Share

KABANATA 18

Together

Hinang hina ako pagkatapos ng ginawa namin. Nanlalambot ang mga tuhod ko at nanginginig pa. Siya na ang mismong nagpunas at nagbihis sa akin bago niya naman asikasuhin ang sarili.

Pinapanood ko siyang magbihis at hindi ko na naman mapigilan ang pamulahan habang naiisip ang buong nangyari sa amin rito sa loob. Mabuti na lang talaga ay walang nagtangkang pumasok o kumatok sa banyo dahil kung hindi… sobra pa sa sobra ang magiging kahihiyan ko.

“Umuwi na tayo,” biglang sabi ni Evarius kaya agad akong nag-angat ng tingin sa kaniyang mukha.

Seryoso siya at parang hindi man lang napagod sa nangyari. Kinagat ko ang labi ko at inalala ang kaniyang sinabi at doon pilit itinuon ang atensyon.

“H-Hindi ba natin tatapusin ang party?”

“Do you want to? I mean… aren’t you tired after what–”

Agad kong pinutol ang sasabihin niya. “Iuwi mo na ako!&rdquo

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status