Share

CHAPTER 5: Don't touch me!

Kinabukasan, abala ang lahat sa kanilang paglilinis at paghahanda ng pagkain para sa lahat. Ang mga katulong sa mansyon ni Hanlu ay maligalig na pwedeng gawin ang lahat, dahil nagagawa naman nila ng tama ang kanilang mga trabaho. 

Sila ay nakakapagluto at nakakakain kung kailan nila gusto. Dahil sobrang busy rin naman nito at talagang hindi nila ito minsan nakikita, pero nang dumating ang dalagang si Vetarie ay araw-araw na itong nasa bahay at palagi rin nilang nakikita na inaasikaso niya ang dalaga. 

Kaya ang bawat isa sa kanila ay hindi maiwasan na maisip na gusto ito ng kanilang boss dahil alam naman nilang hindi ito ganito sa tagal na nilang nagtrabaho sa pamilya ni Hanlu. Kilalang-kilala na ito ng lahat at nakakapanibago kung makita nilang ganito ito. 

Samantalang sa kabilang banda, isang babae ang nakahiga sa isang napakalaking kama at para siyang prinsesa ng dahil sa napakagandang mukha nito. Ang mukha niya ay talagang maamo at ang ugali nito ay talagang tama at sukat na sukat sa kanyang itsura dahil siya ay talaga namang napakabait at mapagmahal. Ang kanyang kutis ay talaga namang maputla. Kita mo sa kanya na siya ay may sakit na iniinda at hindi man lang gumagalaw ang kanyang katawan. 

Kaso sa pagkakatong ito, ang kamay niya ay gumalaw at ang kanyang mga mata ay unti-unting nagmulat. Para siyang robot at walang emosyon. Ang kanyang mukha at ang magulo niyang isipan ay hindi niya maintindihan. Siya ay napatingin sa paligid habang ang kanyang mga mata ay lumilibot sa magandang kwarto.

"Where am I?" Nagawang magtanong ni Vetarie sa kanyang isipan at hindi niya alam kung nasaan siya. Parang nakalimutan niya ang mga nangyari sa kanya para mapatanong ng ganito. Bigla rin niyang napansin ang mga aparato sa loob ng kwarto at ang ibang mga bagay na nakadikit sa katawan niya.

Siya ay walang ideya sa ngayon dahil ang kanyang isipan ay nagpoproseso pa rin sa ngayon. Siya ay nanghihina, pero ginawa ni Vetarie ang kanyang makakaya para maka-upo at makasandal sa kama. Buti na lang talaga ay nagawa niya at ramdam niya ang panghihina ng katawan. 

"Nasaan ako? Bakit parang wala ako sa bahay?" Muling napatanong si Vetarie sa kanyang sarili at pakiramdam niya ay manhid ang ibang parte ng kanyang katawan. 

Napansin din niya ang magandang kwarto sa paligid at hindi niya maiwasan na mamangha. Ang kulay puti at berde na kulay nito ay nagbigay sa kanya ng kaginhawaan. Kapag nakikita niya ang maganda kombinasyon ng kulay na ito ay nakakahinga siya at hindi maiwasan na mapangiti. 

Tatayo sana si Vetarie, pero napaatras siya nang dahil sa kalagayan niya. Itinaas niya ang damit at saka nakita ang mga mahahabang tali at parang may madikit na bagay na nakadikit sa dibdib niya. Hindi rin niya maiwasan na mapaisip kung ano ang nangyari kung bakit siya may dextrose sa kanang kamay niya. 

"May nakakalimutan ba ako?" tanong ni Vetarie at saka sumingkit ang kanyang mga mata. Hinawakan niya nang dahan-dahan ang kanyang braso at medyo masakit ito. Masakit ang lahat ng parte ng katawan niya at laking gulat ni Vetarie nang bumukas ang pinto. 

Isang babae ang pumasok sa loob at may hawak itong walis tambo. Si Vetarie at mas lalong nagtaka dahil hindi pamilyar ang mukha ng babae. Ito ay dare-daretso lang na pumasok sa kwarto para maglinis. Tinitignan ito ni Vetarie habang ang babaeng katulong ni Hanlu ay hindi man lang napansin na gising na ang dalagang natutulog sa loob nang limang buwan. 

Kaso biglang natigilan si Vetarie ng bigla siyang magising sa katotoohanan. Ang kanyang kamay ay biglang nanginig at mabilis na umiyak, dahilan na mapatingin ang katulong at magulat sa kanyang narinig. 

"J-jusko po!" sigaw nang katulong at mabilis itong tumakbo palabas at panay ang sigaw. "Butler Choi! Si ma'am Vetarie gising na bilisan n'yo!"

Nataranta ang lahat sa kanilang narinig. Maging ang mga katulong na abala sa pagluluto ay munting ng mapaso sa gulat. Kaya naman ng marinig ito ni Choi ay mabilis itong tumakbo papunta sa kwarto at sinenyasan ang ibang katulong na tawagan ang mga doktor, dahil kahit isang doktor ay wala sa mansyon. Hindi rin kasi nila inaasahan na magigising na ito ng dahil na rin sa tagal nitong natulog. 

Pagbukas ni Choi sa pinto, siya ay nagulat dahil ang kanang kamay ni Vetarie ay dumudugo. Panay ang iyak nito at hindi nila alam ang gagawin. Napaghalataan niyang hinila nito ang karayom na nakatusok sa kamay at ng hahawakan ito ni Choi ay mas lalo pang lumakas ang iyak nito. 

"No! Don't touch me! Please don't hurt me!" 

Puno nang pagmamakaawa ang boses ni Vetarie at parang dinudurog ang puso ni Choi at ng ibang katulong na nasa loob. Ramdam nila na hindi maganda ang pinagdaanan ng dalaga bago siya madala sa mansyon. Kaya naman napalunok si Choi at sumenyas muli para tawagan na ang kanilang among si Hanlu. 

"We're not going to hurt you, okay? Do you remember me? It's me, Butler Choi."

Nagawang magpakilala ni Choi dahil iniisip niya na maaalala siya ng dalaga, pero dahil nga takot na takot ito ay mabilis lang siya tinabig gamit ang kamay na dumudugo at saka sila lumayo. 

"No! Please don't touch me! Don't hurt me!" Paulit-ulit ang sinasambit nito at bawat isa sa kanila ay kinakabahan at hindi maiwasan na mabingi sa pagsigaw at pag-iyak ni Vetarie. 

"Vetarie, we're not going to hurt you. Nandito lang kami, hindi kami lalapit," wika ni Choi, pero talagang bingi ang pandinig nito at hindi siya iniintindi. Kaya naman wala silang nagawa kung hindi maglakad palayo hanggang sa marating nila ang pinto. 

Ang dibdib ni Choi ay kumikirot ng dahil sa nakikita niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyare sa alaga niya noon at bakit ito naging ganito. Ang alam niya ay masayahin itong bata kumpara kay Betania na puno ng sama ng loob at kainggitan sa katawan. 

Siya ay halos mapahawak sa kanyang dibdib at wala siyang pakielam kung magusot man ito. Basta ang nararamdaman niya ay inis at galit sa pamilya ni Vetarie kahit na hindi pa niya alam ang rason kung bakit ito naging ganito. Malaki rin kasi ang hinala ni Choi na may kinalaman dito si Betania at Kristopher.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status