تسجيل الدخولWalang salitang lumabas kay Allyson sa halip ay nagtungo siya sa kusina at naglabas ng dalawang tasa sa lamesa. Kinuha rin niya ang asukal at ang nakagarapong kape. Nagdaop ang dalawang bisig ng binata, kasabay nito ang pagtaas ng kan'yang dalawang makapal na kilay. "'Wag mong sabihing babaratin mo 'ko?" Napatawa na lamang siya nang magunita ang pagngising ginawa ng dalaga. "Barat ka nga. Isang kuripot na magaling." "Kung binigay mo lang kasi sa akin ang s'weldo ko nang mas maaga, 'di sana maiilibre kita? May-ari pa man din ng kumpanya. Sino kayang mas kuripot sa 'tin?" "I do not own that company. Presidente lang ang CEO. Gets mo? Presidente, hindi may-ari. Besides, 'yung HR n'yo ang tanungin mo. I have my hands full already. Pati sweldo ng emplayado responsibilidad ko pa rin?" Natawa ang dalaga sa ginawang pagsinghal ng binata. Lihim siyang napangisi sa mga gawing naipamalas ni Arfeo. Muli pa sanang bibirit ng isang hugot-kumpanyang litanya ang binata ngunit natigilan siya na
Natigilan si Arfeo sa banta ng dalaga. Tahimik na ipinagpatuloy ni Allyson ang kan'yang ginagawa. Isang malapad na ngisi ang ipinaskil ng kan'yang mga labi. Sapat ng ganti para kay Allyson ang pagpilit kay Arfeo na isuot ang babad sa tubig-taeng Melody-designed pink apron upang maging kapalit sa kan'yang paglilinis. Ilang minuto lamang ang binilang ni Allyson upang tuluyang maayos ang inidoro. No'n lamang niya na-realize ang kagimbal-gimbal na sitwasyon ni Arfeo. Pinihit niya ang kan'yang baywang upang maharap ang binata na nagmamasid lamang sa kan'ya. Kitang-kita sa kilos at nandidiring ekspresyon ng binata ang pagka-ilang mula sa kan'yang suot na apron. "Walang matinong sabon o shampoo sa bahay na 'to. If you plan to clean yourself, tubig lang ang mayro'n dito," anito at lumabas sa palikuran. Pigil na pigil ni Allyson ang kan'yang pagtawa mula sa blangkong ekspresyon ng binata matapos malaman ang tunay na sitwasyon. Mabilis na hinalungkat ng binata ang kan'yang dalang mga gami
Tahimik na pinasok ng dalaga ang rest house at maingat na nilapitan ang lalaking nakasalampak sa sofa. Masinsin niyang tiningnan ang hubog ng lalaki. "I didn't expect to find a sleeping maid in Noah's house. Lumabas lang ako para humanap ng agahan, pagbalik ko isang bading na maid na ang nakita ko." Humigop ang dalaga ng mainit-init na taho na kan'yang binili sa kanto. "Ang cute pa man din ng pink apron na suot niya. Pero what's up with the mask? Siya kaya ang maglilinis ng C.R.?" Sinubukang tanggalin ng dalaga ang mask na suot ng lalaki. Dadais pa lang sana ang mga palad nito sa mask ng binata nang biglang magmulat ng mata ang lalaki. Sa gulat ng dalaga, nalaglag niya ang kan'yang taho sa mismong apron nito. "I'm sorry! Nagulat lang ako kaya - -" Biglang pinihit ng lalaki ang baywang ni Allyson at inilapit ito sa kan'ya. Isang halik ang agad na naibigay nito sa dalaga – halik na may nakapagitang mask sa kanilang mga labi. Pinilit ni Allyson na kumawala at bumitiw sa halik ng bin
Agad na namawis ang ilong ni Allyson. Hindi umepekto ang kan'yang ginawang pagtataray upang mapatigil ang kakulitan ng binata. "Secretary nga ba or sexetary?" sambit ni Ashley at inis na tinignan ang dalawa. Itinulak ni Allsyon ang matipunong katawan ng binatang nakapulupot sa kan'ya ngayon. "Who's the freak now? He's the freak and not me. Stop harassing me already! It's not funny, okay?" Padabog na nilayasan ng dalaga ang magkapatid. Sinundan lamang ng mga titig ni Noah ang patutunguhan ni Allyson. Tahimik nitong binaybay ang daan patungo sa Master's bedroom. "Wait! Don't - -" Balak pa sanang pigilan ng binata si Allyson sa pagpasok sa banyo ngunit pinigilan siya ng kan'yang kapatid. "Why would you forbid her to go to your bathroom? Kung naiinis siya and she wants to sulk then let her be!" iritableng bigkas nito ngunit ang mga mata naman ay natutuwa sa galak. "Noah!" Bumukas ang pinto ng banyo sa Master's bedroom. Hinablot ni Allyson ang braso ng binata at dinala ito sa
Hindi nagkamali ang binata sa kan'yang hinala. Paglapat na paglapat ng likod ni Allyson sa passenger's seat ay mahimbing itong nakatulog. Lumirit naman ang malakas na ulan habang nagmamaneho si Noah patungo sa kan'yang rest house. Nadatnan ng binata ang mga gamit ni Allyson. Naka-impake at maayos itong isinalansan sa mismong harap ng kan'yang rest house. "Good thing Arfeo's gained back his senses. I should thank him for firing this young lady." Tatapikin pa sana ni Noah ang dalaga upang magising ngunit napako ang kan'yang paningin sa mala-anghel nitong mukha. Nakaramdam siya ng panghihinayang kung gigisingin pa niya si Allyson. "I guess I'll just have to carry her. Ang anghel kapag tulog, pero demonyita at maldita kapag gising." Maingat niyang inilapag si Allyson sa sofa. Balak na sana niyang iwan sa ganoong sitawasyon ang dalaga ngunit dinalaw siya ng kan'yang kunsensya. "I'm the master of this house and a master should sleep on a master's bedroom!" pangungumbinsi niya sa kan'y
Binuksan ni Noah ang bintana ng kotse upang hindi na talaga makaganti pa si Allyson. Malugod nilang tinanggap ang napakaraming pagkain. Natuwa naman ang binata nang makita na bumalik na ang dating sigla ng dalaga. Napili nilang mag-park sa mismong parking rin ng fast food chain upang hindi na sila mahirapan pang humanap ng p'westo. Sa gitna ng kanilang pagkain, may isinigit muling tanong si Noah. "Kaano-ano mo si Milley?" "Pinsan," tipid na tugon ni Allyson sabay ngasab sa malaking hamburger. Kinuha ni Noah ang fries at inalok pa ang dalaga saka muli nagtanong, "May titirhan ka ba ngayon?" Kumuha siya ng isang piraso at kinain ito. "Pinalayas nga, 'di ba? Natural walang titirhan," anas nito at hinablot ang fries na hawak ng binata. Doon na lamang binuhos ng dalaga ang kan'yang inis at mabilis na tinangkang ubusin ito. "May pera ka ba pang-arkila ng apartment?" Sinubukang magsalita ng dalaga sa kabila ng kan'yang bibig na punong-puno ng pagakain. "Uminom ka nga muna. Daig
Hindi na umimik si Allyson mula noon. Nanaig ang katahimikan sa sasakyan. Malalim ang iniisip ng dalaga at ayaw pai-istorbo kaya't ipinikit na lang niya ang kan'yang mga mata.“Hey, wake up. We need to prepare for the party. Wake up already,” yugyog nito sa balikat ng dalaga matapos i-garahe ang ko
Namutla ang dalaga. Tumikom ang kan’yang bibig at nanaig ang katahimikan hanggang makarating sila sa harap ng pulang kotse. Pagkababa kay Allyson ay ibingay agad ni Noah ang sheathed dress na kanina ay inabot din niya sa dalaga. "Isuot mo na, ta's do'n na tayo sa bahay kakain. D'yan ka na sa ko
Sa loob ng pulang kotse ay matatagpuan ang isang babaeng ubod nang kulit. Binuksan niya ang stereo at laking tuwa niya nang tumunog ang kantang Domino ni Jessie J. "I'm feeling sexy and free!" Isang buong gabing tinaguan at ninakaw ng dalaga ang pulang kotse ni Noah. Dalawang araw na siyang hindi
Tatlumpung minuto na rin ang nakararaan magmula nang tawagan ni Arfeo ang number ni Noah. Nais niyang humingi ng tawad sa nagawang kabastusan sa babaeng kan'yang napaiyak at kumpirmahin kung tama ang kan'yang haka-haka. Sa kasamaang-palad, hindi sinasagot ng binata ang kan'yang telepono hanggang si







