공유

Chapter 1

작가: Lulu
last update 게시일: 2026-05-03 22:26:49

"We should go to the police station now and file a complaint. Muntik na roon, Miss—"

"Tel, Celeste Carvajal ang pangalan ko pero Tel na lang," saad ko nang makitang nag-aalinlangan iyong lalaki kung anong itatawag niya sa akin.

Inubos ko na sa isang subo ang egg tart na kanina ko pa gustong diretsahang ubusin.

"And I can't believe that you had an appetite despite what happened to you." Pinagpag ko ang crumbs ng egg tart mula sa aking labi pati na rin kamay. Sinipat ko iyong box. Naubos ko na pala.

"Sorry na." Ngumuso ako, "Wala pa kasi akong breakfast at lunch."

Nangunot ang noo nito, halatang mas lalo siyang hindi natutuwa dahil sa narinig.

"Bakit hindi ka pa kumakain?"

Lord, ano ba naman ito? Halata naman na mabait at concerned citizen lang siya, pero bakit feeling ko ang pa-fall niya?

"Tel?" He asked, parang nanikip ang dibdib ko. My name glides smoothly from his tongue.

"Ano, wala pa kasi akong boyfriend na mag-u-utos sa akin na kumain, kaya ayon, eto, nagpapagutom muna ako. Kung concern ka, puwede ka naman manligaw. Sasagutin kita agad, tapos utusan mo akong kumain," mabilis kong sinabi.

Nangunot ang noo nito. He was confused as he didn't catch anything with what I was saying. Tangina! Ang cute naman ma-confuse, hindi mukhang tanga.

"220 yung box of 4 ng egg tart di ba?" Nilabas ko ang wallet at kinuha iyong 300.

"Sa iyo na yung 80. Bayad dito sa jacket mo," turan ko, sa tela pa lang nito, alam kong mamahalin na iyong jacket.

He opened his mouth but I spoke faster, "Lalabhan ko itong jacket. Ibabalik ko sa iyo after two days. Wala kasi kaming dryer. Hindi ko mababalik bukas na bukas kasi baka hindi pa tuyo."

"Jesus Christ woman," he mumbled, rinig na rinig ang accent nito.

"Iyong egg tart at jacket lang talaga ang concern mo? You don't even look like traumatized." Ninenerbyos ko siyang tinawanan.

Bakit naman mas inis pa ito sa akin?

"Hindi naman natuloy. Safe ako, salamat sa tulong. Hindi na ako magpa-file ng complaint. Wala akong pambayad sa attorney, at wala akong panahon para asikasuhin at puntahan ang mga trial."

"If that's your concern. May kaibigan ako na from family of lawyers, lahat ng case na nahahawakan, naipapanalo nila." Sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko.

"Hindi na nga. Mag-iingat na lang ako. Makikinig na ako sa gut feel ko next time."

"Bakit ka rin kasi pumayag in the first place? The offer was sus—"

"Tempting iyong offer. 8k din kasi iyon, mukhang barya lang sa iyo, pero sa akin hindi, kaya na non itawid ang isang buwan kong bills." Lumamlam ang mata ng lalaki.

"Teka, suot ko na iyong jacket mo, nasa loob na ako ng unit mo, you're offering me these sort of help, pero wala pa akong idea kung anong pangalan mo."

"It's Lee."

"Lee?" Tumango siya, isang beses.

"Lee as in parang Lee na apelyido ng mga korean?"

"Yeah." Tumunog ang cellphone ko. Nagbi-video call na si Sora.

"Kailangan ko nang umuwi," nagmamadali kong sinabi.

"Sorry sa abala. Thank you rin sa tulong." Hindi niya pa kasi kinukuha sa akin iyong 300 pesos kaya iniwan ko yon sa table at patakbo nang lumabas ng unit niya.

Kamuntikan na akong madapa nang bigla na lang mabali ang takong ng heels na suot ko pagtapak sa lobby pagkatapos kong lumabas ng elevator. I did a quick breathing excercise.

"Putangina, hindi ako makakalma! Ah talaga ba ha? Si Lee lang ba iyong magandang nangyari sa araw na ito?!" Nanggagalaiting bulong ko habang nakatingin sa kawalan.

I breathe out and forced a smile out of my lips, "Kumalma ka, Tel. You're better than this. This too shall pass, huwag mong personalin, candidate ka lang for strongest soldier ngayong araw. Tiis lang. Bukas makalawa, God's princess ka na," bulong ko sa sarili. Sinipit ko ang hibla ng buhok sa may tainga at hinubad na ang heels.

Tatakbo na sana ako palabas ng building nang may humablot sa akin.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Billionaire's Ex-Wife Is The Lost Zillionaire Heiress   Chapter 55

    "Jacques, isa!" Banta ni Uno kay Jacques, hinihila ang braso nito. Si Jacques na lang ang nasa loob ng Klassen. Uno, who was obviously stressed by Jacques turned to Ko-en. "Turn the damn engine off, Ko-en!" He shouted, running out of temper. Sinara ni Ko-en ang pinto ng driver's seat ng Klassen at binagsak naman ni Uno ang pinto sa passenger seat, leaving Jacques inside. "What's the matter with him?" Natatawa kong tanong. "Ayaw bumaba. Mainit daw," Kagan answered. They all started stripping their jackets. Inangat ni Ko-en sa ulo ang shades na suot at tumingin sa paligid. "Where do you and Tel stay? Wala akong makitang bahay, except for that thing...," anito habang tinatanaw ang kubo."Baliw! How can they possibly live there? Baka barn yon para sa mga farm animals...." Soren trailed. Everyone panned their eyes at me, waiting for me to tell them that Soren was right. "Welcome to my humble abode," I said, flipping my fingers while I presented the kubo that is meters away from wher

  • The Billionaire's Ex-Wife Is The Lost Zillionaire Heiress   Chapter 54

    "I still think that hiring a caterer is too much. It's just my friends, Tel." Tel stopped rummaging through our cabinet for fitting clothes to wear today. It's not her first time meeting my friends. Hindi ko alam kung bakit siya natataranta nang ganito. Nilapag niya ang floral dresses sa kama pagharap sa akin. "Yung mga jina-just friends mo na iyan Levi ay ang siyang bumubuo ng top one percent ng Pilipinas." "And?" "What do you mean and? Dinala mo sila sa bukid! Anak mayayaman ang mga iyon. Hindi sila sanay rito. Maski nga yata ang makakita ng putik ay hindi pa nila na-experience!" I couldn't help but laugh. Paglapit ko kay Tel ay kusa na ring pumulupot ang braso ko sa bewang nito.I kissed her head, and sniffs her hair. Gustong-gusto ko talaga ang amoy ng buhok niya. "They'll be fine. They all wanted to be here. Hindi ko naman sila pinilit." Celeste narrowed her eyes to me. Ayaw maniwala. Tinaas ko ang kanang kamay, swearing to her the truth and nothing but the truth. "At bak

  • The Billionaire's Ex-Wife Is The Lost Zillionaire Heiress   Chapter 53

    "Tiya tinapay? May nutella saka peanut butter? Si Tiyo kaya ipatawag mo na rin. Dito na kayo mag-agahan," alok ko para maiba na ang takbo nang usapan. Lumapad ang ngisi ni Tiya Melette. "Ay, talaga ba? Nakakahiya." Sumilip siya sa ginagawa ni Levi. "Okay lang po saka parang sinama na talaga kayo ni Levi sa niluluto niya." "Levi. Levi ang pangalan mo hijo?" tanong ni Tiya Melette. "Kapangalan mo iyong boss ng anak ko. Levi rin iyon. Levi Y-Yu... Yuchengco? Levi Yuchengco. Sa LYC nagtatrabaho yung anak ko sa Manila. Kaka-hire lang sa kaniya nung nakaraan." Proud na proud si Tiya. Humarap si Levi na may hawak na spam na hindi niya pa nabubuksan. "Ako po iyon." Levi admitted, and brushes that off with an awkward grin. "Ang alin?" "Iyong boss ni Marlo, Tiya. Siya iyon. Siya po si Levi Yuchengco." "Ay putangina!" Napatakip si Tita sa bibig. "Ay! Pasensya. Nagulat lang." "Tinira mo sa bukid yang anak mayaman na iyan, Celeste? Bakit hindi kayo kumuha ng bahay? Magpatayo? B

  • The Billionaire's Ex-Wife Is The Lost Zillionaire Heiress   Chapter 52

    Maging ako'y nanibago na ang pawid na bubong at exposed na kawayang ang bumungad sa akin pagmulat ng mga mata at hindi ang pamosong kulay ivory na ceiling ng condo ni Levi. I thought it had sinked in to me last night, hindi pa pala. Ngayon pa lang halos nagsi-settle sa utak ko ang katotohanan na sa kubo na kami nakatira sa gitna ng palayan. Mabilis akong bumaling kay Levi nang marinig ang pagtilaok ng mga manok na sinasabayan na pang-hiyaw ng mga kambing na hindi ko alam kung saan ba galing. Levi rolled closer to me. Siniksik niya ang sarili sa akin. His expression relaxes a bit until those typical noises that he must get used to from now on blares again.Nangunot ang noo niya, naiinis sa ingay. Alam kong gising na ito pero dahil anong oras na ngang nakatulog kagabi. Pinipilit niyang humimbing ulit. "Ano ba iyong mga ingay na iyon!" Anito sa malumanay na boses kahit inis na inis na. Bumangon ako at sumilip sa higaan. Levi wrapped the bolster in between his legs and arms. Walang

  • The Billionaire's Ex-Wife Is The Lost Zillionaire Heiress   Chapter 51

    Levi hugged me from behind, resting his chin on my shoulder blades. Maghapon nang pinagpawisan ang lalaking ito, pero ang bango niya pa rin."Huwag na magalit, Tel. Sorry na, and promise parati akong mag-iingat kasi alam kong may naghihintay na sa akin sa bahay," ani Levi, ang kamay ay nakahaplos na naman sa tiyan ko. "Bukas dalawang putahe na ng ulam ang iluluto ko." Dahan-dahan niyang binalik sa lamesa iyong bowl kung nasaan ang chicken curry na niluto ko para sa hapunan. "Can you do that, please? Hindi ako sanay na walang ibang option sa pagkain, okay na iyong dalawang u-ulam." "And dessert too," dagdag niya. Namumula na ang mukha at tainga nito dala ng hiya."Puwede ba? But of course, magsasalitan tayo sa pagluluto." "I can do all the cookings, Levi. Wala naman akong ginagawa halos. Ayaw mo akong pagtrabahuhin di ba?" "Magluluto pa rin ako minsan, and the dishes...." "Ako na. Maning-mani lang sa akin ang maghugas—""Hindi, Tel. Salitan tayo. Tapos tulong din tayo sa paglalab

  • The Billionaire's Ex-Wife Is The Lost Zillionaire Heiress   Chapter 50

    Sakto sa pagkakasalin ni Levi sa huling timba ng tubig na pupuno sa blue na dram na nasa cr ay naalala kong nakalimutan naming bumili ng drinking water. Sinarado ko iyong refrigerator at kulang na lang ay tumingkayad para lang wala akong magawang ingay habang lumalapit sa kaniya. The longest sighed that I had ever heard escaped his lips. Buo-buo ang pawis sa noo nito, at ang mga labi ay halos ngiwi, iniinda ang pananakit ng kamay at braso dala nang pag-iigib. "Magpakulo na lang ba ako ng tubig?" bulong ko sa sarili.Tiningnan ko ang rice cooker at ulam sa kawaling tapos ko nang lutuin. "Kain na tayo? Nagugutom na ako," Levi said cutely, nakanguso at ang mga mata ay parehas na namumungay. "Wala tayong tubig na inumin. Plano ko sana na magpakulo na lang kaso matagal pa bago iyon lumamig para mainom." Walang reklamong tumayo si Levi nang makita niyang kinuha ko iyong wallet na nasa lamesita. "Bakit?" I asked him."Saan makakabili ng drinking water?" "Doon pa sa bungad pagliko sa ka

  • The Billionaire's Ex-Wife Is The Lost Zillionaire Heiress   Chapter 3

    I squinted my eyes and lightly shook my head after Sora shoved me away from the gas range. Pinatay niya iyong kalan saka marahang pumihit paharap sa akin. "Kanina pa nagwawala iyong takure. Hindi mo ba naririnig? Nasa harap ka lang." Sora sratched the space between her eyebrow. "Hindi siya maal

  • The Billionaire's Ex-Wife Is The Lost Zillionaire Heiress   Chapter 2

    "Are you deaf?" "Minsan," alertong sagot ko kay Lee. He chuckled, pati pagtawa niya pang-pogi, tunog mayaman din, tawa ng mga taong financially stable. "Kanina pa kita tinatawag." Tumingin siya sa paa ko. Mabilis na nag-init ang mga pisngi ko, hindi magkandamayaw kung paano ko ba iyon itata

  • The Billionaire's Ex-Wife Is The Lost Zillionaire Heiress   Prologue

    "AT 25, Levi Yuchengco became the youngest chairman and CEO of a publicly listed company in the history of the Philippine Stock Exchange when LYC Engineering had its initial public offering in 2019 with a value of ₱2.7 billion. LYC Engineering was among the few select 200 companies that were able t

  • The Billionaire's Ex-Wife Is The Lost Zillionaire Heiress   Chapter 7

    "Lee." "Ako ang masusunod, Tel. You'll get it when I want you to have it." "Fuck you!" I hissed. "But you're on it, baby," he mumbled seductively and gone was the playful look on his face. Lee adjusted the shotgun seat. He deposited me there. Lumuhod ito sa harap ko, at hinila paalis sa mga bi

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status