Home / Romance / The Billionaire's Ex Who Come Back for Revenge / Kabanata 05: The Consequences of their Lies

Share

Kabanata 05: The Consequences of their Lies

Author: Sashaa
last update Last Updated: 2025-11-03 22:19:22

“Sandali lang.”

Lumingon ang bata kay Ysabel, halatang naiinis. Ngunit bago pa siya makapagsalita, biglang hinawakan ni Ysabel ang braso niya at marahan, pero mariing, hinila ito palapit sa dingding.

“Tumayo ka nang maayos.”

“Bitawan mo ako! You are an ugly bitch! Ayoko sa’yo!” sigaw ng bata, nagpupumiglas habang nagwawala.

Sanay na si Ysabel sa ganitong eksena. Sa loob ng limang taon, kabisado na niya ang bawat galaw ni Miguel kapag nagagalit. Kung paano ito nagsisimula sa inis, tapos susunod ang iyak, saka ang paghingi ng awa.

Pero ngayong umagang ito, hindi niya kayang palampasin ang salbaheng bata na alam na niya kung kanino nagmana.

Sa isang iglap, tinwist niya ang braso ng bata at idiniin ito sa pader.

Isang manipis na latang kawayan ang kinuha niya mula sa paso sa tabi, at walang pagdadalawang-isip, ipinalo niya iyon nang malakas sa pwet ng bata. Ang tipikal niyang pamalo sa bata.

“Aray! Ouch! Huwag na!” sigaw ni Miguel, umiiyak at natataranta sa sakit.

“Ysabel! Ano bang ginagawa mo?” Mabilis na tumayo si Beatrice, halatang nag-aalala at may halong takot. “Nag-sorry na ang bata! Bakit mo kailangang parusahan pa ang paslit ng ganyan? Hindi mo kailangang maging marahas!”

Ngunit hindi tumigil si Ysabel. Ang boses niya ay malamig, kontrolado, ngunit puno ng sugat na matagal nang nakatago.

“Professor Beatrice, si Miguel ay anak ko. Bilang ina niya, tungkulin kong disiplinahin siya. Kaya ‘wag kang makialam dito dahil ito ay sa pamilya lamang!”

Sandaling tumigil siya, saka marahang ngumiti, mapait at puno ng kahulugan o pananantsa.

“Pero ikaw… mukhang masyado kang nag-aalala. Para kang…” tumigil siya saglit, hinayaan ang bigat ng katahimikan bago matapos, “…para kang mismong tunay niyang ina. Could you be?”

Tatlong sunod na hampas pa ang tumama sa pwet ng bata matapos niyang sabihin iyon habang hindi inaalis ang mata kay Beatrice.

You play me with lies? I play the consequences as my delicate cards.

“Aray! Mama, tama na! Hindi ko na uulitin!”

Tahimik ang buong silid matapos ang palahaw ng bata. Walang kumikilos. Kahit ang hangin ay tila huminto.

Si Beatrice ay nakatitig lang kay Ysabel, ang mga mata niya kumikislap sa pagitan ng galit at takot.

Ngunit sa loob ni Ysabel, may kakaibang kapayapaan.

Sa unang pagkakataon, nakaramdam siya ng kontrol. Sa harap ng babaeng ginulo ang buhay niya, sa batang itinuring siyang estranghero, at sa tahanang matagal nang hindi kanya.

Namutla si Beatrice, parang nawalan ng dugo sa mukha. Ramdam niyang bumaon ang mga kuko niya sa palad habang pinipilit kontrolin ang nanginginig na tinig.

“A-ako… hindi ko naman sinasabing mali ka, Ysa,” mahinahon niyang wika, pilit na ngumingiti kahit halata ang kaba. “Iniisip ko lang na… bata pa si Miggy, at hindi naman niya sinasadya—”

Pero bago pa siya makapagtapos, mariing nagsalita si Ysabel, kalmado ngunit malamig.

“Kung ang maliliit na pagkakamali ay hindi tinatama habang maaga, lalaki silang akala nila tama palagi. Hindi ako kasing husay mo sa pagpapalaki ng bata, Beatrice,” marahan pero matalim ang tinig niya. “Pero kung hindi ko siya papaluin, paano ko siya matuturuan ng leksiyon? Kaunting pagdidisiplina lang ito, ang over mo mag react.”

Napayuko si Beatrice, natigilan sa bigat ng bawat salitang iyon. Gusto niyang lumaban at ayaw magpatalo pero pinigilan niya ang sarili dahil hindi sila pwedeng mabuking!

Parang bawat kataga ni Ysabel ay hampas din ng rattan, mabigat, direkta, at walang pag-uurong.

Sa kabilang panig ng mesa, napamaang si Rafael sa harapan niya.

Kilala niya si Ysabel bilang mahinahon, at palaging may pasensya sa anak niya. Pero ngayon, ang babaeng nasa harap niya ay tila ibang tao. Matigas, matapang, at may apoy sa mga mata.

Hindi niya alam kung magagalit ba siya o maaakit sa lakas nito.

Lumapit siya at marahang hinawakan ang kamay ni Ysabel, ang kamay na kanina’y mahigpit ang kapit sa pamalo.

“Ysa…” mahinahon niyang sabi. “Tama na, he is already punished. Huwag mo nang dagdagan. Our boy already learned his lesson…”

Ilang segundong hindi gumalaw si Ysabel.

Nakatingin siya kay Miguel na umiiyak sa sulok, at sa ilalim ng galit, may bakas ng biglang pagkapagod.

Paglaon, dahan-dahan rin niyang binitiwan ang pamalo.

Bumagsak iyon sa sahig, mahina ang tunog, pero parang may kirot na dumaplis sa puso ng lahat ng naroon.

Agad nagtago si Miguel sa likod ni Beatrice, humihikbi at nanginginig. Hinaplos naman ni Beatrice ang buhok ng bata, parang isang ina, habang pinipigilan ang sariling luha.

Tahimik lang si Ysabel. Nilapitan niya ang mag-ina, at sa tinig na banayad pero matatag, nagsalita siya.

“Miguel, remember this moment, and the thing I’m about to say... Habang ako ang ina mo, matututo kang rumespeto. Kung hindi mo kayang igalang ang mas nakatatanda, hindi ako mangingiming gamitin ulit ang pamalong ito.”

Ang bawat salitang binitiwan niya ay parang batong inihulog sa gitna ng katahimikan. Si Miguel ay natigilan, maging si Beatrice ay walang nasabi.

Pagkatapos noon, ngumiti si Ysabel. hindi ngiti ng galit o tagumpay, kundi ng isang babaeng pagod, sugatan, at ngayo’y marunong nang manindigan.

Natigilan si Rafael. Ngayon lang niya muling nakita si Ysabel na ganito, malakas, buo, at may distansyang tila hindi na niya kayang lapitan.

Tahimik nang tumalikod si Ysabel at iniwan ang dining area. Leaving the remnants of her rage, and the consequences of their lies.

Unti-unti kong ibabalik sa inyo ang sakit na nararanasan ko. Dahan dahan… para mas triple ang sakit.

Hnid niya alam, bawat hakbang ng takong niya sa sahig ay tila kumakaskas sa dibdib ni Rafael, paunti-unting sugat na hindi niya alam kung paano tatapalan.

Ngunit bago pa si Rafael makasunod, hinawakan na ni Beatrice ang kamay nito.

“Raff…” mahina niyang tawag, puno ng pagmamakaawa.

Tumingin siya kay Beatrice, at sa sandaling iyon, nakita niya ang mga matang puno ng luha at sakit.

“Hindi ko na kaya,” mahina niyang sabi, halos pabulong. “Hindi ko na kayang tiisin ‘to.”

Matagal silang nagkatitigan. Walang salita, walang galaw. Tanging bigat ng hangin ang naroon sa pagitan nila.

At sa likod ng mga mata ni Beatrice, may apoy na unti-unting sumiklab.

Alam niyang mahal pa rin ni Rafael si Ysabel

At habang pinagmamasdan niyang unti-unting lumalayo ang babae, isang lihim na desisyon ang nabuo sa isip ni Beatrice.

Kung hindi mo kayang bitawan siya, Rafael… ako na ang gagawa ng paraan para mawala siya.

Sa simula pa lang, ang matandang Jimenez, ang ama ni Rafael, na ang tunay na dahilan kung bakit nagbuhol buhol ang mga buhay nilang tatlo.

Noong nag-aaral pa lang si Rafael, at gaya ng karamihan sa mga anak ng mayayaman, hindi niya kayang sumalungat sa ama niyang kontrolado ang lahat, pati puso niya.

Si Beatrice Quinto naman, halos mawalan ng trabaho dahil sa gulong iyon. Ipinatawag siya noon sa unibersidad, pinagbintangang may relasyon sa estudyante, at kahit walang pruweba, pinili niyang tahimik na lumayo. Iniwan niya ang pagiging professor at lumipat sa daycare, bitbit ang dignidad na unti-unting kinain ng kahihiyan.

At sa desperasyong itago ang lahat, ginamit ni Rafael si Ysabel Gomez bilang ang kaniyang rebound.

Isang desisyong magpapabago sa lahat ng buhay nila.

Minsan, tinanong ni Beatrice habang pareho silang tahimik sa kotse, “Bakit siya, Rafael? Bakit si Ysabel?!”

Napangiti lang siya noon, pagod, pero kampante.

Kampante dahil alam niyang sa lahat ng kilala niyang, kay Ysabel siya hinding hindi magkakagusto.

“She’s beautiful and has a good reputation. Kapag inuwi ko siya sa bahay, siguradong matutuwa si Papa.”

Ngunit habang tumatagal, hindi lang kagandahan ni Ysabel ang nakita niya. Inusisa niya na rin maging ang pagkatao ng babae. Ulila, tahimik, marunong tumindig sa sarili. Isa sa pinakamagaling sa Finance Department, at marami ang gustong makuha siya.

Sa isip ni Rafael, praktikal iyon. Kung siya ang makakarelasyon ko, mas madali akong aangat.

At ganoon nga ang nangyari. Sa loob ng ilang buwan, naging magkasama sila. Hanggang sa dumating ang araw na lihim silang nagpakasal, isang kasal na hindi dahil sa pag-ibig, kundi dahil sa pangangailangan

Para lang mapanatag si Beatrice, tiniyak niyang may parte pa rin ito sa mga ari-arian niya.

At sa isang bulong na pangako, sinabi niya, “Kapag nakuha ko na ang pamana, kapag may pangalan na ako sa industriya, ikaw ang una kong ipaglalaban, mahal ko.”

Ngunit ngayon, habang pinagmamasdan ni Rafael si Ysabel, may kakaiba na.

Ang babaeng dati’y tahimik at sunud-sunuran, ngayo’y tila nagbago. At iyon, ang hindi matanggap ni Beatrice Quinto.

Because in her eyes, in the eyes of a fellow woman, an admiration is blooming inside his man’s deepest pits.

Nahabag man si Rafael kay Beatrice, hindi niya pa rin kayang iwan si Ysabel. Hindi pa ngayon.Hindi pa ito ang oras.

Kaya nang umagang iyon, pinilit niyang magpaka-normal at hindi harapang panigan si Beatrice, ang mahal niya.

Paglabas niya ng bahay, nadatnan niyang papasok na sa kotse si Ysabel.

Maayos ang suot nito. Simple pero elegante, ‘yung tipong kahit walang effort, makikita mong may dignidad.

Agad niyang inayos ang ekspresyon sa mukha, pinilit ang ngiting batak na, at lumapit na parang araw-araw lang nilang ginagawa iyon, ang sabay na pag-alis tuwing umaga.

“Sabihin mo na lang sa assistant mo na ihatid ka,” wika ni Ysabel habang inaayos ang bag. “May appointment ako ngayon sa real estate agent. Titingin ako ng bahay.”

Bahagyang nagtaas ng kilay si Rafael. “Pero may meeting tayo sa kumpanya ngayon, ‘di ba?”

“Marami raw gustong kumuha ng bahay na ‘yon,” putol ni Ysabel, malamig ang tono. “Kapag hindi ko pinuntahan ngayon, baka maunahan ako.”

Tumingin siya diretso sa mga mata ni Rafael, at idinugtong, “Ikaw rin naman ang may sabi dati, ‘di ba? Na hindi puro trabaho ang dapat inuuna. Minsan, kailangan ko ring unahin ang sarili ko.”

Mababa ang tinig niya, pero may bahid ng sarkasmo.

May ngiti man sa labi ang babae, pero ramdam ni Rafael ang kakaibang lamig sa likod ng mga salitang iyon.

Parang… parang may laman ang bawat ngiti.

Napangiti siya pabalik, pilit na pinatatag ang boses kahit naguguluhan sa mga ikinikilos ng asawa. “Fine, then, hindi na rin ako papasok. Sasama na lang ako sa ‘yo para tumingin ng bahay.

“Hindi na kailangan.”

Mas lalo pang lumiwanag ang ngiti ni Ysabel, pero may halong distansya. Nilapitan niya si Rafael, marahang ipinagapang ang daliri sa dibdib nito.

“Gusto kong ako muna ang pumili. Ipapakita ko sa’yo kapag nakapili na ako. I promise”

Alam niyang alam ni Rafael kung bakit niya iyon sinabi.

Hindi naman talaga ito gustong sumama, gusto lang nitong bantayan siya.

Lagi na lang gano’n. Lahat kailangang dumaan sa kanya. She’s so done with him controlling her goddamn life.

At hindi na rin siya bobo, kung sakaling mapunta sa pangalan nilang mag-asawa ang bahay, siguradong sa huli, mauuwi rin iyon kay Beatrice.

Ngumiti si Ysabel, ‘yung ngiti na may halong lambing at panlilinlang. “Relax,” wika niya, halos parang nagbibiro. “Baka naman surprise ito para sa’yo.”

“Is this one of your surprise?” tanong ni Rafael, may halong lambing at pag-asang baka ito’y senyales ng pagkabuo nilang muli.

“Oo,” sagot ni Ysabel, pero bahagyang nanigas ang labi niya. Pagkasabi no’n, binawi niya agad ang kamay at ngumiti ng pilit.

“Sige,” tugon ni Rafael, mababa at paos ang boses. “Susundin kita.”

At bago pa siya tuluyang makaalis, marahan niyang ipinatong ang kamay sa balikat ng babae at niyakap ito ng mahigpit.

Wala nang nagawa si Ysabel kundi tiisin ang yakap na iyon na nakakasuka. Pilit niyang itinatago ang pagkadiri sa ilalim ng ngiting pamilyar at maging siya ay sanay na.

Pero sa loob-loob niya, gusto na niyang kumawala. Gusto niyang huminga.

Habang pinagmamasdan ni Rafael ang kotse ni Ysabel na papalayo, dahan-dahang nawala ang ngiti sa kanyang labi.

Ilang sandaling natigilan siya, tila may kakaibang pakiramdam na gumapang sa dibdib niya, hindi niya maipaliwanag kung kaba, selos, o takot ba iyon.

Parang may nagbago.

O baka naman siya lang ang nag-iisip noon?

Siguro nga, dahil lang ito sa pagiging sensitibo ng mga babae.

Baka nagseselos lang si Ysabel kay Beatrice.

Napabuntong-hininga si Rafael ng malalim, marahas na hinila ang kanyang necktie na parang biglang sumikip.

Hindi niya maintindihan kung bakit siya nababahala, pero may kung anong inis na unti-unting umuusbong sa kanya… isang bagay na ayaw pa niyang pangalanan.

I shouldn’t be affacetd, bulong niya sa sarili.

Kahit gaano pa kabait ang babaeng iyon. Kahit gaano pa siya kaganda— I mean ka-sincere. Isa lang ang babaeng mahal ko.

Si Beatrice.

No other woman for me in this lifetime.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Ex Who Come Back for Revenge   Chapter 7: When Loyalty Hurts the Most

    Bago pa man tuluyang mag-load ang picture sa phone ni Rafael, biglang nag-ring ang cellphone niya.Beatrice is calling…Pag-sagot niya, agad niyang narinig ang boses ng babaeng umiiyak hingal, basag, at puno ng sakit.“B-Bea? Anong nangyari? Where are you? Talk to me!”Nanikip ang dibdib niya.Hindi niya matanggap na umiiyak ito ng ganyan.Pero kahit ano’ng pilit niya,iyak lang nang iyak si Beatrice.Ni isang salita wala.“Okay, okay… nasaan ka? Susunduin kita ngayon. Pupunta nako”Naputol ang tawag.“Sh*t.”Hindi na niya inisip ang ongoing business dinner nagpaalam lang siya ng mabilis sa clients, nag-utos sa assistant, at dumiretso sa sasakyan.Habang nagmamaneho,sunod-sunod ang dial niya sa number ni Beatrice.Saka lang may sumagot.“Bea? Ano’ng”“Hindi si Beatrice ‘to.”Mahigpit ang boses ng babae sa kabilang linya.“Si Xu Jing. Punta ka sa Q Bar. Halos di na makatayo si Bea kakainom.”Tumigil ang mundo ni Rafael sandali.Q Bar.Bar ni Xu Jing.Kaibigan ni Beatrice.Ang lugar na

  • The Billionaire's Ex Who Come Back for Revenge   Chapter 10: Frozen Fortunes, Burning Hearts

    Ysabel knew well how bad-tempered Madam Jimenez was, and how dramatic Bianca could get. Kung sakali silang mag-apologize, siguradong magulo ang buong Jimenez mansion.“Ysabel… alam mo naman ang temper ni Mama… hayaan mo na siyang paapologize-in,” said Rafael, pinipigil ang sarili na hindi magalit.Even though he was fuming, he knew one thing the company came first. Pride could wait.“Naniniwala ako na nagbabago ang tao. Rafael… para sa’kin at para sa kumpanya… pag-isipan mo nang maigi,” Ysabel said firmly.Pagkatapos niyon, binaba niya ang phone, at pinatay ito.When Rafael tried to call again, the number was unreachable.Hinila niya ang necktie niya, feeling a surge of frustration.Tama si Beatrice… sobra talagang spoiled si Ysabel.Paano siya magtampo sa ganitong importanteng bagay?Galit na galit, pero hindi siya nagmadali na hanapin si Ysabel.Hindi niya ma-imagine na hindi niya mapapalista ang company without her.Pero nagulat siya: umalis lang si Ysabel ng umaga, tapos by aftern

  • The Billionaire's Ex Who Come Back for Revenge   Chapter 9 : The Wife Who Won’t Bow Down

    “At my age, kailangan ko pang ma-lecture ng daughter-in-law ko. Ang hiya naman mabuhay nang ganito! Sino ba ang iniisip niya? Kung hindi dahil sa insistence mo na makasama siya, karapat-dapat ba talaga siyang pumasok sa Jimenez Family?"Seeing na unmoved si Rafael Jimenez, umiikot si Madam Jimenez at sinimulang hampasin ang dibdib at stamp ang paa sa frustration.Helpless, wala nang choice si Rafael Jimenez kundi sumunod sa request ng mom niya na turuan si Ysabel ng leksyon at dalhin siya para humingi ng sorry kay Bianca Jimenez in person.Pag-alis sa bahay ni Bianca Jimenez, agad na tinawagan ni Rafael Jimenez si Ysabel.Medyo natagalan bago sumagot si Ysabel sa phone. Medyo displeased ang tono ni Rafael Jimenez: "Umuwi ka na ba?""Hindi pa. Nakausap pa ako ng client, ano?"Sa oras na iyon, nakaupo si Ysabel sa revolving restaurant ni Tito Donovan, at ang maid sa tabi niya ay nagpuputol ng top-quality, marbled veal steak para sa kanya.Sumagot si Ysabel sa phone habang hindi tiniting

  • The Billionaire's Ex Who Come Back for Revenge   Kabanata 8: The Wife They Underestimated

    "You…” napatigil si Madam Huo, halos mabulunan sa galit. Matagal siyang hindi nakapagsalita. Tahimik lang noon si Ysabel laging sunod-sunuran. Pero ngayon? Diretso kung magsalita. May lakas ng loob. At alam ni Madam Huo: kapag binanggit niya ang pangalan ni Rafael at ang kumpanya, siya pa ang lalabas na makitid ang isip. “Mom, kapag nakapagdecide na si Bianca, send mo na lang yung restaurant details. Busy ako ngayon, so… bye.” Derechong ibinaba ni Ysabel ang tawag. Beep. Beep. Beep. Nanlaki ang mata ni Madam Huo. "You…” napatigil si Madam Huo, halos mabulunan sa galit. Matagal siyang hindi nakapagsalita. Tahimik lang noon si Ysabel laging sunod-sunuran. Pero ngayon? Diretso kung magsalita. May lakas ng loob. At alam ni Madam Huo: kapag binanggit niya ang pangalan ni Rafael at ang kumpanya, siya pa ang lalabas na makitid ang isip. “Mom, kapag nakapagdecide na si Bianca, send mo na lang yung restaurant details. Busy ako ngayon, so… bye.” Derechong ibinaba ni Ysabel ang tawag.

  • The Billionaire's Ex Who Come Back for Revenge   KABANATA 7: Silent Lies and Stolen Promises

    Sa buhay, may mga desisyong gagawin natin nang isang beses lang isang hakbang na maaaring magdala ng pag-asa… o magwasak ng buong mundo natin.At ngayong gabi, iyon ang sandaling nasa harap mismo ni Ysabel Gomez.Dalawang lalaki. Isang kapalaran. Isang kasunduang maaaring magbago ng hinaharap niya… o magtulak sa kaniya sa mas malalim na kasinungalingan.Pero minsan, ang pag-ibig ay hindi pumipili ng tama… pumipili ito ng masakit.Hindi pa man siya gaanong nakakalayo, isang itim na kotse ang huminto sa harapan niya. Mabilis na bumaba ang isang lalaki at binuksan ang pinto para sa kanya.Si Victor ang personal assistant ng lalaking nakatakda niyang pakasalan.Ngayon, wala na ang suot nitong uniform. Instead, naka-black suit with sunglasses… and a very clean, professional aura na parang hindi dapat kinakausap nang basta-basta.Napangiti si Ysabel, pilit nagpapa-relax sa sarili. Tahimik siyang sumakay sa loob ng sasakyan.Silang dalawa lang.“Pasensya na… sino ka nga ulit?” mahinahon ni

  • The Billionaire's Ex Who Come Back for Revenge   Kananata 06: Fate's First Encounter

    Hindi pa man gaanong nakakalayo si Ysabel, isang lalaki ang bumaba mula sa kotse at mabilis na binuksan ang likurang pinto para sa kanya. Siya ang parehong lalaki na nag-abot sa kanya ng business card noong isang araw pero ngayon, wala na siyang uniform. Naka-itim na suit lang siya, may suot na sunglasses, at mas maaliwalas ang dating ng kaniyang presensya. Napangiti si Ysabel at tumungo sa loob ng sasakyan. Mukhang talagang naparito ito para sunduin siya, dahil silang dalawa lamang ang sakay. “Pasensya na… sino ka nga ulit?” maingat niyang tanong. “I am Sir’s personal assistant. Pwede mo akong tawagin na Victor,” mabilis na sagot ng lalaki, alam agad ang ibig niyang itanong. Saglit na napatango si Ysabel bago muling nagtanong, halos pabulong: “Victor… Bakit ako? Bakit ako ang pinili ng asawa mo sa kasunduan na ‘to? Ni hindi naman kami magkakilala, ‘di ba?” Ngumiti lang si Victor. “Hindi ko alam ang mga pribadong dahilan ni Sir, pero… kakabalik mo lang sa bansa. Malamang hind

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status