Beranda / Romance / The Billionaire's Heartless Betrayal / Chapter 3: The Drugged Marshmallows

Share

Chapter 3: The Drugged Marshmallows

Penulis: SweetMisery
last update Tanggal publikasi: 2026-03-23 12:04:19

Nabura ang kulay sa mukha ni Allyson nang marinig ang tinit ng malanding babaeng naghahanap kay Arfeo.

"Is that... Milley?!" halos hindi makapaniwalang bulong niya at sunod-sunod ang paglunok na nagawa nito dala ng anxiety.

Naningkit ang mata ni Arfeo. "How the hell do you know her?"

Nanlambot ang tuhod ni Allyson at halos bumigay na ito. "Wala na talaga. Guguho na ang mundo."

Mabilis niyang niyugyog ang pinto. "Answer me. Paano mo siya nakilala?"

Muntik nang mabitiwan ni Allyson ang door knob. Ramdam ni Arfeo ang panginginig nito mula sa kabilang side. "She'll kill me the moment she finds out you're my boss."

Binitiwan ni Arfeo ang doorknob at tumawa nang mapait. "Sus. Kung 'yun pa lang ikamamatay mo na, paano pa kaya kung makita n'yang n*******d ka ngayon... at ako lang ang nakaharang sa pagitan mo at ng sofa kung nasa'n siya?"

"Alam mo," mariing singhal ng dalaga, "Hindi ka nakakatulong."

Lumapit si Arfeo sa pinto. Pabulong man ngunit maririnig mo ang pait sa boses niya, "Tsk. Pinapasweldo kita, tapos gina-ganito mo ako? How ungrateful of you, Mariano."

"P'wede ba? Hindi nga sapat pang-renta 'yang sahod mo! Mas mabuti pang solusyunan natin 'to kaysa magplastikan tayo dito!"

Nanigas ang panga ni Arfeo, namumula ang pisngi niya sa galit at pigil na libog. Hinila niya ulit ang doorknob at dumikit sa pinto, bumulong siya na para bang hayok na hayok.

'So ako pa ang maarte? Kung lumabas ka na kanina, tapos na sana 'to. At kung pareho lang din naman kayo ng katawan ng lahat ng babaeng naikama ko... bakit hindi ka pa sumunod?"

Nanginginig sa takot si Allyson. Sa kaba niya'y binato niya ito ng bilot na sanitary napkin. Tumalbog iyon malapit sa sofa - sa eksaktong lugar na p'wedeng makita ni Milley.

"Damn it, Allyson!" pabulong pero mabagsik na mura ng binata. "Ano ako, trash bin? At kung makita 'yan ni Milley-"

"Hon?" muling tawag ng babae.

Mabilis na bumawi si Arfeo. "Yes, hon! Nasa c.r. lang ako. Please wait for me on the sofa."

Pero hindi tumigil si Milley. Naririnig na nila ang unti-unting paglapit ng mga yabag ng dalaga.

"Hon, are you okay?"

"Wait lang, hon. I just need to take a dump,," mabilis na palusot ng binata.

Tumigil si Milley, tila nag-alinlangan siyang tumuloy at sundan si Arfeo sa c.r., si Allyson naman, napakagat-labi, pilit pinipigil ang halakhak.

"Tumigil ka!" singhal niya kay Arfeo. Nagpupumilit kasing pumasok ang binata dala na rin ng sobrang inis at hiya.

"Papasukin mo talaga ako, tandaan mo... n*******d ako!"

Natigilan ang binata. Napatitig ito sa kisame habang hinahabol ang hininga. Halatang nadadala na ito sa kan'yang emosyon - nilalamon na siya ng magkahalong galit at pagnanasa.

Hindi niya ba alam na may salamin sa likod niya and I can literally see her behind the door? Worse, this little missy managed to actually turn me on - wearing that Donald Duck panty is a crime on how beautiful her figure actually is. I think I'll really go mad one of these days. - Arfeo

"Ano na?" pagmamakaawa ni Allyson, at pinihit ang door knob upang agawin ang atensyon ng binata. "Bilis! Kapag bumalik siya, tapos na ang lahat!"

Mabagal ang bawat hakbang ni Arfeo papalapit sa pinto. Muli niyang inabig niya ang door knob papalapit sa kan'ya.

"Listen," bulong niya sa isang mababa at nakakatindig-balahibong paraan, "and do exactly what I say. Sumunod ka... at pareho tayong makakaligtas. Tumanggi ka... at pareho tayong susunugin ni Milley."

Habang abala ang dalawa sa likod ng nakasarang pinto, nagsisimula nang kumulo ang dugo ni Milley. Napapadyak siya sa pagkabagot habang pinipisil ang strap ng handbag.

Bakit ba everytime na bumibisita ako, palagi siyang nasa c.r.? No, Milley. You're going nuts if pati kubeta pagseselosan mo. - Milley

Nilibot na lang ng dalaga ang opisina, sinisipat ang bawat sulok upang matanggal ang pagkabagot nito. Kumunot ang noo niya at biglang sumimangot nang makita ang kalat sa sahig-isang nakabilot na papel at sa porma nito, nakakasiguro siyang sanitary napkin ang laman noon.

Parang hinila ng imahinasyon ang kanyang katawan, kaya't mabilis siyang tumungo sa c.r., dinig mo sa bawat yabag nito ang pagmamadali at pagkainis.

"Arfeo!" sigaw niya, pagbukas ng pinto. Nahuli niya itong hawak ang cellphone.

"Hon, 'wag kang maingay," mabilis na palusot ng binata, pawis sa sentido.

Sumenyas pa si Arfeo na bumalik si Milley sa sofa, sabay takip ng cellphone at sabing, "Business partner ko 'to."

Nagbitaw si Milley ng pilit na ngiti, bahagya siyang nahiya sa sariling asal. Pero hindi iyon nakasapat para pawiin ang pagdududa na nararamdaman niya. Habang kunwari'y abala si Arfeo sa tawag, patuloy ang mga mata ng dalaga sa pagsuyod ng paligid-tila gutom na asong naghahanap ng makakain.

Pagkababa ni Arfeo ng telepono, tumalim agad ang boses nito. "Hon? Anong ginagawa mo d'yan? Anong hinahanap mo?"

Diretso siyang tinitigan ni Milley. "May babae ka ba?"

Isang ngisi ang ibinalik ni Arfeo, "And what about it, Milley? Did you really think that I'll stay like a mad dog complying with all your orders?" Umupo ito sa sofa at nagbukas ng isang bote ng whiskey.

Napaatras si Milley. This was the first time she saw Arfeo fight back from her baseless accusations.

Ngunit hindi rin ito nagtagal, nakabawi ito agad at marahang naupo sa tabi niya. Gumapang ang kamay ng dalaga sa hita ni Arfeo, dahan-dahan itong gumuhit paitaas, parang sinusukat ang init ng laman ng binata.

"Ano bang pumasok sa isip ko para sabihin ko 'yon?" malambing na bulong niya pero nanlilisik ang mga mata.

Tumayo siya bigla at kinuha ang dalawang bagay na nakita niya kanina. Ibinato niya iyon sa kandungan ni Arfeo-isang sira-sirang takong at isang sanitary napkin na nakabilot sa papel.

"Explain."

Mabilis na nagkunwari si Arfeo, tinakpan niya ang kan’yang labi at nagkunwaing natatawa. "Hon, puro babae ang nagre-report sa akin. Shoes? Normal lang na may masira. And that napkin-common sense. Kay Ms. Remy 'yon. She's the only one I let use my c.r. Ayoko namang pabalik-balik siya sa 38th floor. You know the common c.r. here is currently under repair, right?"

Muling umasim ang mukha ni Milley, halos masampal niya si Arfeo ngunit hindi niya ito itinuloy dahil ramdam niyang may nagbago sa binata. "Si Remy? Hindi ba tapos na sa mens ang matandang 'yon?"

Napahilot sa kan’yang batok si Arfeo at pinilit ang isang ngiti. "You're overthinking. Tell you what-para makabawi ako, let's eat. My treat."

Tumayo siya at nagtungo sa kanyang mesa. Habang nagsusulat ng note, pasimple niyang ipinasok ang kamay sa ilalim at pinindot ang isang nakatagong button.

"Alright," malanding ngiti ni Milley. "But just this time. I know a newly opened restaurant."

***

Ilang minutong pinakiramdaman ni Allyson kung ligtas na ba siya mula sa giyera sa labas ng pinto. Ni hindi siya gumalaw-kahit ang paghinga niya ay pinilit niyang pigilan.

Nang tuluyang lamunin ng katahimikan ang paligid, saka lamang siya nakahinga nang malalim, para bang binunutan siya ng napakalaking tinik.

"Walang hiyang 'yun! Muntik na akong atakihin sa puso sa ginawa niya..." bulong niya habang nanginginig pa ang tuhod.

Habang pinapakalma ang sarili, naalala niyang kanina pa abala si Milley at hindi humuhupa ang hinala nito. Kaya't para makontrol ang sitwasyon, sinet-up ni Arfeo ang closet bilang pain, siguradong iyon ang pupuntahan ng babae habang siya naman ay nakatago sa C.R.

"Ilan kaya ang naging girlfriend niya? Kawawa naman sila, nabulag ng pera at mabubulaklak na salita..." malamig niyang wika.

Dinukot niya ang cellphone mula sa bulsa ng napunit na skirt. "Tsk! Sana nag-unlitxt ako. Ang hina ng signal, ni hindi makatawag..."

Marahan niyang ikinawang ang pinto ng C.R., sumilip siya nang dahan-dahan para i-check kung wala na ba talagang tao. Nanlamig siya nang mapansin ang pulang ilaw ng CCTV.

"That bastard... he said patay ang cameras, pero bakit buhay pa? At bakit lahat ng anggulo, dito pa talaga sa loob ng banyo nakatutok?"

Napaupo siya sa inidoro at napahilamos ng mukha. "Do I really have to re-use my panty... and those papers as napkin?" Napakagat-labi siya dahil hindi niya alam kung mas nandidiri siya o talagang desperada lang talaga.

Lumabas siya ng C.R. at dumiretso sa closet-ang parehong closet na kanina'y ginamit nilang panlinlang.

"May slacks talaga akong nakita dito..." bulong niya habang kinakapa ang loob. "It's getting really uncomfortable. Hindi s********p ng dugo 'tong papel. For sure, tatagos na naman ako..."

Sa pagbukas ng kaliwang drawer, isang note ang bumungad ss kan'ya.

"Sorry, use the boxers on the right side. Kailangan ko nang palabhan ang slacks, kinuha ko na."

"Son of a bitch! He'll pay for this!" bigkas ng dalaga nang mabasa ang note at marahas na hinablot ang boxer shorts-puti at may malaking pulang puso sa gitna.

Walang pag-aalinlangan niya itong isinuot pero halata mo sa mukha niya ang pandidiri nang tuluyan na niya itong ginawang pamalit na saplot.

"Ano ba 'to! Ang baduy! Walang taste!" reklamo niya habang nakatitig sa malaking salamin malapit sa office table.

Nasilayan niya ang drawer ng mesa ni Arfeo, na iniwang bahagyang bukas. Doon, isa na namang note ang sumilip.

"By the time you're reading this, I'm sure suot mo na ang boxers. Pero sigurado akong mas gugustuhin mong isuot ang panty na dala ko kanina kaysa sa unhygienic na suot mo ngayon. Nasa sofa lang 'yon, nakaipit. Don't worry, it's Milley's. At wala naman siyang buni-I've checked her once."

Namula si Allyson sa inis at pagkasuklam. Napakagat-labi siya, kasabay ng bulong: "I'll never wear her undergarments... never!"

Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa sa note, "My office is locked from the inside. Hindi ko sasabihin ang password. Tapusin mo na lang ang trabaho ko. If you finish before sunrise, pupuntahan kita at ihahatid pa kita. I'll even raise your salary. Remember, may CCTV d'yan. I can monitor you kahit malayo ako."

"Putang-ina... he's enjoying this..."

Sinabunutan niya ang sarili bago gulong-gulong ibinagsak ang note sa mesa. Sa swivel chair siya napaupo, pilit niyang ini-redirect ang galit sa pagbabasa ng reports.

"Lunch time na ba? How come hindi pa rin ako hinahanap nina Beth? Wala man lang concern..."

Tumayo siya, kinuha niya ang kan'yang bag at kinapa ang loob nito. Pero bago pa man makapaghalungkat, napansin niya ang isang bagay sa ibabaw ng mesa ni Arfeo-isang bukas na pack ng marshmallows, nakalantad ito na parang alay.

"Marshmallows?" bulong niya.

Gutom na gutom na siya pero kasabay ng kalam sa sikmura, ramdam niya ang mapanlinlang na titig ng CCTV.

He left this for me. He knew wala akong dalang pagkain at aabutin ako ng lunch time. Was it out of consideration?

Dahan-dahan siyang kumuha ng isa. Pinisil niya ang malambot na puting marshmallow at nilaro sa pagitan ng daliri bago isubo.

The bitter-sweet chocolate flavor inside the marshmallow bursted in Allyson’s tongue. It was so good that she wanted to take some more – then, all of a sudden, her tongue felt like a thick, useless piece of cloth in her mouth.

“Shit…”

Sinubukan niyang tumayo pero hindi na nakikinig ang kan’yang katawan. Her body was no longer hers. Gising ang diwa niya pero wala nang lakas ang kan’yang katawan. At sa likod ng panlalabo ng kanyang paningin, sumulpot ang malupit na katotohanan, 'That man is mad. He can actually eat drugged marshmallows casually.'

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 24: The Child and the Water Gun

    Ibinaba ni Arfeo ang tawag at hindi na hinintay pang magbigay-komento ang kan'yang kausap sa kabialng linya. Isinuksok niya ito sa kan'yang bulsa at iniwang tumutunog. Mabilis niyang binuhat si Allyson. Gustuhin man niyang lumaban, hinid niya ito magawa dahil sa labis na panginginig at panghihina ng katawan. "Look, Im not going to harass you or anything. I'm just claiming back what's mine from the start." Maingat na isinakay ni Arfeo ang dalaga at pinaharurot ang kotse nitong animo'y naging isang puting kometa sa bilis. "Where do you plan to take me?" Napangisi siya na nagbigay-kaba naman kay Allyson. "We're going to my den. Pagdating natin do'n, hindi ka na makakatakas sa mga tanong ko." "Why are you taking orders from that man?" Napakunot-noo ang binata nang margining ang sinabi nito. "Why did you looked so scared when you found out about Dimitrio?" Nagmenor ito at inihinto ang sasakyan. Hinarap niya ang dalaga at mata sa matang sinabing, "Confess to me, kilala mo ba si

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 23: The Black Coffee and Rice

    Walang salitang lumabas kay Allyson sa halip ay nagtungo siya sa kusina at naglabas ng dalawang tasa sa lamesa. Kinuha rin niya ang asukal at ang nakagarapong kape. Nagdaop ang dalawang bisig ng binata, kasabay nito ang pagtaas ng kan'yang dalawang makapal na kilay. "'Wag mong sabihing babaratin mo 'ko?" Napatawa na lamang siya nang magunita ang pagngising ginawa ng dalaga. "Barat ka nga. Isang kuripot na magaling." "Kung binigay mo lang kasi sa akin ang s'weldo ko nang mas maaga, 'di sana maiilibre kita? May-ari pa man din ng kumpanya. Sino kayang mas kuripot sa 'tin?" "I do not own that company. Presidente lang ang CEO. Gets mo? Presidente, hindi may-ari. Besides, 'yung HR n'yo ang tanungin mo. I have my hands full already. Pati sweldo ng emplayado responsibilidad ko pa rin?" Natawa ang dalaga sa ginawang pagsinghal ng binata. Lihim siyang napangisi sa mga gawing naipamalas ni Arfeo. Muli pa sanang bibirit ng isang hugot-kumpanyang litanya ang binata ngunit natigilan siya na

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 22: The Humbling of a CEO

    Natigilan si Arfeo sa banta ng dalaga. Tahimik na ipinagpatuloy ni Allyson ang kan'yang ginagawa. Isang malapad na ngisi ang ipinaskil ng kan'yang mga labi. Sapat ng ganti para kay Allyson ang pagpilit kay Arfeo na isuot ang babad sa tubig-taeng Melody-designed pink apron upang maging kapalit sa kan'yang paglilinis. Ilang minuto lamang ang binilang ni Allyson upang tuluyang maayos ang inidoro. No'n lamang niya na-realize ang kagimbal-gimbal na sitwasyon ni Arfeo. Pinihit niya ang kan'yang baywang upang maharap ang binata na nagmamasid lamang sa kan'ya. Kitang-kita sa kilos at nandidiring ekspresyon ng binata ang pagka-ilang mula sa kan'yang suot na apron. "Walang matinong sabon o shampoo sa bahay na 'to. If you plan to clean yourself, tubig lang ang mayro'n dito," anito at lumabas sa palikuran. Pigil na pigil ni Allyson ang kan'yang pagtawa mula sa blangkong ekspresyon ng binata matapos malaman ang tunay na sitwasyon. Mabilis na hinalungkat ng binata ang kan'yang dalang mga gami

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 21: The Boss in Pink Apron

    Tahimik na pinasok ng dalaga ang rest house at maingat na nilapitan ang lalaking nakasalampak sa sofa. Masinsin niyang tiningnan ang hubog ng lalaki. "I didn't expect to find a sleeping maid in Noah's house. Lumabas lang ako para humanap ng agahan, pagbalik ko isang bading na maid na ang nakita ko." Humigop ang dalaga ng mainit-init na taho na kan'yang binili sa kanto. "Ang cute pa man din ng pink apron na suot niya. Pero what's up with the mask? Siya kaya ang maglilinis ng C.R.?" Sinubukang tanggalin ng dalaga ang mask na suot ng lalaki. Dadais pa lang sana ang mga palad nito sa mask ng binata nang biglang magmulat ng mata ang lalaki. Sa gulat ng dalaga, nalaglag niya ang kan'yang taho sa mismong apron nito. "I'm sorry! Nagulat lang ako kaya - -" Biglang pinihit ng lalaki ang baywang ni Allyson at inilapit ito sa kan'ya. Isang halik ang agad na naibigay nito sa dalaga – halik na may nakapagitang mask sa kanilang mga labi. Pinilit ni Allyson na kumawala at bumitiw sa halik ng bin

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 20: The Bathroom Scandal

    Agad na namawis ang ilong ni Allyson. Hindi umepekto ang kan'yang ginawang pagtataray upang mapatigil ang kakulitan ng binata. "Secretary nga ba or sexetary?" sambit ni Ashley at inis na tinignan ang dalawa. Itinulak ni Allsyon ang matipunong katawan ng binatang nakapulupot sa kan'ya ngayon. "Who's the freak now? He's the freak and not me. Stop harassing me already! It's not funny, okay?" Padabog na nilayasan ng dalaga ang magkapatid. Sinundan lamang ng mga titig ni Noah ang patutunguhan ni Allyson. Tahimik nitong binaybay ang daan patungo sa Master's bedroom. "Wait! Don't - -" Balak pa sanang pigilan ng binata si Allyson sa pagpasok sa banyo ngunit pinigilan siya ng kan'yang kapatid. "Why would you forbid her to go to your bathroom? Kung naiinis siya and she wants to sulk then let her be!" iritableng bigkas nito ngunit ang mga mata naman ay natutuwa sa galak. "Noah!" Bumukas ang pinto ng banyo sa Master's bedroom. Hinablot ni Allyson ang braso ng binata at dinala ito sa

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 19: The Master's New Asset

    Hindi nagkamali ang binata sa kan'yang hinala. Paglapat na paglapat ng likod ni Allyson sa passenger's seat ay mahimbing itong nakatulog. Lumirit naman ang malakas na ulan habang nagmamaneho si Noah patungo sa kan'yang rest house. Nadatnan ng binata ang mga gamit ni Allyson. Naka-impake at maayos itong isinalansan sa mismong harap ng kan'yang rest house. "Good thing Arfeo's gained back his senses. I should thank him for firing this young lady." Tatapikin pa sana ni Noah ang dalaga upang magising ngunit napako ang kan'yang paningin sa mala-anghel nitong mukha. Nakaramdam siya ng panghihinayang kung gigisingin pa niya si Allyson. "I guess I'll just have to carry her. Ang anghel kapag tulog, pero demonyita at maldita kapag gising." Maingat niyang inilapag si Allyson sa sofa. Balak na sana niyang iwan sa ganoong sitawasyon ang dalaga ngunit dinalaw siya ng kan'yang kunsensya. "I'm the master of this house and a master should sleep on a master's bedroom!" pangungumbinsi niya sa kan'y

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status