Share

CHAPTER 48

“I LOVE YOU,” Bigla ay nasabi ni Natalia kay Matt pagkatapos nilang magtalik. Biglang napabalikwas si Matt, gulat na gulat na napatingin sa kanya, nakakunot ang nuo.

“Alam mong hindi kasama sa usapan natin ang ganyan, hindi ba?” Sabi nito sa medyo galit na tono.

“Hindi ako robot, Matt. Hindi ko ginustong maramdaman ito!”

“Ngayon pa lang, sinasabi ko na saiyong wala kang aasahang pagmamahal mula sakin,” matabang na sabi nito sa kanya, tumayo ito at pumasok sa banyo. Ilang sandali pa ay naririnig na niya ang lagaslas ng tubig.

Parang may matalas na bagay na gumuguhit sa kanyang dibdib habang inuulit sa isipan ang sinabi ni Matt. Hindi kasali sa usapan nila ang ma-involve ang kanilang mga damdamin? Ramdam niya ang pangingilid ng kanyang mga luha.

Maski siya ay ilang beses niyang minura ang kanyang sarili dahil sa nararamdaman niyang ito kay Matt. Ngunit kahit anong gawin niyang pagpipigil, ewan kung bakit nakaramdam pa rin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status