Home / Romance / The Billionaire's Heartless Betrayal / Chapter 2: The Lingerie Trap

Share

Chapter 2: The Lingerie Trap

Author: SweetMisery
last update publish date: 2026-03-23 12:03:50

Mabilis na umatras si Allyson, hawak ang bibig na parang may kung anong mainit na bagay ang dumampi rito. “T-this is—! Wala kang napatunayan, okay?!” halos pasigaw niyang tanggi, kahit ramdam niya ang pamumula hanggang tainga.

Mabagal na hinagod ni Arfeo ang sariling labi habang sinusubukang tanggalin ang lipstick stain na nakuha mula sa paghalik kay Allyson. “You're blushing so hard. Is it your first kiss?"

“H-hindi ako namumula! Mainit lang dito sa opisina mo!” mabilis na sagot ni Allyson habang pilit na tinatakpan ang mukha ng folder.

“Mainit, ha?” ngumisi si Arfeo at unti-unting lumapit ulit. “Baka hindi opisina ang nagpapainit sa’yo.”

“Arfeo!” Pilit siyang itinulak ni Allyson, pero mas lalo lang itong yumuko, halos magtama ulit ang kanilang labi.

“Relax,” bulong ng binata, “hindi naman kita hahalikan ulit… maliban na lang kung gusto mo.”

“Who said I want that?!” halos pasigaw, pero nanginginig ang boses ni Allyson.

“Nagkataon lang ‘yon?” Tumawa si Arfeo. His voice echoed in Allyson's ears in a sultry manner. “Funny… kasi parang hindi ka naman agad umatras.”

“Umatras ako!” kontra niya. “Kaya nga—ayan! Ang layo ko na sa’yo!” Ngunit kalahating dangkal lang talaga ang pagitan nila.

“Kung ito ang tawag mong layo…” bigkas ng binata sa nanunuksong paraan, “paano pa kaya kung malapit?”

Bago pa siya makasagot, nadulas si Allyson dahil sa putol na takong. “Ah—!”

“Allyson!” Mabilis siyang nasalo ni Arfeo, dalawang kamay ngayon ang mahigpit na nakayakap sa bewang ng dalaga. Sa sobrang lapit nila sa isa't isa, naraamdam tuloy ni Arfeo ang tibok ng dibdib ng dalaga laban sa kanya.

Napahigpit ng kapit si Allyson sa balikat niya, nanlaki ang mga mata nito at namumula siya nang todo. “L-let go of me!”

“Kung bibitawan kita, sure ako na babagsak ka sa sahig,” nakangising bulong ni Arfeo. Mas lalo pa nitong hinigpitan ang hawak sa dalaga dahilan para dumikit ang katawan nilang dalawa.

Napapikit si Allyson sa hiya. Wala siyang mahanap na sapat na salita para kumalas sa bisig ng binata.

Kinabig ng binata ang braso niya upang harapin si Allyson. Seryoso niya itong tinignan sabay sabing, "Bakit hindi mo na lang aminin, it was your first kiss, right?”

Allyson immediately turned into stone. Gusto niyang sumigaw ng No! pero ang katawan niya’y nananatiling nakapako sa mga bisig ng lalaki. Ramdam niya ang init, ang amoy ng nakakaadik na tsokolate, at ang kakaibang kaba.

Mabilis siyang kumawala sa yakap ng binata. Halos matisod ulit si Allyson at dali-daling tumakbo papasok sa banyo. “You’re impossible!” sigaw niya bago isinara nang malakas ang pinto.

Sa labas, narinig pa niya ang mahinang tawa ni Arfeo.

“You can run, Allyson… pero hindi mo kayang itanggi.”

Sa loob ng banyo, halos malusaw na si Allyson sa hiya. Pinisil niya ang sariling labi, pilit pinapakalma ang tibok ng puso. Ano ba ‘yon?! Kiss ba ‘yon? O aksidente lang talaga?

Sa labas naman, maririnig ang mahinang tawa ni Arfeo. Pinatong nito ang kamay sa knob ng pinto pero hindi niya itinulak. Imbes, sumandal siya at bumulong nang sapat para marinig sa loob.

“You know, Ms. Mariano… kahit magtago ka d’yan buong araw, hindi mabubura ‘yung Donald Duck na nabaril.”

“Bastos!” Halos mabingi siya sa sigaw mula sa loob. “Huwag na huwag mong babanggitin ‘yon ulit! Lalagyan ko ng gunting 'yang bibig mo!”

Hindi napigilan ni Arfeo ang tumawa nang malakas. “Relax. Pero seryoso, baka kailangan mo ng tulong. You can’t hide in there forever.”

Nabalot ng panandaliang katahimikan ang silid. “Wala akong extra skirt… at—” hindi niya matapos ang sasabihin.

“—at dinudugo si Donald Duck?” sabat ni Arfeo sabay ngisi.

“TANGI—!” Muntik na siyang magmura ulit. “Hindi nakakatawa!”

Biglang bumukas ang pinto, at sumugod si Allyson habang hawak ang isang maliit na gunting. "I have a ballpen too," mariin niyang bigkas, nakatutok ito sa mata ng binata. "Gusto mong tusukin kita nito?"

Natigilan si Arfeo. Sa unang pagkakataon, napaatras ito. At sa sandaling iyon, mabilis na dinampot ni Allyson ang ilang papeles mula sa mesa.

"Let me clear my name before I clear my skirt. I'm not a stalker!" mariin niyang sabi, hawak pa rin ang gunting na nakatapat sa maselang bahagi ng binata.

Namilog ang mga mata ni Arfeo, ngunit hindi siya nakasagot agad.

"Ni wala akong interes sa sex life mo!" galit na dagdag pa ni Allyson. "Nalaman ko lang na gabi ka pumapasok kasi overtime ako sa accounting department-trying to fix the damn expenses ng babae mo!"

"That's so sweet. You're changing the topic because you're embarrassed. What a feisty, little duck you are! "

"Will you shut up?! Your stupid salary isn't even worth my unpaid overtime!" pahabol niya mula sa hallway, bago tuluyang sumara ang pinto ng C.R.

Ilang minuto na ang lumipas. Naiinis at naiinip na si Arfeo sa tagal ng dalaga. Napahilamos na ito nang mukha sa irita habang binabagtas ng paa niya ang daan patungo sa pinto ng CR.

"Hoy! D'yan ka na ba titira?" malakas niyang sigaw. "Changing napkins is like changing diapers, right? Bakit ang tagal?"

Mula sa loob, bumulaga ang sigaw ni Allyson. "Saglit lang, ho! At ano bang alam mo sa napkin at diaper, ha?!"

Napailing ang binata. Sinusubukan niyang pigilan ang inis-at ang kakaibang tuwa na nararamdaman niya. "Alam mo, meron ka namang papel. Gumawa ka na ng paraan!"

"Anong tingin mo sa'kin? Kayang mag-DIY ng napkin at panty?!" singhal ni Allyson pabalik.

Napailing si Arfeo, saka dahan-dahang naglakad papunta sa drawer. Ilang segundo lang, bumalik siya dala ang isang maliit na kahon. Kumatok siya sa pinto.

Kumatok si Arfeo sa pinto. “Hoy, open the door a bit. I have something you need.”

Mula sa loob, maririnig ang boses ni Allyson na puno ng inis. “Ano na namang kalokohan ‘yan? Kung tissue lang, meron ako dito.”

“Not tissue,” sagot ni Arfeo, may halong ngisi sa tono. “Something… more useful.”

Nadalawang-isip si Allyson pero hindi rin niya mapigilang maging curious. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kaunti. “Ano nga ‘yan?”

Saka mabilis na iniabot ni Arfeo ang manipis na tela.

Napangiwi si Allyson nang makita. “PANTY?! Seryoso ka ba?! Panty pa ba ‘to? Ang nipis, ah! ‘Wag na!”

At bago pa makaiwas si Arfeo, ibinato niya ‘yon pabalik, diretso sa mukha ng binata. Tumama ito sa pisngi ni Arfeo, at agad sumiklab ang halakhak ni Allyson sa loob ng banyo.

“Allyson!” mabilis na abot ni Arfeo sa knob ng pinto bago pa makakulong ulit ang dalaga. “Ako na nga ang nagmagandang-loob. Besides, kung lalabas ka na walang skirt, at least naka-lingerie ka naman! Saka kagabi lang bumisita ’yan, hindi pa masyadong gamit—”

“HA?!” Halos mabingi si Arfeo sa sigaw ng dalaga. “Are you kidding me? Gusto mo isuot ko 'yung ginamit ng ibang babae?! ANG BABOY MO TALAGA!”

“Ang dami mong arte!” tumaas na rin ang boses ni Arfeo. “Kung pasukin na lang kita d’yan para—”

“Subukan mo lang!” mabilis na bulyaw ni Allyson mula sa loob, sabay kalabog ng gunting sa pintuan. “Lalaspagin ko yang baby bird mo!”

Saglit na natigilan si Arfeo, tapos napailing sabay tawa ng malakas. “Damn it, you’re really something else, Mariano…”

Natigil ang kanilang bangayan nang biglang marinig nila ang tunog ng front door. Isang malutong na click ang umalingawngaw, kasunod ang marahang paglangitngit ng pinto. Pareho silang napatigil at halos marinig nila ang sariling tibok ng dibdib.

"Hon? Are you there?"

Isang boses ng babae ang naghahanap sa binata.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Allyson at Arfeo. Napalingon ang binata, at ang dati niyang ngisi ay napalitan ng matalim na titig.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 24: The Child and the Water Gun

    Ibinaba ni Arfeo ang tawag at hindi na hinintay pang magbigay-komento ang kan'yang kausap sa kabialng linya. Isinuksok niya ito sa kan'yang bulsa at iniwang tumutunog. Mabilis niyang binuhat si Allyson. Gustuhin man niyang lumaban, hinid niya ito magawa dahil sa labis na panginginig at panghihina ng katawan. "Look, Im not going to harass you or anything. I'm just claiming back what's mine from the start." Maingat na isinakay ni Arfeo ang dalaga at pinaharurot ang kotse nitong animo'y naging isang puting kometa sa bilis. "Where do you plan to take me?" Napangisi siya na nagbigay-kaba naman kay Allyson. "We're going to my den. Pagdating natin do'n, hindi ka na makakatakas sa mga tanong ko." "Why are you taking orders from that man?" Napakunot-noo ang binata nang margining ang sinabi nito. "Why did you looked so scared when you found out about Dimitrio?" Nagmenor ito at inihinto ang sasakyan. Hinarap niya ang dalaga at mata sa matang sinabing, "Confess to me, kilala mo ba si

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 23: The Black Coffee and Rice

    Walang salitang lumabas kay Allyson sa halip ay nagtungo siya sa kusina at naglabas ng dalawang tasa sa lamesa. Kinuha rin niya ang asukal at ang nakagarapong kape. Nagdaop ang dalawang bisig ng binata, kasabay nito ang pagtaas ng kan'yang dalawang makapal na kilay. "'Wag mong sabihing babaratin mo 'ko?" Napatawa na lamang siya nang magunita ang pagngising ginawa ng dalaga. "Barat ka nga. Isang kuripot na magaling." "Kung binigay mo lang kasi sa akin ang s'weldo ko nang mas maaga, 'di sana maiilibre kita? May-ari pa man din ng kumpanya. Sino kayang mas kuripot sa 'tin?" "I do not own that company. Presidente lang ang CEO. Gets mo? Presidente, hindi may-ari. Besides, 'yung HR n'yo ang tanungin mo. I have my hands full already. Pati sweldo ng emplayado responsibilidad ko pa rin?" Natawa ang dalaga sa ginawang pagsinghal ng binata. Lihim siyang napangisi sa mga gawing naipamalas ni Arfeo. Muli pa sanang bibirit ng isang hugot-kumpanyang litanya ang binata ngunit natigilan siya na

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 22: The Humbling of a CEO

    Natigilan si Arfeo sa banta ng dalaga. Tahimik na ipinagpatuloy ni Allyson ang kan'yang ginagawa. Isang malapad na ngisi ang ipinaskil ng kan'yang mga labi. Sapat ng ganti para kay Allyson ang pagpilit kay Arfeo na isuot ang babad sa tubig-taeng Melody-designed pink apron upang maging kapalit sa kan'yang paglilinis. Ilang minuto lamang ang binilang ni Allyson upang tuluyang maayos ang inidoro. No'n lamang niya na-realize ang kagimbal-gimbal na sitwasyon ni Arfeo. Pinihit niya ang kan'yang baywang upang maharap ang binata na nagmamasid lamang sa kan'ya. Kitang-kita sa kilos at nandidiring ekspresyon ng binata ang pagka-ilang mula sa kan'yang suot na apron. "Walang matinong sabon o shampoo sa bahay na 'to. If you plan to clean yourself, tubig lang ang mayro'n dito," anito at lumabas sa palikuran. Pigil na pigil ni Allyson ang kan'yang pagtawa mula sa blangkong ekspresyon ng binata matapos malaman ang tunay na sitwasyon. Mabilis na hinalungkat ng binata ang kan'yang dalang mga gami

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 21: The Boss in Pink Apron

    Tahimik na pinasok ng dalaga ang rest house at maingat na nilapitan ang lalaking nakasalampak sa sofa. Masinsin niyang tiningnan ang hubog ng lalaki. "I didn't expect to find a sleeping maid in Noah's house. Lumabas lang ako para humanap ng agahan, pagbalik ko isang bading na maid na ang nakita ko." Humigop ang dalaga ng mainit-init na taho na kan'yang binili sa kanto. "Ang cute pa man din ng pink apron na suot niya. Pero what's up with the mask? Siya kaya ang maglilinis ng C.R.?" Sinubukang tanggalin ng dalaga ang mask na suot ng lalaki. Dadais pa lang sana ang mga palad nito sa mask ng binata nang biglang magmulat ng mata ang lalaki. Sa gulat ng dalaga, nalaglag niya ang kan'yang taho sa mismong apron nito. "I'm sorry! Nagulat lang ako kaya - -" Biglang pinihit ng lalaki ang baywang ni Allyson at inilapit ito sa kan'ya. Isang halik ang agad na naibigay nito sa dalaga – halik na may nakapagitang mask sa kanilang mga labi. Pinilit ni Allyson na kumawala at bumitiw sa halik ng bin

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 20: The Bathroom Scandal

    Agad na namawis ang ilong ni Allyson. Hindi umepekto ang kan'yang ginawang pagtataray upang mapatigil ang kakulitan ng binata. "Secretary nga ba or sexetary?" sambit ni Ashley at inis na tinignan ang dalawa. Itinulak ni Allsyon ang matipunong katawan ng binatang nakapulupot sa kan'ya ngayon. "Who's the freak now? He's the freak and not me. Stop harassing me already! It's not funny, okay?" Padabog na nilayasan ng dalaga ang magkapatid. Sinundan lamang ng mga titig ni Noah ang patutunguhan ni Allyson. Tahimik nitong binaybay ang daan patungo sa Master's bedroom. "Wait! Don't - -" Balak pa sanang pigilan ng binata si Allyson sa pagpasok sa banyo ngunit pinigilan siya ng kan'yang kapatid. "Why would you forbid her to go to your bathroom? Kung naiinis siya and she wants to sulk then let her be!" iritableng bigkas nito ngunit ang mga mata naman ay natutuwa sa galak. "Noah!" Bumukas ang pinto ng banyo sa Master's bedroom. Hinablot ni Allyson ang braso ng binata at dinala ito sa

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 19: The Master's New Asset

    Hindi nagkamali ang binata sa kan'yang hinala. Paglapat na paglapat ng likod ni Allyson sa passenger's seat ay mahimbing itong nakatulog. Lumirit naman ang malakas na ulan habang nagmamaneho si Noah patungo sa kan'yang rest house. Nadatnan ng binata ang mga gamit ni Allyson. Naka-impake at maayos itong isinalansan sa mismong harap ng kan'yang rest house. "Good thing Arfeo's gained back his senses. I should thank him for firing this young lady." Tatapikin pa sana ni Noah ang dalaga upang magising ngunit napako ang kan'yang paningin sa mala-anghel nitong mukha. Nakaramdam siya ng panghihinayang kung gigisingin pa niya si Allyson. "I guess I'll just have to carry her. Ang anghel kapag tulog, pero demonyita at maldita kapag gising." Maingat niyang inilapag si Allyson sa sofa. Balak na sana niyang iwan sa ganoong sitawasyon ang dalaga ngunit dinalaw siya ng kan'yang kunsensya. "I'm the master of this house and a master should sleep on a master's bedroom!" pangungumbinsi niya sa kan'y

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 5: The Predator's Prey

    Tumigil sa paglalakad ang binata. Nasa harap na sila ngayon ng elevator. Habang naghihintay dito, patuloy pa rin sa pag-iingay si Allyson. Bakas sa mukha niya ang inis at ang pagtitimpi sa bawat irit ng boses ng dalaga."I won't hit you again if you'll shut up. Fair enough, right?" malamig na bulon

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 4: The CFO's Collateral

    Sunod-sunod na kalabog ang gumising kay Allyson. Malakas ang pagpihit nito sa doorknob, para bang pilit itong binubuksan mula sa labas. Mabilis niyang hinablot ang gamit at nagtago sa loob ng C.R. Nanlamig ang dalaga habang sinipat ang cellphone—past ten na pala ng gabi. Oras na karaniwang dumarat

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 3: The Drugged Marshmallows

    Nabura ang kulay sa mukha ni Allyson nang marinig ang tinit ng malanding babaeng naghahanap kay Arfeo."Is that... Milley?!" halos hindi makapaniwalang bulong niya at sunod-sunod ang paglunok na nagawa nito dala ng anxiety.Naningkit ang mata ni Arfeo. "How the hell do you know her?"Nanlambot ang

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 1: The CEO's Stalking Duck

    Sa isang malamig at maluwang na opisina ay nagtipon-tipon ang ilang kababaihan. Mas abala pa ang mga ito sa tsismisan kaysa sa trabaho. "Nabalitaan n'yo na ba?" Isang mahinang pagtili ang narinig ng mga tao sa gitna ng grupo. Lumapit ang dalaga at pabulong-pero halos palahaw na-nagkuwento. "Se

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status