Hello po. Maari ko po ba kayong mahingan ng feedback upang mas lalo ko pa pong mapagbutihan ang aking pagsusulat? Kung ito po ay inyong nagustuhan, salamat. Ang inyong mga comments, pagbibigay ng gems at reviews ay malaking bagay sa aming mga manunulat. Maraming salamat po.
“NAKAKASUKA ka,” galit na dinuraan ni Natalia sa mukha si Matt, iniisip pa lamang niyang pagkatapos nitong makipag-sex sa kanyang kapatid ay siya naman ang gusto nitong sipingan ay gusto ng bumaligtad ng sikmura niya. Pinahid lang ni Matt ng kamay nito ang dura niya saka waring na-trigger ito sa ginawa niya, kaagad siyang itinulak pahiga ng kama. Pinigilan niya ang pag-alpas ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung paano niya nagawang ibigin ang ganitong klase ng lalaki na wala namang pakiramdam basta mapagbigyan lang ang tawag ng katawan. Akmang hahalikan siya nito sa kanyang mga labi ngunit mabilis niya iyong iniiwas. Suklam na suklam siya. Pinunit ni Matt ang suot niyang damit, hindi siya nagpapakita ng kahit na anupamang emosyon dito. Ni hindi niya ipinahalatang naapektuhan siya nang hawakan nito ang maseselang bahagi ng kanyang katawan. Gumapang ang mga labi nito sa kanyang dibdib, paibaba sa kanyang pus
“SAAN MO DINALA SI GIRLIE?” Pinagpapalo ni Natalia ang dibdib ni Matt, “Hayup ka, napakasama mo talagang tao! Nakakadiri ka!” Sigaw niya rito ngunit hindi niya alam kung bakit kahit anong sabihin niyang pang-iinsulto ay hindi siya nito pinapansin kaya mas lalong naghuhumiyaw ang galit na nararamdaman niya para dito. Kinaiinisan rin niyang bigla na lamang nitong pinaalis ng mansion si Girlie na ni hindi man lamang niya alam kung saan ito dinala ng lalaki at ayaw naman nitong sabihin kung nasaan ang kapatid niya. “Napaniwala akong kahit pano may natitira pang kabutihan dyan sa puso mo. Na talagang tinulungan mo ako para hindi tuluyang mapariwara ang kapatid ko. Iyon pala, pareho mo lang kaming pinaglalaruan, hayup ka. Wala kang kasing sama!” Umiiyak na sigaw niya rito. Hindi nagsalita si Matt, sa halip ay isinara nito ang binabasang libro at lumabas ng library ngunit wala siyang balak na tigilan ito hangga’t hindi niya ito napapaamin kung nasaan a
KAARAWAN ng isang kilalang senador at isinama ni Matt si Natalia sa pagtitipong iyon. Binihisan siya ni Allyson ng isang kulay gold na gown. Isang simpleng blue sapphire earings at bracelet naman na nagkakahalaga raw ng thirty five million pesos ang ipinasuot nito sa kanya. Ang kanyang blue pumps na may mga sapphire na dekorasyon ay milyon rin daw ang halaga. Marami ng tao nang dumating sila ni Matt. Pagkalipas ng ilang minuto ay namataan niya ang pagdating ni Elena. Ang ganda rin nito sa suot na red gown. Pagkalalaki ng mga makikinang na diamonds na suot nito sa katawan. Pihadong hindi bababa sa isang daang milyon ang halaga ng mga iyon. Nakakalula. Parang lahat ng mga babae ay gustong magpatalbugan sa isa’t-isa. Iniwan siya saglit ni Matt sa isang sulok para kapulungin ang isang congressman. Nakakuha ng pagkakataon si Elena para malapitan siya. “Nakakatawang kahit san na lang magpunta si Matt, may bitbit na escort girl,” mapanuyang sabi
“MA’M, pinagbibihis po kayo ni Sir,” sabi ni Vicky kay Natalia nang hatinggabi ay katukin siya nito sa kuwarto. “Bakit raw?” Nagkibit balikat ito, “Pakibilisan nyo raw po, magpalit lang daw kayo ng damit, may pupuntahan raw kayo.” Hindi niya alam kung saan sila pupunta ng disoras ng gabi. Hinubad niya ang pantulog at nagsuot ng white shirt at kupasing maong. Naghihintay na sa kotse si Matt nang lumabas siya ng kuwarto. Kaagad siyang iginiya ni Rigor pasakay sa kotse. “Saan tayo pupunta?” Nagtatakang tanong niya kay Matt. “Isinugod sa ospital ang tatay mo,” tipid na sagot nito sa kanya. Nagulat siya sa sinabing iyon ng lalaki, “Anong nangyari kay Papang?” Nag-aalalang tanong niya. “Bigla na lang daw natumba sa tapat ng gate ninyo. Mabuti nakita ng mga kapitbahay,” sabi nito sa kanya. “Diyos ko.” Nasambit niya habang panay ang kabog ng dibdib. Pinagtatakhan niyang nalaman nito ang tungko
PUMASOK SI MATT sa kuwarto ni Natalia, hatinggabi. Hindi iyon inaasahan ni Natalia, in fact inaantok na siya at papatulog na siya. Ngunit biglang nawala ang antok niya nang sipingan siya ni Matt. Ewan ba niya kung bakit kahit anong pili tang pagkonbinsi niya sa sarili, rumurupok siya sa tuwing mahahagkan siya ni Matt. Sa kabila ng mga ginagawa nito sa kanya, ni hindi niya makayanang labanan ang damdamin niya para dito. Gusto niyang magalit sa kanyang sarili dahil hinahayaan lang niyang paglaruan nito ang damdamin niya. Malinaw naman na wala siyang aasahan dito. Kung sinisipingan man siya ni Matt, iyon ay dahil sa tawag lang ng pangangailangan. No more no less. Habang siya, sa paglipas ng mga araw ay mas lalong lumalalim ang damdamin niya para dito. Nakakatawang nakakainis. Imagine, nakuha pa niyang umibig dito pagkatapos ng lahat ng ito? Sinong matinong babae ang maiinlab sa isang lalaking sa umpisa pa lang ay malinaw
HINDI NAMAN SIYA MANHID. Aminado naman si Matt na sa lahat ng mga babaeng nakasama niya ay si Natalia ang pinakanatatangi. Kaya nga niya ito pinakasalan dahil ayaw na niya itong makawala pa. Ngunit pag-ibig? Malabo iyon sa kanyang mangyari dahil hindi siya naniniwala sa salitang iyon. Simula nang maabutan niya ang kanyang Mama kasama ng kalaguyo nito, hindi na siya naniwala sa salitang pag-ibig. Lalo pa nang matuklasan niyang pati ang kanyang Papa ay may ibinabahay rin. At nagsasama lang ang mga ito ng dahil sa mga negosyo ng mga ito. Hindi nag-e-exist ang salitang pag-ibig sa relasyon ng mga ito. At tama naman ang mga ito. Masasaktan lang siya kapag natuto siyang umibig. Hindi ba at ganuon ang nangyari sa Antie Nena niya? Pati na rin sa family driver nila nuon na si Mang Ruben? Sumama ang asawa ni Mang Ruben sa ibang lalaki. Dahilan kung bakit gabi-gabing naglalasing si Mang Ruben at nagresign na sa pagiging family driver nila.
“ANONG TINGIN MO SA AKIN, PAGKAIN na pwede mong kainin any time na nagke-crave ka?” Singhal ni Natalia kay Matt nang kinaumagahan ay pinipilit na naman siya nitong sipingan. Although pilit niyang pinaglalabanan ang init na nararamdaman. Bakit ba para siyang makinang ke bilis mag-init sa tuwing mahahawakan ng lalaking ito? Pero pinilit niyang itulak palayo si Matt. Ngunit kung dati ay hindi siya nito pinipilit kapag ayaw niya, napansin niyang this time ay mas marahas ito. As if walang balak tumigil hangga’t hindi nito nakukuha ang gusto nito. “Wala kang karapatang tumanggi. Lalo pa at nadagdagan na naman ang utang mo. Alam mo ba kung magkano ang vase na binasag mo?” Yamot na tanong nito sa kanya, “Kung sa akala mo, pinalampas ko lang ang ginawa mong iyon, nagkakamali ka. Maniningil ako. At gaya nga ng sinabi ko saiyo, hindi ako papayag na malugi!” Pagkasabi niyon ay pumaibabaw ito sa kanya, nakita niya ang magkahalong galit at pagnanasa sa mg
“NAKU MA’M napagalitan kaming lahat ni Sir nung nadulas ka. Sobrang nag-alala si Sir sa inyo,” kwento ni Vicky nang hatdan siya nito ng kape sa kuwarto, “At kabilin-bilinan ni Sir bago umalis kaninang umaga, bantayan ko kayong mabuti. Kapag nabalian raw kayo ng buto, habang buhay kong babayaran iyon,” anitong bahagya pang napahagikhik, “Ang sweet ni Sir, di ba Ma’m?” Napaismid lang siya. Si Matt, sweet? Guilty lang marahil ito kaya ganun. “At saka balita ko dapat pupunta si Sir sa Cebu pero kinansel na lang nung nadulas kayo. Eksaherada, hindi ba Ma’m?” Nagbuga siya ng hangin, “Ang mabuti pa, tulungan na lang kitang maglinis. Naiinip ako ng ganitong walang ginagawa.” “Ay naku Ma’m, gusto mo bang katakot takot na sermon ang abutin ko kay Sir kapag pinagalaw ko kayo ditto? Kung gusto nyo, magbasa na lang kayo sa library. Hindi naman naka-lock ang library. . .” Naisip niyang mabuti ngang malibang ang utak niya,