na mas lalong nakapagpalito sa akin.
"Huh." nalito ako. Hindi ko alam kung ano ang tamang gawin. Nag aalala na baka magkamali ako ng kilos ay magalit siya sa akin.
"What does a wife do when her husband comes home from work?" tanong niya na derektang ipinaalala kung ano nga ang papel ko sa buhay niya.
Ipinaalala ang kasunduan naming dalawa.
Yes, of course.
Malinaw niyang ipinahiwatid kung ano ang gusto niya, kailangan kong umakto na parang tunay na asawa. Kahit na nagdadalawang isip ako kung ano ang tamang gawain ng isang asawa sa asawa niya, nagpakawala ako ng malalim na paghinga bago ako kumilos para gawin kung ano ang hinahangad niya.
Hindi ko ipinahalata na pilit lamang ang mga ngiti na napaskil sa aking mga labi, upang hindi siya magalit sa akin ay umakto ako ng natural lamang kahit sa loob ko ay nanginginig na naman ako sa takot sa kanya.
Dahan-dahan, umangat ang mga kamay ko, nanginginig pa ang mga daliri ko ng humawak ako sa kanyang batok at saka ako lumapit, tumingkayad pa ako para maabot ko ang mukha niya, mabilis ang pagtibok ng aking puso. Dahil sa tangkad niya ay ang kamay ko na nasa batok niya ay hinatak siya at mariing dinampi ang labi ko sa mga labi niya, isang mabilis na halik na alam kung iyon ang hinihintya niya.
Matapos ko siyang halikan ng mabilis, hindi maitago ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Mabilis kong binawi ang kamay ko na nasa leeg niya, para kasing may boltahe ng kuryente na kumalat sa mga ugat ko sa pagkakadikit lamang ng labi ko sa mga labi niya.
Pero bago pa ako tuluyang makalayo sa kanya, nagulat na lang ako ng mabilis niyang nahawakan ang baywang ko, pinulupot ang braso niya sa akin at saka niya ako hinatak pabalik. Nakaramdam na naman ako ng kilabot na bumalot sa aking buong katawan.
Ang kanyang palad, humawak sa batok ko para hindi ako makaiwas, hinatak din niya ang pagkaka yapos sa baywang ko kaya mas nagdikit ang katawan namin.
Saglit pang nagkasalubong ang mata namin bago niya ako niyuko at hinalikan ng mapusok sa mga labi. Halik na tila siya may hinahabol
Tila siya nagugutom sa paraan ng paghalik niya sa akin. Sucking my lips as if he was eating me. Kinilabutan na naman ako. Halos magsitayuan lahat ng balahibong pusa ko sa katawan.
It consumed me completely, halos mawalan ako ng hininga sa tagal ng pagkakalapat ng labi namin.
Magkakasunod na paghugot ko ng hangin sa baga ng pakawalan niya ang labi ko. Ngunit sandali lamang iyon at muli niya akong hinalikan.
Ang kanyang dila ay pilit na pumapasok sa loob ng bibig ko, ginagalugad hanggang sa mahuli niya ang dila ko at mapaglaro niya iyong sinipsip. Napasinghap ako, kahit na tila ako mawawalan ako ng paghinga sa lalim ng paghalik niya sa akin ay nagawa kong tugunin ang halik niya at tuluyan akong natuksong palalimin ang naging halikan namin.
Ang sarap ng pakiramdam, at gusto ko ang pakiramdam na iyon na hindi ko pagsasawaan. Ngunit bago pa tuluyang mag init ang lahat ay unti unti siyang tumigil sa paghalik sa akin. Hinihingal pa akong napatingin sa kanya.
Ang kanyang mata, malalim kung tumitig na para siyang may hinahanap na hindi niya mapangalanan. Katahimikan ang ulit na namayani sa aming dalawa bago niya ako tuluyang binitawan.
Maayos siyang tumayo, inays ang tila nalukot niyang damit sa pagkakadikit ng aming katawan kanina, ebedensya sa mainit na halik naming pinagsaluhan.
"I'll send another maid to be with you," kaswal niyang sabi na para bang walang mainit na halikan na namagitan sa aming dalawa.
"N-no need." Nautal pa ako ng tanggihan ko ang sinabi niya.
Kung inaalala niya ang gawaing bahay ay kaya kong gawin iyon sa sarili ko.
"I can do the housework."
Napatitig siya sa akin. Para bang inaaral ang sinabi ko kung mapapanindigan ko ba iyon. Blanko lang ang ekspresyon ng mga mata niya na nakatitig sa akin.
"D-don't worry. I won't forget my obligation to you. So don't hire a maid to come with me to the house."
Hindi siya sumagot bagkus napatitig lang siya ulit sa akin. Na para akong ginigisa sa naging tingin niya. Nagpakawala pa siya ng isang malalim na paghinga bago niya binawi ang tingin niya sa akin.
He adjusted the end of his shirt sleeve, saka siya tumango bilang pagsuko sa sinabi ko.
"Gawin mo ang gusto mo," sabi niya, malamig at malayo ang boses niya, malaking kaibahan sa tumitibok na puso ko. "Babalik ako sa kumpanya, at bago ako bumalik mamaya, siguraduhin mong ihanda mo ang iyong sarili para ngayong gabi."
Parang may bumara sa lalamunan ko sa sinabi niya. Marahas ang naging paglunok ko dahil wala akong karapatan na tumanggi dahil yun ang nakasulat sa pinirmahan kong kontrata.
"Y-yes, sir."
"Very well. See you tonight," he said, and before I could utter another word, he turned and walked away.
Pinagmasdan ko siyang umalis, ang puso ko ay mabigat sa mga salitang hindi masabi at nagtatagal.
Nang sumara ang pinto, huminga ako ng malalim, sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Sa muling pagtutok, isinantabi ko ang aking umiikot na mga pag-iisip at ibinaling ang aking atensyon sa mga gawain. May layunin akong lumapit sa refrigerator, desididong maghanap ng mga sangkap para sa pagkain ngayong gabi.Isang alon ng pag-asa ang bumalot sa akin habang iniisip ko kung ano ang lulutuin, alam kong gusto kong maghanda ng espesyal para kay Kendrick—isang bagay na ihahain sa pagbalik niya.
Naging abala na sila ngayon sa pag-ukit sa mga prutas na napili nila. May isang oras silang tapusin ang mga ginagawa nila.Walang gustong magpatalo. Hindi ko naman sila as in na tinuturuan kundi sarili nilang sikap gawin ang mga bagay na pinapagawa ko.Ang itinuro ko lang sa kanila ay ang iba't ibang tools na ginagamit nila ngayon. Iba't ibang uri ng mga kutsilyo at iba pang mga bagay at paalalahanan na mag-ingat sila sa paggamit ng mga matutulis at matatalim na bagay."Teacher, I am done.""Me too.""Ako rin, teacher."Malapit ng matapos ang isang oras. At hindi naman ako nabigo sa kanilang lahat dahil nagawa nila nang maayos ang kanilang pag-ukit sa mga prutas at mga gulay na napili nila.Mayroong gumawa ng bulaklak na gawa sa kamatis. Gumawa ng paru-paro gamit ang carrots, ganun din ang pipino. Ginawang palaka ang pakwan. Ginawang teddy ang orange at marami pang iba.Ipinakita na nila iyon lahat sa akin hanggang sa lahat ay sila ay natapos na. Ngunit may isa akong hinihintay na ma
"Kasama mo ba si Ate Lesie?" tanong sa kain ng isa sa pinakamatanda sa mga batang lansangan na kausap namin kahapon."Hindi ko siya kasama pero tinawagan ko na siya na sumunod na lang sa lugar kung saan kayo lilipat." sagot ko naman sa bata.Ngunit hindi ko pa talaga natatawagan si Lesie dahil wala naman akong number niya. Balak ko na lang kunin mamaya sa kaklase niya sakaling alam nila."Hindi ba natin siya hihintayin? Baka pumunta siya dito at hanapin kami." May pagdadalawang isip na sabi pa nito sa akin. Halatang hindi agad ito nagtitiwala tulad ng ibang mga bata. Parang ito ang pinakapinuno nila."Bakit?" at doon halos sabay sabay kaming napatingin ng marinig namin ang tanong na iyon."Ate Lesie, narito ka na.""Anong nangyayari dito? Anong ginagawa nila dito?" magkasunod na tanong ni Lesie na ang tinutukoy ang mga taong kasama kong kukuha sa mga batang lansangan para ilipat sa bahay ampunan kung saan ay ang mismo si papa founder."Kasama ko sila. Hindi ba nasabi mo na ililipat mo
Cake, cookies at iba't iba pang mga bake ang binigay nila sa akin sa ikatlong araw kong pagtuturo sa kanila.Maayos naman silang nakikinig sa akin at madali lang silang pakisamahan. Ngunit kapag tipong patapos na ang oras ng aralin nila sa akin ay lahat ng mga niluto nila ay binibigay nila sa akin na may kasama pang note."Sinabi ko naman sa inyo na hindi ako mahilig sa mga matatamis. Salamat sa mga iyan pero ibigay niyo na lang iyan sa mga taong nagngangailangan." maayos na pagtanggi ko sa kanila.Pauwi na ako ng mga oras na iyon pero marami sa mga estudyanteng humarang pa talaga sa akin para ibigay ang mga iyon sa akin."Teacher naman, huwag mo ng tanggihan ang mga ito. Ginawa namin ito talaga para sa'yo."Napabuntong hininga ako."Gusto niyo talagang ibigay iyan sa akin?"Agad silang tumango sa naging tanong ko sa kanila."Then, follow me." saka ko sila niyaya na sumunod na nga sa akin.Kahapon ay hindi ko sila tinanggihan at kinuha lahat ng binigay nila sa akin. Pero binigay ko iy
"Kumusta ka na, Lesie?" tanong sa akin ng kakilala ko.Pasukan na at nakahanda na ako sa bagong yugto ng buhay ko. Ang harapin na ng maayos ang pag aaral ko. Kahit na nahuli na ako sa mga kaedaran ko ay kailangan kong harapin ang pag aaral ko.Natigil ako sa pag aaral nun nasa grade 8 na ako dahil madalas na akong atakihin sa puso. At minabuti ni papa na tumigil na muna ako sa pag aaral.Pero hindi naman papahuli ang mga grades ko kaya nakahabol ako. Nagtake ako ng exam at nakapasa ako kaya nasa senior high na ako. At kailangan kong i maintain ang grades na iyon para deretso na at makapagtapos na rin ako."Akala namin hindi ka na makakasabay sa amin." sabi nito saka niya ako inakbayan.Nakaramdam ako ng pagkabalisa kaya agad akong lumayo sa pag akbay nito."Bakit? Dati naman tayong magkaibigan ah," sabi pa nito ng mapansin ang pag iwas ko."Pasensya na, hindi ko naman nais umiwas. Sadyang naninibago lang ako. Alam niyo naman na bago na ang pusong tumitibok ngayon sa katawan ko.""Tam
"Pasensya na, pero hindi ako interesado sa sinasabi mo. Binigay ko sa'yo ang puso ng asawa ko para dugtungan ang buhay mo, hindi para buhayin ang puso ng asawa ko sa katauhan mo. Hindi ko na problema iyan kung may iba kang nararamdaman, ang maipapayo ko na lang sayo ay ang magpakita sa doctor at hindi ako ang iyong gagambalain."May pagkairita kong sabi sa babae.Tatalikuran ko na sana ulit ito at iiwan, nang hawakan niya ang kamay ko at pigilan.Agad kong binawi ang kamay ko, dahilan para mapaatras ito at muntik pang matumba sa lakas ng pagkakabawi ng kamay ko sa pagkakahawak nito.Awtomatikong umangat ulit ang kamay ko para hawakan siya. Nang masiguro kong nakatayo na ito nang maayos ay agad din akong lumayo dito."Sorry, I just want to tell you this. Hindi ko naman balak gambalain ka. Pero hindi ko maturuan ang puso ko ngayon na iwasan ka." Iyon ang narinig kong sabi nito sa akin.Nagpakawala na naman ako ng isang malalim na paghinga."Kung gusto mong agad sumunod ang puso mo sa iy
"She is my daughter," iyon ang narinig kong sabi ng lalaki ng makita ang larawan ng asawa ko ng hilingin nitong makita ang taong nag donate ng puso para sa anak nito."What do you mean?" kunot ang noo kong tanong.Ngunit nahihiwagaan rin ako dahil kamukhang kamukha nga ng anak nito si Maureen, may pagkakahawig talaga sila.Hanggang sa tanungin nito kung ang ina ba ni Maureen ay si Ms. Javier. At doon naliwanagan ang lahat na ang lalaking nasa harap ko ay ang tunay na ama ng asawa ko.Umiling ito, halos takasan ito ng dugo sa katawan ng bigla itong namutla sa nalaman. Na ang nagbigay ng puso sa isa nitong anak ay ang anak nito sa ina ni Maureen."Bakit hindi ko naisip na baka may kaugnayan kami sa donor ng anak ko. Kung alam ko lang sana. Kung alam ko lang ay nakita ko man lang sana ito sa huling pagkakataon ng kanyang buhay." hindi maitago ang panlulumo nito.Kahit ako ay hindi na rin iyon sumagi sa isip ko. Na baka nga may kaugnayan si Maureen sa pagbibigyan ng puso nito. Dahil bibih







