Share

Chapter 30: Reasons

Kasalukuyan kaming nasa byahe ngayon ni Yumi pauwi dahil may pinuntahang importanteng meeting ngayon si Miguel. Para raw iyon sa bagong investor kaya naman ay hindi muna siya makakasama sa amin ngayon.

"Grabe naman iyong asawa mo kanina, beh. Ang ganda naman ng shading mo pero ang dami niyang sinasabi," usal ni Yumi habang magkatabi kami ngayon sa kotse.

Natawa naman na ako sa kaniya dahil mukhang mas stressed pa siya sa akin. "Beh, correction, hindi ko na siya asawa. Huwag mo nang babanggitin iyan at baka ano na naman nag sabihin sa akin ng ibang tao. Alam mo naman, we never know.”

“Hay nako! Ikaw naman talaga ang legal na asawa ni Alex kahit ano’ng mangyari…unless kung pipirma ka ng annulment paper ninyo.”

“Sabagay…”

Napa-isip na lang ako dahil mukhang hanggang ngayon ay hindi pa naman ako sinusugod ng manugang ko about doon. Baka one of these days ay gagawin na nila iyon dahil ang sabi pa ni Calypso noong nagkaroon ng family dinner sa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status