Compartir

Chapter 2

Autor: Almaxx
last update Fecha de publicación: 2026-09-06 02:06:05

Hindi nakatulog si Ariana nang gabing iyon. Paulit-ulit na umuunog sa kanyang isip ang malamig na boses ng ahente mula sa Sterling Finance, kasabay ng tunog ng humaharurot na Rolls-Royce sa ilalim ng ulan.

Kinaumagahan, bago pumasok sa kanyang trabaho sa logistics company, dumaan muna siya sa Saint Augustine Medical Center para bisitahin ang kanyang ina. Nakakabit pa rin dito ang ilang mga aparato na nagpapakita ng mahinang tibok ng puso nito.

"Ma, lalaban tayo, ha?" bulong niya habang hinahaplos ang tuyong kamay ng ina. Ngunit bago siya lumabas ng silid, hinarang siya ng attending physician ng kanyang ina na si Dr. Alcantara. "Ms. Castillo, kailangan nating isagawa ang bypass surgery ng nanay mo sa lalong madaling panahon. Lumalala ang kondisyon ng puso niya," seryosong saad ng doktor. "Pero tulad ng napag-usapan natin sa billing department, kailangan nating ma-settle ang kahit limang porsyento ng paunang bayad bago namin mai-schedule ang operating room."

"Magkano po ang kailangan, Doc?" kabado niyang tanong.

"Isang daan at limampung libong piso para sa paunang deposito, Ariana. Bukod pa iyan sa kasalukuyan ninyong bayarin."

Tila gumuho ang mundo ni Ariana. Isang daan at limampung libo. Idagdag pa ang utang niya sa Sterling Finance na may limang araw na lang na palugit. Kahit magtrabaho siya nang dalawampu't apat na oras araw-araw, hindi niya kikitain ang ganoong kalaking halaga sa loob ng isang linggo.

Buong maghapon sa logistics company ay lutang ang isip ni Ariana. Habang nag-aayos siya ng mga lumang dokumento sa storage room ng kanilang opisina, may isang lumang magazine na nahulog mula sa estante.

Doon, bumungad sa kanya ang isang pamilyar na mukha. Ang lalaki sa Rolls-Royce.

"Damien Monteverde: Ang Bagong Hari ng Monteverde Group at ang Misteryo sa Likod ng Isang Bilyong Merger." Binasa ni Ariana ang artikulo. Doon niya nalaman na ang Monteverde Group ay isa palang dambuhalang korporasyon na nagmamay-ari ng mga shipping lines, hotel, at maging ng logistics company kung saan siya nagtatrabaho ngayon. Si Damien ang nag-iisang tagapagmana, ngunit ayon sa tsismis, nanganganib ang posisyon nito dahil sa isang mahigpit na kondisyon sa testamento ng kanyang yumaong lolo: Kailangan nitong magpakasal bago sumapit ang kanyang ika-tatlumpu't isang kaarawan upang makuha ang buong kontrol sa yaman at kumpanya.

At ang kaarawan niya ay sa susunod na buwan na. Napatitig si Ariana sa larawan ni Damien. Napakayaman nito, samantalang siya ay nalulunod sa utang. Walang dahilan para magtagpo muli ang magkaiba nilang mundo.

Hatinggabi na nang matapos ang shift ni Ariana sa café. Pagod na pagod niyang binuhat ang kanyang mga paa pabalik sa kanilang inuupahang maliit na kwarto. Ngunit bago pa man niya mailabas ang susi, napansin niyang may puting papel na nakasingit sa ilalim ng kanilang p***o.

Dahan-dahan niya itong pinulot at binuksan.

FINAL NOTICE OF EVICTION 

Kailangan nilang lisanin ang kwarto sa loob ng tatlong araw kung hindi pa rin mababayaran ang tatlong buwang atraso sa renta. Napaupo si Ariana sa malamig na semento ng pasilyo. Niyakap niya ang kanyang mga tuhod habang pilit na pinipigilan ang pagbuhos ng kanyang mga luha. Ang ospital, ang Sterling Finance, at ngayon ay ang kanilang tinitirhan. Lahat ng p***o ay tila isinasara sa kanya ng tadhana.

Sa gitna ng kanyang kawalan ng pag-asa, biglang sumagi sa isip niya ang mukha ni Damien Monteverde at ang balita tungkol sa merger. Isang baliw na ideya ang pumasok sa kanyang utak. Isang ideya na alam niyang pwedeng magpabago o tuluyang sumira sa buhay niya.

Kinaumagahan, suot ang kanyang pinakamaayos ngunit lumang corporate attire, nagtungo si Ariana sa naglalakihang gusali ng Monteverde Tower sa gitna ng business district. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang nakatayo sa harap ng dambuhalang glass doors ng kumpanya. Alam niyang suntok sa buwan ang gagawin niya. Paano nga naman papansinin ng isang bilyonaryo ang isang katulad niyang ordinaryong empleyado?

"Bahala na," bulong niya sa sarili habang humahakbang papasok. Naglakad siya patungo sa front desk. Ang receptionist, na nakasuot ng mamahaling uniporme, ay tiningnan siya nang may pagtataka.

"Good morning, ma'am. May appointment po ba sila?" pormal na tanong nito. "Magandang umaga... N-Nais ko sanang makausap si Mr. Damien Monteverde," lakas-loob na sagot ni Ariana. Bahagyang ngumiti ang receptionist, isang ngiting may halong pang-uusisa at tila nainsulto sa kanyang narinig. "Pasensya na po, Miss. Hindi po tumatanggap si Sir Damien ng sinumang walang appointment. At kung tungkol ito sa aplikasyon sa trabaho, maaari niyo pong iwan ang inyong resume sa HR department sa ikatlong palapag."

"H-Hindi ito tungkol sa trabaho..." Halos mawalan na ng lakas ng loob si Ariana. Gusto na niyang tumalikod at umalis. Tama ang hinala niya, nagmumukha lang siyang tanga.

Ngunit bago pa man siya makahakbang palayo, biglang tumahimik ang buong lobby ng gusali. Lahat ng mga empleyadong naglalakad ay biglang huminto at yumuko.

Mula sa pribadong elevator, lumabas ang isang grupo ng mga lalaking nakasuot ng itim na suit. At sa gitna nila, naglalakad nang may mabigat at awtorisadong hakbang, ay walang iba kundi si Damien Monteverde.

Mas lalong matikas ito tingnan sa personal kaysa sa magazine. Nakasuot ito ng navy blue suit ngayon, hawak ang isang mamahaling leather folder, habang may kausap sa kanyang telepono. Lalampas na sana ito sa kinaroroonan ni Ariana nang biglang umihip ang malakas na hangin mula sa awtomatikong p***o ng gusali. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang ilang piraso ng papel na hawak ni Ariana kabilang ang huling notice ng Sterling Finance at ang eviction notice ay nabitawan niya dahil sa kaba at tuluyang liparin sa sahig. Ang isa sa mga papel ay huminto mismo sa tapat ng sapatos ni Damien. Napahinto ang bilyonaryo sa paglalakad. Dahan-dahan nitong ibinaba ang kanyang cellphone. Ang kanyang malamig at matalas na mga mata ay bumaba sa papel na nasa sahig, bago dahan-dahang itinaas ang tingin upang harapin ang may-ari nito.

Nagtagpo ang kanilang mga mata.

Naalala ni Damien ang mukha ng babaeng halos mabangga niya sa ulan dalawang araw na ang nakararaan. At sa pagkakataong ito, nakita niya ang hawak nitong magazine kung saan nakabukas ang pahina ng kanyang mukha at ang artikulo tungkol sa kanyang kasal. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong lobby.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 7

    Naramdaman ni Ariana ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Ang init ng kamay ni Damien at ang lambing ng boses nito ay tila totoong-totoo. Inakbayan siya nito habang naglalakad sila papasok, marahang hinahaplos ang kanyang balikat habang bumubulong ng mga bagay na tila ba may sarili silang mundo.“Tumingin ka sa akin at ngumiti ka,” pabulong na dugtong ni Damien habang nakalapat ang labi sa malapit sa kanyang tainga, ngunit ang boses nito ay wala nang emosyon isang utos na naman. “Nasa likod natin ang mga board members ng Monteverde Holdings. Ipakita mo sa kanila kung gaano mo ako kamahal.”Napilitan si Ariana na sumandal sa dibdib nito, tumitingala na may tamis sa kanyang mga mata. Para sa mga taong nakapaligid sa kanila, sila ang ehemplo ng isang perpektong magkasintahan. Ngunit para kay Ariana, ang bawat haplos at bawat matatamis na salita ay paalala lang ng isang malupit na katotohanan.Pagkatapos ng tatlong oras na tawanan, pagpanggap, at pakikipag-plastikan sa mga kliyente, sa

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 6

    Pagbukas niya ng pinto ng silid niya, napahinto siya. Ang kwarto ay kasing laki na ng buong pinapaupahan nilang bahay noon.Isang dambuhalang kama na may kulay abong mga sapin, malambot na carpet, at isa na namang malawak na glass window na nakaharap sa mga ilaw ng lungsod. May nakahandang mamahaling satin na pantulog sa ibabaw ng kama.Humiga siya doon, bitbit ang mabigat na dibdib. Sa unang gabi niya sa gintong hawla, nakatulog siya sa pagod.Maagang nagising si Ariana dahil sa sunod-sunod na pag-vibrate ng kanyang luma at may gasgas na cellphone. Nang buksan niya ito, muntik na niyang mabitiwan ang telepono sa gulat. Dose-dosenang missed calls at daan-daang mensahe mula sa kanyang mga katrabaho sa logistics company, mga kaibigan sa café, at maging sa mga malayong kamag-anak ang bumungad sa kanya. Halos sabay-sabay silang nagtatanong ng iisang bagay.Agad niyang binuksan ang kanyang social media. Doon, ang mukha niya na nakasuot ng emerald green dress habang hawak sa baywang ni Damie

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 5

    Ang labi ni Damien ay mainit pa rin sa balat ni Ariana nang maghiwalay sila. Isang segundo lang yun. Pero sapat na para sumabog ang mga bulungan at magkandahilak ang flash ng camera sa buong ballroom.Ang nakasisilaw na liwanag ay tila sumasakal kay Ariana habang nakahawak pa rin siya sa braso ni Damien. Ramdam niya ang panginginig ng sariling mga tuhod, ngunit ang mahigpit at tila protektatibong hawak ng bilyonaryo sa kanyang baywang ang nagpapanatili sa kanya sa pagkakatayo. "Smile, Ariana. Everyone is watching," pabulong na utos ni Damien. Ang boses niya nananatiling kalmado, ngunit may talas na hindi pwedeng baliwain. Para bang walang nangyari. Para bang hindi niya lang siya hinalikan sa harap ng lahat.Pilit na ngumiti si Ariana, itinataas ang kanyang noo tulad ng sinabi nito. Sa bawat hakbang nila papalayo sa gitna ng ballroom, ang mga bulungan ng mga high-society guests ay tila baon ng mga bubuyog sa kanyang tainga. "Sino siya?" "Did he just kiss her?" "Hindi ba't anak ng V

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 4

    Nangatog ang kanyang mga tuhod. Hindi niya kaya ito. Gusto niyang tumakbo pabalik sa sasakyan. Ngunit bago pa man siya makahakbang paatras, isang malaki at mainit na kamay ang humawak sa kanyang baywang. Amoy mamahaling pabango at tabako. Lumingon siya at nakita si Damien. Nakasuot ito ng isang napakakisig na black tuxedo. Sa harap ng mga camera, may suot itong banayad at tila mapagmahal na ngiti—isang ekspresyon na kabaligtaran ng totoong lamig ng kanyang pagkatao. "Itaas mo ang noo mo, Ariana," bulong ni Damien sa kanyang tainga, sapat lang para siya ang makarinig. Ang kanyang hawak sa baywang ng dalaga ay humigpit, tila nagbibigay ng babala at lakas nang sabay. "Mula sa segundong ito, ikaw ang mapapangasawa ko. Huwag kang gagawa ng kahit anong pagkakamali na makakasira sa pangalan ko." Tumingin si Ariana sa mga naglalakihang lente ng camera, huminga nang malalim, at pilit na ngumiti. Ang laro ng pagpapanggap ay opisyal nang nagsimula. Sa loob ng Charity GalaPagpasok pa lang

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 3

    Napakabilis ng tibok ng puso ni Ariana habang nakatitig sa kanya ang mga matang kasinglamig ng yelo. Ang buong lobby ng Monteverde Tower ay tila nawalan ng tunog. Ang huling notice ng Sterling Finance na may nakasulat na malaking halaga ng utang ay nananatiling nasa tapat ng mamahaling sapatos ni Damien.Dahan-dahang yumuko si Damien at pinulot ang papel. Binasa niya ang nakasulat doon sa loob ng ilang segundo bago muling tumingin kay Ariana. Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin sa magazine na yakap-yakap ng dalaga, kung saan malinaw na nakasulat ang kanyang pangalan at ang salitang “Merger.”Isang pilit at mapanganib na ngiti ang sumilay sa sulok ng labi ng bilyonaryo."Sumunod ka sa akin," maikli ngunit mariin nitong utos bago tumalikod patungo sa pribadong elevator."S-Sir?" nanginginig na tawag ng sekretarya nito, ngunit itinaas lang ni Damien ang kanyang kamay upang patahimikin ito.Walang nagawa si Ariana kundi humakbang at sumunod. Ramdam niya ang mga talas ng tingin ng mga e

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 2

    Hindi nakatulog si Ariana nang gabing iyon. Paulit-ulit na umuunog sa kanyang isip ang malamig na boses ng ahente mula sa Sterling Finance, kasabay ng tunog ng humaharurot na Rolls-Royce sa ilalim ng ulan.Kinaumagahan, bago pumasok sa kanyang trabaho sa logistics company, dumaan muna siya sa Saint Augustine Medical Center para bisitahin ang kanyang ina. Nakakabit pa rin dito ang ilang mga aparato na nagpapakita ng mahinang tibok ng puso nito."Ma, lalaban tayo, ha?" bulong niya habang hinahaplos ang tuyong kamay ng ina. Ngunit bago siya lumabas ng silid, hinarang siya ng attending physician ng kanyang ina na si Dr. Alcantara. "Ms. Castillo, kailangan nating isagawa ang bypass surgery ng nanay mo sa lalong madaling panahon. Lumalala ang kondisyon ng puso niya," seryosong saad ng doktor. "Pero tulad ng napag-usapan natin sa billing department, kailangan nating ma-settle ang kahit limang porsyento ng paunang bayad bago namin mai-schedule ang operating room.""Magkano po ang kailangan, D

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status