ログイン
“You’re fired.”
Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon habang naglalakad ako pauwi, parang sirang plaka na hindi marunong tumigil. Mahigpit kong hawak ang strap ng luma kong bag, halos magkulay puti ang mga daliri ko sa sobrang diin. Hindi ko alam kung alin ang mas masakit—ang biglaang pagkawala ng trabaho o ang pag-uwi para sabihin iyon kay Nanay. Bawat hakbang ko ay mabigat. Parang bawat paglapag ng paa ko sa lupa ay may kasamang tanong na hindi ko kayang sagutin. Paano na kami? Paano na ako? Huminto ako sa tapat ng maliit naming bahay. Tahimik. Madilim. Tanging ilaw mula sa lumang fluorescent lamp sa labas ang nagbibigay ng maputlang liwanag sa kalawangin naming gate. Pamilyar ang itsura nito—pareho pa rin tulad kahapon, tulad noong isang linggo, tulad noong mga panahong kahit papaano ay may dala akong perang maipapakita. Ngayon, wala. Humugot ako ng malalim na hininga, pinipilit ihanda ang sarili sa kung anong naghihintay sa loob, bago dahan-dahang itinulak ang pinto. “N-Nay…” Pagpasok ko pa lang ay agad na akong sinalubong ng malamig niyang tingin—walang kahit anong bakas ng pag-aalala. Para bang matagal na niyang alam ang balitang dala ko. “Tumawag ang tiyahin mo.” Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa sofa, nakakrus ang mga braso, at hindi inaalis ang tingin sa akin. “Tanggal ka na raw.” “Nay, makinig ka muna—” Paak! Hindi ko na nakita ang kamay niya. Napapikit ako sa lakas ng sampal na dumapo sa pisngi ko. Napaatras ako, muntik mawalan ng balanse, at napahawak sa dingding para hindi tuluyang matumba. Ramdam ko agad ang hapdi, parang may apoy na gumagapang sa balat ko. “Wala ka talagang silbi,” madiin niyang sabi, bawat salita ay parang kutsilyong bumaon sa dibdib ko. “Anong ginawa mo? Hindi ka naman tatanggalin kung wala kang kapalpakan.” Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. “Nagkamali lang ng akala ang asawa ng boss namin—” “Akala?” Napatawa siya, ngunit walang saya sa tunog nito. Mapakla. Mapanlait. “Alam mo, Isla, kung gagamitin mo lang din naman ang mukha mo para umasenso, sana inayos mo na.” Parang may kung anong pumutol sa loob ko. “Nay, hindi totoo ‘yon…” mahina kong sagot, halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses. Ngunit hindi siya nakinig. “Tigilan mo ako sa pagdadahilan.” Tumalikod siya, saka muling umupo sa sofa na parang wala lang nangyari. “Wala na tayong makakain mamaya. Lumabas ka at humanap ka ng trabaho mo. Bumili ka na rin ng pagkain.” Saglit siyang tumigil bago muling nagsalita, mas malamig, mas matigas. “At huwag na huwag kang uuwi na walang dalang magandang balita. Dahil hindi mo magugustuhan kung ano ang gagawin ko sa’yo.” Tahimik akong napayuko. Sanay na ako. Sa bahay na ito, hindi mahalaga kung pagod ako, nasasaktan, o unti-unti nang nawawalan ng lakas. Hangga’t wala akong naiuuwing pera, wala akong halaga. Wala akong karapatang mapagod. Wala akong karapatang magkamali. Mabigat akong humakbang papunta sa kwarto ko, pilit kinakaladkad ang sarili palayo sa sala. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalayo ay bumukas muli ang pinto. Kakauwi lang ni Kuya. Agad bumaba ang tingin niya sa akin—mula ulo hanggang paa—parang sinusuri kung anong klaseng balita ang dala ko. Napangiwi ako sa paraan ng pagtingin niya. “Oo nga pala,” natatawa niyang sabi habang papasok at isinasara ang pinto sa likod niya, “ikaw pala ‘yung pinag-uusapan sa opisina sabi ni Roel.” Kumunot ang noo ko. “Kuya, tama na.” “Sayang,” dagdag niya, umiling habang may nakakalokong ngisi sa labi. “Boss mo pa lang pinapatulan mo na. Baka pati ako, pwede na rin?” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nandidiri kong tinabig ang kamay niyang tangkang hahawak sa braso ko. “Mandiri ka naman sa sarili mo.” Saglit na nag-iba ang ekspresyon niya—parang nasagi ang ego—ngunit natawa rin agad siya, na para bang biro lang ang lahat at ako ang walang sense of humor. “Sensitive,” bulong niya, sabay iling. Hindi ko na siya pinansin. Iniwan ko siya roon at dumiretso sa kwarto ko, halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko sa bigat ng pakiramdam ko. Pagkasara ko ng pinto, saka ko lang naramdaman ang panginginig ng buong katawan ko. Tahimik akong naupo sa gilid ng kama. Manipis na kutson. Lumang electric fan na umiingit sa bawat ikot. Kupas na dingding na may mga bitak. Ito lang ang mundo ko. At ngayong wala na akong trabaho, pakiramdam ko pati ito ay mawawala rin sa akin anumang oras. Napapikit ako. Pinilit kong lunukin ang bara sa lalamunan ko, pilit pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala. Hindi ako pwedeng umiyak. Hindi dito. Hindi ngayon. Dahan-dahan akong tumayo. Kailangan kong kumilos. Kailangan kong may maiuwi. Dahil kapag umuwi akong walang dala mamaya… mas gugustuhin ko na lang sigurong huwag na umuwi. --- Gabi na nang tuluyan akong sumuko sa paghahanap ng trabaho. Masakit na ang mga paa ko sa kakalakad, at halos ubos na rin ang natitira kong pera matapos akong bumili ng mumurahing pagkain—ilang pirasong tinapay at de-lata na sapat lang para matawag na hapunan. Mahigpit kong hawak ang plastic bag habang naglalakad sa makipot na eskinita pauwi. Tahimik ang paligid. Tanging mahinang patak ng ulan at ilaw mula sa poste ang kasama ko. Paminsan-minsan ay may maririnig na tahol ng aso o kaluskos sa gilid, pero mabilis ding nawawala, parang ayaw ding makisangkot sa mundo ko. Pagod na pagod na ako. Hindi lang katawan ko, kundi pati isip at puso ko. Pagliko ko sa mas madilim na bahagi ng eskinita, bigla akong napahinto. May taong nakahandusay sa daan. Nanlamig ang buo kong katawan. Para akong napatigil sa oras. Ilang segundo akong hindi gumalaw, nakatitig lang sa hindi malinaw na anyo ng lalaki sa gitna ng basa at madilim na kalsada. Pero maya-maya, nanaig ang kaba—at kung ano mang natitirang konsensya sa loob ko. Mabilis akong lumapit. “K-Kuya…?” maingat kong tawag, dahil mukhang ka-edad lang siya ng Kuya ko. Hindi siya gumagalaw. Lumuhod ako sa tabi niya, hindi alintana ang basa at putik sa lupa, at marahang tinapik ang pisngi niya. Agad akong napasinghap nang makita ko ang dugong kumalat sa suot niyang damit. Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Hindi ko siya kilala. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Pero hindi ko rin kayang iwan siya. Dahan-dahan kong kinapa ang paligid niya hanggang sa makita ko ang cellphone na bahagyang nakatabi sa kamay niya. Eksakto namang umilaw ang screen dahil sa papasok na tawag. Saglit akong nag-atubili. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin. Hindi ko alam kung anong gulo ang maaaring madamay sa akin. Pero nang mapatingin ako sa duguan niyang katawan, mas lalo akong kinabahan. Humigpit ang hawak ko sa cellphone. At sa huli, nanaig ang takot… at awa. “H-Hello?” mahinang sagot ko, pilit pinapatatag ang boses ko kahit nanginginig pa rin ang buong katawan ko.Isla’s POVBuong maghapon akong pabalik-balik sa pinto upang silipin sila Adrian pero nandoon lang sila.Kung kanina ay yung assistant niya lang ang kasama niya, ngayon ay nadagdagan na naman ng dalawa pa.Maghapon na sila doon sa gazebo at halatang importante ang kanilang pinag-uusapan.Nakarami na din ako ng kain sa mga niluto ko kanina dahil sa kabagutan hoping na pwede ko iyong kainin sa gazebo para may magandang view pero hindi naman na sila umalis pa.Napalingon ako sa pintuan nang bumukas iyon at pumasok si Adrian na mag-isa.Tumingin ako sa kanyang likuran kung may kasunod pa pero wala akong ibang nakita kundi ang dilim sa labas.“Expecting someone?” Tanong niya sa akin.Inirapan ko lang siya saka binaling muli ang aking pansin sa tv.Maganda ngayon ang palabas at hindi kagaya ni Adrian ang sisira sa aking mood.“Did you eat?” Tanong niya muli sa akin saka tumabi sa aking tabi.“Oo.” Tipid kong wika sa kanya at nakatuon pa din ang atensyon ko sa tv.“Alright.” Tipid niyang wik
Isla’s POVNakatingin lang ako ngayon sa gazebo kung saan naroroon si Adrian.Mula sa kinatatayuan ko sa loob ng villa, kita ko ang bawat galaw nila—ang mga lalaking naka-itim na tila ba laging may tinatagong baril sa kanilang mga baywang, ang malamig na postura ni Adrian habang nakaupo, at ang lalaking kausap niya na pamilyar sa akin.Matagal ko siyang tinitigan bago ko tuluyang naalala.Si Nathan.Yung kanyang assistant. Tahimik pero mapanganib ang aura.Hindi ko alam kung bakit, pero tuwing nakikita ko siya, pakiramdam ko mas maganda pa siyang pakisamahan kaysa kay Adrian.Noong una ko siyang nakita, palangiti siya.Parang siya yung tipo ng taong hindi makakagawa ng masama.Gusto kong lumabas.Gusto kong lumapit.Gusto kong marinig kung ano ang pinag-uusapan nila.Pero saan naman ako pupwesto?Nasa kanila ang gazebo.Kung lalapit ako, siguradong mapapansin ako. At kapag napansin ako ni Adrian… hindi ko alam kung anong klaseng mood ang aabutan ko.Mabuti sana kung dito sila
Isla’s POVMaaga akong nagmulat ng aking mga mata kaysa dati.Hindi dahil mahimbing ang tulog ko, kundi dahil hindi na talaga ako makatulog nang maayos simula kagabi. Kahit nakapikit ako, pakiramdam ko gising pa rin ang katawan ko, laging alerto sa bawat galaw ni Adrian sa tabi ko.Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama, maingat na hindi siya magising.Nakatalikod siya sa akin, ngunit hindi ako sigurado kung tulog pa ba siya o gising na.Hindi ko na rin sinubukang alamin.Mas mabuti nang hindi.Pumasok ako sa banyo at mabilis na naghilamos. Ilang segundo lang akong tumitig sa sarili ko sa salamin. Namamaga pa rin ang mga mata ko, pero hindi na kagaya ng dati na halatang umiyak ako buong gabi.Kailangan ko nang kontrolin iyon.Hindi na pwedeng puro emosyon.Paglabas ko ng banyo, gising na siya.Nakatayo siya sa may bintana, nakatalikod sa akin habang nakatingin sa labas.“Maaga ka,” sabi niya nang hindi lumilingon.“Hindi ako makatulog,” sagot ko habang dumidiretso sa aparador.Hindi
Isla’s POV Muli ay nagising na naman ako sa pamilyar na kwarto.Nagising dahil sa marahang paggalaw niya sa tabi ko. Dahan-dahan niyang inalis ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko, parang maingat na ayaw akong magising. Pero kahit ganoon, naramdaman ko pa rin. Hindi na ako muling nakatulog. Nanatili akong nakapikit habang pinakikiramdaman ang bawat galaw niya—ang pag-angat niya mula sa kama, ang bigat na unti-unting nawawala sa likod ko, at ang mahinang tunog ng kanyang mga hakbang palayo. Pagkasara ng pinto, saka ko lang iminulat ang mga mata ko. Masyadong tahimik. Hinayaan ko lang muna ang katawan kong mahiga sa malambot na kama at nagpahinga. Kung sana maayos ang takbo ng buhay ko, nasa trabaho na sana ako ngayon kasama ang aking matalik na kaibigan. Kung sana nasa matinong pag-iisip ang mga magulang ko ay maganda sana ang kinabukasan namin dahil sa maayos kong trabaho. Tumulo ang aking luha nang maalala ko kung paano nila ako binenta. Binenta na parang bagay lang k
Trigger Warning: This content contains sexual themes and scenes that may be uncomfortable for some readers. Isla’s POV Nagising akong nasa bisig ni Adrian. Mahigpit ang pagkakayakap ng kanyang isang braso sa aking baywang, habang ang isa naman ay nasa ilalim ng aking ulo—parang sinadya niyang gawing unan ang sarili niya. Ang palad ko ay nakadikit sa kanyang dibdib, at bawat paghinga niya ay ramdam ko. Mabigat. Mainit. Hindi komportable. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumingin sa wall clock. Alas-siyete na ng gabi. Madilim na rin sa labas, at ang kurtina ay bahagyang gumagalaw dahil sa hangin mula sa bintana. Gabi na. Ibig sabihin… natulog ako sa tabi niya ng walang kahit na anong harang kagaya ng dati. Nanikip ang dibdib ko. Maingat akong gumalaw paalis, pero agad kong napansin ang paglapit ng mukha niya. Kahit nakapikit, parang ramdam niya ang bawat galaw ko. Bago pa ako makalayo, hinila niya ako pabalik. Ang palad niya ay dumampi sa aking pisngi.
Trigger Warning: This content contains sexual themes and scenes that may be uncomfortable for some readers.-------Adrian’s POVPasuray-suray akong nakarating sa isla.Damn. I was too drunk.Malabo na din ang mga mata ko habang pataas ako.Damn this feeling.I want to kill those bastards for putting aphrodisiac on the drinks.Pumunta ako sa banyo at doon muna ako nagbabad sa tubig.-----Isla’s POVNagising ako nang maramdaman kong may basang tumutulo sa aking mukha.Maliliit ang mga mata kong nagbukas ng aking mga mata.“A-adrian?”Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil sa pamumugto ng aking mga mata at isa pa hindi din malakas ang ilaw.Magsasalita pa sana ako ulit nang bigla niya akong halikan.Mabilis akong nagpumiglas.Amoy na amoy ko ang alak sa kanya.Tinulak ko siya sa kanyang dibdib na basa din.Tuluyang nagising ang aking diwa dahil sa nangyayari ngayon.“Mmmm.”Pinipilit kong magsalita pero hindi ko magawa.Ang rahas ng kanyang pagkakahalik sa akin.“Wag, Adrian!” Umiiya
Nakangiti akong lumabas ng coffee shop dahil malaki ang kinita namin ngayong araw at maayos ang takbo ng trabaho kahit pagod na pagod ang katawan ko. Bukod sa malaki ang kita, double pay din kami ngayon. Makakapagpadala ako kay Nanay ng mas malaking halaga. Ngunit nawala ang ngiti ko nang makita k
Kagaya ng napag-usapan namin nila Nanay at Tatay, lumuwas ako ng Maynila.Hindi para tuparin ang utang nila.Kundi para lumayo.Para mawala sa paningin ng lalaking iyon.Bitbit ko pa rin ang cellphone na ibinigay niya. Ilang beses ko iyong sinubukang itapon—sa terminal, sa basurahan, kahit sa kanal
Hindi ko na maalala kung paano ako nakalabas ng gusaling iyon. Parang awtomatiko na lang ang mga galaw ko habang inaalalayan ako ng dalawang lalaki papunta sa sasakyan. Hawak pa rin nila ang magkabilang braso ko—hindi marahas, pero sapat para ipaalala na wala akong kontrol sa kahit anong mangyayari.
Parang huminto ang mundo ko sa narinig ko.“A… ano?” halos pabulong kong tanong, hindi sigurado kung tama ba ang narinig ko o kung nagkakamali lang ako.Hindi siya nagbago ng ekspresyon. Nakatingin lang siya sa akin, kalmado—parang wala lang siyang sinabi na kayang baligtarin ang buong buhay ko.“I







