INICIAR SESIÓN
“Miss Cortez, we need the deposit tonight.”
Parang may humampas na bato sa dibdib ni Gracie. Nakatayo siya sa hallway ng ospital, hawak ang lumang sling bag na puno ng resibo at barya. Sa loob ng kuwarto, napasulyap siya sa amang nasa ICU. Inatake ito sa puso.
“Pwede po bang… bukas?” halos pabulong niyang tanong. “Maghahanap pa ako ng pera--”
Umiling ang nurse, maingat pero matigas ang boses. “Ma’am, we understand. Pero may protocol kami. Kung walang deposit, hindi namin maitutuloy ang procedure.”
Nang bumukas ang pinto, lumabas ang doktor. “Miss… I’m sorry. Time-sensitive ’to.”
Time-sensitive. Parang buhay na may expiration.
Lumunok siya, pilit pinapanatili ang boses na hindi nanginginig. “Magkano po?”
“Miss maghanda po kayo ng isang milyon, diabetic pa ang pasyente.”
Nang marinig niya ang halaga, nanlamig ang batok niya. Saan siya kukuha ng ganoong kalaking pera?
Paglabas niya ng ospital, dumilim ang langit na parang nakikisama sa bigat sa dibdib niya. Umupo siya sa waiting shed, tinignan ang screen ng cellphone, tatlong missed calls mula sa landlord, limang text mula sa mga lending apps at taong inutangan niya, dalawang message ng kapatid niyang bunso na nanghihingi ng pambayad sa school.
Sa sobrang higpit ng hawak niya sa phone, sumakit ang palad niya. Natulala na lang siya sa laki ng problema.
Kaya nang pumasok siya sa bar nang gabing iyon, mas mabigat ang paa niya kaysa dati.
“Gracie,” tawag ng manager niya, si Marla, habang inaayos ang listahan ng reservations. “Sa office tayo.”
Naghintay si Gracie sa loob ng office, amoy yosi at mamahaling pabango. Isinara ni Marla ang pinto at umupo sa harap niya na parang may sasabihing bawal marinig ng iba.
“Nabasa ko ang message mo, may problema ka,” mahinang sabi nito. “Hospital bill?”
Namula ang mata ni Gracie. Ayaw niyang umiyak, pero parang nakaabang ang luha niya. “Kailangan namin ng deposit bago operahan si itay.”
Tumango si Marla. “May solusyon ako sa problema mo.”
Nanlaki ang mata niya. “Ano pong solusyon?”
Huminga nang malalim si Marla. “May private event. Discreet. May mga taong… willing magbayad nang malaki para sa exclusive company ng isang babae. Walang drugs. Walang violence. May contract at security. You can back out anytime.”
Parang may kumalabit na takot sa sikmura niya. “Madam, anong ibig mong sabihin?”
Tumingin sa kanya si Marla. “Auction.”
Parang biglang nawala ang ingay ng mundo. Nadidinig na niya ang salitang ‘yun dati pa.
“Hindi… hindi ko kaya ’yan, madam.”
“Gracie,” pabulong nitong tawag, “I’m not forcing you. Pero sinabi mo… kailangan mo ng malaking pera. Saan ka kukuha, aber? Isang pirasong hymen lang ang kapalit, solve ang problema mo!”
Tinakpan ni Gracie ang bibig niya, at doon na sumabog ang luha.
Hindi niya alam kung gaano siya katagal umiyak, pero nang tumayo siya, masakit na masakit ang dibdib niya. Hindi lang dahil sa kahihiyan, kundi dahil sa katotohanang may oras na hinahabol ang buhay ng tatay niya.
“Kung pumayag ako,” basag ang boses niya, “magkano po?”
“Depende sa ibabayad ng kliyente. Pero dahil virgin ka pa. Tiyak na daang libo o baka milyon ang labanan.”
Daang libo. Milyon.
Naiisip niya ang ospital deposit, gamot, pagkain, renta, lahat na parang biglang naging possible kung sasali siya sa auction.
Pero ang kapalit? Ang kanyang iniingatang puri.
Pero ang isang pulubi ay walang karapatang mamili.
“Paano po kung walang mag-bid sa akin?”
“May aaminin ako sa’yo. Nandoon si Boss Andres. Alam mong patay na patay sa’yo ‘yun pero ayaw mong patulan. Tiyak na magbi-bid ‘yun kaya tiyak ang kliyente mo.”
“Madam, may asawa po ‘yun.”
Si Boss Andres ang may-ari ng bar na matagal ng nanliligaw sa kanya. Binibigyan din siya ng sideline sa pagdedeliver ng package at malaki ang bayad.
“Gaga, ang isipin mo ang kwartang makukuha mo. Hindi naman ikaw ang unang kabit sa history. Tsaka isang gabi lang. Oh wala ng atrasan. Heto ang damit, bag, at sapatos na isusuot mo. Binili ko ‘yan! Kailangan lumutang lalo ang ganda mo!”
Habang nakaupo siya sa harap ng salamin sa dressing room, pinagmamasdan niya ang mukha niyang maputla. Nilagyan siya ng light makeup, dress na elegante at revealing. Parang sinadya, para mas mukhang presentable sa mga mata ng mga bibili.
“Napakaganda mo talaga. Iba ang ganda mo. Hindi nakakasawa. Ready?” tanong ni Marla, hawak ang susi ng kotse.
Hindi siya ready. Pero tumango siya.
Pagdating sa venue, isang hotel penthouse na may pulang ilaw at bumabaha ng champagne. May mga lalaking may pera at mga ngiting sanay manalo. At bawat tingin sa kanya, parang may kamay na humihipo kahit wala pa.
Sa gitna ng room, may stage. May number card. May auctioneer na nakangiti na parang laro lang ito.
“Number nine,” anunsyo nito sa numero niya. “First-time. A hundred percent virgin.”
Lumiit ang mundo ni Gracie hanggang sa dinig niya ang tibok ng puso niya na halos lumabas na sa dibdib.
Then, the bids started.
Isang lalaki, 100k.
Isa pa, 200k.
At nakita niya si Boss Andres. “Five hundred thousand,” anitong nakatingin sa kanya.
Gusto niyang tumakbo. Pero hindi niya magawa, dahil sa isip niya ang buhay ng ama. Mukhang magtatagumpay na itong makuha siya.
Bumukas ang pinto.
At pumasok ang lalaking nagpalamig ng hangin sa buong penthouse.
Matangkad. Naka-black suit. Walang masyadong ekspresyon. Pero ang aura nito… makapagyarihan. Hindi ito nagmamadali, pero lahat kusang umiwas.
Nang tumama ang tingin nito sa kanya. Kumabog ang dibdib niya.
“One million.”
Isang numero lang. Final.
Nanahimik ang buong room.
Walang nagtangkang taasan ang bid. Well, sino ba namang nasa katinuan ang magbi-bid ng isang milyon para sa isang gabi?!
“Sold.”
Nanlambot ang tuhod ni Gracie.
Dahan-dahang lumapit ang lalaki. Gwapo, oo pero nakakapanginig ng tuhod.
Inabot nito ang kamay niya hindi marahas, pero imposibleng tanggihan.
Naupos ang hangin sa dibdib niya.
Hindi dahil takot lang.
Kundi dahil… may ibang init na gumapang sa kanya. Napatingin siya sa lalaki, gwapo at matipuno. Pero bakit nagbabayad ito ng babae para lang may maikama?
“Bakit namumula ang mukha mo?” tanong ni Yaya Rosie.Nakahawak si Gracie sa gilid ng pinto habang pilit na pinatatag ang mga tuhod. Hindi nakikita ng matanda si Jayden na nakatago sa likod niya. At kasalukuyang itinuloy ang pagkadyot sa kanya ng patalikod.“Parang lalagnatin po ako,” sagot niya.“Nagdadahilan ka pa.” Tumaas ang isang kilay ni Yaya Rosie. “Makinig kang mabuti. Linisin mo ang guest room, palitan ang bedsheet, at siguraduhing may malinis na tuwalya sa banyo. Pagkatapos, tulungan mo si Annie sa kusina.”“Opo.”Marahan ang paglabas-pasok ng matigas na pagkalalaki sa kanyang hiyas.Halos mamaluktot siya sa sarap. Lalo na kapag naaabot ng mahabang ari ang pinaka-nakakakiliting parte sa loob ng kanyang pwerta.“May problema ba?” tanong ng matanda.“W-Wala po. Sige po. Maliligo lang po ako.”“Hindi pa ako tapos. Mamaya, ihanda mo ang tsaa ni Donya Margie. Huwag iyong matapang dahil sumasakit ang sikmura niya. Pakintabin mo rin ang mga silverware na gagamitin sa hapunan.”Tuman
Napapikit si Gracie sa gulat. Ngunit nang maramdaman ang kamay ni Jayden sa kanyang baywang, bumalik sa isip niya ang pagmamadali nitong puntahan si Tanya kagabi. Baka kung ano ang ginawa ng mga ito. Itinukod niya ang mga palad sa dibdib ng binata at itinulak ito.Napaatras ang amo. “Bakit?”“Baka may ginawa kayo ni Miss Tanya,” aniyang napayuko.“Look, may asawa si Tanya.”“Kung may asawa pala si Miss Tanya, bakit kayo ang tinawagan niya?” Hindi niya napigilang sabi. “Bakit ninyo siya sinundo at pinatuloy dito sa mansyon? Hindi ba dapat ang asawa niya ang tinawagan niya?”Tumigas ang panga ni Jayden. “Sinabi niyang may nagtangkang pumasok sa condo niya at hindi niya makontak si Andres.”“At naniwala agad kayo?”“Humihingi siya ng tulong, Gracie. Hindi ko maaaring balewalain iyon kung iniisip niyang nasa panganib siya.”“Dahil mahalaga pa rin siya sa inyo?”Ilang segundo siyang tinitigan ni Jayden bago muling lumapit.“May pinagsamahan kami ni Tanya,” mababa nitong sabi. “Hindi ko ikak
Nanatiling nakatayo si Jayden sa pintuan habang salitan silang tinitingnan.Napatigil si Tanya na nakataas pa rin ang kamay. Nang makita si Jayden, mabilis nitong ibinaba iyon at hinawakan ang pisging sinampal ni Gracie. Ilang sandali lamang ang nakalipas, galit ang namayani sa mukha nito. Ngunit ngayon, napalitan iyon ng takot at sakit.“Jayden…” Nanginginig ang tinig ni Tanya. Namasa ang mga mata nito bago tuluyang tumulo ang luha. “Sinampal niya ako.”Hindi agad nakapagsalita si Gracie. Hindi nakita ni Jayden ang unang sampal ni Tanya. Ang naabutan lamang nito ay ang pagsampal niya.Pumasok si Jayden sa guest room at isinara ang pinto.“Bakit mo siya sinampal?” tanong nito.“Hindi ko alam kung bakit siya galit sa akin,” singit ni Tanya. “Sinabi ko lang naman na pansamantala akong titira rito. Bigla niya akong inakusahan at sinampal.”“Ano?” Hindi na napigilan ni Gracie ang sarili. “Kayo po ang unang nanampal sa akin!”“You’re lying!” Humikbi si Tanya at lumapit kay Jayden. “Pinagse
Nakatitig lamang si Gracie sa pangalang lumitaw sa screen ng cellphone. Parang naglaho sa kanyang mga labi ang init ng halik ni Jayden at napalitan iyon ng malamig na kirot sa dibdib.Sinagot ni Jayden ang tawag nang hindi lumalayo sa kanya.“Hello, Tanya?”Napakatahimik ng kusina kaya malinaw na narinig ni Gracie ang balisang tinig ng babae mula sa kabilang linya.“Jayden, please… punta ka rito sa condo.”Nawala ang lambing sa mukha ni Jayden. Kumunot ang noo nito at bahagyang humigpit ang hawak sa cellphone.“Are you safe? May kasama ka ba riyan? Si Andres?”May mabilis na sinabi si Tanya, ngunit hindi na iyon naintindihan ni Gracie. Unti-unti siyang lumayo sa counter. Ilang sandali pa lamang ang nakalipas, halos wala nang pagitan ang mga katawan nila ni Jayden. Ngayon, pakiramdam niya ay napakalayo na nito sa kanya.“Lock the door,” mariing utos ni Jayden. “Huwag kang lalabas. Papunta na ako.”Ibinaba nito ang tawag at agad siyang nilingon.“Kunin mo ang jacket ko sa kuwarto pati an
Si Jayden.“Nagugutom ako,” sabi nito. “Ipaghain mo ako.”Simple lamang ang utos, ngunit sapat iyon para ipaalala kay Gracie kung ano talaga ang papel niya sa mansiyon, ang magsilbi at sumunod sa lahat ng utos nito.Hindi siya nakatanggi. “Opo, Sir.”Tahimik silang naglakad sa service hallway patungo sa kusina. Nauuna siya, ngunit ramdam niya ang presensiya ni Jayden sa kanyang likuran. Kahit hindi siya lumingon, parang nakadikit sa balat niya ang tingin nito.Pagpasok sa kusina, binuksan niya ang refrigerator. May natira pang sabaw mula sa hapunan kaya inilagay niya iyon sa maliit na kaserola at pinainit sa kalan. Inabala niya ang sarili sa pagkuha ng mangkok at kubyertos upang hindi maalala ang nangyari sa pagitan nila.Ngunit lalo lamang gumulo ang isip niya.Naalala niya ang kuwento ni Annie tungkol kay Tanya, ang babaeng hanggang ngayon ay malapit pa rin kay Jayden.Nang kumulo ang sabaw, pinatay niya ang apoy at hinawakan ang kaserola gamit ang pot holder. Habang inililipat iyon
“Hindi po.”Direktang tumingin si Gracie kay Jayden kahit nanginginig pa ang mga tuhod niya.“Hindi ako naging mistress ni Boss Andres.”Hindi agad nawala ang bigat sa mukha ng binata. Nakatayo ito sa harapan niya, matigas ang panga at nakapako sa kanya ang mga mata, na para bang kaya nitong makita ang bawat kasinungalingang pilit niyang itinatago.“Kung hindi, bakit takot na takot ka sa kanya?” tanong nito. “At bakit kailangan ka niyang kausapin nang palihim sa hallway?”Napalunok si Gracie.Hindi niya maaaring sabihin ang tungkol sa mga package. Kapag nalaman ni Andres na nagsumbong siya, hindi lamang siya ang malalagay sa panganib. Malinaw pa rin sa isip niya ang banta nito.Uubusin ko ang lahi mo.“Nakilala ko lang po siya sa bar kung saan ako nagtatrabaho noon,” sagot niya. “May mga inuutos po siya sa akin paminsan-minsan. Wala pong ibang nangyari sa amin. At alam naman po ninyong kayo ang nakauna sa akin.”Saglit na natahimik ang binata.Napayuko siya. “Ayoko na po sanang pag-usa
Tumayo si Gracie nang sobrang bilis, parang may sumabog na bomba sa dibdib niya.Nadulas ang basahan mula sa kamay niya at bumagsak sa marmol na sahig.Wala siyang narinig kundi ang sariling tibok ng puso.Parang may humigop ng hangin sa buong mansyon. Tila isang iglap lang, pero sapat para bumalik
Parang may pumitik sa utak ni Gracie.Nanlaki ang mata ni Yaya Rosie. “Sir Jayden, ako na po ang magdadala. Aalis na po si Gracie.”“Nope.” Hindi malakas ang boses ni Jayden, pero walang puwedeng kumontra. “Gaano ba katagal magdala ng tea?” Sumulyap ito sa kanya. “I’ll be waiting for you.”Si Jewel
Tumigil ang lalaki at parang leon na pinipigilang sumunggab. Ilang pulgada na lang ang pagitan ng katawan nila at mawawala na ang natitirang tapang ni Gracie. Napahinto siya sa pag-alis ng butones ng damit.Nilunok ni Gracie ang kaba. Ito na ang pagkakataon niyang kumapit sa practical na bagay sa p
“What’s your name?” anang baritonong boses ng lalaki ng makarating sila sa hotel room.Parang may malamig na kutsilyong tumutok kay Gracie. Hindi dahil sa tanong, kundi sa paraan ng pagbigkas nito, kalmado pero parang may kapangyarihang mag-utos sa kahit na sino.Pinilit niyang ngumiti, ‘yung ngiti







