Share

CHAPTER 4: This headache

Nakasandal lamang sa swivel chair si Hanlu habang hinihintay niya si Caden. Limang buwan na siyang problemado dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Vetarie. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya, matapos niyang makita ito at dalhin sa hacienda ay naging problemado na siya. Halos maya't maya niya kung maisip ang dalaga at hindi maiwasan na mag-alala. 

"Boss." Narinig ni Hanlu ang boses ni Caden at may inilapag itong folder. Mabilis niya itong binuksan at nakita niya ang iba pang information ni Vetarie. 

Ang mga mata ni Hanlu ay hindi makapaniwala, sapagkat ilang buwan na silang hindi makakuha ng information nito dahil alam naman niya ng ko'nti ang background nito. Alam niya na mahirap kuhanin ang information ng dalaga ng dahil na rin sa may kakayahan ang pamilya nito. Pero sa pagkakataong ito ay napangisi si Hanlu nang makita niya ang papel sa kanyang harapan. 

"How is she?" tanong ni Hanlu habang nakamasid sa mga papel. Ang boses nito ay seryoso lamang at sanay na rito si Caden. "Inaasikaso naman siya boss at h'wag kayo mag-alala. Sana nga lang ay magising na rin si ma'am Vetarie." 

Alam ni Hanlu na nag-aalala rin ito para kay Vetarie dahil si Caden ay hindi na naiiba sa pamilya nila. Alam din nito ang mga nangyayari dahil talagang katiwala ito ni Hanlu. Halos lahat ata ng sikreto ng kanyang boss ay alam na alam n'ya rin. Kaya naman lahat ng lihim nito ay hindi ipinagkakalat ni Caden dahil talagang loyal siya sa buong pamilya nito. 

"Bakit hindi muna kayo magpahinga boss? Kahit ako na lang ang bahala rito at ngayon ko lang kayo nakitang gan'yan."

Sabay lapag ng isang basong tubig ni Caden sa lamesa ni Hanlu at mabilis itong kinuha ni Hanlu at umiling. 

"I'm fine. Just call some doctors in America and tell them that need them as soon as possible. May kailangan lang din akong asikasuhin."

Tumayo si Hanlu sa kanyang pagkakaupo at napahawak siya sa sintido. Makirot ito at talagang kulang na kulang siya sa tulog. Gusto niyang magpahinga, pero hindi naman siya makapagpahinga. Talagang iniisip niya si Vetarie at kahit hindi pa siya nakikita ng dalaga ay malapit na malapit na ang sarili niya rito. 

Sa kanyang paglabas ng opisina ay agad siyang sinalubong ng bati ng kanyang mga empleyado, "Good afternoon, boss Hanlu." Habang si Hanlu naman ay walang emosyong tinignan ang mga ito at saka tumango lamang. 

Ang lahat ng ito ay sanay na sanay na kay Hanlu dahil para itong yelo at hindi nila alam kung saan ito nagmana. Ang mga magulang naman nito ay hindi ganito at ang kapatid nito. Kaya ang halos lahat ng tauhan niya at matagal ng nagtatrabaho sa kanyang kumpanya o hacienda ay hindi maiwasan na mapatanong sa isipan kung kanino ito nagmana.

"Fvck this hurts," d***g ni Hanlu at humawak siya sa kanyang sintido. Makirot ito ng dahil sa kakulangan sa pagtulog. Para siyang matutumba sa sakit at mabilis na sumakay sa kotse. Nagawa muna niyang sumandal at saka tinignan ang kanyang cellphone, dahil kanina pa niya ito naririnig na tumutunog. Kahit hindi ito buksan ni Hanlu, siya ay may ideya kung sino na ito.

Mabilis itong kinuha ni Hanlu at saka sinagot ang tawag na kanina pa niya naririnig. 

"Hanlu Stanley!" Isang boses na may kataasan ang narinig ni Hanlu sa kabilang linya. Ang kanyang masakit na ulo ay naging triple ng dahil sa sigaw nito. Mabilis niyang inilayo ang cellphone ng sa gano'n ay maibsan niya ng ko'nti ang sumasakit niyang ulo. 

"Mom, can you please lower your voice?" sambit ni Hanlu at kahit humingi na siya ng permiso ay mas lalo pang tumaas ito.

"Are you that busy, Hanlu? You're not visiting us for these five months! Your father is also worried about you. What is happening?" 

Biglang nawala ng pansamantala ang sakit ng ulo ni Hanlu. Siya ay kinabahan ng marinig niya ang sinabi ng inang si Lingmei Stanley at agad umayos nang upo. Nagawa rin niyang kamutin ang sintido sa kaba na baka biglang umuwi ito sa mansyon at makita si Vetarie.

"I'll visit you next week, mom. I'm just busy creating a new project and a new building for my company. I promise that I will visit you soon, so just have fun with Dad and tell him that I'm fine," sagot ni Hanlu at kabang-kaba siya. 

"We're just worried. Don't visit us next week. I will call you because we're on vacation. Just make sure that you are fine and do you have any idea where that brat is?" Halata ni Hanlu ang inis sa boses ng kanyang ina. Maging siya kasi ay walang ideya kung nasaan ang pangalawa niyang kapatid na si Kai Stanley. Sigurado naman siya na wala itong ginawa kung hindi ang libutin ang buong mundo mag-isa. 

"No, Mom, just call me, all right? I have things to do." 

Matapos sabihin ni Hanlu ang salita ay mabilis niya itong pinatay. Kinabahan siya na marinig ang boses ng ina dahil kilala niya ito, kahit na mabait ito ay talagang hindi siya nito titigilan. Kaya naman napahawak muli si Hanlu sa kanyang sintido at nagawa pa niyang idahilan ang project na kanyang gagawin para lang mapagtakpan ang nangyayari sa mansyon niya. Siguradong makakatikim siya ng salita sa ina kapag nalaman nito ang inililihim niya. 

Kaya naman mabilis na pinatakbo ni Hanlu ang sasakyan at patungo siya sa isa niyang kaibigan na makakatulong sa kanya para alamin ang lahat ng nangyayari kay Vetarie. Gusto niyang tulungan ang dalaga ng sa gano'n ay malaman niya ang rason bakit ito naging ganito. Pero iintayin pa rin ni Hanlu ang paggising ng dalaga para sa kanya mismo manggaling ang lahat ng nais niyang malaman sa nangyari. 

Lumipas ang ilang minuto at nakarating din si Hanlu. Siya ay sinalubong ng nakararami dahil kilalang-kilala naman siya ng lahat. Habang ang iba naman ay nakahalera sa gilid para ituro sa kanya ang daan kung nasaan ang boss nila.

"Good morning, sir Hanlu Stanley." Sabay tango lang ni Hanlu at tuluyang pumasok sa isang kwarto na itinuro ng mga tauhan ng kanyang kaibigan at saka umupo siya sa sofa para pag-usapan ang nais niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status