بيت / Romance / The Billionaire's Heartless Betrayal / Chapter 5: The Predator's Prey

مشاركة

Chapter 5: The Predator's Prey

مؤلف: SweetMisery
last update تاريخ النشر: 2026-03-23 12:05:19

Tumigil sa paglalakad ang binata. Nasa harap na sila ngayon ng elevator. Habang naghihintay dito, patuloy pa rin sa pag-iingay si Allyson. Bakas sa mukha niya ang inis at ang pagtitimpi sa bawat irit ng boses ng dalaga.

"I won't hit you again if you'll shut up. Fair enough, right?" malamig na bulong ni Noah.

Natahimik ang dalaga matapos marinig iyon. Hindi na siya nagreklamo o nagpumiglas, bagkus ay kumakabog na ang dibdib nito sa takot at inis.

What if someone sees us? Mapapatalsik na ba talaga ako for causing such disgrace in this company? I should probably lie low. - Allyson

Maayos na sana ang lahat at hindi na nagrereklamo si Allyson ngunit pagkapasok nila sa loob ng elevator, biglang sumakit ang tiyan ng dalaga.

"Ibaba mo ako!" mariing sigaw nito.

"Akala ko ba malinaw na sa'yo ang usapan natin? Gusto mo ba talagang ma-deform ang p'wet mo?" aniya, sabay higpit pa lalo ng hawak.

Muling nagmatigas si Allyson, halos mabaliw na siya sa pagpupumiglas. Ilang beses niyang hinampas ni Noah ngunit nanatiling mahigpit ang hawal ng binata sa kan'ya.

"Don't hate me for what's going to happen," bulong ng dalaga, at bago pa siya mapigilan, isang malutong na tunog ang narinig sa loob ng elevator.

Napangisi si Noah ngunit agad na napalitan iyon ng pagkasuklam. Para siyang nabilaukan sa amoy. "What the fuck was that?! Nasty!" mabilis niyang ibinaba si Allyson at tinakluban ang sariling ilong.

Pagkalabas nila ng elevator, muling tumalim ang mata ni Allyson. Tinaasan niya pa ng kilay ang binata. "Don't blame me. I told you to put me down, right?"

Suminghap si Noah ng hangin, wari'y naghahabol pa rin ng hininga. "Alam mo bang ikaw ang kauna-unahang babaeng umutot sa harap ko? Hindi lang 'yon! Malapit pa sa mukha ko!" naaasar ngunit natatawa pa ring sabi nito.

"Ilang taon ka bang hindi tumae?! Amoy imburnal ang utot mo!" pahabol pa nito bago mapatawa nang malakas.

Nagkrus ang mga braso ni Allyson. "Kaya nga utot, natural mabaho."

Bago pa tuluyang bumaba ang tensyon, isang malanding tinig ang pumukaw sa kanilang atensyon.

"Noah? Is that you?"

Agad na nag-iba ang ekspresyon ni Noah. Umasim ang mukha niya at halos sabayan ng kilay ang pag-angat ng boses.

"What do you want?"

Lumapit ang babaeng naka-mini dress, sabay pulupot ng braso kay Noah. "I want to go with you in Maria Grande De Lux. You still don't have a date, right? Alam kong ako lang ang makakatapat kay Milley."

Narinig ni Allyson ang seryosong usapan nila. Lalong bumilis ang pintig ng kan'yang puso-ito na ang tsansa niya. Mabilis ngunit maingat siyang gumalaw habang dahan-dahang inihahanda ang sariling pagtakas.

Tumaas ang tono ni Noah. "After rejecting my offer? I'm sorry, Lulu, but I already found one." Malamig at matigas ang pagtanggi ng binata, kahit halatang nilalamon ng landi ng babae ang kaniyang atensyon.

Hindi makapaniwala si Lulu. "Gusto mo bang makita? Siya 'yu-"

Napakunot ang noo ni Noah. Paglingon niya, wala na sa pwesto si Allyson. Nanlaki ang mata niya. "That brat! Where the hell did she go? Wala pa man din s'yang sapatos!"

Nahablot ni Lulu ang polo niya at pasigaw na nagtanong. "Bakit parang mas importante pa siya kaysa sa'kin? Ako ang unang inalok mo, tama?!"

"Kasi iba siya sa'yo." Galit na inalis ni Noah ang kamay ng babae, para bang nakahawak ito ng dumi.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang binata. Humahangos niyang tinakbo ang lobby. Wala siyang pakialam sa mga pagbati ng mga tao. Isa lang ang tumatakbo sa isip niya: mahahanap niya si Allyson.

"Guard! Huwag mong hayaang umalis ang kotseng 'yan!" sigaw niya nang makita ang isang taxi.

Mabilis na napigilan ang sasakyan. Ngunit nang buksan ni Noah ang pinto, agad siyang natigilan. Hindi si Allyson ang pasahero. Mabigat ang bawat hakbang niya pabalik sa loob ng building, kitang-kita sa mukha niya ang irita at pagkadismaya.

"Where could she be?"

Inikot niya ang lobby, restroom, kahit ang CCTV ay sinilip din ng binata. Ngunit malas-under maintenance. Napabuntong-hininga si Noah, saka marahas na napailing.

"Babalik ako bukas. Sisiguraduhin kong makukuha kita. No prey can run from a predator like me," huli niyang bulong bago umalis.

Mula sa ikalawang palapag, lihim na napabungisngis si Allyson. Kanina pa siya nagtatago, pinapanood ang bawat galaw ng binata.

Mabilis siyang nagtungo sa kan'yang cubicle, at nang makita ang dami ng trabahong iniwan sa kaniya, lalo siyang napuno ng determinasyon.

Inilipat niya ang mga papeles papunta sa opisina ni Arfeo. Mabuti na lang at sa pagpupumiglas kanina, naisingit niya ang sirang sapatos sa pinto-hindi ito nag-auto lock.

"I'll finish your work, then resign. Mawalan na ng trabaho, I don't care. I don't need your salary increase. I just want to prove myself... and make him regret."

Buong magdamag nagtrabaho si Allyson. Tiniis niya ang gutom, puyat, at pagod para matapos ang lahat ng iniwang papeles.

Alas tres na ng madaling araw nang mapatigil siya. Habang hawak ang resignation letter, pinipilit niya pang buksan ang kan'yang mata.

"Pirma na lang... bukas ko na pipirmahan. Sa harap niya mismo..." mahina niyang bulong.

At doon, tuluyan na siyang bumagsak sa mesa at mahimbing na natulog-habang sa labas, hindi pa alam ni Noah na ang kan'yang target ay naghahanda na pala sa muling pagtakas nito.

***

"Look at this gal," mahinang bulong ni Noah, ngunit ang boses nito ay parang kutsilyong dumudurog ng hangin habang lumalapit.

"Should've checked sooner... pero ngayon, sisiguraduhin kong wala ka nang matatakasan."

Yumuko siya, halos magdikit na ang ang kanyang mukha at ang mukha ni Allyson. Ang mga mata niya'y puno ng kuryosidad.

"Liit ng katawan mo, pero kaya mong magtahi ng ganito karaming report? Hmmm."

Kinuha niya ang isang papel at ngumisi. "Resignation letter. Alam mo ba kung gaano ka kahalaga kay Arfeo? You're his weapon. And I just disarmed him."

Nagising si Allyson mula sa pilipit na tulog, ramdam niya ang kirot sa batok at hinimas muna ito bago tuluyang imulat ang mga mata. Nang makita niyang binabantayan siya ng isang estranghero, nanigas ang kanyang dibdib.

Noah pressed a hand to her lips before she could scream. "Shhh... you breathe too loud. Nervous people are weak people. Don't be weak, chibi."

Hinila niya ang kamay nito. "Get off me! You're insane-"

Ngunit agad siyang binuhat ng lalaki. Nagpumiglas siya, halos mabali ang pulsohan ng dalaga sa pagpupumiglas.

"Shut it. I have never met someone with such an energy after pulling an all nighter. Maybe you're livelier in bed?" pabiro ngunit may pagbabantang anas ni Noah.

Halos wala pang tao sa gusali. Ang mga guwardiya ay nanatiling bulag, sanay na sila sa pang-aabuso ng mga may impluwensiya.

Ang kawalan ng saklolo ang nagpatumba sa loob ni Allyson-anumang sigaw ang gawin niya ay magbabalik lamang ng katahimikan. Unti-unti siyang bumigay, hanggang sa nanahimik na rin ang kan'yang mga hampas.

Sa parking lot siya ibinaba ni Noah. Itinulak siya ng binata palapit sa pinto ng passenger seat at pinuwersa.

"Don't you want revenge on your boss?" malamig na tanong nito, parang tukso't pang-uudyok sa kanyang takot.

Allyson's throat locked. Words strangled inside her. She whispered, "You don't know me."

"Then let me," bulong ni Noah. Lumalapit pa ito sa dalaga at halos idampi na ng binata ang labi sa kan'yang tainga.

Marahas siyang itinulak ni Allyson, ngunit hindi man lang natinag ang binata.

Tumawa siya nang mahina, isang tunog na mas malapit sa halakhak ng demonyo kaysa sa tao. Binuksan niya ang trunk at kumuha ng bagay na hindi makita ni Allyson.

"Where do you plan to take me?! You manipulative, power-tripping, lunatic!"

"Motel," mariin niyang sabi at isinara ang trunk nang malakas.

Nanigas ang dalaga.

Lumapit muli si Noah at nagbigay ng isang nakakaloko ang ngisi. "Don't worry. Pagkatapos, aayusan kita. Sa party, you'll shine-pero sa ilalim ng pangalan ko, hindi ng boss mong tanga."

Tumitig si Allyson, blangko ang ekpresyon nito at halos wala nang masabi. That silence-he drank it like wine. Biglang pinisil ng binata ang ilong ni Allyson.

"Aray!" sigaw ng babae, pero tinitigan lamang siya ng binata, malamig at hindi man lang natinag sa ginawang reklamo ng dalaga.

"Punishment," sagot nito sa isang mababang tinig. "You judged me. Never judge me."

Bago siya makagalaw, mabilis siyang pinosasan. "Ano 'to? Sex toys?!" desperadong sigaw ni Allyson. "You're disgusting-"

"You'll tear your skin if you keep pulling," sagot ni Noah, at mabilis na ngumisi. "But maybe scars will suit you."

Isinakay niya si Allyson at pinasok sa kotse. Ang mabilis na pag-andar ng sasakyan ay tila pumapalo sa kanyang dibdib. Halos mawalan ng kulay ang mukha ng dalaga dala ng kaba at takot sa bilis magmaneho ng binata.

"You're pale. Are you cold, or just terrified?"

Allyson's voice cracked but she forced her words out: "You kidnapped me. You touched me. You chained me. You think I'll survive this?"

Noah chuckled, isang tunog na masakit pakinggan. "Do you want to survive? That's the real question."

Tumahimik na lang si Allyson.

Nothing good will come out from talking to a lunatic. I just hope the other one doesn't show up or else I'll have to deal with two circus freaks. - Allyson

Nagsimulang magsalita si Noah, nagkukuwento tungkol sa kanyang pamilya, kanyang connections, kanyang mundo. Ang tinig niya ay parang kulungan na mas lalo lang lumiliit. Ngunit wala siyang nakuhang tugon-natulog si Allyson, pinagod ng takot.

"Chibi... we're here," bulong ni Noah, at saglit siyang tumitig sa mahimbing na mukha nito.

Ang kan'yang daliri ay halos humaplos sa pisngi ng babae, ngunit pinigilan niya ang kan'yang sarili. Ginigising niya ito, at sa pagbukas ng mata ni Allyson, nasampal siya nito ng mariin.

"What are you planning to do?!"

Nagulat si Noah, ngunit hindi siya umatras. Namula ang kanyang pisngi, pero hindi galit ang pumalit-kundi halakhak.

"You think you can wound me with that? Interesting."

Allyson demanded, "Saan mo ako dinala?"

"Mall. Best salon I know." Binuksan niya ang pinto.

Allyson's wrists lifted, the cuffs glinting under the dim lights. "If you don't take these off, I'll scream. May CCTV sa bawat sulok ng building na ‘to. Do you really think your perfect reputation can take that hit?"

Natigilan si Noah. Ang ngiti niyang nakakaloko ay dahan-dahang bumalik at mas nakakabahala ito kaysa sa dati.

"Finally. The real brain shows up. Not just a scared little doll." He leaned closer, eyes burning into hers. "But here's the problem, chibi... brains bore me. Fear doesn't."

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 23: The Black Coffee and Rice

    Walang salitang lumabas kay Allyson sa halip ay nagtungo siya sa kusina at naglabas ng dalawang tasa sa lamesa. Kinuha rin niya ang asukal at ang nakagarapong kape. Nagdaop ang dalawang bisig ng binata, kasabay nito ang pagtaas ng kan'yang dalawang makapal na kilay. "'Wag mong sabihing babaratin mo 'ko?" Napatawa na lamang siya nang magunita ang pagngising ginawa ng dalaga. "Barat ka nga. Isang kuripot na magaling." "Kung binigay mo lang kasi sa akin ang s'weldo ko nang mas maaga, 'di sana maiilibre kita? May-ari pa man din ng kumpanya. Sino kayang mas kuripot sa 'tin?" "I do not own that company. Presidente lang ang CEO. Gets mo? Presidente, hindi may-ari. Besides, 'yung HR n'yo ang tanungin mo. I have my hands full already. Pati sweldo ng emplayado responsibilidad ko pa rin?" Natawa ang dalaga sa ginawang pagsinghal ng binata. Lihim siyang napangisi sa mga gawing naipamalas ni Arfeo. Muli pa sanang bibirit ng isang hugot-kumpanyang litanya ang binata ngunit natigilan siya na

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 22: The Humbling of a CEO

    Natigilan si Arfeo sa banta ng dalaga. Tahimik na ipinagpatuloy ni Allyson ang kan'yang ginagawa. Isang malapad na ngisi ang ipinaskil ng kan'yang mga labi. Sapat ng ganti para kay Allyson ang pagpilit kay Arfeo na isuot ang babad sa tubig-taeng Melody-designed pink apron upang maging kapalit sa kan'yang paglilinis. Ilang minuto lamang ang binilang ni Allyson upang tuluyang maayos ang inidoro. No'n lamang niya na-realize ang kagimbal-gimbal na sitwasyon ni Arfeo. Pinihit niya ang kan'yang baywang upang maharap ang binata na nagmamasid lamang sa kan'ya. Kitang-kita sa kilos at nandidiring ekspresyon ng binata ang pagka-ilang mula sa kan'yang suot na apron. "Walang matinong sabon o shampoo sa bahay na 'to. If you plan to clean yourself, tubig lang ang mayro'n dito," anito at lumabas sa palikuran. Pigil na pigil ni Allyson ang kan'yang pagtawa mula sa blangkong ekspresyon ng binata matapos malaman ang tunay na sitwasyon. Mabilis na hinalungkat ng binata ang kan'yang dalang mga gami

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 21: The Boss in Pink Apron

    Tahimik na pinasok ng dalaga ang rest house at maingat na nilapitan ang lalaking nakasalampak sa sofa. Masinsin niyang tiningnan ang hubog ng lalaki. "I didn't expect to find a sleeping maid in Noah's house. Lumabas lang ako para humanap ng agahan, pagbalik ko isang bading na maid na ang nakita ko." Humigop ang dalaga ng mainit-init na taho na kan'yang binili sa kanto. "Ang cute pa man din ng pink apron na suot niya. Pero what's up with the mask? Siya kaya ang maglilinis ng C.R.?" Sinubukang tanggalin ng dalaga ang mask na suot ng lalaki. Dadais pa lang sana ang mga palad nito sa mask ng binata nang biglang magmulat ng mata ang lalaki. Sa gulat ng dalaga, nalaglag niya ang kan'yang taho sa mismong apron nito. "I'm sorry! Nagulat lang ako kaya - -" Biglang pinihit ng lalaki ang baywang ni Allyson at inilapit ito sa kan'ya. Isang halik ang agad na naibigay nito sa dalaga – halik na may nakapagitang mask sa kanilang mga labi. Pinilit ni Allyson na kumawala at bumitiw sa halik ng bin

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 20: The Bathroom Scandal

    Agad na namawis ang ilong ni Allyson. Hindi umepekto ang kan'yang ginawang pagtataray upang mapatigil ang kakulitan ng binata. "Secretary nga ba or sexetary?" sambit ni Ashley at inis na tinignan ang dalawa. Itinulak ni Allsyon ang matipunong katawan ng binatang nakapulupot sa kan'ya ngayon. "Who's the freak now? He's the freak and not me. Stop harassing me already! It's not funny, okay?" Padabog na nilayasan ng dalaga ang magkapatid. Sinundan lamang ng mga titig ni Noah ang patutunguhan ni Allyson. Tahimik nitong binaybay ang daan patungo sa Master's bedroom. "Wait! Don't - -" Balak pa sanang pigilan ng binata si Allyson sa pagpasok sa banyo ngunit pinigilan siya ng kan'yang kapatid. "Why would you forbid her to go to your bathroom? Kung naiinis siya and she wants to sulk then let her be!" iritableng bigkas nito ngunit ang mga mata naman ay natutuwa sa galak. "Noah!" Bumukas ang pinto ng banyo sa Master's bedroom. Hinablot ni Allyson ang braso ng binata at dinala ito sa

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 19: The Master's New Asset

    Hindi nagkamali ang binata sa kan'yang hinala. Paglapat na paglapat ng likod ni Allyson sa passenger's seat ay mahimbing itong nakatulog. Lumirit naman ang malakas na ulan habang nagmamaneho si Noah patungo sa kan'yang rest house. Nadatnan ng binata ang mga gamit ni Allyson. Naka-impake at maayos itong isinalansan sa mismong harap ng kan'yang rest house. "Good thing Arfeo's gained back his senses. I should thank him for firing this young lady." Tatapikin pa sana ni Noah ang dalaga upang magising ngunit napako ang kan'yang paningin sa mala-anghel nitong mukha. Nakaramdam siya ng panghihinayang kung gigisingin pa niya si Allyson. "I guess I'll just have to carry her. Ang anghel kapag tulog, pero demonyita at maldita kapag gising." Maingat niyang inilapag si Allyson sa sofa. Balak na sana niyang iwan sa ganoong sitawasyon ang dalaga ngunit dinalaw siya ng kan'yang kunsensya. "I'm the master of this house and a master should sleep on a master's bedroom!" pangungumbinsi niya sa kan'y

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 18: The Starless Wish

    Binuksan ni Noah ang bintana ng kotse upang hindi na talaga makaganti pa si Allyson. Malugod nilang tinanggap ang napakaraming pagkain. Natuwa naman ang binata nang makita na bumalik na ang dating sigla ng dalaga. Napili nilang mag-park sa mismong parking rin ng fast food chain upang hindi na sila mahirapan pang humanap ng p'westo. Sa gitna ng kanilang pagkain, may isinigit muling tanong si Noah. "Kaano-ano mo si Milley?" "Pinsan," tipid na tugon ni Allyson sabay ngasab sa malaking hamburger. Kinuha ni Noah ang fries at inalok pa ang dalaga saka muli nagtanong, "May titirhan ka ba ngayon?" Kumuha siya ng isang piraso at kinain ito. "Pinalayas nga, 'di ba? Natural walang titirhan," anas nito at hinablot ang fries na hawak ng binata. Doon na lamang binuhos ng dalaga ang kan'yang inis at mabilis na tinangkang ubusin ito. "May pera ka ba pang-arkila ng apartment?" Sinubukang magsalita ng dalaga sa kabila ng kan'yang bibig na punong-puno ng pagakain. "Uminom ka nga muna. Daig

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 14: The Forgotten Heiress

    Tatlumpung minuto na rin ang nakararaan magmula nang tawagan ni Arfeo ang number ni Noah. Nais niyang humingi ng tawad sa nagawang kabastusan sa babaeng kan'yang napaiyak at kumpirmahin kung tama ang kan'yang haka-haka. Sa kasamaang-palad, hindi sinasagot ng binata ang kan'yang telepono hanggang si

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 11: The Charity Case

    Hindi na umimik si Allyson mula noon. Nanaig ang katahimikan sa sasakyan. Malalim ang iniisip ng dalaga at ayaw pai-istorbo kaya't ipinikit na lang niya ang kan'yang mga mata.“Hey, wake up. We need to prepare for the party. Wake up already,” yugyog nito sa balikat ng dalaga matapos i-garahe ang ko

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 8: The Evil Dress

    Sa loob ng pulang kotse ay matatagpuan ang isang babaeng ubod nang kulit. Binuksan niya ang stereo at laking tuwa niya nang tumunog ang kantang Domino ni Jessie J. "I'm feeling sexy and free!" Isang buong gabing tinaguan at ninakaw ng dalaga ang pulang kotse ni Noah. Dalawang araw na siyang hindi

  • The Billionaire's Heartless Betrayal   Chapter 7: The Mercedes Theif

    Namutla ang dalaga. Tumikom ang kan’yang bibig at nanaig ang katahimikan hanggang makarating sila sa harap ng pulang kotse. Pagkababa kay Allyson ay ibingay agad ni Noah ang sheathed dress na kanina ay inabot din niya sa dalaga. "Isuot mo na, ta's do'n na tayo sa bahay kakain. D'yan ka na sa ko

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status