Share

Kabanata 4

Penulis: Kreine
last update Tanggal publikasi: 2025-12-27 21:45:53

Heislee Jean Velasco’s Point of View

Nalaglag ang aking panga nang matagpuan ko ang aking sarili na nakasunod sa kaniya papunta sa parking lot.

Ni wala nga akong maalala na pumayag akong samahan siya sa kung saan man siya pupunta, eh. Kaya medyo nakagugulat. Hindi ko ‘to inaasahan.

Ang nakapagtataka pa ay hindi man lang ako umangal, at nagpatianod na lang sa kaniya.

Nang makarating kami sa gilid ng kaniyang sasakyan—sa may passenger seat ay pinagbuksan niya ako ng pinto.

‘Yon naman ang naging dahilan para dahan-dahan akong mapalingon sa kaniya nang may pagtataka sa aking mukha.

“Hibang ka na ba?” nalilito kong tanong sa kaniya.

Alam kong puwede naman akong tumanggi. Kaya lang ay hindi ko magawa, dahil sa gulat. Isa pa, sa dinami-dami ng puwede kong sabihin, bakit naman ganoon? Baka dala na rin ng emosyon.

Umarko lang ang kilay niya sa aking sinabi. Parang nagtataka, o naiinis, dahil nagawa ko pang magtanong nang ganoon.

“Bakit mo naman ako isinasama kung hindi naman ako pumayag?”

“You didn’t reject my offer—”

“Kasi basta mo na lang akong hinila!”

Umiling lamang siya, at binitawan ang aking siko. Lumapat ang kaniyang mainit na kamay sa aking baywang na nagpanindig ng aking balahibo.

Ramdam ko rin ang pagkatigil ng pagtibok ng aking puso, at ang paninigas ko sa aking kinatatayuan, dahil sa gulat.

“Let’s end that shit and hop in. Don’t make me repeat myself if you don’t want to regret it,” he whispered as he guided me to enter his car.

Kinagat ko ang aking ibabang labi, at napahugot na lamang nang malalim na hininga nang maisara na niya ang pinto.

Problemado akong napahawak sa aking ulo lalo na nang maramdaman ko ang kaniyang presensya nang buksan naman niya ang pinto sa driver seat.

Kahit tahimik lang siya, hindi ko alam kung bakit tila napipikon ako na nahihiya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko and at the same time, para akong nababaliw na hindi mapakali.

“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya, dahil hindi ko talaga siya maintindihan.

Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili, dahil bakit ba ang lakas ng kabog ng aking puso?!

“I don’t know. Depende sa kung saan ko gusto.”

Napahilamos na lang ako ng aking mukha, at inis na binalingan siya. Tingin ba niya ay nakipagbibiruan ako?!

“Seryoso ka na sa sagot mo?”

“What do you think?” walang emosyon nitong tanong, habang nagmamaneho.

Natawa na lamang ako nang pagak, dahil nagmumukha siyang arogante sa paningin ko.

Magmula nang hamunin ko siya nang hindi sinasadya na makipagkarera sa akin, ramdam ko na ang pagiging arogante nito. Hindi naman ako nagkamali kalaunan. Kaya umigting na lang ang aking panga.

Imbis na sumagot, pinili ko na lamang tumingin sa bintana, habang nakahalukipkip.

Kung titingnan ko ‘tong lalaking ‘to, baka mas lalo lang masira ang araw ko, kahit sirang-sira na talaga.

Nang mapansin kong iba na ang tinatahak naming daan, natauhan ako. Bakit parang hindi ako pamilyar sa pinupuntahan namin?

“Where are we going?” tanong ko sa kaniya, dahil hindi talaga ako sigurado kung saan kami papunta.

Sa totoo lang ay hindi ko naman alam ang lugar na ‘to, dahil hindi pa naman talaga ako nakapunta rito. Maaalala ko naman kung nagpunta na ako rito kasi magiging pamilyar talaga. Pero ngayon, hindi talaga.

Hindi siya sumagot. Kaya naman tumalim ang aking mga mata, habang nakatitig sa kaniya.

Sa kabila ng pagtalim ng aking mga mata, nanatili siyang kalmado. Though, mabigat talaga ang awra niya, pero kung ikukumpara kanina nang sundan niya ako, magaan ‘to.

Hindi nga rin ako kinakabahan, eh. Marahil ay dala na rin ng emosyon ko, dahil parang kidnap na ang nangyari.

Kahit pa sabihing sumama ako sa kaniya, hinila naman niya ako. Ni hindi ko man lang magawang makawala sa kaniyang pagkahahawak sa akin, dahil sa sobrang gulat.

Iba pala talaga kapag sa personal, ano? Kapag ako na mismo ang nakararanas.

Kapag kasi nagbibigay ka lamang ng advice, parang sobrang dali. Kaya lang ay hindi pala. Parang hindi mo magawang makapag-isip nang maayos.

Parang nakalimutan ko ang lahat, dahil sa pagkabigla. Ni hindi ko nga kayang magsalita kanina, at umabot pa nang ilang minuto bago ako makapag-react.

Tapos ‘tong kasama ko ngayon na hindi ko man lang kilala, kalmado pa rin?

“Saan mo ba ako dadalhin, at kailangang sumama pa ako sa ‘yo? Hindi naman tayo magkakilala!” singhal ko nang hindi ko na mapigilan ang emosyon ko.

Ramdam ko ang pagpintig ng aking puso. Sobrang bilis, dahil hinahabol ko na mismo ang aking hininga.

Naiiyak na rin ako. Hindi ko nga lang malaman kung dahil ba sa inis, o takot.

“I don’t even fucking know your name—”

“Darius Slate Ventura,” he said when he interrupted me.

Napakurap naman ako, at tila hindi alam ang sasabihin. Sa dinami-dami kong sinabi, ‘yon lang ang tanging sinagot niya.

“That’s my name.”

What the fuck?

Natawa naman ako nang pagak. Napailing, at napahawak ng aking ulo, dahil parang sumakit yata ‘yon.

Nanatili ang kaniyang mga mata sa harapan. Gamit ang kaniyang kanang kamay, hawak niya ang manibela. ‘Yong kaliwang kamay naman niya nasa kaniyang baba, at nakapatong ang kaniyang siko sa bandang bintana.

Seeing him like this makes me want to kick his ass. Paano ba siya nagiging kalmado sa ganitong sitwasyon, habang ako ay halos sumabog na sa inis?

“I don’t freaking care whoever you are! I’m just trying to explain to you that we don’t even know each other yet you dragged me to sit here!” I hissed, but he just glanced at me for a second before turning his attention again in our front. “This is clearly kidnapping!”

“You should shut your mouth before it’s too late, miss,” he groaned. “I’m trying my best not to fucking crashed my lips on your lips. But if you keep on testing my patience, I might reach my limit.”

What?

Tama ba ang pagkarinig ko, o sadyang nabingi lang ako? Parang mali kasi ang pagkarinig ko, eh. Ni hindi ko alam kung sadyang sarado na ang isip ko, dahil parang hindi na maproseso ng utak ko ang nangyayari.

“So, if you don’t want me to reach my limit, you better follow what I said.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire’s Irresistible Desire   Kabanata 104

    Heislee Jean Velasco’s Point of View “Wala pa kaming planong patayin ‘tong mga ‘to. Gusto muna namin silang pahirapan.”Doon ako napatango. Bukod sa isa nga naman ‘to sa mga nanakit sa kaniyang mga magulang, alam nila ang kanilang ginagawa.“Ibaba niyo ang mga baril niyo!” sigaw ng lalaki, at sinamahan pa nang malakas na halakhak. “Gusto niyo talagang magtawag ako ng mga pulis?”Nakatatawa lang, dahil siya pa ang may ganang magtawag ng mga pulis kung gayon na mafia siya, at mas marami siyang nagawang illegal. Ngunit kung sabagay nga naman, kaya nga naman nilang hawakan ang kanilang mga leeg kung gugustuhin nila.Ngunit kilala ko naman sina Darius. Hindi naman sila matatakot sa mga ‘to. Malabong mangyari, dahil kagaya nila, malakas din ang kanilang koneksyon ngayon. Marami rin silang tauhan, at kayang-kaya nilang makipagsabayan sa kanilang mga kalaban.Gusto nila ang hustisya. Kaya kung galit ang mga ‘to, mas galit ang mga kasama ko.Nakarinig ako ng putok ng baril. Kaya napatakip na

  • The Billionaire’s Irresistible Desire   Kabanata 103

    Heislee Jean Velasco’s Point of View “Darius,” tawag ko sa kaniyang pangalan.May nauna na ring pumasok ngayon sa event hall, habang kami ni Darius ngayon ay nasa labas lamang.“Hmm?”Napasulyap ako sa hawak niyang baril nang lumingon siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pagiging malambing niya sa akin ngayon, parang natatakot pa rin ako.Alam ko naman na sanay na sila sa ganito, pero hindi ko ap rin naman kasi talaga maiwasang matakot, eh. Siguro ay dahil alam kong hindi healthy ang ganitong environment sa kanila.May mga trauma sila, at alam kong hindi nakabubuti sa kanila ang mga ganito, kahit pa alam ko naman ang rason.“Ipangako mo sa akin na walang mangyayaring masama sa ‘yo,” sambit ko, habang nakatingin ngayon sa kaniyang mga mata. “Dapat wala kang sugat.”He pursed his lips. Nakita ko rin ang pagkislap ng kaniyang mga mata, pero nanatili lang akong nakatitig sa kaniya. Hindi nagsasalita.“Mangako ka sa akin, Darius.”Lumapit naman siya sa akin, at hinalikan ka

  • The Billionaire’s Irresistible Desire   Kabanata 102

    Heislee Jean Velasco’s Point of View “I found him,” bulong ni Darius sa aking tabi.Biglang naging alerto ang lahat, habang ako naman ay hindi ko alam kung dapat ba akong mabahala lalo na nang umayos ang lahat ng kanilang upo.Tumayo si Darius. Kaya napatayo rin ako. Napalingon tuloy siya sa akin nang salubong ang kaniyang mga kilay, pero hilaw lang akong ngumiti sa kaniya.Hindi ako puwedeng magpaiwan dito kung alam ko naman na susundan niya ang lalaking ‘yon. Alam ko naman na mas ligtas ako kung nandito ako kasama ng kaniyang mga kapatid. Pero hindi ko naman siya puwedeng iwan na lang nang basta-basta.“Sama ako,” saad ko naman sa kaniya.Mahina lang ang pagkasabi ko roon, pero kung sakali man na nakabukas ang microphone niya, alam kong narinig ng mga kasama niya ‘yon.“Love…”Kumapit lang ako sa kaniyang braso, dahil ayaw ko rin naman talagang maiwan. Wala lang siyang nagawa sa huli, dahil mapilit ako.Kaya habang nandito kami ngayon sa hallway, minsan ay napalilingon ako sa aking

  • The Billionaire’s Irresistible Desire   Kabanata 101

    Heislee Jean Velasco’s Point of View Kagaya nga ng sinabi ni Darius, nagpatawag talaga siya ng medics para sa akin. Hindi ko maiwasang makaramdam nang hiya lalo pa’t may napatitingin sa aming gawi ang iba pang mga bisita.Although, hindi naman halata na nurse nga ‘tong lumapit sa akin, at sinusuri ako, pero parang gusto ko pa ring magpakain ngayon sa lupa.“Hindi naman kasi kailangan—”“I saw what happened. Tingin mo hindi ko papansinin ‘yon?” sagot niya sa akin.Kinagat ko na lamang ang aking ibabang labi, pero napasulyap lamang siya roon. Kaya mabilis kong inilihis ang aking mga mata.“Are you okay?” tanong sa akin ni Jasmine, at halata ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. “Hindi na ba talaga masakit ang likod mo? Masama ang pagkakatama ng likod mo sa dingding kanina.”Ngumiti lang ako nang tipid sa kaniya.Sa katunayan ay hindi ako makapaniwala na nagawa kong saksakin ang balikat ng gagong ‘yon. Nanginginig lang ako kanina, pero nagawa kong sugurin ang lalaking ‘yon. Ni hindi ko m

  • The Billionaire’s Irresistible Desire   Kabanata 100

    Heislee Jean Velasco’s Point of View Nagmadali kaming maglakad patungo sa dulo ng hallway. Doon nanggagaling ang boses, at habang palapit kami nang palapit doon, kumakabog nang malakas ang aking puso.“Tingin mo ay may tutulong sa ‘yo?”Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. She’s fighting for her life. Ni hindi ko man lang ‘yon masikmura lalo na’t lalaki ang nagsasalita, at ang malala pa ay parang may katandaan din ‘to.“Walang makakarinig sa ‘yo rito. Kahit sumigaw ka pa nang sumigaw, hindi ka nila maririnig.”Akala yata ng lalaking ‘to ay walang pupunta sa powder room. Hindi nag-iisip. Alam na may event dito, tapos sasabihin niya ang bagay na ‘yon?Pagkarating namin sa doon, nakita naming pilit niyang itinataas ang damit ng waitress kanina.Magulo ang kaniyang buhok, at higit sa lahat ay umiiyak na ‘to, at nagmamakaawa sa matandang lalaki.Nang sulyapan ko ang kaniyang mukha, siya ‘yong lalaking nangbastos sa akin kanina.Ang gagong ‘to! Talagang utak manyakis?!Mabilis kong ina

  • The Billionaire’s Irresistible Desire   Kabanata 99

    Heislee Jean Velasco’s Point of View “Powder room muna ako,” paalam ko kay Darius.Lumingon naman siya kaagad sa akin, at nagtangkang tumayo, pero umiling lamang ako sa kaniya.“Dito ka na lang.”“What?” gulantang na tanong niya, pero ngumiti lamang ako nang matamis sa kaniya.“May mga tauhan naman kayo rito, hindi ba?” tanong ko sa kaniya.Alam ko ring napalingon na ang kaniyang mga kasama sa aming gawi, pero hindi ako lumingon sa kanila. Bagkus ay inabot ko pa ang kaniyang pisngi, at hinaplos ‘to.“Saglit lang naman ako.”“Love, it’s dangerous,” angal nito, pero umiling lang talaga ako. “Sasama ako.”“Darius, it’s fine. May mga tauhan naman kayo rito. Kapag kasi sumama ka, baka hindi niyo mahanap ‘yon,” paalala ko sa kaniya.Kaya nga sila nandito ngayon, dahil sa mission nila. Kung sasama siya sa akin, hindi ba ay parang makagugulo lang ako sa mission niya?Alam ko naman na ginagawa lang niya ‘to para protektahan ako, pero hindi ‘to ang tamang oras para sumunod siya sa akin.Hahana

  • The Billionaire’s Irresistible Desire   Kabanata 1

    Heislee Jean Velasco’s Point of View “You’re soaking wet, woman.” I groaned when I felt his finger on my clit, teasing me. Napatingala ako nang bumaba ang halik niya sa aking leeg. His tongue was twirling on my neck. And when I didn’t create a seductive noise, he suddenly bit my neck just to hear

  • The Billionaire’s Irresistible Desire   Kabanata 7

    Heislee Jean Velasco’s Point of ViewAno ba kasi ang iniisip ko? Gusto kong sabunutan ang sarili ko, dahil sa narinig ko, pero mas nangingibabaw kasi ang hiyang nararamdaman ko.Kung bakit ba naman kasi kung anu-ano ang iniisip ko, at hindi na lang siya tinanong, hindi ba?Ano ang napala ko ngayon?

  • The Billionaire’s Irresistible Desire   Kabanata 5

    Heislee Jean Velasco’s Point of ViewPagdating namin sa isang mansion, nalaglag ang aking panga sa pagkabigla. Ilang beses pa akong napakurap, dahil kahit hindi ko na ‘to tanungin, may sagot nang namuo sa aking isipan.Bahay niya ‘to.Kaya lang ay bakit naman niya ako dadalhin sa bahay niya? Kagaya

  • The Billionaire’s Irresistible Desire   Kabanata 3

    Heislee Jean Velasco’s Point of View“What the actual fuck?” gulantang kong sambit, habang nakatitig sa kaniyang mga mata, at bahagyang nanglaki ang aking mga mata.Ipinilig lamang niya ang kaniyang ulo nang marinig niya ang aking sinabi. Mas inilapit nga niya ang kaniyang mukha sa akin. Tila hindi

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status