Share

The Billionaire's Fake Marriage
The Billionaire's Fake Marriage
Penulis: Almaxx

Chapter 1

Penulis: Almaxx
last update Tanggal publikasi: 2026-07-12 01:01:06

Nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan nang tuluyang lumabas si Ariana Castillo sa Saint Augustine Medical Center. Sa bawat patak ng tubig sa semento, tila sumasabay ang mabilis na tibok ng kanyang kaba.

Mahigpit niyang niyakap ang makapal na brown envelope na naglalaman ng mga medical bills ng kanyang ina. Kahit hindi pa niya binubuksan ang mga papel, alam na niya ang nakasulat doon. Alam na niya ang dulo ng kuwentong ito.

Mas mataas na naman ang babayaran. Mas malaki na naman ang utang.

Humugot siya ng mabigat na buntong-hininga bago bahagyang itinaas ang mukha sa madilim na kalangitan. Parang nakikiayon ang panahon sa bigat ng buhay niya. Walang liwanag, walang pag-asa. Dalawampu't tatlong taong gulang pa lamang siya, ngunit pakiramdam niya ay ilang dekada na siyang nakikipaglaban sa mundong ito. 

Sa umaga, nagtatrabaho siya bilang administrative assistant sa isang maliit na logistics company. Sa gabi naman, nagsisilbi siyang barista sa isang café na bukas hanggang hatinggabi.

Halos tatlo hanggang apat na oras lang ang tulog niya araw-araw. Hindi dahil gusto niya. Kundi dahil kailangan. Kailangan niyang mabayaran ang renta, ang mga gamot na nagpapanatiling buhay sa kanyang ina, at ang mga utang na tila isang malalim na hukay na walang katapusan.

Biglang umilaw at nag-vibrate ang screen ng luma at may gasgas niyang cellphone.

UNKNOWN NUMBER

Ilang segundo niya itong tinitigan. May bahagi sa kanya na gustong patayin ang telepono, ngunit alam niyang hindi niya matatakasan ang katotohanan. Dahan-dahan niya itong sinagot.

"Hello?" 

"Good afternoon, Ms. Ariana Castillo?"  Isang pormal ngunit malamig na boses ng babae ang sumagot sa kabilang linya. 

"Opo." 

"This is Sterling Finance. Paalala lamang po tungkol sa inyong overdue balance. Umabot na po ito sa kritikal na halaga. Kung hindi po kayo makakapagbayad ngayong linggo, mapipilitan na po kaming magsagawa ng legal action." Napalunok si Ariana. Tila nanuyo ang kanyang lalamunan sa salitang legal action.

"Pwede po bang humingi pa ng kaunting palugit? Kahit ilang araw lang po..."

"Pasensya na po, ma'am. Tatlong beses na po kayong nabigyan ng extension." walang emosyong sagot ng ahente.

"Nag-iipon lang po ako... Parang awa niyo na po, may sakit ang nanay ko—"

"Kung wala pong settlement sa loob ng limang araw, ipapasa na po namin ang account ninyo sa aming legal department. Good day, Ms. Castillo."

Toot. Toot. Toot.

Pagkababa ng tawag ay tila mas bumigat ang hawak niyang envelope. Limang araw. Limang araw para makahanap ng halagang imposibleng kitain ng isang ordinaryong empleyadong tulad niya kahit magbenta pa siya ng sariling laman.

Hindi na niya namalayang nakarating siya sa gilid ng pedestrian lane. Mahina ang ulan ngunit sapat upang lumabo ang paningin ng mga motorista sa daan. Sabog ang kanyang isip, punong-puno ng mga numero at bayarin. Kasabay ng pag-ilaw ng berdeng signal para sa mga pedestrian ay humakbang siya patawid.

Ngunit bago pa man siya tuluyang makalampas sa gitna...

SKREEECH!

Ang matinis na tunog ng preno ay umalingawngaw sa buong kalsada. Isang marangya at makintab na itim na Rolls-Royce ang biglang huminto ilang pulgada lamang ang layo sa kanyang tuhod.

Napaatras si Ariana sa gulat, nabitawan niya halos ang envelope ngunit swerteng nasalo pa rin niya ito. Kasabay noon ang mabilis na pagbukas ng pintuan ng driver's seat.

"Miss! Are you okay?" Isang lalaking nasa trenta anyos, maayos ang suot na uniporme, ang nagmamadaling lumapit sa kanya.

Nakahawak pa rin si Ariana sa kanyang dibdib dahil sa matinding kaba. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso. "A-Ayos lang ako..."

"Sigurado po ba?  Walang masakit sa inyo?"

Tumango siya, pilit na ibinabalik ang wisyo.

Napabuntong-hininga ang driver bago yumuko bilang paghingi ng paumanhin.

"Pasensya na po talaga, Miss. Hindi ko kayo agad nakita dahil sa lakas ng ulan at labo ng paligid."

"Ayos lang... H-Hindi naman ako natamaan."

Bago pa man tuluyang makaalis si Ariana para magpatuloy sa paglalakad, marahan ngunit swabeng bumukas ang likurang p***o ng mamahaling sasakyan. Sa isang iglap, tila nagbago ang hangin sa paligid. Ang ingay ng ulan at ng mga sasakyan ay tila naglaho.

Maging ang driver ay agad na natahimik at bahagyang yumuko bilang paggalang.

Isang pares ng mamahaling Italian leather shoes ang unang bumaba sa basang kalsada. Sinundan iyon ng isang matangkad at matikas na lalaki na nakasuot ng charcoal gray suit na tila pasasadya ang tabas. Ang ulan ay tila walang epekto sa kanyang tindig.

Matangos ang ilong. Malinis ang gupit ng buhok. Matigas ang linya ng panga. Ngunit ang pinakamapansin sa lahat ay ang kanyang mga mata mga matang kasinglamig ng yelo at walang kahit anong emosyon. Hindi niya kailangang magsalita upang maramdaman ng lahat ang awtoridad at kapangyarihang dala niya. Ito ang uri ng tao na nakasanayan nang sundin ng buong mundo.

Tiningnan nito si Ariana mula ulo hanggang paa. Walang bakas ng pag-aalala sa mukha nito. Walang simpatya. Isa lamang itong mabilis at kalkuladong pagsusuri, na para bang tinitingnan kung magiging abala ba sa kanyang iskedyul ang nangyari.

"Nasugatan ka ba?" Malalim, baritono, at malamig ang boses nito. Napalunok si Ariana, nakaramdam ng liit sa harap ng estranghero. 

"Hindi."

"Good." Iyon lang. Parang sapat nang malaman nitong wala siyang pinsala para hindi siya mademanda o maabala. Lumingon ang lalaki sa kanyang driver.

"Let's go."

"Yes, sir." Naglakad na sana ito pabalik sa sasakyan nang biglang may humabol na babaeng reporter mula sa kabilang sidewalk, basang-basa rin ngunit pilit na itinataas ang kanyang gamit.

"Sir Damien!" sigaw ng babae.

Napahinto ang lalaki, bahagyang lumingon nang may pagkabahala sa kanyang mga mata. Halos hingal na hingal ang babaeng may hawak na camera.

"One question, please! Totoo po bang ikakasal na kayo para sa gaganaping malaking merger ng Monteverde Group?" Nanigas ang ekspresyon ng lalaki. Isang segundo. Dalawang segundo. Ang kanyang panga ay mas lalong tumigas sa galit na pilit itinatago. Pagkatapos ay malamig nitong sinagot ang nag-iisang kataga...

"No comment."

Kasabay noon ang mabilis at swabeng pagsara ng p***o ng Rolls-Royce. Unti-unting umandar ang sasakyan, pinaliligiran ng misteryo, hanggang sa tuluyang maglaho sa gitna ng usok at ulan.

Naiwan si Ariana na nakatitig lamang sa dinaanan ng kotse. Hindi niya kilala ang lalaking iyon. Hindi rin niya alam kung bakit tila pamilyar ang apelyidong Monteverde na binanggit ng reporter.

Pero isang bagay ang sigurado sa kanyang isip nang oras na iyon. Magkaiba ang mundo nila. Hindi na sila muling magkikita, yon ang buong akala niya. Dahil wala siyang kaide-ideya na ang lalaking halos makabangga sa kanya sa ilalim ng ulan... ay ang siya palang magiging dahilan ng pinakamalaking desisyon na gagawin niya sa buong buhay niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 11

    Galit ang buong sistema ni Damien. Sa halip na manatili sa kanyang opisina, nagpasya siyang bumaba sa open-plan office floor ang dambuhalang palapag kung saan magkakatabi ang mga cubicle, puno ng mga computer, at daan-daang empleyado ang sabay-sabay na nagtatrabaho. Gusto niyang obserbahan ang bawat isa, ngunit ang totoo, naghahanap lang siya ng mabubuntuhan ng kanyang frustrasyon.Sa bawat hakbang niya sa gitna ng hilera ng mga computer, ramdam ng lahat ang nagbabagang awra ng bilyonaryo. Nagsimula nang manginig ang mga nakaupong staff habang nakatitig sa kani-kanilang screen. Walang nakaligtas sa kanyang bagsik. Kahit ang janitor na nagmamadaling nagmamop sa tabi ng mga cubicle ay nasinghalan niya nang mapansin ang isang maliit na mantsa sa gilid ng pader."Ulitin mo 'yan. Kung hindi mo kaya linisin nang maayos ang palapag na ito, humanap ka ng ibang kumpanyang tatanggap sa dumi mo!" singhal niya, sapat para marinig ng buong departamento.Huminto siya sa tapat ng desk ng isang batan

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 10

    Alas-singko pa lang ng umaga, gising na si Ariana. Masakit pa rin ang kanyang buong katawan mula sa pagod kagabi, ngunit wala siyang karapatang magreklamo. Mula nang sibakin ni Damien ang lahat ng kasambahay bilang parusa sa paglabas niya noon kasama ang mga katrabaho, ang buong penthouse ay naging responsibilidad niya. Ito ang paraan ni Damien para ipaalala sa kanya ang kanyang lugar isang kasunduan, isang utos, at isang utang na milyun-milyon ang halaga. Ngunit ang hindi alam ni Ariana, higit pa sa parusa, ang ipapagawa nitong si Damien para sa sarili nitong kaligtasan. Natatakot si Damien. Ang kakaibang tibok ng puso niya nang sumandal ang ulo ng dalaga sa kanyang balikat kagabi ay isang babala.Para sa isang bilyonaryong tulad niya, ang emosyon ay isang kahinaan. Kaya kailangan niyang pahirapan si Ariana. Kailangan niyang maging malupit para kumbinsihin ang sarili na negosyo lang ang lahat, at hinding-hindi siya maiinlove sa babaeng binayaran niya lang."Dapat bago ako umalis ng a

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 9

    "So, ito pala ang babaeng naging dahilan para tanggihan mo ang pamilya Valdez, Damien," panimula ni Donya Victoria. Tiningnan niya si Ariana mula ulo hanggang paa nang may mapang-maliit na tingin. "Isang Castillo. Ngayon ko lang narinig ang apelyidong iyan sa high society.""Good evening, ho," mahinang bati ni Ariana at bahagyang yumuko bilang paggalang."Maupo kayo," mariing utos ni Don Alejandro. Ang kanyang boses ay pumailanlang sa buong silid.Nagsimula ang hapunan sa isang nakakabinging katahimikan. Ang bawat kalatog ng kubyertos ay tila nagpapadagdag sa kaba sa dibdib ni Ariana. Hindi nagtagal, nagsimula na ang interogasyon ng matanda."Ariana," tawag ni Don Alejandro habang nakatitig nang diretso sa mga mata ng dalaga. "Saan kayo nagtagpo ng aking apo? Ayon sa ulat ng PR team ni Damien, ikaw ay isang simpleng empleyado. Paano mo nakuha ang atensyon ng isang Monteverde?"Napatigil si Ariana sa pagsubo. Ramdam niya ang lamig ng pawis sa kanyang mga palad. Ngunit bago pa man siya

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 8

    "Ipinahiya mo ako, Ariana! Isang linggo pa lang tayong magkasama sa palabas na ito, pinapalabas mo na sa media na niloloko mo ako habang nakabalandra ang mukha mo sa internet!""Hindi mo ako pagmamay-ari, Damien!" ganting sigaw ni Ariana, tumutulo na ang mga luha sa matinding galit at hinagpis. "Sabi mo magkaiba ang mundo natin! Sabi mo sa loob ng bahay na ito wala kang pakialam sa akin! Bakit ngayon galit na galit ka kung lumabas ako at huminga nang malaya?!""Dahil ang pangalan ko ang nakataya rito!" giit ni Damien, ang mukha ay ilang pulgada na lang sa kanya, galit na galit ngunit may kakaibang sakit sa boses. "Oras na madurog ang reputasyon ko, madudurog ka rin. Naiintindihan mo ba ang ginawa mo?!""Hindi mo ako pagmamay-ari, Damien! Pera mo lang ang mayroon ka, pero hindi mo nabili ang pagkatao ko!" sigaw ni Ariana, habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na hawak nito. Ang mga luha sa kanyang pisngi ay nagniningning sa ilalim ng liwanag ng chandelier.Isang mapait at nakat

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 7

    Naramdaman ni Ariana ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Ang init ng kamay ni Damien at ang lambing ng boses nito ay tila totoong-totoo. Inakbayan siya nito habang naglalakad sila papasok, marahang hinahaplos ang kanyang balikat habang bumubulong ng mga bagay na tila ba may sarili silang mundo.“Tumingin ka sa akin at ngumiti ka,” pabulong na dugtong ni Damien habang nakalapat ang labi sa malapit sa kanyang tainga, ngunit ang boses nito ay wala nang emosyon isang utos na naman. “Nasa likod natin ang mga board members ng Monteverde Holdings. Ipakita mo sa kanila kung gaano mo ako kamahal.”Napilitan si Ariana na sumandal sa dibdib nito, tumitingala na may tamis sa kanyang mga mata. Para sa mga taong nakapaligid sa kanila, sila ang ehemplo ng isang perpektong magkasintahan. Ngunit para kay Ariana, ang bawat haplos at bawat matatamis na salita ay paalala lang ng isang malupit na katotohanan.Pagkatapos ng tatlong oras na tawanan, pagpanggap, at pakikipag-plastikan sa mga kliyente, sa w

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 6

    Pagbukas niya ng p***o ng silid niya, napahinto siya. Ang kwarto ay kasing laki na ng buong pinapaupahan nilang bahay noon.Isang dambuhalang kama na may kulay abong mga sapin, malambot na carpet, at isa na namang malawak na glass window na nakaharap sa mga ilaw ng lungsod. May nakahandang mamahaling satin na pantulog sa ibabaw ng kama.Humiga siya doon, bitbit ang mabigat na dibdib. Sa unang gabi niya sa gintong hawla, nakatulog siya sa pagod.Maagang nagising si Ariana dahil sa sunod-sunod na pag-vibrate ng kanyang luma at may gasgas na cellphone. Nang buksan niya ito, muntik na niyang mabitiwan ang telepono sa gulat. Dose-dosenang missed calls at daan-daang mensahe mula sa kanyang mga katrabaho sa logistics company, mga kaibigan sa café, at maging sa mga malayong kamag-anak ang bumungad sa kanya. Halos sabay-sabay silang nagtatanong ng iisang bagay. Agad niyang binuksan ang kanyang social media. Doon, ang mukha niya na nakasuot ng emerald green dress habang hawak sa baywang ni Damie

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status