"Gusto ko na mag-resign," bungad ko kay Sora pagsagot nito sa phone. "Gago, bakit? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong nito at may kung anong tinataboy sa background niya. "Tel, anong nangyari?" "I'm working for a fucking brute and perfectionist, na medyo narcissist, 10 hours ko pa lang nakakasalamuha iyong Soren Morelli pero parang na-drain niya na iyong energy ko na good for five years." I took a puff from my cigarette. "Naninigarilyo ka? You mean it, stress ka nga. Hindi ka lang nag-iinarte, pahingi kasi ng context, bakit ka nagisa ng boss mo?" "They were styling this certain outfit for a shoot. Nanghingi siya sa akin ng silk skirt, black, binigyan ko naman siya, pero satin pala kasi iyong nabigay ko sa kaniya, and then Soren Morelli went fucking ballistic. How can I be twenty-three and not know how to differentiate satin sa silk? I don't know, Miss Ma'am, maybe because sa mata ng katulad kong dukha basta shiny iyong fabric silk na, malay ko ba?" Mahinang tumawa si
Read more